Misha’s POVBago pa kami tuluyang lamunin ng drama sa eksena namin, biglang dumating ang host para simulan ang mga games sa pool area. Nag-set up kami ng giant inflatable obstacle course sa gitna ng pool at ang saya ng mga tao habang pinapanood ang bawat kalahok na nahuhulog sa tubig.Nakakainis lang kasi ngayon pa nagkasakit ang gagang si Jaye. Hindi niya tuloy nakita ang masayang opening ng resort ko.“Let’s join!” sabi ko kay Everett hinila ko siya papunta sa starting line.“Seriously?” natatawa niyang tanong pero sumunod pa rin siya.“Come on, let’s have fun! This is my day, remember?”Tawa lang siya nang tawa habang nag-aabang kami sa turn namin. Nang kami na ang sumalang, todo sigaw ako habang tinatawid ang mga inflatable. Tumatawa naman si Everett habang pilit niyang hinahabol ako.Nang mag-slide ako sa dulo, bigla akong nahulog sa tubig. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao at tawa ni Everett habang lumalangoy siya papunta sa akin.“Okay ka lang?” tanong niya habang tumatawa.“Ok
Everett’s POVMula sa pinakamataas na palapag ng gusali ko, tanaw ko ang buong city. Glass walls, luxury furniture at ang tila walang katapusang view ng mga naglalakihang gusali—lahat ng ito ay isang patunay ng tagumpay na inabot ng pamilya namin sa industriya ng luxury cars. Ngunit kahit gaano kaganda ang paligid, hindi maalis sa akin ang bigat na nararamdaman ko. May mali. At sa dami ng iniisip ko, hindi ko na alam kung saan magsisimula.Isang katok sa pinto ang nagpagising sa akin mula sa malalim na pag-iisip.“Sir Everett, the board meeting will start in fifteen minutes,” paalala ng aking assistant. Tumango lang ako at ngumiti. Alam kong may mahalagang pag-uusapan sa meeting na ‘to. Hindi ko pa man alam ang buong detalye, pero ang impormasyong nakuha ko kaninang umaga ay sapat na para magduda ako.Pagpasok ko sa conference room, naroon na si Tito Gerald kasama ang ilang board members. Mula nang mamatay ang papa ko, si Tito Gerald muna ang pansamantalang CEO. Siya ang hahawak sa la
Everett’s POVPag-alis ko sa opisina ni Tito Gerald, parang gumuho ang mundo ko. Loyalty sa pamilya? O sa kumpanya? Kung totoo ang mga sinabi niya, paano ko ‘to haharapin? Alam kong mahalaga ang pamilya, pero hindi puwedeng sirain namin ang kumpanya para lang pagtakpan ang mga kasalanan ng isa.Lumabas ako ng building at nag-drive papunta sa condo. Kailangan kong mapag-isa at makapag-isip nang maayos. Pagkarating ko, agad kong tinanggal ang tie at naupo sa sofa. Dala ko pa rin ang tablet na ibinigay ng assistant ko kanina. Binuksan ko ulit ang mga files. This is not just a small problem. This could destroy everything.Naalala ko ang mga panahon kung kailan nag-uusap kami ni Papa tungkol sa kumpanya. Kung gaano siya ka-proud na ako na ang susunod na hahawak ng kumpanya namin. Gusto kong itanong sa kaniya, may mga bagay bang hindi ko alam? Na si Tito Gerald ang nagtatago ng lahat ng ito? Napaka-imposible.Ilang araw na akong walang tulog. Kailangan kong gumawa ng desisyon. Tinawagan ko
Misha’s POVPagkarating ko sa bahay ni Everett mula sa pinuntahan kong meeting mall, ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko. Pero nang makita ko siyang nakaupo sa sofa, tila naglaho lahat ng nararamdaman kong pagod. Tumayo siya at mabilis akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Ramdam ko agad ang init ng katawan niya, ang pag-aalala.“Kamusta ang pag-iikot mo sa mall?” tanong niya habang nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang natanggap kong balita kanina.“Okay naman,” sagot ko habang pilit na ngumiti kahit may bumabagabag sa akin. Naramdaman niya yata ang pag-aalinlangan ko kaya bigla niya akong hinawakan sa balikat at tinitigan nang mataman.“May problema ba, Misha?” tanong niya habang puno ng pag-aalala ang mukha niya. Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Alam kong kailangan kong sabihin ang totoo.“May nalaman ako kanina,” panimula ko habang iniwasan ang titig niya. “Sinuspinde mo ang tito mo sa pagiging CEO sa kompanya.” Bumigat ang dibdib ko
