Share

Secretly Married To A Heartless CEO
Secretly Married To A Heartless CEO
Author: Rhod Selda

Chapter 1

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2024-08-22 22:37:12

STRESS ang inabot ni Yana sa unang office work niya sa kumpanya ng kaniyang lolo. Hindi niya kaya ang pressure sa banking industry, lalo’t mahina siya sa numero. Graduate siya ng BS Hotel and Restaurant Management, bagay na malayo sa trabahong gusto ng lolo niya.

“You didn’t finish your paperwork, Yana,” sabi ni Orlando nang madatnan siya sa lobby ng mansiyon.

“Hindi ko na po kaya, Lolo. Sasabog ang utak ko,” reklamo niya. Nakahiga siya sa couch at pumapapak ng popcorn.

Napalakas ang buntonghininga ng ginoo at lumuklok sa sofa sa gawing paanan niya.

“Hindi kita pipilitin pero kailangan mong magtrabaho upang masanay ka. Iba na ang buhay mo ngayon. May nakaabang nang malaking responsibilidad sa ‘yo dahil ikaw ang nag-iisa kong apo. Dapat noon pa kita kinuha sa nanay mo, eh. Kung alam ko lang na mesirable ang buhay ninyong mag-ina, sana’y pilit kitang kinuha.”

Napaupo siya nang maalala ang kaniyang ina na walang ginawa kundi maglasing at manlalaki. Lumaki siya sa puder ng nanay niya dahil itinakas siya nito mula sa kaniyang ama. Nakaaway kasi nito ang lola niya noon. Nakasama pa rin naman nila ang daddy niya pero saglit lang dahil namatay ito sa cancer.

“Nagpapasalamat po ako sa inyo kasi binago n’yo ang buhay ko. Pero, Lolo, iba ang gusto ko. Gusto kong magluto, magtrabaho sa hotel,” aniya.

“Walang problema kung iyan ang gusto mo, Yana. Ang sa akin lang, aralin mo rin ang negosyo. Tapusin mo ang pag-aaral ng accountancy o kaya kahit business management.”

Napangiwi siya. “Ang hina ko po sa math, Lo.”

“Masasanay ka rin kung palagi mong inaaral.”

Ngumuso siya. “Gusto ko munang magkaroon ng experience sa company na magagamit ang pinag-aralan ko. Itutuloy ko pa rin naman ang pag-aaral.”

Umalon ang dibdib ng ginoo. “Fine. I’ll allow you to work with another company but don’t forget to help me in our company once you’re ready. At saka napag-usapan na natin na kailangan mong maikasal sa lalaking maalam sa negosyo. Ayaw mo namang panindigan ang kumpanya, so, allow me to choose the man who can help us.”

Matabang siyang ngumiti. Naiirita siya sa tuwing inuungot ng lolo niya ang tungkol sa pagpapakasal. Wala naman siyang boyfriend since birth kaya wala iyong problema sa kan’ya, basta matino naman ang lalaki.

“Kayo po ang bahala basta ako magtatrabaho muna sa ibang kumpanya. Hindi ko po sasabihing apo n’yo ako para hindi na maulit ang kidnapping threat ng mga sindikato.”

Ngumiti ang ginoo. “Ano naman ang plano mo? Huwag mo sabihin sa akin na lalayo ka.”

“Uhm, hindi naman ako lalayo pero uupa ako ng apartment.”

“Bakit ka pa uupa? May condominium tayo.”

“Eh, ayaw ko sa condo.”

“Okay, your choice. But at least allow me to assign some bodyguards to monitor you.”

Pinag-ikot niya ang mga mata. “Huwag na po. Kaya ko naman ang sarili ko, eh. Wala namang makahalatang apo n’yo ako. Dating gawi pa rin ako, simpleng buhay lang. Mahirap na baka ma-kidnap ako.”

Nagtaas ng dalawang kamay ang ginoo bilang pagsuko. Tumayo na ito. “Bahala ka na. Ako’y napapagod na.”

“Pahinga na po kayo, ah.”

Ngumiti lang ang ginoo habang palayo.

Nang mawala sa paningin niya ang ginoo ay napalundag siya sa tuwa. Magiging malaya na kasi siya ulit. Simula kasi noong kinuha siya ng ginoo ay hindi na siya nakalalabas na walang bantay.

Lunes ng umaga ay sinimulan na ni Yana ang job hunting. Bigo siyang makakuha ng slot sa online application ng mga napili niyang kumpanya. Gusto niyang magtrabaho sa hotel o kaya restaurant pero walang tumawag sa lahat ng napasahan niya ng CV.

