Everett’s POVIsang tahimik na hapon nun at masarap akong namamahinga sa bahay dahil sobrang stress sa work dahil sa dami ng ginawa ko, paupo na ako sa sofa ko sa sala habang hawak ang isang tasa ng kape. Tulad ng nakasanayan ko, tahimik lang ang paligid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at tunog ng mga ibon sa labas. Nakatingin ako sa bintana habang hinihigop ang mainit na kape. Gusto ko lang magpahinga ngayon, kasi sunod-sunod na ang trabaho at daming meetings nitong mga nakaraang araw.Bigla akong napaisip tungkol sa huling pag-uusap namin ni Rei, yung pinsan kong baliw at adik. Laging na lang siyang may ginagawang kahihiya sa akin, pero sinikap kong magpigil. Hindi ako yung tipong nag-iisip ng gulo. Alam kong may dahilan lahat ng galit niya, kahit papaano, pero naiinis ako dahil hindi ko siya masaktan ng todo dahil babae siya. Gusto ko kasing madala siya para matigil na. Noong nakaraan, nag-usap kami sa phone. Parang may tension na agad sa boses niya, kaya hindi na ako nagtaka
Everett’s POVHindi nakinig si Teff. Muli niyang inamba ang kamao niya, pero mas mabilis ako ngayon. Agad kong sinalubong ang braso niya, hinawakan at pinigilan bago pa man lumapat sa mukha ko. Malakas ako, mas malaki ang katawan ko kumpara sa kanila, at alam ko na kahit sabog sila, kaya kong kontrolin ang sitwasyon kung kakailanganin. Pero ayokong umabot doon.Si Eff, na kanina pa tahimik pero nanlilisik ang mga mata, bigla na lang sumugod. Nagawa kong iwasan ang suntok niya, pero napahakbang ako paatras nang mabilis. Tinamaan ang balikat ko ng gilid ng pintuan. Putcha. Seryoso na talaga ‘to.“Kung gusto niyong masaktan, sige, subukan n’yo ako,” sabi ko nang malakas habang nararamdaman ko na ang pag-akyat ng init sa katawan ko. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon, pero hindi ibig sabihin na hindi ako lalaban kung kinakailangan. Hindi ako basta-basta aatras lalo na kung walang kasalanan.Nagkatinginan sina Teff at Eff, parehong hindi natitinag. Parang nakakita ng dugo ang mga mata n
Misha’s POVNakatayo ako sa harap ng entrance ng bagong swimming pool resort ko, pinagmamasdan ko ang eleganteng disenyo ng buong lugar. Hindi pa rin ako makapaniwala na natapos ko na rin ito. Ilang buwan din ang ginugol ko sa pagpaplano at pagpapatayo nito, at ngayong araw, makikita na rin ng mga magulang ko ang bunga ng lahat ng paghihirap ko sa pagbebenta ng mga luxury item ko.“Okay ka lang, Misha?” tanong ni Everett mula sa likuran ko. Ramdam ko ang pag-support niya sa akin at nang humarap ako sa kaniya, nakita ko ang malambing niyang ngiti.“Kinakabahan ako,” pag-aamin ko. “Parang biglang nagdududa ako kung tama bang ginawa ko ‘to.” Nahihiya kasi ako sa kaniya. Alam niya kasing galing sa mga binili niyang luxury item sa akin ang pagpapagawa ko nito.Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. “Nagawa mo ‘to ng mag-isa, Misha. Tumulong lang ako nung kailangan mo na talaga ng back-up. You deserve this moment.”Napatitig ako sa kaniya. Ang mga mata niyang puno ng pagmamahal at sup
Misha’s POVBago pa kami tuluyang lamunin ng drama sa eksena namin, biglang dumating ang host para simulan ang mga games sa pool area. Nag-set up kami ng giant inflatable obstacle course sa gitna ng pool at ang saya ng mga tao habang pinapanood ang bawat kalahok na nahuhulog sa tubig.Nakakainis lang kasi ngayon pa nagkasakit ang gagang si Jaye. Hindi niya tuloy nakita ang masayang opening ng resort ko.“Let’s join!” sabi ko kay Everett hinila ko siya papunta sa starting line.“Seriously?” natatawa niyang tanong pero sumunod pa rin siya.“Come on, let’s have fun! This is my day, remember?”Tawa lang siya nang tawa habang nag-aabang kami sa turn namin. Nang kami na ang sumalang, todo sigaw ako habang tinatawid ang mga inflatable. Tumatawa naman si Everett habang pilit niyang hinahabol ako.Nang mag-slide ako sa dulo, bigla akong nahulog sa tubig. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao at tawa ni Everett habang lumalangoy siya papunta sa akin.“Okay ka lang?” tanong niya habang tumatawa.“Ok
