“HI, Ma’am! Free taste po. Baka gusto niyo.”
Pagpasok ko sa entrance ng supermarket ay nilapitan ako ng isang saleslady. May hawak siyang tray ng cookies at biscuits.
Tipid akong ngumiti sa kanya bago umiling. Itinulak ko ang cart papunta sa canned goods section.
Pagkatapos ng klase ko kanina ay dumiretso ako sa supermarket para mamili ng supplies. Kaunti lang ang balak kong pamilihin dahil halos dalawang buwang mawawala si Carlos. Pinuntahan niya ako kahapon sa unit ko. Nagpaalam siya sa akin na dalawang buwan siyang mawawala ng bansa. Ayon kay Carlos, niregaluhan siya ng anak na si Craig ng ticket sa isang Caribbean cruise at hindi niya iyon nagawang tanggihan.
"Mabuti iyon," Ngumiti ako sa kanya. "Magkakaroon ka ng oras para sa mag relax." Nababanggit niya sa akin na madalas siyang mastress ngayon sa trabaho.
"I don't know if I could enjoy that vacation," sagot ni Carlos. "I don't want to be alone with Arabella. Besides, I'd probably just be thinking of the company." Bumuntong-hininga siya.
Arabella. That's the name of Carlos' wife. I bet she's as beautiful as her name. Hindi ko mabilang kung ilang beses na nabanggit sa akin ni Carlos ang asawa subalit ni minsan hindi ako nagkalakas ng loob na alamin ang mga bagay tungkol dito.
Siguro ay natatakot ako na kapag inalam ko ang tungkol sa kanya ay lalo akong balutin ng guilt sa d****b.
"Sus, 'wag mo munang isipin ang trabaho," sa halip ay sagot ko sa kanya. "Nandito naman ang anak mo, di ba? I'm sure hindi niya pababayaan ang negosyo niyo."
I only knew his son Craig based on Carlos stories. But I've heard a lot of good things about him. Kaya sigurado ako na kagaya rin ni Carlos ang anak nito.
"Yeah. I trust my son. I know he'd do good." Ngumiti siya nang banggitin ang anak. "I still can't believe he was now ready to take over the company."
Ngumiti ako. "Kaya 'wag ka nang mag-isip ng ano pa naman. Just enjoy your vacation." Alam ko kung gaano ka-proud si Carlos sa anak na si Craig. Madalas niya itong ibida sa akin.
Hinawakan ni Carlos ang kamay ko. "How about you? Will you be okay here on your own?"
"Oo naman. Kayang-kaya ko ang sarili," sagot ko sa kanya. "Wala kang dapat ipag-alala sa akin." Bahagya akong napanguso. "Magiging busy din ako kasi malapit na ang midterms. Ang daming requirements na kailangang ipasa."
"Just don't tire yourself out." Hinaplos niya ang buhok ko. "If you need something, just contact me."
Bahagya akong natawa. "I told you, you have nothing to worry about. I won't have any reason to call you."
"Just in case, Caress."
"Fine," pagsuko ko na lang sa kanya. But of course, I won't call him while he is away. He was with his wife. "Basta, mag-enjoy ka lang sa bakasyon mo, ah. Kalimutan mo muna ang trabaho pansamantala."
Hindi ko namalayang napangiti na ako sa sarili. Carlos…he was really thoughtful. Bago siya umalis ay kung ano-ano ang ibinilin niya sa akin. Kahit anong pag-ayaw ko ay nag-iwan din siya ng malaking halaga ng pera. Isinama ko na lang iyon sa mga dati nang ibinigay niya na iniipon ko lang din naman.
Iginala ko ang tingin sa hilera ng mga de lata sa harap ko. Una kong kinuha ang mga delata na nasa malapit na estante, bago ako tumingkayad para abutin ang paboritong brand ng corned beef na nasa mataas na estante.
Bago ako maibagsak ang hawak na delata sa cart ay biglang may bumunggo sa grocery cart ko.
Napabitiw ako roon. Bahagya iyong umusad ng ilang metro palayo sa akin.
“I’m sorry.”
