Oh, ayan na. Nagbabalik update na. Jusko, limang araw lang nag-absent dahil namahinga lang ang author, nag-iinaso agad kayo. Wala na po bang karapatang magpahinga ang mga author. Sa huling limang araw ng buwan, pahinga ko 'yun kaya dapat masanay na kayo, ha. Salamat and godbless you all.
Misha’s POVHuminga ako nang malalim, pilit na iniisip kung paano ko masisiguro na walang masamang mangyayari rito. Alam kong may kabutihan din si Teff, meron nga ba? ngunit madalas natatabunan iyon ng mga kalokohan niya. Kasi naman, sa dinami-rami ng mga resort, bakit dito pa? Saka, paano niya nalaman ito? Nakakainis pa rito ay talagang bulgaran na ang pagkakita niya sa malaki kong tiyan. Marahil, ito ang dahilan kung bakit hindi ko rin kayang tuluyang tanggihan si Teff. Mainam na rin sigurong makipagmabutihan ako sa kaniya? Dapat nga ba?“So, you’re saying… no drugs, no chaos, just a normal birthday party?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya ng diretso.“Exactly,” he said, flashing a grin that was both mischievous and hopeful. “I promise. Just give me a chance to prove that I’m not all bad.”Hindi ko alam kung bakit, pero may bahagi ng puso ko na naniwala sa kanya, kahit na may pagdududa pa rin sa isip ko. Alam ko, kailangan kong magdesisyon na ngayon. Kasi mukhang kailangan na n
Misha’s POVNakahiga kami ni Everett sa kama ng bahay namin, parehas na pagod mula sa kani-kaniyang trabaho. Ramdam ko ang bigat ng araw, pero kahit gaano kami ka-busy, lagi kaming may oras para mag-usap tuwing gabi. Ganito na ang routine namin simula nang magdesisyon kaming magsama. Minsan nasa manisyon niya kami pero madalas ay dito sa bahay namin. Pareho kaming may mga responsibilidad na mahirap talikuran, ngunit sa kabila ng lahat, laging may lugar ang isa’t isa sa mga puso namin.Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nakatitig kami sa kisame. Ramdam ko ang init ng katawan niya at iyon ang nagbibigay ng kaunting ginhawa sa mga naipong pagod sa araw-araw. Ilang sandali kaming tahimik, parehas na nagpapahinga ang isip at katawan pero may isang bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.“Everett,” pabulong kong sabi habang bahagyang iniangat ang ulo ko upang tingnan siya.“Hmm?” tugon niya habang nakapikit pa rin pero alam kong gising at handa siyang makinig.“Alam na
Everett’s POVPagdating ko sa farm nila Misha, malayo pa lang ay natanaw ko na ang malawak na mga taniman ng mangga, palay at iba pang mga pananim. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng mga ibon at ang banayad na pagaspas ng hangin. Hindi ko alam kung paano magsisimula ng pag-uusap kay Conrad, pero kailangan kong gawin ito. Para kay Misha.Sa totoo lang, hindi naging maganda ang unang pagkikita namin ni Conrad. Nagsimula iyon sa pagkaka-selos ko dahil alam kong kababata siya ni Misha. Palagi silang magkasama noong bata pa sila at may mga naririnig akong kuwento na parang walang ibang mundo si Misha noong wala pa ako. Ewan ko ba, kahit hindi ko gusto ang nararamdaman ko, parang masyadong malapit si Conrad sa kaniya, lalo na nung malaman kong kakabalik-bayan lang nito. Actually, hindi ko pa noon naiintindihan ang nararamdaman ko kay Misha. Siguro, dahil na lang kay Conrad, kaya ko napagtantong nahuhulog na rin talaga ako kay Misha, kasi nagseselos ako kapag nalalaman kong nakikipagki