Humingi na siya ng tulong sa kaibigan at naging kaklase noong college. Nakipagkita siya rito sa restaurant kung saan manager ang kaibigan.

“Bakit ka magtatrabaho sa ibang kumpanya, eh may negosyo ang lolo mo?” ani Rosie.

Nilibre pa siya nito ng meryenda.

“Eh, hindi ko kaya ang trabaho sa kumpanya ni Lolo. Alam mo na, hate ko ang paperwork at numero,” aniya.

“Puwede kang mag-apply sa company namin pero doon sa main. Sila kasi ang mag-a-assign kung saan ka puwede.”

“Ano ba itong kumpanya ninyo? Hindi ba ito independent?”

“Hindi, ah. Under ito ng investment company, at pranchise lang ito. Iba-ibang business ang hawak ng company at ang lawak ng connections. Bale tumatanggap sila ng mga investors mula sa ibang kumpanya at kung sinong gusto mag-invest. Hindi ko nga gamay ang kalakaran, eh.”

Naguguluhan din siya. “Ano ba ang pangalan ng main company ninyo?”

“ZT Investment Holdings Inc.”

Napaisip siya nang mapamilyar ang pangalan ng company. May nakita siyang papeles na may detalye tungkol dito mula sa files ng lolo niya. Ang kumpanya kasi ng lolo niya ay nagpi-finance sa mga negosyante parang pautang.

“Bigyan mo ako ng address para puntahan ko ang kumpanya n’yo. Magpapasa ako ng CV,” sabi niya.

“Sige. Anytime ay puwede kang magpasa roon. Mabilis lang ang hiring, kaso pahirapan sa interview lalo pagdating sa CEO.”

“Masungit ba ang CEO?”

“Hm, sungit mo lang?” Bumungisngis si Rosie.

“Never mind. Teka, may pineapple juice ka ba?” pagkuwan ay tanong niya.

“Padadalhan kita rito. Babalik na ako sa trabaho.” Tumayo na si Rossie at iniwan siya.

Ilang minuto siyang naghintay bago dumating ang pineapple juice niya na nasa baso. Marami pang tirang pasta niya pero hirap na siyang kumain dahil sa nakanginginig na ginaw. Malapit pa siya sa malaking air-con.

Hindi siya nakatiis at nagpasyang lilipat ng lamesa. Tumayo siya bitbit ang plato at baso ng pineapple juice. Kung kailan malapit na siya sa lilipatang lamesa ay saka naman siya natisod sa nakaharang na binti ng lalaki. Nabitawan niya ang plato ng pasta tumilapon ang laman nito. Hawak pa rin niya ang baso ng juice pero dahil naalok, tumilapon din ang laman.

Napatili siya nang mapansing tumama sa dibdib ng babaeng nakaupo ang pasta. Ang kaniyang juice naman ay natapon sa dibdib at hita ng lalaking kaharap ng babae.

“What the hell!” singhal ng babae, napatayo na ito.

Hindi niya pinansin ang babae at mas inintindi ang lalaking natapunan ng juice. Natatarantang humugot siya ng tissue mula sa kahon at walang abog na pinahiran ang gawing dibdib ng lalaki. Naka-suit ito.

“Sorry po, sorry!” paulit-ulit niyang sabi.

Nanginginig na ang mga kamay niya sa nerbiyos at ginamit na rin ang kaniyang panyo sa pagpunas sa nabasang damit ng lalaki. Natigilan siya nang pigilan siya nito at hinuli ang kaniyang kanang kamay.

Nag-angat siya ng mukha at tumitig sa pinagpalang kaguwapuhang mukha ng lalaki. Tila huminto ang oras at hindi niya maikilos ang kaniyang katawan. Uminit ang pakiramdam niya nang magtama ang titig nila ng lalaki.

“Leave,” maotoridad na sabi ng lalaki.

“Ho?” maang niya.

Nagulat siya nang may kamay na humila sa kan’yang kanang braso at pinalayo siya sa lalaki.

“Hindi mo ba siya narinig, umalis ka na! You ruined our meeting!” singhal ng babae na natapunan ng pasta. Maganda ito pero mataray ang hilatsa ng mukha.

“Sorry po, ma’am. Hindi ko naman sinasadya. Natisod kasi ako,” depensa aniya.

“I don’t need your explanation. Just leave us alone!”