Natigilan ako nang marinig ang isang baritonong boses. Napatingin ako sa may-ari niyon. Sumalubong sa akin ang maamong mukha ng isang lalaki.
Wala sa loob na napatitig ako sa mukha niya. Matangos na ilong. Mapulang mga labi. Makapal na kilay. May kahabaan ang itim na buhok na abot hanggang batok at bahagyang humaharang sa kanyang noo. Bahagyang singkit ang mga mata.
Natigilan ako nang salubungin niya ang tingin ko. Hindi ko alam kung bakit sa halip na mag-iwas ng tingin ay nanatili ang mga mata ko sa kanya. Tila ba may magnet na humihila sa akin para tingnan siya.
"I'm sorry, Miss." Tila natauhan ako nang muli siyang magsalita. He was smiling at me apologetically. Napakurap-kurap ako habang patuloy na nakatingin sa mukha ng lalaking kaharap.
Hindi ko alam kung bakit… hindi ko maalis ang tingin sa mukha niya. Parang may magnet na humihila sa akin… Hindi naman pamilyar ang mukha niya sa akin. I know it was the first time I saw him. I'm sure of it.
Iyon ang unang pagkakataon na napatulala ako sa harap ng isang lalaki. At iyon din ang unang pagkakataon na nagawa kong makipagtitigan sa isang lalaki na hindi ako nakaramdam ng takot at kaba.
Habang nakatingin ako sa kanya, wala akong naramdamang kaba sa d****b. Hindi ko naramdaman ang takot na normal kong nararamdaman kapag nakikipag-usap ako sa mga lalaki.
"Miss…"
His voice… it was as gentle as his looks.
Tumikhim ako at bahagyang ngumiti. "Okay lang."
Ngumiti siya at tumalikod. Hindi ko napigilang sundan siya ng tingin. Matangkad siya at may kalaparan ang likod. He was wearing a white t-shirt and a pair of jeans. Huminto siya at hinawakan ang cart na nakarating sa dulo ng aisle.
Doon ko lang na-realize na iyon ang cart ko… at iyon ang hinabol ng lalaki. Nanatili akong nakasunod ng tingin sa kanya hanggang sa pumihit siya pabalik, tulak ang cart ko.
“Here…" wika sa akin ng lalaki paglapit niya sa akin.
Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa handle ng cart. His arms were veiny and very manly.
"I’m sorry again.” Tumingin siya sa akin at tila nahihiyang ngumiti.
“O-okay lang.” Hinawakan ko ang cart. “Salamat.” Bahagya akong ngumiti. Bago pa ako muling mapatitig sa kanya ay muli akong tumikhim. "Uh, sige… una na ako."
Itinulak ko ang hawak na cart at nilagpasan siya. Pinigilan ko ang sarili na lingunin ang lalaki. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko sa harap niya. Pasimple kong itinapat ang kamay sa d****b. Nakakapagtaka na kalmado iyon. Siguro ay dahil napakaamo ng mukha niya. Parang ang bait-bait niya.
Ipinilig ko ang ulo. Ano bang nangyayari sayo, Caressa? Hindi lahat ng maamo ang mukha ay mabait. Pinilit kong kalimutan ang mukha ng lalaki at ipinagpatuloy ang pamimili.
Habang namimili ng karne sa meat section ay napahinto ako at bahagyang napalinga sa paligid. Pakiramdam ko ay may nakasunod ng tingin sa akin.
Napailing ako.
You're being paranoid again, Caress, wika ko sa sarili.
Minsan ay nagkakaganito ako kapag nasa public places. Pakiramdam ko ay may nanonood sa akin kahit wala naman. Ang sabi sa akin ni Leandra ay baka raw dulot iyon ng aking trauma. She was urging me to seek help from a therapist. Pero hindi pa ako handa sa bagay na iyon. Hindi ko pa kayang balikan ang nakaraan ko at ikwento ang mga iyon sa ibang tao.
Pagkatapos kong makumpleto ang mga pinabili ay dumiretso ako sa counter para pumila. Dalawa pang customer ang nasa unahan ko.
“Ma’am, four thousand fifty po lahat," baling sa akin ng cashier matapos niyang i-punch ang lahat ng binili ko.
