“HEY, you’re spacing out again.” Ipinatong ni Carlos ang kamay sa akin. “What are you thinking?"
Isang taon na ang nakakalipas mula nang iahon ako ni Carlos sa impyernong iyon.
Pagkatapos kong umalis sa escort service, tinulungan niya akong makabalik sa pag-aaral. Tulad ng sabi niya, pumasok ako sa university at itinuloy ko ang pag-aaral ng architecture.
Wala akong anumang hiningi sa kanya pero kusa niyang ibinibigay sa akin ang lahat. Bumili siya ng unit at ipinangalan sa akin. Ipinasok niya ako sa magandang eskwelahan. He provided me with my basic needs in life. Hindi lang material na bagay ang ibinigay niya sa akin. He also gave me the will to live. He encourage me to give myself a second chance. He gave me hope…
Carlos, he was my savior. Kung hindi siya dumating sa buhay ko, sigurado ako na hanggang ngayon ay nakasadlak pa rin ako sa impyernong buhay ko… He was the one good thing that happened to me. I owed him my second life…
"Are you thinking about the past again?" Kumunot ang noo niya.
Umiling ako at dahan-dahang ngumiti sa kanya. I should stop thinking about the past. This is my second life now. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay niya sa akin. Hindi ko hahayaan na patuloy na maapektuhan ng nakaraan ko ang kasalukuyan ko.
"Ang mabuti pa, lumabas na lang tayo," pagyaya niya sa akin. "I’m craving for seafoods.”
Isa sa mga paborito niyang pagkain ang seafood. Sa loob lamang ng isang taon ay halos alam ko na ang bagay-bagay tungkol sa kanya. Kabisado ko na rin ang mga paborito niyang pagkain. Kahit ekspresyon ng mukha niya ay kaya ko nang basahin.
I smiled. For a fifty six year old man, he didn't look like one. Para lang siyang nasa forties. Mas mukha rin siyang actor o model kaysa businessman.
"I had a two-hour meeting with some Japanese investors earlier at lunch," sambit niya. "I didn't enjoy the food." Bahagyang nalukot ang mukha niya. "So, babawi ako ngayong dinner."
He was not fond of east asian cuisines. Paborito niya ang native Filipino food tulad ng sinigang, caldereta, kare-kare. Napakasimple niyang tao sa kabila ng mataas na estado sa buhay. He was very down to earth. He treats people with respect, no matter what their status in life.
Isa iyon sa mga bagay kung bakit nahulog ako sa kanya. Yes, I love Carlos. I'm in love with him. Hindi ko alam kung kailan eksaktong nangyare. Hindi ko alam kung kailan ko eksaktong naramdaman. Isang araw, nagising na lang ako na minamahal ko na siya. Na higit sa isang kaibigan o tagapagligtas ang tingin ko sa kanya.
“Is it okay to go outside?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "What if… What if… your wife saw us?”
Carlos has a wife. Noong una pa lang ay alam ko na ang tungkol sa bagay na iyon. Noong unang gabing nag-usap kami, buong magdamag ay nagkwento siya sa akin tungkol sa asawa niya. Ikinuwento niya sa akin kung paano sila nagkakilala ng asawa niya, kung gaano niya ito kamahal at kung paanong nagbago ang buhay mag-asawa nila nang mahuli niya ang asawa na may kasamang ibang lalaki.
His wife cheated on him. Ayon sa kwento ni Carlos, naabutan niya ang asawa na may kahalikan sa mismong bahay ng mga ito. I remembered that night. Umiiyak siya habang ikukwento sa akin iyon. Habang nakikinig ako kay Carlos nang mga sandaling iyon ay damang-dama ko ang sakit na nararamdaman niya. He must really love his wife.
"Bakit hindi mo subukang patawarin ang asawa mo?" sambit ko sa kanya nang mag-usap kami. Ikinuwento niya sa akin na humingi sa kanya ng tawad ang asawa at sinusubukang bumawi sa kanya.
I didn't know his wife, pero naniniwala ako na marahil ay nagkamali lang ito sa nagawa.
"Lahat naman siguro tayo nagkakaroon ng maling desisyon sa buhay. Maybe it was just a mistake on her part. Hindi ba sabi mo, sinusubukang makipag-ayos ng asawa mo? Bakit hindi kayo magsimula ulit?" Sinubukan ko na kumbinsihin siya na makipag-ayos sa asawa subalit nanatiling matigas si Carlos.
