Share

Chapter Nine

Author: Clefairy
last update Huling Na-update: 2021-12-29 23:58:22

"MISS, what do you want to drink?" 

Napakurap ako sa lalaking kaharap. "Ha?" 

He smiled. "Alam kong nandito tayo sa coffee shop pero hindi ko alam kung anong paborito mong timpla ng kape."

Napatingin ako sa nakangiting mga mata niya. Pamilyar sa akin ang singkit na mga matang iyon. Pamilyar sa akin ang boses niya. Ang mala-anghel niyang mukha. It was him. Ang lalaki sa supermarket. 

"Caress?" tawag niya sa akin. 

Napamaang ako. Teka… bakit kilala niya ako?

Bago pa ako makasagot sa tanong niya ay unti-unti na siyang nawala sa paningin ko. Nagising ako nang maramdaman na may dumampi sa mukha ko. Nang idilat ko ang mga mata ay tumambad sa akin ang mukha ni Loki. He was licking my face. 

"Hi," bati ko kay Loki na tumigil sa ginagawa nang makitang gising na ako. "Good morning."

Napapikit ako nang ilapit niya ang mukha sa akin at halikan ako. It was his way of greeting me in the morning. Habang hinahaplos ko ang mukha ni Loki ay naalala ko ang panaginip ko. 

I dreamt about that guy in the supermarket. Sa panaginip ko, nagkakape raw kami sa coffee shop. It was a very vivid dream. He was wearing a white polo shirt and black slacks. I clearly remembered how his angelic face smiled at me. Bumangon ako mula sa kama at tinapik ang mukha. Hindi ko na dapat pa iniisip ang lalaking iyon. Bumaling ako sa alaga. "Let's go, Loki," pag-aya ko sa kanya. Sabay kaming lumabas ng kwarto.

Nakasunod sa akin ang alaga hanggang sa pinto ng banyo. Pagkatapos kong maghugas ng mukha at magtoothbrush ay dumiretso kami sa kusina. Nilagyan ko ng pagkain ang food bowl ni Loki. 

Pinapanood ko ang alagang kumain nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa kitchen counter. Nakita ko mula sa screen na si Leandra ang tumatawag. Nagtatakang sinagot ko iyon. 

"Good morning, Caress!" bungad niya sa akin nang magkita kami sa screen. 

"Good morning," bati ko kay Leandra. "Bakit napatawag ka?" nagtatakang tanong ko. Hindi siya tumatawag sa ganitong oras kaya nagtataka ako ngayon. 

Mukha lang din siyang bagong gising. She was in Perth, Australia right now. And Perth has the same time zone as Manila. 

Isang taon na ring nakatira sa Australia si Leandra kasama ang fiance nito. Noong nagtatrabaho pa ang kaibigan bilang escort service ay nagkaroon ito ng customer na half-Australian. Na-in love kay Leandra ang lalaki at ganoon din naman ang kaibigan. It was a whirlwind romance for the two of them. Pagkatapos alukin ng kasal si Leandra ng nobyo nito ay sumama ang kaibigan sa Australia. Doon na rin nito ipinagpatuloy ang pag-aaral. Last month nga ay kinasal na si Leandra sa fiance na si Patrick. 

"I have news to tell you!" excited na sambit ko. "Guess what it is, Cresia."

Bahagya akong napanguso. "Alam mo namang hindi ako magaling manghula. Kung anuman iyan, sabihin mo na." Bahagya akong natawa. 

I heard her laughter from the other line. "Well...I just found out that I'm pregnant!" 

"Really?!" masayang bulalas ko. "Congrats, Leandra."

Nakita ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kasabay ng pagpunas ng luha sa sulok ng mata. "Hindi ko pa sinasabi kay Patrick," pagkukwento niya. "I just found out when I took another pregnancy test this morning. And you're the first one I called."

"I'm so happy for you, Leandra." Noong nakaraan pa niya sinasabi sa akin na nagpaplano na ito at ang asawa na magkaanak. Parehong solong anak si Leandra at si Patrick kaya raw gusto ng asawa na habang bata at makarami sila.

Nakita ko ang pagnguso niya sa akin sa kabilang linya. "Siguraduhin mo lang na aattend ka na sa binyag ng anak ko. Kung hindi, itatakwil na talaga kita bilang bestfriend ko."