“Opo. Sorry ulit.” Paulit-ulit pa siyang yumukod.

Nabaling ang tingin niya sa isang lalaking kasama sa lamesa. Guwapo rin ito, kahawig ng masungit na lalaki. Nakangiti ito na tila natutuwa pa sa nangyayari. Nilingon naman niya ang lalaking natapunan ng juice, seryoso pa rin ito pero biglang tumayo at lumisan.

Lumabas na lamang siya ng restaurant. Padabog siyang lumapit sa highway at nag-abang ng taxi.

“Hay! Ang malas ko naman ngayong araw!” maktol niya.

Nang may humintong taxi ay kaagad siyang lumulan. Umuwi na lamang siya.

HUWEBES na ng umaga ulit lumabas ng bahay si Yana at pinuntahan ang main office ng ZT Investment Holdings pero nakapagpasa na siya ng CV online. Nakatanggap siya ng invitation for initial interview. Inagahan niya ang pagpunta sa main office dahil maraming aplikante.

Sa inisyal na interview ng HR department ay pumasa siya. Tuwang-tuwa pa siya dahil inakyat na umano ang application niya sa mas mataas na opisyales. Lumipat silang sampung pasado sa may third floor kung saan ang opisina umano ng COO at executive assistant na kakausap sa kanila.

Hindi siya mapakali sa couch habang naghihintay. Napuno na ang pantog niya kaya nagpaalam siya sa mga kasama na magbabanyo. Nahilo pa siya kakahanap sa palikuran. Nag-ayos din siya ng mukha. Kinulot niya ang dulo ng kaniyang ga-baywang na buhok para mag-match sa picture niya sa CV.

Pabalik na siya ng lobby nang mahagip niya sa balikat ang matangkad na lalaking naglalakad, naka-suit. Napahinto pa siya nang mabitawan ang kaniyang folder. Naunahan siya ng lalaki na pulutin ang folder at ibinigay sa kan’ya. Nagulantang siya nang masilayan ang mukha ng lalaki.

Maging ito ay napatitig sa kan’ya, tila namumukhaan din siya. Ilang sandali siyang tulala at ginugunita ang sandali kung saan niya nakita ang guwapong lalaki.

“You look familiar,” sabi nito.

Matabang siyang ngumiti nang maalala ang lalaki. Ito ang kasama ng masungit na lalaki at babae na natapunan niya ng juice at pasta sa restaurant.

“Ah, sorry po kung naabala ko kayo. Nagmamadali kasi ako baka magsimula na ang interview,” balisang sabi niya.

“Oh, you’re an applicant here?”

“Yes, po.”

Nanilay ang pilyong ngiti sa mga labi ng lalaki. “It seems you are carrying a disaster, huh?” anito.

“Ano ho?”

“Uh, nothing. Good luck sa interview mo. Sana makapasa ka.”

“Salamat po, sir! Dito po ba kayo nagtatrabaho?” Humirit pa siya ng tanong at sumabay sa lalaki na naglakad.

“Hm, yes.”

“Ano po ang pangalan n’yo?”

“I’m Jeo Santillan.”

Mariing kumunot ang kaniyang noo dahil pamilyar ang apelyido nito. May staff ang lolo niya na Santillan ang apelyido.

“Nice to meet you po. Ako pala si Yana Archita,” pakilala niya naman.

Napahinto siya nang biglang tumigil sa paglalakad si Jeo. Napatitig ito sa kan’ya na may curiosity sa mukha.

“Archita? Kaanu-ano mo si Orlando Archita?” tanong nito.

Napangiwi siya nang makilala ni Jeo ang lolo niya. Kailangan niyang magpanggap na hindi kilala ang ginoo.

“Ano, hindi ko siya kilala. Baka kaapelyido lang. Marami namang ganon, ‘di ba?” aniya.

Mahinang tumawa si Jeo. “Anyway, good luck again! See you soon.”

Ngumisi lang siya at hinabol ng tingin ang paalis na binata.

Tamang-tama ang dating niya sa lobby, siya na ang susunod sa interview. Excited pa naman siyang pumasok sa opisina ng executive assistant pero tila binuhusan siya ng nagyeyelong tubig nang mamataan ang pamilyar na babae na nakaupo sa harap ng lamesa. Ito lang naman ang natapunan niya ng pasta noon sa restaurant.

“G-Good morning, ma’am,” naiilang niyang bati.

Unang tingin pa lang ay tinarayan na siya ng babae. Mukhang hindi nito nakalimutan ang kaniyang mukha.

