“CARESS…” Nilapitan ako ng kaklase kong si Raice pagkatapos ng klase namin. “Uwi ka na ba? Sama ka muna samin ni Diane, mag mall kaming dalawa." Bahagya siyang bumaling sa kaklase naming si Diane na kasalukuyang nagliligpit ng gamit.
Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Kayo na lang, kailangan ko pang dumaan sa grocery eh."
"Sus, lagi ka na lang natanggi," nakangusong sagot ni Raice. "Next time, sama ka naman, ah."
"Sige, susubukan ko," tipid na sagot ko. "Wala rin kasing ibang kasama iyong alaga kong aso sa bahay."
Huling subject na namin para sa araw na iyon kaya nagligpit na rin ako ng gamit. Pagkatapos ng klase ay dumidiretso na ako ng uwi sa condo. Hindi ako palakaibigan at kinakausap ko lang ang mga kaklase kapag kailangan. Sa mga kaklase ko, silang dalawa ang madalas na kumakausap sa akin at madalas kong kagrupo sa mga project. Subalit hindi ko sila matatawag na kaibigan.
Simula noong magtrabaho ako bilang escort service ay pinutol ko na ang komunikasyon sa mga dati kong kaibigan. Inilihim ko sa mga taong nakakilala sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. In fact, namatay si Mama na hindi niya alam ang tungkol sa naging illegal kong trabaho. Ang tanging nakakaalam lang niyon ay si Leandra, na kalaunan ay naging matalik kong kaibigan.
"Salamat, Leandra," tipid akong ngumiti sa kanya paglabas namin sa hospital room ni Mama.
Isinama ko siya sa pagdalaw kay Mama nang araw na iyon.
Ilang araw nang nagtatanong si Mama sa akin kung saan nanggaling ang malaking pera na ginastos ko para sa operasyon. Nagsinungaling ako sa kanya at sinabi na pinautang ako ni Leandra. Pero alam kong nagdududa si Mama kaya kinuntsaba ko ang kaibigan.
Ngumiti sa akin si Leandra. "You're welcome, Caress. I'm here for you, okay?"
Kahit pareho na kaming umalis sa poder ni Madam Diana at nasa Australia na siya ngayon ay hindi naputol ang komunikasyon naming dalawa. Siya na lang ang matatawag kong malapit na kaibigan ngayon.
Sabi sa akin ni Carlos na subukan kong makipagkaibigan sa iba subalit para sa akin ay mas madali na ang ganito. Ang gusto ko lang tahimik na makatapos ng pag-aaral. Hindi ko na kailangan ng iba pang tao sa buhay ko. Kuntento na ako na nadyan si Carlos para sa akin.
Natigilan ako sa pagligpit ng gamit nang lapitan ako ng kaklaseng si Franco. “Hi, Caress.” Ngumiti siya sa akin.
Tipid akong tumingin sa kanya. "Bakit, Franco?"
"May ibibigay sana ako sayo." Inilapag niya sa desk ko ang box ng chocolate.
Ibinaba ko ang tingin sa chocolate na nasa desk ko. “Franco…” Kinuha ko iyon at ibinalik sa kanya. “I’m sorry…”
Noong nakaraang linggo ay naalala kong nabanggit sa akin ni Raice na matagal na rin daw na may gusto sa akin si Franco, at inamin iyon ng binata sa kanila. Nag-iipon lang daw ito ng lakas ng loob ng lakas ng loob na lumapit sa akin.
Kung ganoon ay totoo pala ang sinasabi ni Raice.
“Hindi pa nga ako naliligaw sa'yo, Caress, basted na ako.” Humawak ito sa batok.
“I’m sorry… uh, may boyfriend na kasi ako. Sige, una na ako.” Kinuha ko ang mga gamit at nilagpasan ko siya.
“Teka…”
Nasa labas na ako ng classroom nang marinig ko ang boses ni Franco. Bahagya akong lumingon. Nakasunod siya sa akin.
Ngumiti siya sa akin. "Kung talagang may boyfriend ka na, baka pwede pa rin tayong maging magkaibigan?"
Natigilan ako nang hawakan niya ako sa braso. Tila napasong binawi ko iyon at marahas na lumingon sa kanya. “A-ayoko.”
Halos patakbo kong nilisan ang corridor. Pagdating sa may hagdan ay Napahinto ako. Bahagya akong pumikit habang kinakalma ang d****b. Naramdaman ko ang malakas na tibok niyon at alam kong hindi iyon dahil sa pagmamadali kong umalis. Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ay nagpatuloy ako sa paglalakad pababa ng gusali.