Kinuha ko ang tote bag na isinabit ko sa grocery cart. Natigilan ko nang buksan iyon at makitang wala ang wallet ko roon. Paano nangyari iyon, eh, ginamit ko pa iyon pambayad sa taxi kanina?
“Ma’am…" untag sa akin ng kahera.
Natatarantang bumaling ako sa babae. “T-teka lang, Miss ah. Nawawala kasi iyong wallet ko.” Dinukot ko ang purse sa bulsa ng suot na pantalon at binuksan ang laman niyon. Two hundred pesos lang ang laman ng purse ko.
“Miss, is there a problem?”
Napalingon ako sa pamilyar na boses na nagsalita. Natigilan ako. It was him. Siya yung lalaki kanina. Iyong nakabunggo sa akin sa canned good section ng supermarket. Siya ang nakapila sa likod ko.
“Uh, ano, sige mauna ka na…” wika ko sa lalaki. Nahihiyang tumingin ako sa cashier. "Miss, unahin mo na siya. Hahanapin ko lang ang wallet ko."
“Miss, magkano lahat ng pinamili niya?”
Napatingin ako sa lalaki na ngayon ay kausap na ang kahera.
"Four thousand fifty pesos po, Sir."
Binuksan ng lalaki ang hawak na wallet at naglabas ng ilang libuhing papel. Iniabot nito iyon sa cashier.
Napaawang ang labi ko. Hindi ko agad nakuhang makapagsalita.
"Ma'am, okay na po." Natauhan ako nang muling magsalita ang kahera. Kasalukuyang na niyang inilalagay sa grocery bag ang nga pinamili ko.
Tumingin ako sa lalaki. Agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. “T-thank you. B-babayaran kita… hahanapin ko lang iyong wallet ko."
He smiled at me. Muli kong nasilayan ang pagliit ng mga mata niya. "It's okay, Miss."
"Ha? Naku, hindi iyon okay," tanggi ko sa kanya sabay iling. Muli kong binuksan ang hawak na bag. Saan ba kasi napunta ang wallet ko? Sigurado akong dala ko iyon. Iyon pa nga ang ginamit ko nang magbayad ako ng pamasahe kanina, eh. Hindi kaya naiwan ko sa taxi? "Nasan ba kasi yun?"
"Miss."
Huminto ako sa ginagawa at muling tumingin sa lalaki. Napansin ko na siya na ang inaasikaso ng kahera at nakaharang na ako sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi. “Uh… sandali lang.” Itinulak ko ang cart at itinabi sa gilid bago muling hinalughog ang bag.
"It's okay. You don't have to pay me."
Hindi ko namalayang nasa tabi ko na ang lalaki. He was already holding a grocery bag. Napatingin ako sa grocery bag na hawak niya. Mas madami pa ang pinamili ko sa kanya.
"Ha? Hindi…ang laki ng pinamili ko."
"No. It's really fine." He smiled. Hindi ko alam kung bakit kusang bumaba ang mga mata ko sa mga labi niya. Natural na mapula ang mga iyon.
“Well, if you really insist on paying me… a cup of coffee will do.”
Napakurap ako. “Uh… pero hindi ko pa nahahanap ang wallet ko.”
He let out an amused chuckle. “No, I’ll pay for us.”
Napamaang ako. He wanted us to have a coffee together? Muli akong napatingin sa mukha niya. He looked kind and harmless. In fact, binayaran niya ang grocery ko. Isang patunay iyon na mabait siya, di ba?
But he's still a stranger. Kahit mukha siyang mabait, kahit hindi ako nakaramdam ng kaba habang kaharap siya, alam ko na hindi na rin ako dapat pumayag sa alok niya. He was a stranger. I didn't even know his name.
Come on, Caress. “Uh, ano kasi…" sambit ko sa kanya. Bahagya kong kinagat ang ibabang labi at nag-isip ng dahilan para tumanggi. "Uh, hindi ako nagkakape.” Alanganin akong ngumiti. "At saka may kailangan akong puntahan pagkatapos nito," dugtong ko. "Sorry."