"I don't know," malungkot na ngumiti siya sa akin. "I don't think we can still go back. I don't think I can still make her happy."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Sa kabila ng kayamanan ni Carlos, sa kabila ng lahat ng meron siya sa buhay, he was insecure about himself. Nakwento niya sa akin na nasangkot siya sa isang aksidente na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang p*********i.
He told me he couldn't perform in bed anymore. At iyon marahil ang iniisip niyang dahilan kung bakit nagawang maghanap ng asawa niya ng iba.
"Don't worry, she was out of town," sagot niya sa akin.
Tumingin ako kay Carlos. Napansin ko kung paano siya natigilan nang banggitin ko ang asawa niya. Subalit agad ring bumalik ang ngiti sa mukha niya. "Sige na. Magbihis ka na."
Tumango ako, pagkatapos ay tumayo ako para magbihis. I decided to wear a pink casual dress and white sandals he brought for me when he came back from his business travel in Hongkong.
He smiled at me. "See? I told you it would look good on you." puri niya sa akin paglabas ko ng kwarto. Ngayon ko lang naisuot iyon. Hindi naman kasi ako masyadong lumalabas ng bahay.
Kinagat ko ang ibabang labi. "Thank you."
Bahagya siyang lumuhod para hawakan ang ulo ni Loki na nanatiling nakasalampak sa carpet. "Dito ka muna, ah." Napangiti ako habang pinapanood si Carlos na i-pet si Loki. Bago kami lumabas ng unit ay nag-iwan ako ng pagkain para sa alaga.
"Do you think Loki will be okay eating dinner alone?" tanong sa akin ni Carlos habang sakay kami ng elevator.
Bahagya akong natawa. "Okay lang iyon. Sanay siya mag-isa." Minsan ay mas concern pa siya kay Loki kaysa sa akin. He really cared about my dog. Noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa unit na binili niya ay una niyang binanggit sa akin na pet friendly iyon at pwede kong isama si Loki.
Pagdating namin sa sasakyan niya pinagbuksan niya ako ng pinto. He was always like this. Gentleman.
Napatingin ako kay Carlos habang nagmamaneho. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang eksaktong set-up namang dalawa. Ni minsan ay hindi namin napag-usapan iyon. At natatakot din akong i-bring up iyon sa kanya.
I guessed I’m a mistress. Kabit. Hindi ba't iyon naman ang tawag sa mga babaeng tulad ko? Siguro, ang ipinagkaiba ko lang sa kanila ay walang anumang sekswal na namamagitan sa amin ni Carlos. Ni minsan ay hindi niya ako pinagsamantalahan. He always treats me with respect. Sometimes, he would hold my hand, sometimes we would cuddle, sometimes he would kiss me on the forehead. But he never tried to do anything sexual with me. He always treats me like a fragile glass. And that made me fall for him.
I didn't plan to fall with Carlos. Sino bang babae ang gustong mahulog sa lalaki ng may asawa na? Wala naman, di ba? Wala namang babaeng pinangarap na maging kabit. Ni hindi ko nga alam kung bakit o kung ako lang ang nagbigay ng ganung label sa sarili ko. Isa pa, alam kong mahal ni Carlos ang asawa niya. Kung ano man ang nararamdaman sa akin ni Carlos, alam kong malayo iyon at hindi ko pwedeng ikumpara para sa nararamdaman niya sa asawa.
Wala naman akong planong agawin siya sa asawa niya. I know my place. At kuntento sa ako sa mga oras na inilalaan niya para sa akin. Sapat na sa akin ang kaalaman na mahalaga ako sa kanya.
Ang tanging sigurado ko lang ngayon, hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko. I can't give him up. Siya lang nag-iisang taong naniwala sa akin na kaya kong bumangon. Sa kanya ko lang naramdaman ang pagpapahalaga na hindi ko naramdaman sa iba. I feel safe only when I'm with him. He's the only one who can keep me safe…
I know what I am doing is wrong and that I am being selfish but it is the only thing that's keeping me alive.
Ilang sandali pa ay nakarating kami sa paborito niyang restaurant. Iginiya kami ng waiter sa isang private room. "This way Mr. and Mrs. Valdez."