Everett’s POV“Pag-usapan natin ang about kay Misha,” deretsahan kong sabi. Gusto ko nang tapusin ang awkwardness sa pagitan namin. “Alam kong hindi naging maganda ang mga nangyari sa atin dati. Hindi rin naman ako proud sa mga nagawa ko. I know I’ve been unfair to you, and I wanted to apologize.”Huminto si Conrad sa ginagawa niya at tumingin sa akin. “You were jealous of me. That much was clear.”Huminga ako nang malalim. “Yes, I was. I was wrong. I just… I didn’t know what to think back then. You’ve known Misha longer than I have, and it felt like… well, it felt like I couldn’t compare.”Natahimik si Conrad saglit. Nakikita ko sa mga mata niya na sinusukat niya ang bawat salita ko. Hindi ako sigurado kung matatanggap niya ang paghingi ko ng tawad, pero handa akong gawin ang lahat para maayos ito.“Everett, I’ve been friends with Misha since we were kids,” sabi niya. “But that doesn’t mean I have feelings for her beyond that. I never did.”Alam kong totoo ang sinasabi niya. Pero min
Misha’s POVNakatitig ako sa puting kisame ng aking silid. Ilang oras na akong nakahiga rito, maghapong nakapirme at pakiramdam ko ay para akong ibon sa hawla, walang kalayaan. Sawa na rin ako sa mukha ni Ate Ada, ni mama at papa. Gusto kong pumunta sa resort ko, magkape sa labas, mag-shopping at galain si Jaye. Ang gagang ‘yon, busy na rin sa pinapatayo niyang pizza-han. Sabagay, ganoon naman talaga. Kapag tumatanda, kailangan na rin talagang mag-invest para lumago nang lumago ang pera.Hindi ko na mabilang kung ilang araw ko nang ginagawa ito—ang magkulong, umiwas, magtago mula sa mga taong galit sa amin ni Everett. Sina Rei, Teff, Eff, Tita Maloi, at Tito Gerald—lahat sila, nagpaplano kung paano kami masisira ni Everett. Kung paano mapipigilan ang pag-claim ni Everett sa mga mana niya. At dahil dito, parang ako ay nalulunod sa takot at pangamba. Kasi naman, bakit kaya pinahirapan pa ng papa niya itong si Everett. Tama siya, bakit sa dinami-rami ng taong pagkakatiwalaan nito, doon p
Misha’s POVTumawa siya nang mahina, sabay tingin nang direkta sa mga mata ko. “Ngayon na malapit na tayong magpakasal.”Halos tumalon ang puso ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niyang safe na ako o dahil sa nabanggit niyang kasal, pero lahat ng takot at pangamba ay nawala nang bigla. “Totoo? Magpapakasal na tayo?”Tumango siya. “Oo. Kaya hindi ako papayag na mangyari sa’yo ang kahit ano. You deserve nothing but peace and happiness, Misha. Kaya sa farm ka muna. Doon ka magiging ligtas kasama ng magiging baby natin. And when everything’s settled, magpapakasal na tayo.”Hindi ko napigilan ang luha ng saya na pumuno sa aking mga mata. Alam ko na mahal ako ni Everett, pero naramdaman ko ngayon ang lalim ng pagmamahal niya. Ginagawa niya ang lahat para protektahan ako, para siguraduhing ligtas ako sa mga taong gustong saktan ako at ang pamilya ko.“Everett,” bulong ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko, “wala akong ibang hiling kundi ang makasama ka habang-buhay.”N
Misha’s POVHabang nakaupo ako sa harap ng kubo namin, hindi ko namalayang ilang oras na pala akong nakatingin lang sa malayo. Para akong natutulala habang pinagmamasdan ang mga tanim namin sa malawak na farm. Nasa isip ko kasi ang napakaraming bagay—saan kami ikakasal ni Everett? Saan ang venue? Anong date ang kasal? May engagement kaya? At sa tuwing maiisip ko na magiging asawa ko ang isa sa pinaka mayaman sa Pilipinas, kinikilig ako kasi alam kong sureball nang maganda ang kinabukasan ng mga anak namin.Nahinto ako sa pag-iisip nang bigla na lang akong makarinig ng yabag ng mga paa. Tumigil ito sa harap ko at nang tignan ko, nakita ko si Conrad. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.“Uy, tulala ka na naman, Misha. Anong iniisip mo? Tara, mag-harvest na lang tayo ng gulay. Para makapagpakulo na tayo mamaya ng ulam,” alok niya na may pilyong ngiti sa labi.“Ha? Bakit? Ano na naman bang trip mo ngayon, Conrad?” tanong ko habang tumayo na mula sa pagkakaupo.“Baka lang kasi