Bahagya akong napanguso. "Promise. Hindi ko na kakalimutang mag-advance leave." Nagtampo sa akin si Leandra nang hindi ako nakadalo sa kasal niya at ng asawa noong nakaraang buwan. They even helped me with my visa and plane ticket but in the end, I still failed to attend their wedding. Hindi ako natuloy umalis dahil hindi ako nakapag advance leave sa part time job ko. 

Nakita ko kung paano niya pabirong inikot ang mga mata. "Ikaw naman ang kumusta dyan?" tanong niya sa akin. 

Nagkibit-balikat ako. "Okay naman. Medyo busy lang sa school works."

"And how are you and Carlos?" Bahagyang umangat ang kilay niya sa tanong. 

Natigilan ako sa tanong niya. Leandra knew everything about my life. Siya ang napagkukuwentuhan ko ng mga nangyayari sa buhay ko. She was the only person who knew about my relationship with Carlos. Kahit ang nararamdaman ko para sa lalaki ay alam ng kaibigan. 

"Nasa bakasyon siya ngayon." Ikinuwento ko sa kanya na dalawang buwan si Carlos sa ibang bansa kasama ang asawa nito. 

"Caress…" Nakita ko ang pagseryoso ng mukha ni Leandra. "Naisip mo ba…na paano kung magkaayos si Carlos at ang asawa niya sa bakasyon na iyon?" nag-aalalang tanong niya. "Hindi ka ba natatakot?" 

Natigilan ako sa tanong ng kaibigan. Sa totoo lang, naisip ko na ang bagay na iyon. Hindi impossible na magkaayos si Carlos at ang asawa nito sa trip na iyon. Lalo na't nararamdaman ko na mahal pa rin ni Carlos ang asawa. "Natatakot," mahinang sagot ko kay Leandra. "Pero wala naman akong magagawa kung sakaling mangyari iyon."

Noon pa man ay alam ko na kung ano ang lugar ko sa buhay ni Carlos. Ni minsan ay hindi ko hinangad at hindi ako nagbalak na agawin siya sa asawa niya. Sapat na sa akin ang mga oras na inilalaan niya sa akin. Sapat na sa akin na hindi niya ako nakakalimutan. Kontento na ako na ipinaparamdam niya sa akin na importante ako sa kanya. 

At alam ko rin naman na hindi imposibleng dumating ang araw na magkaayos sila ng asawa. At alam kong kapag dumating ang araw na iyon ay posibleng mawala na ako sa buhay niya. 

Kung sakaling magkaayos sila ng asawa niya sa trip na iyon, ako na ang kusang lalayo kay Carlos. Kahit na may nararamdaman ako para sa kanya, hindi ako magiging hadlang sa kaligayahan niya. 

"I just want him to be happy," sambit ko kay Leandra. 

Leandra shook her head. "You're a martyr, Caress," sagot sa akin ng kaibigan. "Kung ganyan din lang ang gagawin mo, bakit hindi ka pa umalis sa poder niya? Siya na rin mismo ang nagsabi 'di ba? Hindi mo kailangang pagbayaran lahat ng naitulong niya sa iyo. You don't have to feel guilty if ever you leave now, Caress. And I'm sure Carlos would understand that. Hindi ka niya pipigilan kapag nagpaalam ka sa kanya. You know, you can go here in Australia anytime. Tutulungan ka namin ni Patrick na makapagsimula ng bagong buhay rito."

Umiling ako sa kaibigan. "I can't leave him, Leandra," sambit ko. "Aalis lang ako sa buhay ni Carlos kapag siya na mismo ang nagtaboy sa akin o kapag nakita kong hindi na niya ako kailangan."

Hanggang kailangan pa ako ni Carlos, hindi ako aalis sa tabi niya. I owed him my life. I owed him everything I have right now. Mananatili ako sa tabi niya hangga't kailangan niya ako. Iyon na lang ang kabayaran ko sa lahat ng ginawa niya para sa akin. 

Bumuntong-hininga ang kaibigan. "You'll just get hurt in the end, Caress."

"I know." Ngumiti ako kay Leandra. "Don't worry about me, Leandra. Kaya ko ang sarili ko."