“I’m not mistaken, it’s really you, careless brat. Do you think you can easily get the job here? First encounter pa lang natin sa restaurant previouly, bagsak ka na. Hindi puwede ang lampa at careless dito! Find another company to apply, not here,” sabi nito at padabog na ibinalik ang kaniyang CV.

“Po? Hindi n’yo pa po ako nakausap. Mali naman po atang husgahan kaagad ninyo ako dahil lang sa minsang pagkakamali na hindi ko sinadya,” depensa niya.

“Listen, I need to be strick about accepting new applicants. The CEO gave me the authority to check the applicant’s profile before passing it to him. Kahit ipasa kita sa interview, siguradong babagsak ka rin pagdating sa CEO. Mas mahigpit ‘yon kaysa sa akin.”

“Subukan lang po natin, ma’am.”

“No! You may leave!” Nagtaas na ng boses ang babae.

Aalis na sana siya ngunit may humarang sa pintuan. Nasopresa siya sa presensiya ni Jeo.

“What’s the matter, Lexy?” tanong ni Jeo sa babae.

“I rejected the applicant who can’t even respect me,” sabi ng babae.

“Ano ba ang problema?”

“I hate that woman.”

Napailing si Jeo. “Then, she’s not the problem. Do your job professionally, Lexy. Hindi ikaw ang magdedesisyon kung sino ang tatanggaping aplikante. Follow me, Yana.”

Hindi nakahuma si Yana nang yayain siya ni Jeo palabas ng opisina.

“S-Saan po tayo pupunta, sir?” kabadong tanong niya.

“Sa opisina ng CEO. Kung rejected ka pa rin doon, ako na ang magha-hire sa ‘yo,” sabi nito.

“Ho? Seryoso po ba kayo?”

“Yeah.”

Lumulan pa sila sa elevator patungong fifth floor. Tumahip na ang dibdib niya sa kaba nang patungo na sila sa opisina ng CEO. Panay ang buga niya ng hangin. Talagang sinamahan siya ni Jeo sa loob ng malawak na opisina. Dumaan pa sila sa lobby ng opisina bago natunton ang mismong workplace ng CEO.

Napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan ang pamilyar na lalaking nakaupo sa mahabang itim na lamesa at maraming nakapatong na papeles. Nagatungan ang kaniyang kaba nang mapagtanto na ang CEO ay ang lalaking natapunan niya noon ng juice.

“I’ll leave you here, Yana. Good luck!” sabi ni Jeo.

“Who is she?” tanong naman ng CEO pero hindi nakatingin sa kanila. May binabasa itong papeles.

“She’s Yana Archita, new applican na ayaw tanggapin ni Lexy.”

Nag-angat ng mukha ng guwapong CEO at diretsong tumitig sa mga mata ni Yana. Hindi man lang niya ito nakitaan ng pagkagulat sa mukha, walang anumang ekspresyon, poker face.

“Who’s your father?” kaagad ay tanong nito.

Nasorpresa siya sa tanong nito pero kailangan niyang sagutin nang tama. “Uhm, s-si Rommel Archita po,” nautal pa niyang sagot.

Napahilot sa sintido nito ang CEO. “Take your seat,” anito.

Nilingon pa niya si Jeo at sana’y magpapasalamat.

“I have to go. Good luck, Yana!” sabi nito habang paatras.

Tumango lamang siya at umupo sa silayang katapat ng lamesa ng CEO.

Related chapters

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 2

    PAKIRAMDAM ni Yana ay inaapuyan ang kaniyang katawan habang kaharap ang guwapo at batang CEO. Hindi siya nito kinakausap pero binabasa ang CV niya.“Why do you choose to work here?” mayamaya ay tanong ng CEO.“Uhm, to gain more experience,” turan niya.“Based on your skills and course attained, you can only work for some of our food production companies and hotels, but for now, we don’t accept regularity for these companies.”Tumitig siya sa CEO at kabado na baka hindi siya matanggap. “Okay lang po kahit hindi regular. Gusto ko po sa hotel o restaurant, puwede rin sa food production, kung ano ang available na mapapakinabangan ko ang kursong tinapos ko.”“We have a hotel at the back of this main office, but we are currently closed for new applicants. You can still get a job as part-time or on-call staff in the hotel if you want. You can also work for the food production next to this building.”Napangiwi siya. “You mean, I will have two jobs?”“Yes, if you can. And if your performance r

    Last Updated : 2024-08-22
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 3