“Oh…”
Bago pa siya makapagpatuloy ay inunahan ko na siya. “Ganito na lang. Kunin ko na lang account number mo, tapos doon ko na lang i-deposit iyong bayad ko," suhestion ko sa kanya. "Okay lang ba?”
“Nah. No need." Umiling siya pagkatapos ay muling ngumiti. "You really don't have to pay me. But maybe, if we bump into each other next time and I forgot my wallet, you can pay for my groceries."
"Uh… sure," sagot ko kahit alam kong malabo naman kaming magkita pa. Sa tinagal kong nag-gogrocery dito ay ngayon ko lang siya nakita. "Thank you ulit, ah." Bigla akong nahiya na tinanggihan ko ang alok niyang kape. Bigla rin akong na-guilty sa ginawang pagsisinungaling.
"By the way, how are you getting home?" tanong niya. "May sasakyan ka ba?"
Ngumiti ako. "May pang-taxi pa naman ako."
"I'll go ahead, then." Ngumiti siya at bahagyang kumaway sa akin bago tumalikod.
Nakasunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. I couldn't believe what has happened today.
Bago umuwi ay dumaan ako sa information desk ng supermarket upang ipagtanong ang tungkol sa nawawalang wallet. "Ma'am, hindi kaya nadukutan kayo?" tanong sa akin ng nasa information service.
"Ha? Hindi naman." Mag-isa lang naman ako sa taxi kanina. Kung may dumukot man ng wallet ko ay siguradong mararamdaman ko iyon. Ang tanging pagkakataon na napalayo sa akin ang bag ay nang inilagay ko iyon sa grocery cart kanina.
Natigilan ako nang bumalik sa akin ang engkwentro namin ng singkit na lalaki kanina. Nabunggo niya ang cart ko dahilan upang mapalayo iyon sa akin. Naalala ko na siya ang humabol niyon upang maibalik sa akin. Hindi kaya…
Ipinilig ko ang ulo. Kung kinuha niya ang wallet ko ay bakit niya babayaran ang mga pinamili ko? Isa pa, wala sa hitsura niya ang gagawa ng ganoong bagay. Inalala ko ang maamo niyang mukha. I suddenly felt guilty for suspecting him. Tinulungan na nga niya ako pero nakuha ko pa siyang pag-isipan ng masama.
That's not right, Caress, kastigo ko sa sarili.
"Sige po, Ma'am," wika ng babae. "Pakiiwan na lang ng contact number mo at kung sakaling may makapulot at magbalik ng wallet mo, matawagan namin kayo agad."
"Salamat," sagot ko bago umalis. Ibinigay ko ang cellphone number sa customer service. Bukod sa perang laman ng wallet ko ay nandoon ang mga importanteng cards ko. Iyon ang higit na concern ko kaysa sa perang laman niyon.
Pag-uwi ko sa condo ay sinubukan kong muling hanapin ang wallet. Natigilan ako nang makita ang wallet sa loob ng plastic bag ng mga pinamili ko. Kumunot ang noo ko. Wait. Paano…nangyari iyon?
“I CAN'T wait to finish my project and follow you there…” wika sa akin ni Ada na kausap ko sa video call. "Ang tagal ko na ring hindi nakakapagbakasyon sa Pilipinas." Narinig ko ang buntong-hininga niya. "I miss the beaches there. God, I think I already forgot what Boracay looks like.""Don't worry. I'll bring you there once this family fiasco thing of mine is over." I smiled at her.Pagkatapos kong makapag-ayos ng gamit sa nilipatang unit ay tinawagan ako ni Ada. I rented the unit next to Dad's and his mistress. This was all part of my plan."I'm already looking forward to it, Craig," she said, pouting her lips. "By the way, kailan ang alis nila Tita Arabella?" tanong ni Ada. Siya ang nagbigay sa akin ng idea na pagsamahin ko sa isang cruise ang mga magulang.