Alam kong masasaktan ako pero sigurado akong balewala na ang sakit na mararamdaman ko kumpara sa lahat ng pinagdaanan ko. I've already been through worst. 

"Fine. Just inform me if you ever change your mind," wika sa akin ni Leandra. "Where's Loki, by the way?"

Bumalik ang ngiti ko nang banggitin niya ang alaga. "Busy sa pagkain." Lumapit ako kay Loki at itinapat sa kanya ang screen ng cellphone. Hinaplos ko ang ulo ng alaga gamit ang isang kamay. "Loki, kinukumusta ka ni Tita Leandra."

"Hello, Loki…Gosh, you're getting bigger and bigger," sambit ni Leandra. 

"Eh, paano. Wala itong ibang ginawa kundi kumain at matulog ko," sagot ko habang hinahaplos ang alaga. 

"Anyway, Cresia. I have to go," maya-maya pa ay paalam sa akin ng kaibigan. "I'll call you soon." 

"Bye, Leandra." Pagkatapos ang tawag ni Leandra ay ibinaba ko ang cellphone sa kitchen counter. Binuksan ako ang cupboard at inilabas mula roon ang paborito kong flavor ng coffee grounds. 

Nagpainit ako tubig at nagtimpla ng kape gamit ang French press. 

Contrary to what I said yesterday to the guy at the supermarket, I love coffee, especially the smell of it. Nakakapagpakalma sa akin ang aroma ng kape. 

Napangiwi ako sa sarili nang maalala ang pagsisinungaling na ginawa ko kahapon. 

Hindi naman niya malalaman na nagsinungaling ka sa kanya. 

Nagsalin ako ng brewed coffee sa mug at nagpunta sa veranda. Sumalubong sa akin ang tanawin ng bundok ng Rizal.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang tanawin sa harap ko. Inilapit ko ang hawak na tasa ng kape sa bandang ilong at inamoy ang mabangong aroma ng kape. 

Dito ako madalas na tumambay sa umaga dahil mula rito ay tanaw ko ang sunrise. I sipped on my coffee while watching the rise of the sun. 

"Why do you love the sunrise so much?" tanong sa akin ni Carlos habang pinapanood namin ang pagsikat ng araw. Iyon ang unang beses na nakasama ko siyang pagmasdan ang sunrise. Ilang beses kong nabanggit sa kanya na mas gusto ko ang sunrise kaysa sunset. 

Inabutan ko siya ng kape. He always likes his coffee black and without any sugar. 

Ngumiti ako at bumaling sa papasikat na araw sa harapan. 

"Mas gusto ko ang sunrise kasi para sa akin, sinisimbolo niya ang pag-asa. Bagong simula. Ipinaalala niya sa kain na pagkatapos ng dilim, laging may sisikat na liwanag." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. 

“Good morning.”

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang makarinig ako ng isang boses. The voice came from the veranda of other unit. Kahapon ay may narinig akong naglilipat doon. Mahigit isang buwan na rin mula nang napansin ko na bakante ang kabilang unit. It's former owner was a woman in her thirties. Ilang beses din kaming nagkikita dito sa veranda at nagkakasabay sa elevator pero hanggang tango at ngiti lang ang nagagawa namin sa isa't-isa. Well, I just hope the new owner of this unit next to mine was just like my old neighbor. 

Subalit napamaang ako nang ibaling ko ang tingin sa kabilang unit.

"I-ikaw?" Hindi makapaniwalang gagad ko. It was him. It was the guy at the supermarket. He was standing on the veranda next to mine. Paano nangyari iyon? 

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Tulad noong unang beses kong sinalubong ang mga mata niya, wala akong naramdamang kaba sa d****b.

“Hey… it’s you!” Bahagyang namilog ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.  Surprised was also evident on his face. “You live here?”

Napatango ako. "Uh… oo. Dito ako nakatira." Ngayon ko lang napansin ang suot niya. He was wearing a white shirt and a boxer shorts. His hair was still a bit messy. Kung ganoon ay… 

“Ikaw yung bagong lipat?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. What a coincidence. Sino ang mag-aakala na magkikita pa kami ng lalaki. Kanina lang ay laman pa siya ng panaginip ko. Magiging kapitbahay ko pala siya. 

“Yeah. Kakalipat ko lang kahapon." An amused smile formed on his lips. "I thought I’d never see you again. But here we are.” He chuckled. "What a coincidence."