Misha’s POV“Oops. Sorry, chef!” sabay pulot ko sa mga sibuyas at bawang, pero naramdaman ko agad ang tingin ni Conrad sa akin habang napapailing.“Hindi mo ba alam ang five-second rule? Puwede pa ‘yan!” pabiro niyang sabi sabay tawa. “Pero ‘wag mo nang gamitin ‘yan, please. Mamaya mag-reklamo ka pa.”Sa mga ganitong simpleng bagay, natatawa na lang kami pareho. Parang bumalik kami sa mga oras na mga bata pa kami, naglalaro sa bakuran, walang pakialam sa oras o mga problema.Habang patuloy ang kanyang pagpe-prepare ng ingredients, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-focus sa ginagawa niya. Para bang bawat paghiwa niya ng gulay ay may ritmo. Nang magprito na siya ng bawang at sibuyas, narinig ko ang tunog ng sizzling sa kawali.“Nandito ang magic, Misha,” sabi niya habang hinuhulog ang mga gulay sa kawali na para bang ginagawa niya ito buong buhay niya. “Dapat ‘wag mong i-overcook ang mga gulay. Dapat tama lang ang pagkakagisa para lumabas ‘yung natural na lasa nila."“Ang d
Ada POVMalalim na ang gabi nang lapitan ako ni Mama Franceska sa veranda ng aming mansiyon. Tahimik siyang umupo sa tabi ko, hawak ang isang tasang mainit na tsaa. Ilang sandali siyang hindi nagsalita, tanging ang malamig na hangin lamang ang naririnig ko kasama ang paglagaslas ng fountain sa may garden sa ibaba.“Ada, anak,” malumanay niyang simula habang seryosong nakatingin sa akin. “Gusto kong ako ang gumawa ng bouquet mo sa kasal mo.”Nagulat ako sa sinabi niya pero agad akong napangiti kasi alam kong magaling siya sa pag-aayos ng mga bulaklak. “Talaga, Mama? Gusto mo?” tanong ko habang nakangiti ng husto sa kaniya.Tumango siya. “Oo, anak. Gusto kong ako mismo ang mag-arrange ng mga bulaklak na hahawakan mo sa araw ng kasal mo. Gusto kong makita sa araw ng mismong kasal mo na ako ang gumawa ng bulaklak na dala-dala mo sa altar.”Napakasaya talaga ng mayroong ganitong mama. Simula talaga nung malaman kong siya ang tunay kong mama, walang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin n
Ada POVHalos alas dos na ng madaling-araw nang makita kong umaandar papasok ng mansyon ang lumang sasakyang inarkila nila Mishon para sa paghahanap kay Miro at Raya. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko ang antok at pagod. Tumakbo agad ako palabas at hindi na inalintana ang lamig ng gabi, para salubungin sila.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, unang lumabas si Mishon. Pagod na pagod ang itsura niya, may ilang galos at sugat sa braso, pero buhay. Buhay siya. Buhay silang lahat. Kaya maluha-luha ako sa tuwa.“Miro’s okay,” bulong niya sa akin gaya lalo nang gumaan ang mabigat na nararamdaman ko sa dibdib ko, pero ramdam ko ang bigat ng pinagdaanan niya. Napaluha ako sa tuwa.“Thank God…” Pumatak ang mga luha ko kahit hindi ko gusto. Hinawakan ko ang mukha niya, tinignan ko kung may malalang pinsala, pero ang mga mata niya ang unang nakahuli ng atensyon ko. Pagod, halos maiyak ako lalo kasi ang dungis niya at mukhang nasaktan pa rin siya sa naging labanan nila. Masakit makita sa ganitong istu