I am not comfortable around people, especially around men… Hindi ako komportable kapag may humahawak sa aking ibang tao. Hindi ako komportableng salubungin ng tingin ang mga estrangherong nakakasalubong ko.
Isa na rin iyon sa dahilan kung bakit ayoko nang makipagkaibigan sa ibang tao. Laging may takot sa d****b ko. Natatakot ako na baka malaman nila kung ano ako dati. Natatakot ako na baka isa sa mga lalaking nakakasalubong ko ay naging kliyente ko.
Madalas akong nakayuko kapag naglalakad. Kung pwede lang sana na maging invisible na lang ako sa paligid ng mga tao.
Lumalabas lang ako ng bahay kapag mayroon akong klase, kapag kailangan kong mag-grocery o kapag kasama ko si Carlos.
Paglabas ko sa gate ng campus ay agad akong pumara ng taxi.
“Miss, saan tayo?” tanong sa akin ng driver. Tiningnan niya ako mula sa salamin ng sasakyan. Iniwas ko ang mata bago sumagot.
"Sa Alexis towers po."
Isang beses pa siyang sumulyap sa akin. Ibinaling ko na lang ang tingin sa bintana ng sasakyan. I'm paranoid about men. Si Carlos lang ang lalaking pinagkakatiwalaan ko. Sa kanya lang ako komportable.
Mabuti na lang at hindi kalayuan ang unit ko sa eskwelahang pinapasukan. Halos wala pang tatlumpong minuto ay nakauwi na ako.
Pagpasok ko sa unit ay sinalubong ako ni Loki.
"Kumain ka na ba, huh?" Yumuko ako at hinaplos ang mukha niya. Dinilaan niya ang kamay ko bilang sagot bago bumalik sa sala. Muli siyang sumalampak sa carpet at nahiga roon.
Pagkatapos kong ibaba ang gamit at magpalit ng damit pambahay ay dumiretso ako sa kusina. Alas-kuwatro pa lang ng hapon pero nagdesisyon akong magluto na ng hapunan.
Naging hilig ko na talaga ang pagluluto. Isa ito sa mga itinuturing kong stress-reliever. Inilabas ko mula sa fridge ang karne ng baka at mga gulay na isasahog ko sa ilulutong caldereta.
Isa rin sa mga paboritong putahe ni Carlos ang caldereta. Isa iyon sa mga madalas niyang ipaluto sa akin kapag bumibisita siya.
Madalas na purihin ni Carlos ang mga pagkaing niluluto ko sa kanya. Minsan ay biniro pa niya ako na bagay daw akong maging chef dahil laging masarap ang luto ko. Siguro ay namana ko ang galing sa pagluluto sa mama ko. Masarap magluto si Mama. Naalala ko na laging pinupuri ni Papa ang mga pagkaing luto ni Mama.
Bata pa lang ako ay tinuruan na ako ni Mama na magluto. Isa iyon sa mga bonding moments naming dalawa.
Malungkot na napangiti ako nang maalala ang ina.
I miss you, Ma. Miss na miss na kayo ni Papa.
"Hmm, okay na ito," nasisiyahang kontento ko matapos tikman ang caldereta sa kawali. Sumulyap ako sa suot na relo, alas singko na ng hapon. Maya-maya ay siguradong nandito na si Carlos.
Tumawag siya sa akin kanina at sinabing pupunta siya dito ngayon. Ilang araw din siyang nawala dahil sa bansa dahil sa business trip sa South Korea.
Nanonood ako ng TV sa sala nang tumunog ang doorbell. Pumunta ko sa pinto at binuksan iyon. Sumalubong sa akin si Carlos. He was on his usual business attire.
Pagpasok pa lang niya sa loob ng unit ay nilapitan na siya ni Loki. Natawa ako nang paikutan siya ng alaga.
"Did you miss me, buddy?" natatawang tanong ni Carlos habang hinihimas si Loki.
“How are you? How’s school?” tanong ni Carlos sa akin pag-upo niya sa sofa. Hinubad niya ang suot na coat at ipinatong sa armrest niyon.
"Okay lang naman," tipid na sagot ko. "Musta iyong business trip mo?"
"Just like my usual business trip. Boring." Nagkibit-balikat siya. “I got something for you.” Ngumiti siya sa akin at inabot ang dala niyang paper bag.