Kumunot ang noo ko. Iyon ba ang dahilan kung bakit nasa panaginip ko siya? Pahiwatig ba iyon na makikita ko ulit siya? At hindi lang basta makikita, kundi magiging kapitbahay pa. "O-oo nga eh." Bahagya akong ngumiti. 

Napansin ko na bumaba ang mga mata sa hawak ko. Mula sa mug na nasa kamay ko ay ibinalik niya ang tingin sa mukha ko. 

“So… you’re drinking coffee?” tanong niya, nakita ko kung paanong magkasabay na umangat ang kilay at isang sulok ng mga labi niya. 

Napaawang ang labi ko. ‘Sorry, hindi ako nagkakape…’ naalala ko ang sinabi ko sa kanya kahapon nang tanggihan ko siya sa alok niya. Naalala ko pa ang sinabi ko sa sarili na hindi naman niya malalaman ang tungkol sa pagsisinungaling ko dahil imposible na magkita kaming muli. 

Well, I should have known that nothing is impossible. 

Wait, paano niya nalaman na kape ang iniinom ko?

He can smell it, Caress.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi. I shouldn't have made that lie yesterday. That's stupid of me. 

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang magkikita pa kami? At magiging magkapitbahay pa? Gusto kong pumikit sa matinding kahihiyan. 

“Uh, ano…" Kinagat ko ang ibabang labi. "Yung totoo, umiinom talaga ako ng kape." pag-amin ko sa kanya. “Tumanggi lang ako sa 'yo kahapon kasi hindi ako komportableng nakikipagkape sa hindi ko kilala.” Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ay sigurado akong namumula iyon ngayon. Nag-iwas ako ng tingin. 

“It's okay." I heard him say. "I'm basically a stranger, so I completely understand why you had to decline my offer.” 

Ibinalik ko ang tingin sa kanya. He was smiling at me. His smile was the same smile he gave me in my dream.  It was warm and pleasant. At hindi ko alam kung bakit muntik na akong matulala. 

Lumapit siya sa railings ng veranda. Then he stretched his whole arms to my direction as if trying to reach me. “Let me introduce myself. I'm Andrew Sandoval.”

Napakurap-kurap ako sa ginawa niya. Ibinaba ko ang mga mata sa nakalahad niyang kamay. Gusto niyang makipagkamay sa akin? 

"Oh, sorry, ang hassle pala," sambit niya. 

Akma yatang babawiin niya ang kamay nang magsalita ako. "H-hindi, okay lang." 

Ibinaba ko ang mug ng kape sa maliit na table sa veranda, pagkatapos ay lumapit ako sa railings at inabot ang kamay niya. His hand was firm and warm. Hindi ko maintindihan kung bakit may naramdaman akong tila kuryenteng gumapang nang magdikit ang mga palad naming dalawa. Subalit sa kabila niyon ay tipid akong ngumiti sa kaharap. 

"My name's Caress. Nice to meet you, uh… Andrew." 

Pagkatapos niyon ay mabilis ko ring binawi ang kamay ko. Subalit sa pag-atras ko ay hindi sinasadyang nasanggi ko ang mesita sa likod ko. Natumba ang mug na ipinatong  ko roon. Kasabay ng paglikha ng tunog ng nabasag na mug ay nakita ko ang pagsungaw ni Loki mula sa sliding door ng veranda. 

Bago pa makalapit sa akin ang alaga ay pinigilan ko na siya. "Loki, stay there," saway ko sa alaga. Baka makatapak siya ng bubog. 

“Caress…you okay?” 

Narinig ko ang boses ni Andrew. Bumaling ako sa kanya at nahihiyang ngumiti. “Sorry, ano… lilinisin ko lang…”

“Do you need help?”

“Ha? Hindi. Kaya ko na ito.” Pumasok ako sa loob at mabilis na kumuha ng panlinis. Dala ang walis at dustpan ay bumalik ako sa veranda. 

Pinulot ko muna ang piraso ng nabasag na mug, bago pinunasan ang tumapong kape sa sahig. 

"Hey, be careful. Baka masugatan ka."

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Andrew. 

