"HAPPY birthday, Loki," masayang bati ko sa alaga. Niyakap ko siya at hinalikan. Pagkatapos ay bumaling ako ang cake na nasa harap namin. Hinipan ko ang ilaw sa kandila at muling hinalikan ang alaga.
Pagkatapos ng klase ko kanina ay dinalaw ko si Loki sa clinic. Ngayon kasi ang birthday niya: March 28. Well, technically, it's not really his birthdate. Iyon ang date kung kailan napulot namin ni Mama si Loki five years ago kaya iyon na rin ang araw kung isine-celebrate namin ang birthday niya.
Nang makita ako ni Loki kanina ay sinalubong niya agad ako ng halik. Taliwas noong iwan namin siya ni Andrew doon ay masigla na si Loki ngayon. Sabi ng vet ay magaling na ang alaga mula sa virus na tumama sa kanya. Pagkatapos niya akong bigyan ng vitamins ay binigyan niya ako ng go signal na pwede ko nang iuwi ang alaga.
"GOOD morning!"Napabaling ako sa veranda ng kabilang unit nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Andrew.Naabutan ko siyang nagkakape sa veranda ng unit niya. He was in his pajamas while holding a mug on his other hand."Good morning," bati ko sa kanya. Naalala ko ang nangyari kagabi—kung paanong sa unang pagkakataon ay bumilis ang tibok ng puso ko sa harap niya.Pinakiramdaman ko ngayon ang sarili. My heart beat was normal. Wala akong nararamdamang kakaiba sa dibdib. Marahil ang naramdaman kong kakaiba kagabi sa harap ni Andrew ay epekto lamang ng naranasan kong takot sa dilim."Your coffee smells incredibly good," sambit niya. "What coffee brand do you use?"
AGAD akong inatake ng lamig pagpasok ko kotse niya. Napansin kong hininaan ni Andrew ang aircon pagkatapos ay binuksan niya ang drawer. Kumuha siya ng tissue at inabot sa akin."Thank you," mahinang sambit ko. Pagkatapos kong ikabit ang seatbelt ay pinunasan ko ang mukha at braso.I looked at him. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa steering wheel ng sasakyan. Nakatupi hanggang siko ang long sleeve niya. Bumaba ang mga mata ko sa daliri niya. Mahahaba iyon at hugis kandila."Tell me if you still feel cold," Bahagya siyang sumulyap sa akin. "I'll turn off the aircon.""Okay na." Bahagya akong ngumiti. "Hindi naman ako masyadong basa."I saw him purse his lips. "Did you run in the rain?"
MUNTIK ko nang mabitawan ang hawak na susi sa narinig. "Andrew…" napasinghap ako sa sinabi niya.He looked at me, his dark eyes serious and unwavering. “I like you, Caress.”“Wha...Ha?”I like you…Caress.Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. "Hindi ko maintindihan, Andrew."He looked at me. “I know, it's been days since we met. But the truth is I already liked you the first time I saw you…in the supermarket.”Hindi ko namalayang napaawang na ang mga labi ko sa narinig. Hindi ako nakapagsalita. Patuloy
NAGISING ako na nakahiga ako sa sariling kama. Naalala ko si Andrew. Pinagbuksan ko siya ng pinto kanina. Panaginip lang ba iyon? Napahawak ako sa ulo ko. Parang binibiyak iyon sa sakit.Subalit sa kabila ng nararamdaman ay pinilit kong bumangon. Lumabas ako ng kwarto. Natigilan ako nang marinig ang ingay sa kusina. Dumating na ba si Carlos?Umiling ako. No. Noong huli siyang tumawag sa akin ay sinabi niya na kasasakay lang niya sa cruise. That was only a week ago.Naalala ko ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay. Si Andrew. Naabutan ko siya sa labas ng unit ko. Natigilan ako. Possible kaya na…Naglakad ako papunta sa kusina. Tama nga ang hinala ko. Naabutan ko roon si Andrew. I looked at him. Nakaputing t-shirt siya at cargo shorts
“MA'AM, kumusta na po ang pakiramdam nyo?”Isang nakangiting mukha ng nurse ang bumungad sa akin nang idilat ko ang mga mata.Nandito ako ngayon sa ospital. Pagkatapos dumugo ng ilong ko kanina ay dinala ako ni Andrew sa ospital. I was diagnosed with mild fever and anemia. Ayon sa doktor, mabuti na lang at bago pa lumala ang nararamdaman ko ay nadala na ako sa ospital.Ngumiti ako sa nurse. "Medyo okay na." Nilapitan niya ako para i-check ang bag ng IV fluid na nakakabit sa akin.Iginala ko ang mga mata sa kwarto. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito sa ospital. Pagkatapos kong bigyan ng gamot ay bigla na lang akong nakatulog."Miss, anong oras na?" tanong ko sa nurse.
NAPAAWANG ang mga labi ko sa sinabi ni Andrew. Hindi ko inakala na maiisip niya ang bagay na iyon.Well, Andrew's right."Cresia…" untag niya sa akin.Andrew's right—wala naman talaga akong boyfriend. Hindi ko naman boyfriend si Carlos.Bago pa ako magsalita ay nagpatuloy na siya. "Caress…if you don't really like me, you can just tell it straight to my face. You don't have to lie." Bahagya siyang ngumiti sa akin. "I'll understand.""I'm not lying, Andrew." sagot ko sa kanya. "I really have someone." But he's not my boyfriend. I'm in a complicated situation. "But he's not here with me." Tu
PAGGISING ko kinabukasan ay agad kong iginala ang mga mata para hanapin si Andrew. I found him sleeping on the sofa. Nakatagilid siya paharap sakin. Dahil masyado siyang matangkad para sa sofa ay lumagpas ang paa niya sa armrest niyon.Hindi ko alam kung anong oras siyang nakatulog kagabi. Pagkatapos tanggalin ng nurse ang IV drip na nakakabit sa akin ay binigyan niya ako ng gamot. Ilang minuto lang matapos iyon ay muli akong nakatulog.Bahagya akong napangiti habang nakatingin sa natutulog pa ring lalaki. He really insisted on staying last night.We only knew each other for a short period of time, but look at him. He already managed to sacrifice his time for me. Nagtiyaga siyang samahan ako dito sa ospital. Kahit halatang hindi siya komportable sa maliit na sofa ay dito pa rin siya nagpalipas ng g
"ARE you okay, Caress?" Sumulyap sa akin si Andrew.Lulan kami ng kotse niya pauwi sa condo. Simula noong makalabas kami ng ospital ay tahimik ako sa loob ng sasakyan.Bumaling ako sa kanya. "Ha? Okay lang naman.""Are you sure?" tanong niya. "You're already feeling fine?"Bahagya akong ngumuso. "Hindi naman ako papalabasin ng doktor kung hindi pa ako okay.""I'm just making sure. You've been silent since we left the hospital."Sumulyap ako sa labas ng bintana. "Uh…iniisip ko lang iyong requirements ko sa school," sagot ko sa kanya.Subalit sa totoo, kanina pa ako tahimik habang iniisip ko ang lahat