Mishon POVUmiiyak ang impostor, nagmamakaawa sa aming dalawa ni Raya na sana ay pakawalan na lang siya o ipakulong kaysa patayin. Marami pa raw siyang gusto gawin sa buhay niya kaya sana ay buhayin siya. Kitang-kita sa mata nito ang luha na halos bumabaha sa pisngi niya.“What do you want me to do with her, Mishon?” tanong niya na bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatingin sa akin.Napatingin ako sa impostor—sa babaeng halos niloko ako nang buong-buo. Dapat siguro galit ako, dapat nasisiyahan akong makitang siya naman ang nasa alanganin, pero ang totoo, wala akong nararamdaman kundi awa na lang. Kasi ang pera sa akin ay balewala lang, pero ang buhay, hindi ito matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera.Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Let her go. Put her in jail. Do whatever you want, just let her live. She’s still human, after all.”Saglit na katahimikan ang nangyari sa buong villa. Tapos, biglang tumawa nang malakas si Raya. Pero hindi ito tawa ng tuwa—kundi tawa ng pang
Mishon POVPagkapasok namin sa loob ng villa, tinignan ko ang mga kasama kong sina Marco at Edric. Mga sugatan na, madungis, pawisan at duguan. Gusto ko sanang ayain na silang umatras na muna, kaya lang ayaw nung dalawa, nasa loob na raw kami kaya bakit pa aatras?Ang tatapang nila, tapang na nawala sa akin kasi sila lang naman ang iniisip ko. Sa dami ng kalaban namin, tapos tatlo lang kami, naisip kong mamamatay kami rito ng walang laban.Pagdating doon, agad kaming sinalubong ng hindi bababa sa sampung malalaking lalaki na armado na may hawak pang tig-dadalawang baril. Mabilis akong napalingon kina Marco at Edric, kapwa sugatan ngunit matibay pa rin ang tindig. Pero sa sitwasyong ito, ramdam ko ang tensyon sa ere. Kung susumahin, malabo kaming makalabas ng buhay.“Sabi na e, dapat umatras na muna tayo,” bulong ko sa dalawang kasama ko.“Shit!” tanging nasabi nalang ni Marco.“Mukhang hindi ka na ata maikakasal pa,” sabi naman ni Edric na nakuha pang magbiro.“Ang titigas kasi ng mga
Mishon POVSa sandaling makapasok kami sa loob ng villa, mas matinding panganib ang sumalubong sa amin doon. Hindi lang lima o sampu ang mga kalaban, higit pa sa bente ata. Lahat sila ay armado, may dalang matataas na kalibre ng baril. Wala kaming ibang magagawa kundi maghiwa-hiwalay para mapababa ang tiyansa ng agarang pagkalagas. Agad kaming tumakbo sa magkakaibang direksyon, gamit ang anino at paligid bilang pananggalang.Si Edric ang unang sumabak sa matinding bakbakan. Pumasok siya sa isang silid na tila opisina, pero doon nag-aabang ang tatlong kalaban. Wala siyang dalang armas kundi ang kutsilyong nakuha niya sa isa sa mga napatay naming bantay kanina.Nanuod lang muna ako, para sakaling kailangan niya ng back up ay saka ako tatakbo palapit sa kaniya.“Come at me,” malamig niyang sabi na hindi man lang nababahala.Hindi nagpatumpik-tumpik ang mga kalaban. Isa sa kanila ang bumunot ng baril at pinaputukan si Edric, pero nagpagulong siya sa sahig, mabilis na iniwasan ang bala. Sa
Ada POVNakatayo ako sa terrace ng mansiyon ng bahay namin dito sa Pilipinas, nakatingin sa madilim na langit na punung-puno ng mga bituin. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi iyon sapat para palamigin ang nag-aalab kong kaba sa dibdib ko.Ilang oras na ang lumipas, pero wala pa ring balita tungkol kina Mishon, Edric at Marco. Alam kong delikado ang misyon nila ngayong gabi, pero wala akong magawa kundi maghintay at magdasal.Pero sana kasi nagsama sila ng mga pulis para mapanatag ako, kaya lang ang alam ko, lumakad sila ng sarili nila.Simula kaninang hapon ay nandito na ako sa kuwarto namin ni Mishon, hindi na ako bumaba kasi nahihilo ako sa tuwing naiisip kong nasa panganib sina Mishon at Miro. Ina-anxiety ako, para akong masusuka palagi. Natatakot din ako na baka kung anong mangyari sa baby namin ni Mishon kaya nanatili na lang ako dito sa kuwarto ko. Uminom na rin ako ng gamot para mawala ang nararamdaman kong ito. Gamot ito na puwede sa akin na binigay ng Ob-gyn ko.Narinig