Bumaling ako sa gawi niya at bahagyang ngumiti. I found out that he was watching me while sipping from his cup of coffee. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi. Pakiramdam ko, bawat tingin niya ay tumatagos sa akin. I don't like it when I'm being watched by people. It made me feel uneasy. 

It's okay, Caress. He's harmless. 

Kagat ang labing inalis ko ang tingin sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa. 

"I'm sorry, Caress." Narinig kong wika ni Andrew nang matapos ako sa ginagawa. 

Natigilan ako at nagtatakang bumaling sa kanya. "Bakit ka nag-so-sorry?" 

"I feel like it was partly my fault." He said. "I ruined your morning coffee."

"Ha? Hindi." Umiling ako at bahagyang natawa para pagtakpan ang nararamdamang hiya. "Ano…clumsy lang talaga ako." Tumayo ako at ngumiti sa kanya. "Saka paubos na rin naman iyong kape ko kanina. No worries."

Lumabas si Loki at tuluyang nagpunta sa akin. "Tapos ka ng kumain?" Yumuko ako at hinaplos ang alaga. Isang tahol lang ang sagot sa akin ni Loki. 

"Oh, you have a dog." 

Tumingin ako kay Andrew. I found him looking at my dog. "Ah, oo, si Loki."

Mula sa alagang aso ay bumaling sa akin si Andrew. "Akala ko, boyfriend mo yung kausap mo kanina." 

Napaawang ako sa narinig, pagkatapos ay bahagyang natawa. "Ah, hindi. Uh, si Loki lang ang kasama ko dito sa unit." Napatingin ako sa alaga nang dilaan niya ako sa binti. "Anong problema mo? Gutom ka pa, huh?" Ginulo ko ang buhok niya. "Ang dami mo nang nakain, ah."

"You're cute."

"Ha?" Muli akong napabaling kay Andrew. 

"Your dog. It's cute." He was talking about my dog but his eyes were directly looking at me. I didn't know why my cheeks turned red. 

"Ah, oo." Sumulyap ako sa alaga bago ibinalik ang mga mga sa lalaki. "Ah, sige… pasok na kami. May pasok pa kasi ako." 

"Sure." He replied with a smile. "I have to prepare for work, too."

"Come on, Loki," wika ko sa alaga, subalit nakita kong inunahan na niya ako sa loob. Kinuha ko ang dustpan at basahan at sumunod sa kanya. Bago ako tuluyang makapasok sa loob ay muli akong tinawag ako ni Andrew. Hawak ang basahan at dustpan, lumingon ako sa kanya.

There was a smile on his handsome face. 

Handsome? 

Well, yeah. Hindi ko maikaila na talagang guwapo ang lalaki. 

“Nice to meet you again, Caress.”

Ngumiti ako. "Same here, Andrew." 

Kaugnay na kabanata

  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Ten

    “THANK you for today, Miss Caressa.” paalam sa akin ni Jiwon, ang five year old Korean kid na isa sa mga estudyante ko. Tinuturuan ko siya ng English online. Nakita ko ang pagkaway niya mula sa screen ng laptop.Nagtuturo ako ng English language sa mga Korean at Japanese preschooler kapag wala akong pasok sa university. Naghanap ako ng part-time job dahil ayokong umasa na lang kay Carlos. Hindi ko matanggihan ang mga ibinibigay niya sa akin pero ayoko na manatiling nakaasa sa kanya. Sobra-sobra na ang lahat ng naitulong niya sa akin. Isa pa, alam kong hindi habang-buhay ay nandyan si Carlos para sa akin. Kahit natatakot ako ay kailangan ko pa ring paghandaan ang araw na kailangan ko nang umalis sa buhay niya.“You're welcome, Jiwon. See you next week." Kinawayan ko ang estudyante mula sa screen ng laptop.

    Huling Na-update : 2021-12-30
  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Eleven

    "JUST stay still," wika sa akin ni Andrew pagkatapos niyang initin ang dala kong bagoong. "Let me prepare for everything."Inilapag niya iyon sa mesa kasabay ang isang bowl ng kare-kare."Hindi. Tulungan na kita.""Don't." He shook his head. "Let me do this, Caress," Sumulyap siya sa akin. "Ikaw na ang nagluto kaya maupo ka na lang muna." Pagkatapos niyang ilapag ang bandehado ng kanin sa mesa ay ipinaghila niya ako ng silya. "Sit here, please."Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Naupo ako silya.Pinanood ko siyang ilapag sa tapat ko ang plato at kubyertos. Pagkatapos niyang ilapag pitsel ng orange juice at tubig ay hinila niya ang silya sa harap ko at naupo roon. "Now, we can finally eat."

