MUNTIK ko nang mabitawan ang hawak na susi sa narinig. "Andrew…" napasinghap ako sa sinabi niya.
He looked at me, his dark eyes serious and unwavering. “I like you, Caress.”
“Wha...Ha?”
I like you…Caress.
Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. "Hindi ko maintindihan, Andrew."
He looked at me. “I know, it's been days since we met. But the truth is I already liked you the first time I saw you…in the supermarket.”
Hindi ko namalayang napaawang na ang mga labi ko sa narinig. Hindi ako nakapagsalita. Patuloy
NAGISING ako na nakahiga ako sa sariling kama. Naalala ko si Andrew. Pinagbuksan ko siya ng pinto kanina. Panaginip lang ba iyon? Napahawak ako sa ulo ko. Parang binibiyak iyon sa sakit.Subalit sa kabila ng nararamdaman ay pinilit kong bumangon. Lumabas ako ng kwarto. Natigilan ako nang marinig ang ingay sa kusina. Dumating na ba si Carlos?Umiling ako. No. Noong huli siyang tumawag sa akin ay sinabi niya na kasasakay lang niya sa cruise. That was only a week ago.Naalala ko ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay. Si Andrew. Naabutan ko siya sa labas ng unit ko. Natigilan ako. Possible kaya na…Naglakad ako papunta sa kusina. Tama nga ang hinala ko. Naabutan ko roon si Andrew. I looked at him. Nakaputing t-shirt siya at cargo shorts
“MA'AM, kumusta na po ang pakiramdam nyo?”Isang nakangiting mukha ng nurse ang bumungad sa akin nang idilat ko ang mga mata.Nandito ako ngayon sa ospital. Pagkatapos dumugo ng ilong ko kanina ay dinala ako ni Andrew sa ospital. I was diagnosed with mild fever and anemia. Ayon sa doktor, mabuti na lang at bago pa lumala ang nararamdaman ko ay nadala na ako sa ospital.Ngumiti ako sa nurse. "Medyo okay na." Nilapitan niya ako para i-check ang bag ng IV fluid na nakakabit sa akin.Iginala ko ang mga mata sa kwarto. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito sa ospital. Pagkatapos kong bigyan ng gamot ay bigla na lang akong nakatulog."Miss, anong oras na?" tanong ko sa nurse.
NAPAAWANG ang mga labi ko sa sinabi ni Andrew. Hindi ko inakala na maiisip niya ang bagay na iyon.Well, Andrew's right."Cresia…" untag niya sa akin.Andrew's right—wala naman talaga akong boyfriend. Hindi ko naman boyfriend si Carlos.Bago pa ako magsalita ay nagpatuloy na siya. "Caress…if you don't really like me, you can just tell it straight to my face. You don't have to lie." Bahagya siyang ngumiti sa akin. "I'll understand.""I'm not lying, Andrew." sagot ko sa kanya. "I really have someone." But he's not my boyfriend. I'm in a complicated situation. "But he's not here with me." Tu
PAGGISING ko kinabukasan ay agad kong iginala ang mga mata para hanapin si Andrew. I found him sleeping on the sofa. Nakatagilid siya paharap sakin. Dahil masyado siyang matangkad para sa sofa ay lumagpas ang paa niya sa armrest niyon.Hindi ko alam kung anong oras siyang nakatulog kagabi. Pagkatapos tanggalin ng nurse ang IV drip na nakakabit sa akin ay binigyan niya ako ng gamot. Ilang minuto lang matapos iyon ay muli akong nakatulog.Bahagya akong napangiti habang nakatingin sa natutulog pa ring lalaki. He really insisted on staying last night.We only knew each other for a short period of time, but look at him. He already managed to sacrifice his time for me. Nagtiyaga siyang samahan ako dito sa ospital. Kahit halatang hindi siya komportable sa maliit na sofa ay dito pa rin siya nagpalipas ng g
"ARE you okay, Caress?" Sumulyap sa akin si Andrew.Lulan kami ng kotse niya pauwi sa condo. Simula noong makalabas kami ng ospital ay tahimik ako sa loob ng sasakyan.Bumaling ako sa kanya. "Ha? Okay lang naman.""Are you sure?" tanong niya. "You're already feeling fine?"Bahagya akong ngumuso. "Hindi naman ako papalabasin ng doktor kung hindi pa ako okay.""I'm just making sure. You've been silent since we left the hospital."Sumulyap ako sa labas ng bintana. "Uh…iniisip ko lang iyong requirements ko sa school," sagot ko sa kanya.Subalit sa totoo, kanina pa ako tahimik habang iniisip ko ang lahat
"IS that guy harassing you?" tanong sa akin ni Andrew pagpasok namin ni kotse niya. His car was parked at the parking space just outside the campus.Mula sa bintana ng sasakyan ay nakasunod ang tingin niya sa papalayong si Franco.Umiling ako. "He's my classmate.""But he likes you, right?" Tumingin siya sa akin. "I saw how you wanted to avoid him.""I already told him I have someone with me...pero hindi siya naniwala." Nag-iwas ako ng tingin. Ngayon, dahil sa pag-iwas kay Franco ay nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan ni Andrew. Kasama siya.Naalala ko ang lahat ng sinabi ko sa kanya noong araw na huli kaming mag-usap. Andrew… he knew everything about me now. Hindi ko alam kung bakit nagpakita siya
"CARESS, are you okay?" bungad na tanong sa akin ni Leandra nang sagutin niya ang video call request ko sa kanya.Katatapos ko lang sa isang plate na kailangan kong ipasa para bukas kaya naisipan kong tawagan ang kaibigan. Sigurado ako na hindi ko naman siya maabala ngayon ay dahil nabanggit niya sa akin na mula nang malaman ni Patrick na buntis siya ay pinahinto muna siya ng asawa sa pagtatrabaho. Leandra was working as a library assistant in Perth.Nakita ko mula sa screen ang pag-alala sa mukha ng kaibigan. Siguro ay nagtataka siya siya sa biglaang pagtawag ko. Usually kasi ay siya ang madalas tumawag at mangumusta sa akin.Ngumiti ako sa kanya. "I'm doing fine, Leandra. I just…I just needed someone to talk to." Nakita ko sa background ang life size wedding painting niya at ng asawa. Nari
"HI, Caress."Andrew's handsome face greeted me when I opened my unit's door. He was standing there, looking so fresh in his white long sleeve polo and black slacks. His lips were curled up in a dashing smile.Pinakalma ko ang sarili habang nakatingin sa kanya. Hindi ko dapat hayaan na magwala na lang ang puso sa tuwing magtatama ang mga mata naming dalawa."You ready?" tanong niya sa akin.Maaga ang klase ko ngayon, and Andrew insisted on bringing me to school."Wait. Kunin ko lang iyong bag ko." Mabilis akong bumalik sa loob at kinuha ang bag. Isang beses ko pang pinasadahan ng sarili sa salamin bago lumabas.Ngumiti siya sa akin nang muling magtama ang m