    NATULOY ang orientation ni Yana kasama ng bago ring recruit. Nag-enjoy siya sa panonood kung paano pinuproseso ang mga frozen product na ginagamit sa mga fastfood at restaurant. Gusto niya ang ganoong trabaho kaysa maghapong uupo sa opisina at haharap sa papeles.Pagkatapos ng orientation ay tumambay sila sa cafeteria ng main building at nagmeryenda. Mamahalin ang pagkain doon kaya ang ibang kasama niya’y tubig lang ang nabili. Nilibre niya ang mga ito ng spaghetti. Nagkaroon kaagad siya ng mga kaibigan pero mas mabilis niyang nakapalagayan ng loob si Sarina dahil katulad niyang madaldal.“Iyong masungit na lalaki kanina pala ang CEO ng ZT, ano? Ang guwapo pa naman,” sabi ni Salina.Iisang lamesa lang ang inukupa nila na mahaba kaya kasya silang sampu. Dalawa lang sila ni Salina ang babae.“Oo, si Sir Alexis,” sabi niya.“Kilala mo siya?”“Oo naman. Sikat kaya siya.”“Hm, hindi ko siya kilala. Hindi naman ako mahilig sa business news. Puro showbiz news lang ang tinututukan ko.”Napang

    Last Updated : 2024-08-22
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 4

    ILANG minuto pang tulala si Yana bago nahimasmasan. Nagulat pa siya nang maglahad ng kanang kamay sa kan’ya si Alexis, gusto siyang kamayan.“Nice to meet you, Yana,” bati ng binata pero walang ano mang emosyon sa mukha. Diretso ang titig nito sa kaniyang mga mata.Siniko siya ng kaniyang lolo sa braso kaya kumislot siya at saka pa lamang kumilos. Dinaup niya ang palad ni Alexis at pilit na ngumiti rito. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa nangyayari.“Nice to meet you, too, sir,” naiilang niyang sabi.Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magiging fiance niya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya? Sa dami ng lalaki, si Alexis pa talaga, ang nakitaan niya ng ugali na alam niyang hindi siya magiging komportable. What a coincidence! Ang tanong, nagkataon lamang ba ‘yon?Pagkatapos ang daupang palad ay umupo rin siya sa tabi ng kaniyang lolo. Nagpakilala na rin ang ina ni Alexis. Ang ganda ng mommy nito, parang ate lang ni Alexis. Halatang may lahi itong banyaga dahil sa kutis,

    Last Updated : 2024-10-14
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 5

    HININTAY ni Yana makaupo sa harap ng lamesa nito si Alexis. Tumayo lang siya sa tapat nito.“Talk,” sabi nito.Bumuntonghininga pa siya. “Tungkol kay Ms. Karen. Siya ang OIC ko at ako ang magsasabi ng totoo na sa lahat ng opisyales na nasa production department, siya lang ang pinakamatino at mabait. Maaring marami na siyang pagkakamali pero naniniwala ako na hindi lahat ng kapalpakan ay ginusto niya o sinadya. Ang insidente sa beef patties, obvious naman na may sumabutahe. Ang layo ng raw materials sa proccessing area, at saka nasusukat na lahat ng sangkap bago ilagay sa machine na magproseso. Dapat nag-imbestiga muna kayo. May nagbuhos ng asin sa mixture ng patties kasi ang naunang portion na nasa packaging na, sakto naman ang timpla, eh iisang mixture lang ang pinagmulan. Iyong huling portion lang ang umalat nang husto,” walang preno niyang paliwanag.“We are investigating the incident, but Karen's mistakes were repeated. She admitted that sometimes she lost focus because of tiredne

    Last Updated : 2024-10-23
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 6

    NAGPAHATID lang si Yana kay Jeo sa gasoline station. Bumili talaga siya ng gasolina at pinalagay sa basyo ng mineral water na isang litro. Pagkuwan ay binalikan niya ang scooter at naimaneho pauwi. Konti na lang ang naman ang gasolina ng scooter kaya nagamit din niya ang binili.Nagulat siya pagdating ng apartment ay may naghihintay na isang lalaki, bodyguard niya. May dala itong itim na paper bag.“Magandang gabi po, ma’am! Ihahatid ko lang po itong pagkain na pinadala ng lolo n’yo,” sabi nito.Napabuga siya ng hangin. “Nako! Nag-abala pa talaga si Lolo, oh,” aniya. Kinuha din niya ang paper bag ng pagkain. “Salamat, Kuya!”“You’re welcome, ma’am!” Umalis din ang lalaki.Ginutom na siya kaya pagpasok ng apartment ay kaagad niyang nilantakan ang pagkain. Pagkatapos kumain ay naglaba siya ng hinubad na uniporme. Maaga rin siyang natulog.Kinabukasan pagpasok ni Yana sa trabaho ay nakasabay niya sa locker ang mga empleyado na may galit kay Karen. Ang sama ng tingin ng mga ito sa kan’ya.