    Huling Na-update : 2021-12-30
  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Twelve

    "LOKI, 'wag ka na magpasaway," sambit ko sa alaga. Yumuko ako at hinaplos ang mukha niya. "Tara na, please."Muli kong ginalaw ang leash na ikinabit ko sa kanya subalit nanatiling nakaupo sa tapat ng pinto ang alaga.Buong araw nang matamlay si Loki. Nang mapansin ko kanina na mahina rin siyang kumain ay nagsimula na akong mag-alala sa kanya. Nagpasya na akong dalhin siya sa vet. Pero pagdating namin sa labas ng unit ay bigla siyang nahiga siya sa tapat ng pinto.Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang alaga. Kung kaya ko lang siyang buhatin, eh."Hey."Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Andrew. Mula kay Loki ay nag-angat ako ng tingin sa kapitbahay. Nakatayo siya sa tapat ng unit niy

    Huling Na-update : 2021-12-30
  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Thirteen

    "BE good here, Loki," bilin ko sa alaga. Suhestiyon sa akin ng vet na tumingin kay Loki kailangang mag-stay doon ng alaga pansamantala para obserbahan. Mas mabuti na rin iyon para matingnan siyang mabuti ng doktor. Kapag nasa unit siya ay hindi ko siya mababantayang mabuti."I'll miss you." Isang beses ko pa siyang hinalikan bago ko siya iwan."How was he?" tanong sa akin ni Andrew nang makita ko siya sa waiting area ng clinic. Mula sa pagkakaupo sa sofa ay tumayo siya at lumapit sa akin.Sinabihan ko siya kanina na pwede na siyang umalis pagkatapos kaming ihatid ni Loki. But he stayed."Kailangan pa siyang obserbahan dito ng ilang araw," sagot ko sa kanya. "Pero sabi naman ng doktor, wala akong dapat ipag-alala."

    Huling Na-update : 2021-12-30
  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Fourteen

    "HAPPY birthday, Loki," masayang bati ko sa alaga. Niyakap ko siya at hinalikan. Pagkatapos ay bumaling ako ang cake na nasa harap namin. Hinipan ko ang ilaw sa kandila at muling hinalikan ang alaga.Pagkatapos ng klase ko kanina ay dinalaw ko si Loki sa clinic. Ngayon kasi ang birthday niya: March 28. Well, technically, it's not really his birthdate. Iyon ang date kung kailan napulot namin ni Mama si Loki five years ago kaya iyon na rin ang araw kung isine-celebrate namin ang birthday niya.Nang makita ako ni Loki kanina ay sinalubong niya agad ako ng halik. Taliwas noong iwan namin siya ni Andrew doon ay masigla na si Loki ngayon. Sabi ng vet ay magaling na ang alaga mula sa virus na tumama sa kanya. Pagkatapos niya akong bigyan ng vitamins ay binigyan niya ako ng go signal na pwede ko nang iuwi ang alaga.

    Huling Na-update : 2021-12-30
  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Fifteen

    "GOOD morning!"Napabaling ako sa veranda ng kabilang unit nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Andrew.Naabutan ko siyang nagkakape sa veranda ng unit niya. He was in his pajamas while holding a mug on his other hand."Good morning," bati ko sa kanya. Naalala ko ang nangyari kagabi—kung paanong sa unang pagkakataon ay bumilis ang tibok ng puso ko sa harap niya.Pinakiramdaman ko ngayon ang sarili. My heart beat was normal. Wala akong nararamdamang kakaiba sa dibdib. Marahil ang naramdaman kong kakaiba kagabi sa harap ni Andrew ay epekto lamang ng naranasan kong takot sa dilim."Your coffee smells incredibly good," sambit niya. "What coffee brand do you use?"

