Misha’s POVPuno ng mga sasakyan ang paligid ng mall nang kami ay dumating ni Ate Ada. Inihinto ng driver namin ang sasakyan sa tapat ng grocery entrance. Mas mabilis kasi agad kaming nakapasok sa mall ni Ate Ada. Medyo mabigat ang pakiramdam ko—hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Everett sa gagawin kong cake para sa kanya. First time ko siyang igagawa ng ganoon kaya’t pinilit kong huwag magpakita ng kaba kay Ate Ada.“Ano bang plano mo sa Sabado, hija?” tanong ni Ate Ada habang isinusuksok ang bag sa braso ko. Kilala ko na ang tono niyang iyon, pinipilit niya lang akong pakalmahin.“Magbe-bake kami ni Everett. Hindi ba sabi ko sa’yo, ita-try namin ‘yung strawberry cake na gusto niyang matikman?” Siyempre, gusto kong magpakitang gilas sa ibang bagay kay Everett. Para naman makita niyang marami rin akong kayang gawin sa buhay ko.“Ah, kaya pala dinala mo ako rito. Sige, tara na at nang makapamili na tayo.”Sumunod ako kay Ate Ada habang pumasok kami sa loob ng grocery
Misha’s POV“Ano, bakit ka gumagawa ng eskandalo? Gusto mo bang makulong? Hindi mo kilala kung sino ang babaeng binabangga mo?” pananakot pa ni Teff sa babaeng ‘yon.“Ah, eh, k-kasi?” Humina ang boses niya. “Pasensya na... sige na, sa kaniya na ‘yan.” Bahagya siyang umatras, parang natauhan sa paninigaw ni Teff sa kaniya.“Kilala kita, staff kita sa isang business ko, bago pa ako tuluyang magalit, umalis ka na.” Hindi nagpatumpik-tumpik si Teff sa pagtaboy sa kaniya.Habang papaalis ang babae, isa-isa na ring umalis ang mga taong nanunuod sa amin. Hindi ako makapaniwala na mismong si Teff ang magtanggol sa akin. Para kasing hindi ito normal para sa kanya, lalo na’t ang pagkakakilala ko sa kanya ay palaging puno ng ere at may sariling mundo.“Salamat, Teff,” mahina kong sabi nang tuluyan nang makaalis ang babae.Ngumiti siya sa akin—ngiti na may halong sarkasmo at tila may pinaplano. “Huwag mo nang isipin iyon. Wala akong balak na pabayaan ang pinsan ko, lalo na sa mga ganitong bagay.”
Misha’s POVSabado na. Excited akong gumising dahil sa wakas, ito na ang araw na gagawa kami ng cake ni Everett. Matagal ko nang gustong subukan ang strawberry cake at noong huli kaming mag-usap, napag-usapan namin na subukan na lang namin itong gawin mismo. Nasa kusina na ako, naka-apron na may maliit na print ng mga bulaklak, habang inaayos ko ang mga gamit para sa aming pagluluto.Maya maya pa ay dumating na siya, sumilip si Everett sa kusina. Nakangiti siya, suot ang paborito niyang polo shirt, mukhang handang-handa na sa aming baking-baking-an.“Good morning, Misha! Ready ka na ba sa ating cake experiment?” tanong niya nang lapitan ako. Napakabango nitong lalaking mapapangasawa ko. Napakaguwapo pa, wet look pa siya kaya mas hot siyang tignan ngayon.“Oo naman!” sagot ko habang nag-aayos na ng mga sangkap sa lamesa. “Alam mo, ‘yung strawberries na binili ko sa mall, mukhang perfect na para dito.”Tumingin si Everett sa akin na may halong pagtataka. “Bakit kaya strawberries ang gust
Misha’s POVNakaupo ako sa opisina ko, tanaw mula sa bintana ang malawak na swimming pool ng resort ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang malinis na tubig, kuminang ito sa ilalim ng sikat ng araw. Pakiramdam ko, nagsisipag pa lalo ang mga tagalinis ng resort ko kasi araw-araw, sobrang linis palagi ng kahit anong lugar dito sa resort, ang gagaling ng mga staff na nakuha ko.Mabuti na lang at payag pa rin si Everett na mag-office-office-an ako dito sa resort. Kahit ang totoo ay ayaw na niya, kumuha nalang muna raw ako ng ibang hahawak nito habang pinapalaki ko ang tiyan ko. Kaya lang sinabi ko sa kaniya na ang boring ang sa bahay kapag nandoon ako. Ang ending, nandito rin si Ate Ada, nakabantay sa akin at handa akong pagsilbihan anumang oras. Kumbaga, si Ate Ada ang taga-report kay Everett ng mga nagaganap sa akin. Pero, siyempre, dahil close na kami, kapag may mali pa rin akong nagagawa, pinagtatakpan pa rin niya ako. Ayaw niya rin kasi na nag-aaway kami ni Everett.