"MISS, what do you want to drink?"Napakurap ako sa lalaking kaharap. "Ha?"He smiled. "Alam kong nandito tayo sa coffee shop pero hindi ko alam kung anong paborito mong timpla ng kape."Napatingin ako sa nakangiting mga mata niya. Pamilyar sa akin ang singkit na mga matang iyon. Pamilyar sa akin ang boses niya. Ang mala-anghel niyang mukha. It was him. Ang lalaki sa supermarket."Caress?" tawag niya sa akin.Napamaang ako. Teka… bakit kilala niya ako?Bago pa ako makasagot sa tanong niya ay unti-unti na siyang
“THANK you for today, Miss Caressa.” paalam sa akin ni Jiwon, ang five year old Korean kid na isa sa mga estudyante ko. Tinuturuan ko siya ng English online. Nakita ko ang pagkaway niya mula sa screen ng laptop.Nagtuturo ako ng English language sa mga Korean at Japanese preschooler kapag wala akong pasok sa university. Naghanap ako ng part-time job dahil ayokong umasa na lang kay Carlos. Hindi ko matanggihan ang mga ibinibigay niya sa akin pero ayoko na manatiling nakaasa sa kanya. Sobra-sobra na ang lahat ng naitulong niya sa akin. Isa pa, alam kong hindi habang-buhay ay nandyan si Carlos para sa akin. Kahit natatakot ako ay kailangan ko pa ring paghandaan ang araw na kailangan ko nang umalis sa buhay niya.“You're welcome, Jiwon. See you next week." Kinawayan ko ang estudyante mula sa screen ng laptop.
"JUST stay still," wika sa akin ni Andrew pagkatapos niyang initin ang dala kong bagoong. "Let me prepare for everything."Inilapag niya iyon sa mesa kasabay ang isang bowl ng kare-kare."Hindi. Tulungan na kita.""Don't." He shook his head. "Let me do this, Caress," Sumulyap siya sa akin. "Ikaw na ang nagluto kaya maupo ka na lang muna." Pagkatapos niyang ilapag ang bandehado ng kanin sa mesa ay ipinaghila niya ako ng silya. "Sit here, please."Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Naupo ako silya.Pinanood ko siyang ilapag sa tapat ko ang plato at kubyertos. Pagkatapos niyang ilapag pitsel ng orange juice at tubig ay hinila niya ang silya sa harap ko at naupo roon. "Now, we can finally eat."
"LOKI, 'wag ka na magpasaway," sambit ko sa alaga. Yumuko ako at hinaplos ang mukha niya. "Tara na, please."Muli kong ginalaw ang leash na ikinabit ko sa kanya subalit nanatiling nakaupo sa tapat ng pinto ang alaga.Buong araw nang matamlay si Loki. Nang mapansin ko kanina na mahina rin siyang kumain ay nagsimula na akong mag-alala sa kanya. Nagpasya na akong dalhin siya sa vet. Pero pagdating namin sa labas ng unit ay bigla siyang nahiga siya sa tapat ng pinto.Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang alaga. Kung kaya ko lang siyang buhatin, eh."Hey."Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Andrew. Mula kay Loki ay nag-angat ako ng tingin sa kapitbahay. Nakatayo siya sa tapat ng unit niy
"BE good here, Loki," bilin ko sa alaga. Suhestiyon sa akin ng vet na tumingin kay Loki kailangang mag-stay doon ng alaga pansamantala para obserbahan. Mas mabuti na rin iyon para matingnan siyang mabuti ng doktor. Kapag nasa unit siya ay hindi ko siya mababantayang mabuti."I'll miss you." Isang beses ko pa siyang hinalikan bago ko siya iwan."How was he?" tanong sa akin ni Andrew nang makita ko siya sa waiting area ng clinic. Mula sa pagkakaupo sa sofa ay tumayo siya at lumapit sa akin.Sinabihan ko siya kanina na pwede na siyang umalis pagkatapos kaming ihatid ni Loki. But he stayed."Kailangan pa siyang obserbahan dito ng ilang araw," sagot ko sa kanya. "Pero sabi naman ng doktor, wala akong dapat ipag-alala."