    Huling Na-update : 2022-01-01
  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Sixteen

    AGAD akong inatake ng lamig pagpasok ko kotse niya. Napansin kong hininaan ni Andrew ang aircon pagkatapos ay binuksan niya ang drawer. Kumuha siya ng tissue at inabot sa akin."Thank you," mahinang sambit ko. Pagkatapos kong ikabit ang seatbelt ay pinunasan ko ang mukha at braso.I looked at him. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa steering wheel ng sasakyan. Nakatupi hanggang siko ang long sleeve niya. Bumaba ang mga mata ko sa daliri niya. Mahahaba iyon at hugis kandila."Tell me if you still feel cold," Bahagya siyang sumulyap sa akin. "I'll turn off the aircon.""Okay na." Bahagya akong ngumiti. "Hindi naman ako masyadong basa."I saw him purse his lips. "Did you run in the rain?"

    Huling Na-update : 2022-01-02
  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Seventeen

    MUNTIK ko nang mabitawan ang hawak na susi sa narinig. "Andrew…" napasinghap ako sa sinabi niya.He looked at me, his dark eyes serious and unwavering. “I like you, Caress.”“Wha...Ha?”I like you…Caress.Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. "Hindi ko maintindihan, Andrew."He looked at me. “I know, it's been days since we met. But the truth is I already liked you the first time I saw you…in the supermarket.”Hindi ko namalayang napaawang na ang mga labi ko sa narinig. Hindi ako nakapagsalita. Patuloy

    Huling Na-update : 2022-01-03

Pinakabagong kabanata

  • Seducing My Father's Mistress    Epilogue

    "ARE you ready?"Mula sa labas ng simbahan ay tanong sa akin ni Carlos. Today was my wedding day. I was going to marry Craig who was already inside the church waiting for me.Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na ito.Malaki ang ngiting tumango ako kay Carlos at bahagyang inayos ang laylayan ng wedding gown.I was wearing a wedding gown designed by Ada. Sabi niya ay iyon na daw ang wedding gift niya sa amin ni Craig. Last week siya bumalik ng Pilipinas kasama ang anak na si James para iuwi ang wedding gown ko at umattend sa kasal namin ni Craig.Ada and I… we were already friends. Noong araw na pinuntahan ko si Craig sa ospital at nagkaayos kaming dalawa, nagkausap kami ni Ada. Na

  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Ninety-four

    "CRAIG, what happened?"Nag-angat ako ng tingin kay Ada nang marinig ko ang boses niya.I was drinking at the bar when she called me."Masyado pang maaga para uminom," litanya bago maupo sa tabi ko."She was gone," mahinang sagot ko habang nakatingin sa baso ng alak sa harap ko. "I lost."Sumenyas siya sa bartender bago bumaling sa akin. "But Caress loves you." Her forehead creased.Mapait akong natawa bago muling nagsalin ng alak sa bago at nilagok iyon. "Akala ko rin, eh. But she choose that fucking doctor, Ada."Caress' reactions toward me in that one week we were together confirmed one thing—that she was sti

  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Ninety-three

    Craig's POV"CARESS…" I whispered in the air as I saw her. I blinked my eyes. I couldn't believe that after five years, I'd finally see her again.Five years ago, she decided to leave me and never show herself to me again. Naalala ko pa ang galit sa akin ni Dad nang ipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa naging relasyon namin ni Caress—ng babaeng inakala kong kabit niya."How could you do that, Craig?" My father angrily said to me after giving me another punch in the face. I just told him everything. Including the real reason I came back to the Philippines—my plan to seduce the woman I mistook as his mistress.But my plan to seduce Caressa Ilea Mendoza backfired on me. Because in the end, I was the one who fell for that woman. In

  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Ninety-two

    "CHEF, thank you sa pasalubong, ah. Naubos ko agad iyong hopia."Pangalawang araw ko ngayon sa trabaho matapos kong bumalik ng Patar.Pagpasok ko pa lang kaninang umaga ay kanya-kanyang pasalamat ulit sila sa pasalubong na ibinigay ko kahapon. Pare-parehong nilang nagustuhan ang hopia na dala ko."Chef, sabihin mo kapag babalik ka ulit ng Manila, ah," wika ni Allen. "Magpapabili ako ng madaming hopia."Mula sa pagpe-plating ng salad na order na isang customer ay napatingin ako babae. Ngumiti na lang ako kahit alam ko sa sarili ko kung makakabalik pa ba ako ng Maynila."Chef, okay ka lang?" tanong sa akin ni Andrea habang kumakain kami ng lunch sa lounge. "Parang kahapon ka pa tahimik."