Misha’s POVHuminga ako nang malalim, pilit na iniisip kung paano ko masisiguro na walang masamang mangyayari rito. Alam kong may kabutihan din si Teff, meron nga ba? ngunit madalas natatabunan iyon ng mga kalokohan niya. Kasi naman, sa dinami-rami ng mga resort, bakit dito pa? Saka, paano niya nalaman ito? Nakakainis pa rito ay talagang bulgaran na ang pagkakita niya sa malaki kong tiyan. Marahil, ito ang dahilan kung bakit hindi ko rin kayang tuluyang tanggihan si Teff. Mainam na rin sigurong makipagmabutihan ako sa kaniya? Dapat nga ba?“So, you’re saying… no drugs, no chaos, just a normal birthday party?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya ng diretso.“Exactly,” he said, flashing a grin that was both mischievous and hopeful. “I promise. Just give me a chance to prove that I’m not all bad.”Hindi ko alam kung bakit, pero may bahagi ng puso ko na naniwala sa kanya, kahit na may pagdududa pa rin sa isip ko. Alam ko, kailangan kong magdesisyon na ngayon. Kasi mukhang kailangan na n
Misha’s POVNakahiga kami ni Everett sa kama ng bahay namin, parehas na pagod mula sa kani-kaniyang trabaho. Ramdam ko ang bigat ng araw, pero kahit gaano kami ka-busy, lagi kaming may oras para mag-usap tuwing gabi. Ganito na ang routine namin simula nang magdesisyon kaming magsama. Minsan nasa manisyon niya kami pero madalas ay dito sa bahay namin. Pareho kaming may mga responsibilidad na mahirap talikuran, ngunit sa kabila ng lahat, laging may lugar ang isa’t isa sa mga puso namin.Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nakatitig kami sa kisame. Ramdam ko ang init ng katawan niya at iyon ang nagbibigay ng kaunting ginhawa sa mga naipong pagod sa araw-araw. Ilang sandali kaming tahimik, parehas na nagpapahinga ang isip at katawan pero may isang bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.“Everett,” pabulong kong sabi habang bahagyang iniangat ang ulo ko upang tingnan siya.“Hmm?” tugon niya habang nakapikit pa rin pero alam kong gising at handa siyang makinig.“Alam na
Everett’s POVPagdating ko sa farm nila Misha, malayo pa lang ay natanaw ko na ang malawak na mga taniman ng mangga, palay at iba pang mga pananim. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng mga ibon at ang banayad na pagaspas ng hangin. Hindi ko alam kung paano magsisimula ng pag-uusap kay Conrad, pero kailangan kong gawin ito. Para kay Misha.Sa totoo lang, hindi naging maganda ang unang pagkikita namin ni Conrad. Nagsimula iyon sa pagkaka-selos ko dahil alam kong kababata siya ni Misha. Palagi silang magkasama noong bata pa sila at may mga naririnig akong kuwento na parang walang ibang mundo si Misha noong wala pa ako. Ewan ko ba, kahit hindi ko gusto ang nararamdaman ko, parang masyadong malapit si Conrad sa kaniya, lalo na nung malaman kong kakabalik-bayan lang nito. Actually, hindi ko pa noon naiintindihan ang nararamdaman ko kay Misha. Siguro, dahil na lang kay Conrad, kaya ko napagtantong nahuhulog na rin talaga ako kay Misha, kasi nagseselos ako kapag nalalaman kong nakikipagki