"HAPPY birthday, Loki," masayang bati ko sa alaga. Niyakap ko siya at hinalikan. Pagkatapos ay bumaling ako ang cake na nasa harap namin. Hinipan ko ang ilaw sa kandila at muling hinalikan ang alaga.Pagkatapos ng klase ko kanina ay dinalaw ko si Loki sa clinic. Ngayon kasi ang birthday niya: March 28. Well, technically, it's not really his birthdate. Iyon ang date kung kailan napulot namin ni Mama si Loki five years ago kaya iyon na rin ang araw kung isine-celebrate namin ang birthday niya.Nang makita ako ni Loki kanina ay sinalubong niya agad ako ng halik. Taliwas noong iwan namin siya ni Andrew doon ay masigla na si Loki ngayon. Sabi ng vet ay magaling na ang alaga mula sa virus na tumama sa kanya. Pagkatapos niya akong bigyan ng vitamins ay binigyan niya ako ng go signal na pwede ko nang iuwi ang alaga.
"GOOD morning!"Napabaling ako sa veranda ng kabilang unit nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Andrew.Naabutan ko siyang nagkakape sa veranda ng unit niya. He was in his pajamas while holding a mug on his other hand."Good morning," bati ko sa kanya. Naalala ko ang nangyari kagabi—kung paanong sa unang pagkakataon ay bumilis ang tibok ng puso ko sa harap niya.Pinakiramdaman ko ngayon ang sarili. My heart beat was normal. Wala akong nararamdamang kakaiba sa dibdib. Marahil ang naramdaman kong kakaiba kagabi sa harap ni Andrew ay epekto lamang ng naranasan kong takot sa dilim."Your coffee smells incredibly good," sambit niya. "What coffee brand do you use?"
"ARE you ready?"Mula sa labas ng simbahan ay tanong sa akin ni Carlos. Today was my wedding day. I was going to marry Craig who was already inside the church waiting for me.Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na ito.Malaki ang ngiting tumango ako kay Carlos at bahagyang inayos ang laylayan ng wedding gown.I was wearing a wedding gown designed by Ada. Sabi niya ay iyon na daw ang wedding gift niya sa amin ni Craig. Last week siya bumalik ng Pilipinas kasama ang anak na si James para iuwi ang wedding gown ko at umattend sa kasal namin ni Craig.Ada and I… we were already friends. Noong araw na pinuntahan ko si Craig sa ospital at nagkaayos kaming dalawa, nagkausap kami ni Ada. Na
"CRAIG, what happened?"Nag-angat ako ng tingin kay Ada nang marinig ko ang boses niya.I was drinking at the bar when she called me."Masyado pang maaga para uminom," litanya bago maupo sa tabi ko."She was gone," mahinang sagot ko habang nakatingin sa baso ng alak sa harap ko. "I lost."Sumenyas siya sa bartender bago bumaling sa akin. "But Caress loves you." Her forehead creased.Mapait akong natawa bago muling nagsalin ng alak sa bago at nilagok iyon. "Akala ko rin, eh. But she choose that fucking doctor, Ada."Caress' reactions toward me in that one week we were together confirmed one thing—that she was sti
Craig's POV"CARESS…" I whispered in the air as I saw her. I blinked my eyes. I couldn't believe that after five years, I'd finally see her again.Five years ago, she decided to leave me and never show herself to me again. Naalala ko pa ang galit sa akin ni Dad nang ipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa naging relasyon namin ni Caress—ng babaeng inakala kong kabit niya."How could you do that, Craig?" My father angrily said to me after giving me another punch in the face. I just told him everything. Including the real reason I came back to the Philippines—my plan to seduce the woman I mistook as his mistress.But my plan to seduce Caressa Ilea Mendoza backfired on me. Because in the end, I was the one who fell for that woman. In
"CHEF, thank you sa pasalubong, ah. Naubos ko agad iyong hopia."Pangalawang araw ko ngayon sa trabaho matapos kong bumalik ng Patar.Pagpasok ko pa lang kaninang umaga ay kanya-kanyang pasalamat ulit sila sa pasalubong na ibinigay ko kahapon. Pare-parehong nilang nagustuhan ang hopia na dala ko."Chef, sabihin mo kapag babalik ka ulit ng Manila, ah," wika ni Allen. "Magpapabili ako ng madaming hopia."Mula sa pagpe-plating ng salad na order na isang customer ay napatingin ako babae. Ngumiti na lang ako kahit alam ko sa sarili ko kung makakabalik pa ba ako ng Maynila."Chef, okay ka lang?" tanong sa akin ni Andrea habang kumakain kami ng lunch sa lounge. "Parang kahapon ka pa tahimik."