Sa tuwing galing siya sa trip, lagi siyang may pasalubong para sa akin. Kahit paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko naman kailangan ang mga iyon at hindi ko rin nagagamit. Napipilitan pa rin naman akong tanggapin dahil kapag tinatanggihan ko naman ang mga binibigay niya ay nagtatampo siya sa akin.
Sinilip ko ang paper bag. “Carlos—” Napaawang ang labi ko nang tumambad sa akin ang kahon ng isang mamahaling brand ng bag. "Ang mahal—"
“Don’t worry," putol niya sa akin. "This doesn't cost too much." Ngumiti siya sa akin.
"Anong hindi mahal?" Kumunot ang noo ko. "Eh Balenciaga, 'to," giit ko sa kanya. "Hindi ko pa nga nagagamit iyong binigay mong bag last last month, tapos meron na naman."
Last month ay binigyan niya rin ako ng bag, pag-uwi niya galing sa trip niya sa Singapore. Ni hindi ko pa nagagamit iyon.
"This is different. You can use this for school." Kinuha niya sa akin ang kahon at binuksan iyon. Tumambad sa amin isang kulay na itim na handbag. May kalakihan nga iyon kompara sa ibinigay niya noong nakaraang buwan.
"See?" Nakangiting iniharap niya sa akin ang bag. "This one's bigger and different in color." He winked at me. "Don't worry, I got this bag on sale."
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi na nabili nya iyon sa sale pero sa huli ay niyakap ko siya. “Thank you, Carlos.” mahina subalit buong pusong sambit ko.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. "You're welcome. You deserve it, Caress."
Ngumiti ako habang nasa bisig niya. "No. Thank you for everything," bulong ko bago lumayo sa kanya. "Nagluto na pala ako ng dinner."
Lumawak ang ngiti ni Carlos. "Really? What did you cook?" Bahagya siyang suminghot. “Hmm, is it caldereta?”
Nakangiting tumango ako. "Favorite mo."
“Wow.” He chuckled heartily. "Now, I can't wait." Siya na mismo ang humila sa akin papunta sa kusina.
Natawa ako habang nakasunod sa kanya. Hindi niya maitago ang excitement nang buksan ang laman ng kaserola.
"Sige na, maupo ka na." Natatawang sambit ko. "Maghahain na ako."
“Wow. I missed this,” malaki ang ngiting sambit niya habang pinaghahain ko siya. Pinagsalikop pa niya ang kamay sa ibabaw ng mesa. Despite his act, sometimes he still acts like a child, especially around food.
Natawa ako habang inilalapag ang bowl ng caldereta sa mesa. “Bakit? Para ka namang hindi ka nakakain sa Korea.”
Para siyang bata pagdating sa pagkain. He was always excited when it comes to good food. Sa choices pa lang ng mga paborito niyang pagkain ay para siyang hindi isang CEO ng malaking kompanya. Nagulat nga ako nang malaman ko na mahilig siya sa tradional Filipino food at alam niya kung ano ang sisig. Ibang-iba siya sa mga mayayaman na nakilala ko.
Bahagyang nalukot ang mukha niya. “I don't like their food," reklamo niya. "Puro maanghang. Alam mo namang mababa ang tolerance ko pagdating sa spicy food."
Hindi nga mahilig si Carlos sa maanghang na pagkain.
Ipinagsalin ko siya ng kanin sa plato niya.
"Hey, you don't have to do this."
Akmang kukunin niya ang bowl sa kamay ko subalit inilayo ko iyon. Ngumiti ako. "Okay lang. Gusto ko naman itong ginagawa."
Kapag magkasama kami ni Carlos ay gustong-gusto ko na laging pinagsisilbihan. Para man lang sa ganitong paraan ay makabawi ako sa lahat ng mga ginagawa niya para sa akin.
"Thank you, Caress."
Naupo ako sa tabi niya at nagsimula kaming kumain.
"Ugh, this the best," komento ni Carlos nang tikman niya ang caldereta sa plato. Napapikit pa siya pagkatapos ng unang subo. "Your caldereta is really the best I've ever tasted. I hope you know that."
Napanguso ako para pigilan ang ngiti sa mga labi. "I know. Ilang beses mo na kaya sinabi."
Sa gitna ng pagkain ay panay ang reklamo nya sa ilang araw na pagkain niya ng Korean foods.
"Madami namang Pinoy resto doon, di ba?" tanong ko sa kanya.
"I didn't have the time to roam around the city," sagot niya. "I just stayed in the hotel for the whole three days." Muli niyang inabot ang bowl ng caldereta at nagsalin sa plato niya.