Everett’s POV“Pag-usapan natin ang about kay Misha,” deretsahan kong sabi. Gusto ko nang tapusin ang awkwardness sa pagitan namin. “Alam kong hindi naging maganda ang mga nangyari sa atin dati. Hindi rin naman ako proud sa mga nagawa ko. I know I’ve been unfair to you, and I wanted to apologize.”Huminto si Conrad sa ginagawa niya at tumingin sa akin. “You were jealous of me. That much was clear.”Huminga ako nang malalim. “Yes, I was. I was wrong. I just… I didn’t know what to think back then. You’ve known Misha longer than I have, and it felt like… well, it felt like I couldn’t compare.”Natahimik si Conrad saglit. Nakikita ko sa mga mata niya na sinusukat niya ang bawat salita ko. Hindi ako sigurado kung matatanggap niya ang paghingi ko ng tawad, pero handa akong gawin ang lahat para maayos ito.“Everett, I’ve been friends with Misha since we were kids,” sabi niya. “But that doesn’t mean I have feelings for her beyond that. I never did.”Alam kong totoo ang sinasabi niya. Pero min
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Everisha’s POvPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, naisip kong diretso na sana ako sa bahay para makapagpahinga dahil ang daming meeting na nangyari ngayon. Pero hindi iyon ang nangyari. Biglang nag-text si Marco sa akin, pinapapunta niya ako sa mansiyon niya.“Everisha, I need you to come over,” sabi niya sa mensahe. “Let’s have dinner. I need to tell you something important, and I know you don’t fully trust me yet. But after tonight, you will.”Nag-alangan ako. Bagama’t marami na siyang nasabi tungkol sa impostor ni Czedric, hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga motibo niya. Pero isang bahagi ko ang nagsasabing pumunta ako—baka may nalalaman nga siya na makakatulong kina Czedric.Pagdating ko sa bahay ni Marco, sinalubong niya ako sa pinto. Sa unang tingin pa lang, halata nang seryoso siya sa usapan.“Let’s eat first,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa dining room. “Then I’ll tell you everything you need to know.”Impyernes, napalaki ang mga mata ko sa dami ng ma
Czedric’s POVMagdamag akong hindi mapakali matapos kong aralin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Marco. Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa pagsisiyasat: saan siya nakatira, ano ang pinagkakakitaan niya ngayon at kung anong yaman na ang nakuha niya sa impostor ko. Pero may isang bagay na hindi ko mawari—walang negosyo si Marco. Sa kabila ng lahat, ang bahay niya ay tila mas lumaki at naging isang engrandeng mansyon pa. Hindi gaya nila Jeric, Mark Joseph at Jonas na halos may kani-kaniyang kompanya na. Natatanging si Marco lang ang parang napag-iwanan.Ngayon, ako na ang gagawa ng hakbang. Kasama ko si Tita Marie at siya mismo ang nag-alok na sumama sa akin.Parang bihasang assassin na rin kasi ngayon si Tita Marie. Sa kanila, natatangi ang galing niya sa lahat ng labanan at sa kung paano siya gumamit ng mga sandata.“Marco is dangerous, Czedric,” sabi niya habang binabasa ang isang mapa ng mansyon. “He’s not just a man with secrets. He’s an assassin. You can’t do this alone.”“K
Everisha’s POVNanlalata akong nagising habang ang ulo ko ay parang mabigat na bato habang sinusubukan kong idilat ang mga mata ko. Nang tuluyan akong magkamalay, napansin kong nasa loob ako ng kotse. Malamig ang paligid at ang amoy ng bagong linis na kotse ang unang bumungad sa akin.Nasa likod ako ng sasakyan, nakahiga sa upuang may malambot na unan. Napaupo ako, hawak-hawak ang ulo ko habang iniisip kung anong nangyari.Paano ako napunta rito? Nasaan si ang impostor na si Reagan?Habang ang kaba ko ay unti-unting bumabalot sa akin, sinilip ko ang driver’s seat. Ang nagmamaneho ay isang lalaking hindi ko agad nakilala. Ang akala ko ay si Reagan iyon—ang impostor ni Czedric.Galit na galit akong bumangon at agad na sinugod ang lalaking hayop na ‘to. Pinaghahampas ko siya sa balikat habang sumisigaw. “What did you do to me?!” sigaw ko. “Let me out of here!”“Stop it, Everisha!” sabi niya habang pilit akong nilalayo sa sarili niya. “I’m not who you think I am!”Hindi ko siya pinakingg