NATUTULOG na mukha ni Craig ang bumungad sa akin nang magising ako. Iginila ko ang tingin sa paligid. We were inside his bedroom, and I was naked beside him. Napahawak ako sa noo nang maalala ang mga nangyari kagabi. We were stranded here last night. And then… something happened to me. Mariing pumikit ako. It was all my fault.Damn. Anong pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon? I was the only one to blame here.I was the one who kissed him. Last night… I let my emotions get the best of me.Mabilis kong isinuot ang damit at lumabas ng kwarto. Sumalubong sa akin ang nakakalat na pinagkainan namin sa sala. Tumama ang mga mata ko sa bote ng wine na nasa center table. Was it the wine? Napahawak ako sa mga labi. I could still remember the taste of his lips against mine.
OUR way back to Manila was awkward. Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Craig. I couldn't believe I managed to walk out on him. Was he mad at me? I don't know. And I shouldn't care.I knew what I did was right. But my heart… it was breaking.Sa kalagitnaan ng byahe ay pumikit ako at nagpanggap na tulog. Napadilat lang ako nang marinig ko ang isang malakas na kulog. Nagulat ako nang makitang malakas ang ulan sa labas.Tumikhim ako at nag-aalangang bumaling kay Craig. Iginala ko ang tingin sa paligid. "Nasaan na tayo?""Quezon City," tipid na sagot niya. Bumaling ako sa bintana. Wala akong masyadong makita sa labas dahil sa lakas ng ulan subalit sa kabila niyon ay napansin ko na pamilyar sa akin ang kalsadang ito. Muli ko sanang ipipikit an
"PARA kay Ate Lena lahat ito?" tanong ni Craig habang nakatingin sa basket na dala niya. Nasa loob kami ng sikat na hopia store sa Binondo.Bukod sa Cafe Mezzanine ay pinuntahan din namin ang iba pang sikat na restaurant doon. Niyaya ko rin si Craig sa Estero Street para tikman ilang street foods na binebenta roon. Hindi ko makalimutan ang ekspresyon ng mukha niya nang pakainin ko siya ng piniritong frog legs kanina.Muli akong kumuha ng panibagong flavor ng hopia sa estante at inilagay iyon sa basket. "Hindi. Magbibigay din ako sa mga ka-work ko. Saka kay Sky. Favorite niya iyong hopia dito."He slightly cocked his brows. "I thought we're not going to talk about other people today?""Ikaw iyong nagtanong, eh." Ibinaba ko ang tingin sa basket na halos m
"MAMA, ingat po kayo ni Papa sa date nyong dalawa."Napahinto ako sa pagsusuot ng sapatos nang marinig ko si Carina. Nakaupo siya sa kama habang nakatingin sa akin."Date?"Nginitian niya ako. "Di ba, magde-date kayo ni Papa?""Kanino mo nalaman iyan?""Iyong date? Eh, di kay Papa. Di ba nanliligaw siya sayo? Kaya kayo magde-date?"Hindi ako makasagot sa anak. Minsan, hindi ako makapaniwala na napakarami na niyang alam. Pakiramdam ko ay ang bilis niyang lumaki. Parang kailan lang, baby pa siya at hindi nakapagsalita. Ngayon, pati date ay alam na niya.
AKALA ko nananaginip ako nang magising ako na nakabalot sa katawan ko ang braso ni Craig. Subalit naalala ko ang ilang bahagi ng nangyari kagabi. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi na nilalamig. I found Craig in my room. Then I asked him the craziest thing I could ever do in my life. I asked Craig to cuddle with me.Kinagat ko ang ibabang labi. What have I done last night?I miss you, baby. So much. I miss you so damn much.Naalala ko ang huling sinabi niya bago ako nakatulog kagabi. I even remembered shedding a tear last night.Maingat kong inalis ang braso niya sa katawan ko. Halos mahigit ko ang hininga habang lumalayo sa kanya. I didn't want him to wake up just yet. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng inasta ko kagabi.