"Kumusta naman ang araw mo sa office?" tanong ko sa kanya habang kumakain ng tiramisu. Nakadalawang serving siya ng caldereta.
“Good.” He smiled. “I have good news to share with you."
"Hmm, ano iyon?" curious na tanong ko. Napansin ko ang pagliwanag ng mukha niya.
Uminom siya ng tubig. "Craig is home." Malawak ang ngiti niya.
Napahinto ako sa pagsubo. "Craig? Iyong anak mo?"
Madalas niyang ikuwento sakin ang nag-iisa niyang anak. Si Craige. He lives in New York and has his own career there as an engineer.
Sabi ni Carlos ay wala raw interes sa negosyo ang anak at gusto nitong gumawa ng pangalan sa sarili nito.
Pagkagraduate ng high school ay sa Amerika na ito tumira at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo. Mula noong tumira ito sa ibang bansa ay naging independent na ito at naging working student para tustusan ang sariling pag-aaral.
Sa tuwing nagkukwneto sa akin si Carlos tungkol sa anak niya at makikita na proud na proud siya sa lalaki. Lagi rin niyang nagbabanggit ang pagka-miss niya sa nag-iisang anak dahil madalang lang silang magkasama. Minsan lang sa isang taon kung umuwi si Craig sa Pilipinas.
“Nabanggit niya sa akin na magtatagal siya dito sa bansa. I feel like he's already interested to manage our business.” Carlos chuckled. “I don't know what has gotten into him. But I’m happy…”
"That's great," masayang sagot ko. Alam ko kung gaano ka-gusto ni Carlos na makasama ang anak. "Masaya ako para sayo, Carlos."
Ilang beses niyang nabanggit sa akin ang matinding pagnanais na sana ay magkainteres na ang anak niyang si Carlos sa kompanya dahil balang-araw ay ito ang mamahala niyon.
"Yeah…" Ngumiti si Carlos. "I missed him…" Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay sumulyap siya sa suot na relo. “By the way, I have to leave early…" aniya at tumingin sa akin. "Craig set up a family dinner and I have to be there."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Ha? Hindi mo naman sinabi kanina. Hindi ka na sana nagpunta ngayon..”
He looked at me and smiled. “Nah. I can’t miss you. And your caldereta.”
“CRAIG? Ikaw nga ba iyan, hijo?"Halatang nagulat si Tita Mindy nang makita ako sa labas ng office si Dad. She was my Dad's secretary. Bata pa lang ako ay siya na ang secretary ni Dad. She's a very kind lady. Parang pamilya na rin ang turing namin ni mama sa kanya.“Kelan ka pa nakauwi, hijo?”She went to me. Binati niya ako ng yakap. I hugged her back and gave her a kiss on the cheek.“Three days ago. Is Dad in his office?” Sumulyap ako sa opisina ni Dad.Tatlong araw na akong simula nang makauwi sa Pilipinas. Subalit nang umuwi ako ay hindi ko naabutan si Dad. According to my mother, nasa South Korea si dad para sa isang business trip. Tatlong araw daw ito roon.&nb
"Hi, MA," bati ko sa ina. Hinalikan ko siya sa pisngi saka inabot sa kanya ang binili kong wine. "Thanks, hijo." Ngumiti siya sa akin. "Where's your Dad?" tanong niya sa akin. "I'm sure he's on his way," sagot ko sa ina. "Nauna na ako sa kanya dahil may tinatapos pa siyang trabaho." Ayokong magsinungaling sa ina subalit hindi ko rin kayang sabihin sa kanya ang totoo. Tama nang nalaman niya ang tungkol sa pambababae ni Dad. I knew she's been through a lot of already. I don't want add more pain to her. Noong magkausap kami ni Mama pag-uwi ko ay umiiyak siyang humingi ng tawad sa akin. She even kneeled and begged for my forgiveness. And I can't stay mad at her for too long. "I cooked some of your fav
“HI, Ma’am! Free taste po. Baka gusto niyo.”Pagpasok ko sa entrance ng supermarket ay nilapitan ako ng isang saleslady. May hawak siyang tray ng cookies at biscuits.Tipid akong ngumiti sa kanya bago umiling. Itinulak ko ang cart papunta sa canned goods section.Pagkatapos ng klase ko kanina ay dumiretso ako sa supermarket para mamili ng supplies. Kaunti lang ang balak kong pamilihin dahil halos dalawang buwang mawawala si Carlos. Pinuntahan niya ako kahapon sa unit ko. Nagpaalam siya sa akin na dalawang buwan siyang mawawala ng bansa. Ayon kay Carlos, niregaluhan siya ng anak na si Craig ng ticket sa isang Caribbean cruise at hindi niya iyon nagawang tanggihan."Mabuti iyon," Ngumiti ako sa kanya. "Magkakaroon ka ng oras para sa
“I CAN'T wait to finish my project and follow you there…” wika sa akin ni Ada na kausap ko sa video call. "Ang tagal ko na ring hindi nakakapagbakasyon sa Pilipinas." Narinig ko ang buntong-hininga niya. "I miss the beaches there. God, I think I already forgot what Boracay looks like.""Don't worry. I'll bring you there once this family fiasco thing of mine is over." I smiled at her.Pagkatapos kong makapag-ayos ng gamit sa nilipatang unit ay tinawagan ako ni Ada. I rented the unit next to Dad's and his mistress. This was all part of my plan."I'm already looking forward to it, Craig," she said, pouting her lips. "By the way, kailan ang alis nila Tita Arabella?" tanong ni Ada. Siya ang nagbigay sa akin ng idea na pagsamahin ko sa isang cruise ang mga magulang.