Everisha’s POVPagod ako mula sa trabaho nang araw na iyon. Hapon na at pauwi na ako mula sa opisina, pilit na nilalabanan ang antok habang nagmamaneho.Nang malapit na ako sa subdivision namin, napatigil ako nang makita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Pero bago pa ako makaisip ng kung ano, bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang pamilyar na mukha—ang impostor ni Czedric.Anong ginagawa niya rito? Ewan ko ba pero ayoko na. Ayaw nila papa at Czedric na lumalapit ako sa kaniya kaya hindi na talaga. Ayoko na kasi baka nga mapahamak pa ako sa taong ‘to.“Everisha,” tawag niya sa akin. “Join me. Let’s have merienda at the resort.”Ayokong pumayag. Alam kong delikado ang bawat paglapit ko sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam ko rin na baka may makuha ulit akong impormasyon, tulad ng nakuha ko dati. Kaya, kahit mabigat ang loob ko, tumango ako. At pinapangako kong last na talaga ‘to.Tahimik ang biy
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Everisha’s POVTahimik kong pinagmasdan ang paligid habang naglalakad papunta sa isang five-star resort na dati ay pagmamay-ari ng pamilya ni Czedric. Nakakapanghinayang. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda pa rin ang pamamalakad dito. Ang malalaking puno ng palm, ang maaliwalas na tanawin ng dagat at ang tila walang katapusang luntiang hardin—lahat iyon ay parang buhay na testamento ng kayamanan at tagumpay ng pamilya Borromeo. Ngunit ngayon, nasa kamay na ito ng impostor ni Czedric.Nang makarating ako sa entrance, sinalubong ako ng isang pamilyar na tao. Ang impostor. Grabe, kahit saan talaga tignan ay magkamukha sila ng mukha. Pati laki ng katawan magkamukha. Mas malaki na nga lang ngayon ang katawan ng totoong Czedric.“Everisha,” bati niya sa akin habang ang ngiti niya ay tila mapagpakumbaba ngunit may halong yabang. “Welcome to my resort. I hope you like what you see.”“I do,” sagot ko habang pinipilit magpakaswal kahit na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin.
Everisha’s POVPauwi na ako mula sa engrandeng fashion show na iyon. Ang mga ilaw, ang runway at ang misteryosong boses ni Czedric—lahat iyon ay parang panaginip na hindi ko pa gustong matapos. Pero kailangan ko nang umuwi dahil tapos na ang event.Habang naglalakad ako patungo sa parking area ng hotel, inaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Halata masyado si Czedric na nakatitig sa akin kanina habang kumakanta. Bakit kaya? Ah, siguro dahil nagulat siya na nakita niyang maganda ang ayos ko ngayon. Sabagay, first time niya akong makita na ganoon kaganda."Miss Everisha, your car is waiting," sabi ng valet habang iniabot ang susi. Tumango ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.Bigla akong napatigil. May isang pamilyar na mukha ang lumabas mula sa dilim ng parking lot.Oh shït! Hindi ako puwedeng magkamali. Si Czedric ito na impostor. Bakit ko nalaman na impostor, well, hindi kasi nagtatanggal ng maskara si Czedric sa ganitonh public na lugar. "Good evening," bati niya,