Misha’s POVPagdating namin sa Tagaytay, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Pinili ni Everett ang isang restaurant na may magandang tanawin ng Taal Lake. Tahimik, payapa at tila naglalaho ang lahat ng alalahanin sa bawat hagod ng hangin sa mga balat namin.“Nagustuhan mo ba dito?” tanong niya habang tinutulungan akong umupo sa mesa. Ang sweet talaga niya, hindi niya hinahayaan na ako ang gumalaw ng sarili ko lang.“Oo, sobrang ganda,” sagot ko habang tinitigan ko siya nang matagal. “Pero, ikaw talaga, gumastos ka naman. Yung huling gastos mo sa swimming pool resort ko, grabe na. Hindi ba’t sabi ko na tipid muna?”“Ginagawa ko ‘to dahil gusto kitang maging mapasaya, Misha. Hindi pera ang mahalaga sa akin, ikaw. Saka, hello, Everett Tani, magtitipid. Bilyonaryo ‘tong mapapangasawa mo, Misha. Hindi tayo dapat magtipid.” Tumayo siya at lumapit sa akin habang hinaplos ang buhok ko. “Kailangan mo ng pahinga at hindi lang iyon mula sa trabaho mo sa swimming pool resort mo k
Misha’s POV“Hindi totoo ‘to… Ayaw kong maniwala…” Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa screen ng laptop. Nasa harap ko ang viral post tungkol swimming pool resort ko. Iba’t ibang litrato ng swimming pool at mga kuwarto, lahat ay puno ng mga mapanirang komento. Malibag daw ang tubig ng mga pool, madumi raw ang mga kuwarto. Pero sa mga araw na nakaraan lang, sinigurado kong malinis ang lahat. Paano ito nangyari?Ramdam ko ang mabigat na galit at takot na bumibigat sa dibdib ko, pero pilit ko itong pinapakalma. Hindi ako puwedeng magpa-apekto nang ganito. Buntis ako at alam kong nararamdaman din ng anak namin ni Everett ang bawat pintig ng emosyon ko. Pero ang hirap. Parang gusto ko na lang umiyak at mawala sa mundong ito kahit sandali lang. Napatakip ako sa bibig ko, pinipigilan ang pagsabog ng mga hikbi ko.Napansin agad ni Everett ang pagbabago ng mukha ko. Nakaupo siya sa tabi ko, inaalalayan ang likod ko habang hinihintay ang kahit na anong salita mula sa akin.“Misha, anong
Misha’s POV“Si Rei.”Halos manlambot ako sa gulat. Si Rei, ang pinsan na naman ni Everett. Ang taong nagtatago sa likod ng masayahing mukha, pero malalim ang galit sa amin, lalo na kay Everett.“Pero bakit? Bakit niya gagawin ‘to sa atin? Bakit palagi siyang nanggugulo?”“Jealousy, inggit at galit.” Napatigil si Everett habang pinagmamasdan ako. “Mish, alam mo namang matagal nang may problema si Rei. Siya ang nagpakalat ng mga larawan, pero hindi siya nag-iisa. May mga tauhan siyang binayaran para sadyang dumihan ang mga pool at mga kuwarto bago nila kunan ng litrato.”Doon na tuluyang bumuhos ang luha ko. Parang may mabigat na batong nawala sa dibdib ko, pero may kapalit na sakit. “Ang resort ko, ang pangarap ko…”“Lilinisin natin lahat ‘to. Hindi tayo papatalo sa ganitong klaseng tao.”Umiling ako at pinahid ang mga luha. Sigurado akong lagot na naman si Rei sa pinsan niya. Iba pa naman gumanti si Everett kapag alam niyang mga pinsan niya ang nangugulo.“Gagawa tayo ng hakbang para
Misha’s POVPuno ng mga sasakyan ang paligid ng mall nang kami ay dumating ni Ate Ada. Inihinto ng driver namin ang sasakyan sa tapat ng grocery entrance. Mas mabilis kasi agad kaming nakapasok sa mall ni Ate Ada. Medyo mabigat ang pakiramdam ko—hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Everett sa gagawin kong cake para sa kanya. First time ko siyang igagawa ng ganoon kaya’t pinilit kong huwag magpakita ng kaba kay Ate Ada.“Ano bang plano mo sa Sabado, hija?” tanong ni Ate Ada habang isinusuksok ang bag sa braso ko. Kilala ko na ang tono niyang iyon, pinipilit niya lang akong pakalmahin.“Magbe-bake kami ni Everett. Hindi ba sabi ko sa’yo, ita-try namin ‘yung strawberry cake na gusto niyang matikman?” Siyempre, gusto kong magpakitang gilas sa ibang bagay kay Everett. Para naman makita niyang marami rin akong kayang gawin sa buhay ko.“Ah, kaya pala dinala mo ako rito. Sige, tara na at nang makapamili na tayo.”Sumunod ako kay Ate Ada habang pumasok kami sa loob ng grocery