Natigilan ako sa sinabi ng waiter. Napasulyap ako kay Carlos subalit tila balewala lang sa kanya iyon.
Kinagat ko ang ibabang labi habang na kasunod ang tingin sa waiter. I feel guilty everytime we go out together. I know I shouldn't be in this place.
"Caress, you okay?" Mula sa menu ay tiningnan ako ni Carlos.
Tipid akong ngumiti. "Punta lang ako sa restroom." Ibinaba ko ang hawak na menu. "Ikaw na bahalang mag-order ng sa akin."
“Are you sure you're okay?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako. "I'm fine, Carlos." Tumayo ako at nagpunta sa restroom. Pagdating ko roon ay isang ginang ang naabutan kong nagpupunas ng luha habang nakaharap sa salamin.
Napansin ko na bahagya siyang nataranta nang magtama ang tingin naming dalawa. Bahayang nanlaki ang singkit niyang mga mata.
"I'm sorry," mahinang sambit ko bago mabilis na nag-iwas ng tingin.
"Y-you're very pretty, hija."
Napahinto ako sa pagpasok sa cubicle nang magsalita siya. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Wala na ang bakas ng luha sa mga mata niya subalit bahagya pa ring namumula ang mga iyon.
"Ilang taon ka na?"
Pinasadahan niya ako ng tingin.
"Uh... twenty-three," mahinang sagot ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako kinausap. She doesn't look familiar to me.
Tumango siya. "I see." Isang beses pa niya akong tiningnan bago siya lumabas ng restroom.
Natigilan ako nang mapansin ang lipstick na naiwan niya sa vanity top. Kinuha ko iyon at lumabas ng restroom para habulin ang ginang.
"Ma'am, is there anything we can help?" Nilapitan ako ng isang waiter.
"May nakaiwan ng lipstick—" Natigilan ako nang matanaw ang babae sa labas ng restaurant. It was her. Bago pa ako makarating sa pinto ng restaurant ay nakita ko siyang pumasok na sa loob ng isang taxi.
“GOOD morning!”A smiling face and sexy voice of Ada greeted me when I opened my eyes.“Morning…” bati ko sa kanya. Naglakbay ang mga mata ko sa hubad niyang katawan.I smirked when my eyes went down naked breast. My hand reached for them as her lips captured mine."How about a morning sex for breakfast, hmm?" she murmured in between our kisses.Napaungol ako habang pinaglalakbay ang mga kamay sa katawan niya. I reached for her nipple and pinched it. I smirked when I heard her gasped for air."Oh, damn it, Craig. Suck it, please."My lips descended to her neck, I sucked the s
“CARESS…” Nilapitan ako ng kaklase kong si Raice pagkatapos ng klase namin. “Uwi ka na ba? Sama ka muna samin ni Diane, mag mall kaming dalawa." Bahagya siyang bumaling sa kaklase naming si Diane na kasalukuyang nagliligpit ng gamit.Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Kayo na lang, kailangan ko pang dumaan sa grocery eh.""Sus, lagi ka na lang natanggi," nakangusong sagot ni Raice. "Next time, sama ka naman, ah.""Sige, susubukan ko," tipid na sagot ko. "Wala rin kasing ibang kasama iyong alaga kong aso sa bahay."Huling subject na namin para sa araw na iyon kaya nagligpit na rin ako ng gamit. Pagkatapos ng klase ay dumidiretso na ako ng uwi sa condo. Hindi ako palakaibigan at kinakausap ko lang ang mga kaklase kapag kailangan. Sa mga kaklase
“CRAIG? Ikaw nga ba iyan, hijo?"Halatang nagulat si Tita Mindy nang makita ako sa labas ng office si Dad. She was my Dad's secretary. Bata pa lang ako ay siya na ang secretary ni Dad. She's a very kind lady. Parang pamilya na rin ang turing namin ni mama sa kanya.“Kelan ka pa nakauwi, hijo?”She went to me. Binati niya ako ng yakap. I hugged her back and gave her a kiss on the cheek.“Three days ago. Is Dad in his office?” Sumulyap ako sa opisina ni Dad.Tatlong araw na akong simula nang makauwi sa Pilipinas. Subalit nang umuwi ako ay hindi ko naabutan si Dad. According to my mother, nasa South Korea si dad para sa isang business trip. Tatlong araw daw ito roon.&nb