  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Ninety-one

    NATUTULOG na mukha ni Craig ang bumungad sa akin nang magising ako. Iginila ko ang tingin sa paligid. We were inside his bedroom, and I was naked beside him. Napahawak ako sa noo nang maalala ang mga nangyari kagabi. We were stranded here last night. And then… something happened to me. Mariing pumikit ako. It was all my fault.Damn. Anong pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon? I was the only one to blame here.I was the one who kissed him. Last night… I let my emotions get the best of me.Mabilis kong isinuot ang damit at lumabas ng kwarto. Sumalubong sa akin ang nakakalat na pinagkainan namin sa sala. Tumama ang mga mata ko sa bote ng wine na nasa center table. Was it the wine? Napahawak ako sa mga labi. I could still remember the taste of his lips against mine.

  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Ninety

    OUR way back to Manila was awkward. Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Craig. I couldn't believe I managed to walk out on him. Was he mad at me? I don't know. And I shouldn't care.I knew what I did was right. But my heart… it was breaking.Sa kalagitnaan ng byahe ay pumikit ako at nagpanggap na tulog. Napadilat lang ako nang marinig ko ang isang malakas na kulog. Nagulat ako nang makitang malakas ang ulan sa labas.Tumikhim ako at nag-aalangang bumaling kay Craig. Iginala ko ang tingin sa paligid. "Nasaan na tayo?""Quezon City," tipid na sagot niya. Bumaling ako sa bintana. Wala akong masyadong makita sa labas dahil sa lakas ng ulan subalit sa kabila niyon ay napansin ko na pamilyar sa akin ang kalsadang ito. Muli ko sanang ipipikit an

  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Eighty-nine

    "PARA kay Ate Lena lahat ito?" tanong ni Craig habang nakatingin sa basket na dala niya. Nasa loob kami ng sikat na hopia store sa Binondo.Bukod sa Cafe Mezzanine ay pinuntahan din namin ang iba pang sikat na restaurant doon. Niyaya ko rin si Craig sa Estero Street para tikman ilang street foods na binebenta roon. Hindi ko makalimutan ang ekspresyon ng mukha niya nang pakainin ko siya ng piniritong frog legs kanina.Muli akong kumuha ng panibagong flavor ng hopia sa estante at inilagay iyon sa basket. "Hindi. Magbibigay din ako sa mga ka-work ko. Saka kay Sky. Favorite niya iyong hopia dito."He slightly cocked his brows. "I thought we're not going to talk about other people today?""Ikaw iyong nagtanong, eh." Ibinaba ko ang tingin sa basket na halos m

  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Eighty-eight

    "MAMA, ingat po kayo ni Papa sa date nyong dalawa."Napahinto ako sa pagsusuot ng sapatos nang marinig ko si Carina. Nakaupo siya sa kama habang nakatingin sa akin."Date?"Nginitian niya ako. "Di ba, magde-date kayo ni Papa?""Kanino mo nalaman iyan?""Iyong date? Eh, di kay Papa. Di ba nanliligaw siya sayo? Kaya kayo magde-date?"Hindi ako makasagot sa anak. Minsan, hindi ako makapaniwala na napakarami na niyang alam. Pakiramdam ko ay ang bilis niyang lumaki. Parang kailan lang, baby pa siya at hindi nakapagsalita. Ngayon, pati date ay alam na niya.

  • Seducing My Father's Mistress    Chapter Eighty-seven

    AKALA ko nananaginip ako nang magising ako na nakabalot sa katawan ko ang braso ni Craig. Subalit naalala ko ang ilang bahagi ng nangyari kagabi. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi na nilalamig. I found Craig in my room. Then I asked him the craziest thing I could ever do in my life. I asked Craig to cuddle with me.Kinagat ko ang ibabang labi. What have I done last night?I miss you, baby. So much. I miss you so damn much.Naalala ko ang huling sinabi niya bago ako nakatulog kagabi. I even remembered shedding a tear last night.Maingat kong inalis ang braso niya sa katawan ko. Halos mahigit ko ang hininga habang lumalayo sa kanya. I didn't want him to wake up just yet. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng inasta ko kagabi.

DMCA.com Protection Status