"MISS, what do you want to drink?"Napakurap ako sa lalaking kaharap. "Ha?"He smiled. "Alam kong nandito tayo sa coffee shop pero hindi ko alam kung anong paborito mong timpla ng kape."Napatingin ako sa nakangiting mga mata niya. Pamilyar sa akin ang singkit na mga matang iyon. Pamilyar sa akin ang boses niya. Ang mala-anghel niyang mukha. It was him. Ang lalaki sa supermarket."Caress?" tawag niya sa akin.Napamaang ako. Teka… bakit kilala niya ako?Bago pa ako makasagot sa tanong niya ay unti-unti na siyang
“THANK you for today, Miss Caressa.” paalam sa akin ni Jiwon, ang five year old Korean kid na isa sa mga estudyante ko. Tinuturuan ko siya ng English online. Nakita ko ang pagkaway niya mula sa screen ng laptop.Nagtuturo ako ng English language sa mga Korean at Japanese preschooler kapag wala akong pasok sa university. Naghanap ako ng part-time job dahil ayokong umasa na lang kay Carlos. Hindi ko matanggihan ang mga ibinibigay niya sa akin pero ayoko na manatiling nakaasa sa kanya. Sobra-sobra na ang lahat ng naitulong niya sa akin. Isa pa, alam kong hindi habang-buhay ay nandyan si Carlos para sa akin. Kahit natatakot ako ay kailangan ko pa ring paghandaan ang araw na kailangan ko nang umalis sa buhay niya.“You're welcome, Jiwon. See you next week." Kinawayan ko ang estudyante mula sa screen ng laptop.
"JUST stay still," wika sa akin ni Andrew pagkatapos niyang initin ang dala kong bagoong. "Let me prepare for everything."Inilapag niya iyon sa mesa kasabay ang isang bowl ng kare-kare."Hindi. Tulungan na kita.""Don't." He shook his head. "Let me do this, Caress," Sumulyap siya sa akin. "Ikaw na ang nagluto kaya maupo ka na lang muna." Pagkatapos niyang ilapag ang bandehado ng kanin sa mesa ay ipinaghila niya ako ng silya. "Sit here, please."Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Naupo ako silya.Pinanood ko siyang ilapag sa tapat ko ang plato at kubyertos. Pagkatapos niyang ilapag pitsel ng orange juice at tubig ay hinila niya ang silya sa harap ko at naupo roon. "Now, we can finally eat."
"LOKI, 'wag ka na magpasaway," sambit ko sa alaga. Yumuko ako at hinaplos ang mukha niya. "Tara na, please."Muli kong ginalaw ang leash na ikinabit ko sa kanya subalit nanatiling nakaupo sa tapat ng pinto ang alaga.Buong araw nang matamlay si Loki. Nang mapansin ko kanina na mahina rin siyang kumain ay nagsimula na akong mag-alala sa kanya. Nagpasya na akong dalhin siya sa vet. Pero pagdating namin sa labas ng unit ay bigla siyang nahiga siya sa tapat ng pinto.Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang alaga. Kung kaya ko lang siyang buhatin, eh."Hey."Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Andrew. Mula kay Loki ay nag-angat ako ng tingin sa kapitbahay. Nakatayo siya sa tapat ng unit niy