"Hi, MA," bati ko sa ina. Hinalikan ko siya sa pisngi saka inabot sa kanya ang binili kong wine. "Thanks, hijo." Ngumiti siya sa akin. "Where's your Dad?" tanong niya sa akin. "I'm sure he's on his way," sagot ko sa ina. "Nauna na ako sa kanya dahil may tinatapos pa siyang trabaho." Ayokong magsinungaling sa ina subalit hindi ko rin kayang sabihin sa kanya ang totoo. Tama nang nalaman niya ang tungkol sa pambababae ni Dad. I knew she's been through a lot of already. I don't want add more pain to her. Noong magkausap kami ni Mama pag-uwi ko ay umiiyak siyang humingi ng tawad sa akin. She even kneeled and begged for my forgiveness. And I can't stay mad at her for too long. "I cooked some of your fav
“HI, Ma’am! Free taste po. Baka gusto niyo.”Pagpasok ko sa entrance ng supermarket ay nilapitan ako ng isang saleslady. May hawak siyang tray ng cookies at biscuits.Tipid akong ngumiti sa kanya bago umiling. Itinulak ko ang cart papunta sa canned goods section.Pagkatapos ng klase ko kanina ay dumiretso ako sa supermarket para mamili ng supplies. Kaunti lang ang balak kong pamilihin dahil halos dalawang buwang mawawala si Carlos. Pinuntahan niya ako kahapon sa unit ko. Nagpaalam siya sa akin na dalawang buwan siyang mawawala ng bansa. Ayon kay Carlos, niregaluhan siya ng anak na si Craig ng ticket sa isang Caribbean cruise at hindi niya iyon nagawang tanggihan."Mabuti iyon," Ngumiti ako sa kanya. "Magkakaroon ka ng oras para sa
“I CAN'T wait to finish my project and follow you there…” wika sa akin ni Ada na kausap ko sa video call. "Ang tagal ko na ring hindi nakakapagbakasyon sa Pilipinas." Narinig ko ang buntong-hininga niya. "I miss the beaches there. God, I think I already forgot what Boracay looks like.""Don't worry. I'll bring you there once this family fiasco thing of mine is over." I smiled at her.Pagkatapos kong makapag-ayos ng gamit sa nilipatang unit ay tinawagan ako ni Ada. I rented the unit next to Dad's and his mistress. This was all part of my plan."I'm already looking forward to it, Craig," she said, pouting her lips. "By the way, kailan ang alis nila Tita Arabella?" tanong ni Ada. Siya ang nagbigay sa akin ng idea na pagsamahin ko sa isang cruise ang mga magulang.
"MISS, what do you want to drink?"Napakurap ako sa lalaking kaharap. "Ha?"He smiled. "Alam kong nandito tayo sa coffee shop pero hindi ko alam kung anong paborito mong timpla ng kape."Napatingin ako sa nakangiting mga mata niya. Pamilyar sa akin ang singkit na mga matang iyon. Pamilyar sa akin ang boses niya. Ang mala-anghel niyang mukha. It was him. Ang lalaki sa supermarket."Caress?" tawag niya sa akin.Napamaang ako. Teka… bakit kilala niya ako?Bago pa ako makasagot sa tanong niya ay unti-unti na siyang
“THANK you for today, Miss Caressa.” paalam sa akin ni Jiwon, ang five year old Korean kid na isa sa mga estudyante ko. Tinuturuan ko siya ng English online. Nakita ko ang pagkaway niya mula sa screen ng laptop.Nagtuturo ako ng English language sa mga Korean at Japanese preschooler kapag wala akong pasok sa university. Naghanap ako ng part-time job dahil ayokong umasa na lang kay Carlos. Hindi ko matanggihan ang mga ibinibigay niya sa akin pero ayoko na manatiling nakaasa sa kanya. Sobra-sobra na ang lahat ng naitulong niya sa akin. Isa pa, alam kong hindi habang-buhay ay nandyan si Carlos para sa akin. Kahit natatakot ako ay kailangan ko pa ring paghandaan ang araw na kailangan ko nang umalis sa buhay niya.“You're welcome, Jiwon. See you next week." Kinawayan ko ang estudyante mula sa screen ng laptop.