Mishon POVDala ang lumang sasakyan na inarkila namin ulit, tinahak namin ang hindi pamilyar na daan patungo sa lugar na sinabi ng pulis. Ilang oras na kaming nagmamaneho, sinusuyod ang bawat kalsadang dinaanan ng puting van na nakita sa CCTV footage.Halos inabot na nga kami ng dilim sa daan. Pinangako naming hindi kami uuwi ng hindi kasama ang dalawa kaya pinanindigan namin ito.Sa loob ng sasakyan, tahimik kaming tatlo, ako, si Edric at si Marco. Alam kong pare-pareho kaming kinakabahan, pero hindi namin pinapahalata sa isa’t isa. Mas lalo akong nag-aalala kay Miro. Bata pa siya. Hindi niya deserve ‘to.“You think they’re okay?” tanong ni Marco na nakatingin sa akin mula sa passenger seat.I swallowed hard. “They have to be.”Pagkatapos ng tanong na iyon ay tahimik ulit kami. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng makina ng sasakyan at ang madalang na paghinga namin.Nang makarating kami sa isang makipot na kalsada, napansin namin na paliko-liko na ito at papasok sa isang masuk
Mishon POVSa gitna ng lahat ng kaguluhan, napansin kong tila lalong na-stress ang fiance kong si Ada. Hindi ko siya masisisi, buntis siya at sa kabila ng kaniyang kondisyon, hindi niya maiwasang mag-alala para kay Miro. Alam kong mahal na rin niya ang bata, kahit pa hindi niya ito tunay na kadugo o anak. Ako man, kahit hindi ko nagawang panindigan noon si Raya at ang anak namin, hindi ko rin kayang balewalain si Miro ngayon. Mahal ko siya. Gusto kong protektahan siya. At kahit na lang alam kong gumawa ng mali si Raya, guso ko rin naman na maligtas siya.Pero, hindi ko maalis sa isip ko ang paninisi ni Raya. Na kung hindi sana ako nangialam ay hindi sana magkakagulo. Kung hindi ko ginawa iyon, maayos pa sana kaya ang lahat?Nakahawak si Ada sa tiyan niya habang nakaupo sa sofa. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong malalim ang iniisip niya. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “Ada, please. You need to take it easy. You’re carrying our child. I promise, we’ll find Miro.”Nag-anga
Mishon POVPinakiramdaman ko ang paligid habang papalapit kami sa bahay ni Raya. Tahimik ang kalye, tila walang anumang nangyari, ngunit sa sandaling kumatok kami sa pinto, isang kapitbahay ang lumapit sa amin."Hinahanap niyo si Raya?" tanong ng isang matandang babae na mukhang tsismosa sa lugar na iyon."Opo, alam niyo po ba kung nasaan siya?" sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Umaasa kasi akong makukuha ko si Miro ngayong araw. Para mapanatag na ang loob ko."Kahapon pa sila umalis. Ang dami nilang bitbit na gamit, parang hindi na babalik." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi ko alam kung paano ko ipoproseso ang narinig ko. Doon palang, alam kong mahihirapan akong makuha lalo si Miro."May kasama ba sila? May mga lalaking bumisita ba sa kanila?" singit ni Marco."Meron, pero hindi niya ata mga kaibigan. May mga armadong lalaki na pumasok sa bahay nila. Galit na galit, pinagsisira ang gamit sa loob. Pagkatapos noon, hindi na namin nakita si Raya at ang an