Everett’s POVMula sa pinakamataas na palapag ng gusali ko, tanaw ko ang buong city. Glass walls, luxury furniture at ang tila walang katapusang view ng mga naglalakihang gusali—lahat ng ito ay isang patunay ng tagumpay na inabot ng pamilya namin sa industriya ng luxury cars. Ngunit kahit gaano kaganda ang paligid, hindi maalis sa akin ang bigat na nararamdaman ko. May mali. At sa dami ng iniisip ko, hindi ko na alam kung saan magsisimula.Isang katok sa pinto ang nagpagising sa akin mula sa malalim na pag-iisip.“Sir Everett, the board meeting will start in fifteen minutes,” paalala ng aking assistant. Tumango lang ako at ngumiti. Alam kong may mahalagang pag-uusapan sa meeting na ‘to. Hindi ko pa man alam ang buong detalye, pero ang impormasyong nakuha ko kaninang umaga ay sapat na para magduda ako.Pagpasok ko sa conference room, naroon na si Tito Gerald kasama ang ilang board members. Mula nang mamatay ang papa ko, si Tito Gerald muna ang pansamantalang CEO. Siya ang hahawak sa la
Everett’s POVPag-alis ko sa opisina ni Tito Gerald, parang gumuho ang mundo ko. Loyalty sa pamilya? O sa kumpanya? Kung totoo ang mga sinabi niya, paano ko ‘to haharapin? Alam kong mahalaga ang pamilya, pero hindi puwedeng sirain namin ang kumpanya para lang pagtakpan ang mga kasalanan ng isa.Lumabas ako ng building at nag-drive papunta sa condo. Kailangan kong mapag-isa at makapag-isip nang maayos. Pagkarating ko, agad kong tinanggal ang tie at naupo sa sofa. Dala ko pa rin ang tablet na ibinigay ng assistant ko kanina. Binuksan ko ulit ang mga files. This is not just a small problem. This could destroy everything.Naalala ko ang mga panahon kung kailan nag-uusap kami ni Papa tungkol sa kumpanya. Kung gaano siya ka-proud na ako na ang susunod na hahawak ng kumpanya namin. Gusto kong itanong sa kaniya, may mga bagay bang hindi ko alam? Na si Tito Gerald ang nagtatago ng lahat ng ito? Napaka-imposible.Ilang araw na akong walang tulog. Kailangan kong gumawa ng desisyon. Tinawagan ko
Misha’s POVPagkarating ko sa bahay ni Everett mula sa pinuntahan kong meeting mall, ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko. Pero nang makita ko siyang nakaupo sa sofa, tila naglaho lahat ng nararamdaman kong pagod. Tumayo siya at mabilis akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Ramdam ko agad ang init ng katawan niya, ang pag-aalala.“Kamusta ang pag-iikot mo sa mall?” tanong niya habang nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang natanggap kong balita kanina.“Okay naman,” sagot ko habang pilit na ngumiti kahit may bumabagabag sa akin. Naramdaman niya yata ang pag-aalinlangan ko kaya bigla niya akong hinawakan sa balikat at tinitigan nang mataman.“May problema ba, Misha?” tanong niya habang puno ng pag-aalala ang mukha niya. Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Alam kong kailangan kong sabihin ang totoo.“May nalaman ako kanina,” panimula ko habang iniwasan ang titig niya. “Sinuspinde mo ang tito mo sa pagiging CEO sa kompanya.” Bumigat ang dibdib ko
Misha’s POVPagdating namin sa Tagaytay, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Pinili ni Everett ang isang restaurant na may magandang tanawin ng Taal Lake. Tahimik, payapa at tila naglalaho ang lahat ng alalahanin sa bawat hagod ng hangin sa mga balat namin.“Nagustuhan mo ba dito?” tanong niya habang tinutulungan akong umupo sa mesa. Ang sweet talaga niya, hindi niya hinahayaan na ako ang gumalaw ng sarili ko lang.“Oo, sobrang ganda,” sagot ko habang tinitigan ko siya nang matagal. “Pero, ikaw talaga, gumastos ka naman. Yung huling gastos mo sa swimming pool resort ko, grabe na. Hindi ba’t sabi ko na tipid muna?”“Ginagawa ko ‘to dahil gusto kitang maging mapasaya, Misha. Hindi pera ang mahalaga sa akin, ikaw. Saka, hello, Everett Tani, magtitipid. Bilyonaryo ‘tong mapapangasawa mo, Misha. Hindi tayo dapat magtipid.” Tumayo siya at lumapit sa akin habang hinaplos ang buhok ko. “Kailangan mo ng pahinga at hindi lang iyon mula sa trabaho mo sa swimming pool resort mo k