    Last Updated : 2024-10-28
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 7

    LINGO ng umaga, walang trabaho kaya umuwi si Yana sa mansiyon. Pinauwi siya ng kaniyang lolo dahil umano makakasama nila sa lunch ang pamilya ni Alexis, kasama rin umano ang lolo nito. Pinasusuot siya ng lolo niya ng magarang damit. Talagang pinaayusan nito ang indoor garden na merong water fountain at doon sila kakain.“Ano ba ‘yan si Lolo! Para namang kakain kami sa five star hotel at may bisitang royal family!” maktol niya habang inaayusan ng makeup artist na suki nila.“Ayaw n’yo po ‘yon, para kayong ikakasal sa prinsepe?” sabi ni Dory, ang baklang makeup artist. Nasa walk-in closet sila na karugtong ng kaniyang malawak na kuwarto.“Ang OA lang ka’mo ni Lolo, hay!”Natawa si Dory.“Ganoon po talaga magmahal ang mga lolo sa apo.”Umismid siya.Nakasuot na siya ng pink maxi dress. Hindi niya naisuot ang kabibiling dress ng lolo niya dahil maluwag sa kan’ya. Saktong natapos siyang maayusan ay dumating ang mga bisita.“Ready ka na ba, Apo?” tanong ni Orlando. Sinundo pa siya nito sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 8

    UMALIS na ang mommy at lolo ni Alexis ngunit naiwan ang binata sa bahay nila Yana. Hiniling kasi ni Orlando na maiwan si Alexis dahil gusto pa nitong makausap.Nasa kuwarto na niya si Yana at nagbihis. Nag-aapura siya dahil gustong marinig ang lahat na sasabihin ng lolo niya kay Alexis. Hindi na siya mapakali kakaisip sa kalusugan ng ginoo. Hindi pa siya handang mawala ito dahil kailan lang naman sila nagkasama.Nasa mini office nito ang lolo niya kasama si Alexis. Kumatok siya sa pinto. Si Alexis ang nagbukas ng pinto at diretso naman ang pasok niya. Napansin niya na naglabas ng sandamakmak na papeles ang kaniyang lolo. Tiningnan niya ang mga ito.“Bakit may last will ka na, Lo?” natatarantang tanong niya.“Kumalma ka, Apo. Matagal ko na nagawa ang last will ko bago ako maoperahan sa puso,” ani Orlando. Nakaupo lang ito sa swevil chair.“Ano ba ang pinaplano mo? Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang problema?” mangiyak-ngiyak niyang kastigo sa ginoo.Umalon ang dibdib ni Orlando. “Inih

    Last Updated : 2024-10-30
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 9

    HINDI inaasahan ni Yana ang magiging reaksiyon ng mommy ni Alexis.“Ayos lang po ako sa trabaho, Mommy. Masaya naman ako,” aniya.Hindi siya pinansin ng ginang at marahas na humarap kay Alexis, na nakaluklok na sa couch, nagbukas ng magazine habang nakadikuwatro.“Alexis, why does Yana work in the lower department? Exhausting ang trabaho roon! Alam ba ito ng lolo niya?” Pumalatak na ang ginang.“Before I met Yana personally, she already applied to our company, and based on her educational background, she only qualified in the lower department. Magtataka ang ibang empleyado kung bigla ko siyang ilagay sa manager position at wala ring alam sa management si Yana,” depensa ni Alexis.“Kahit na! Apo ng isa sa top billionaires si Yana, tapos pinagtrabaho mo sa production department?”Umapela na si Yana. “Ah, Mommy, wala pong kasalanan si Alexis. Desisyon ko pong magtrabaho sa mababang posisyon kasi kailangan ko ng experience. Huwag po kayong mag-alala. Alam ni Lolo ang trabaho ko,” aniya.N

    Last Updated : 2024-10-31

Latest chapter

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 68 (Final)

    ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 67

    TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 66

    NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 65

    DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 64

    AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 63

    TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 62

    TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 61

    NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 60

    KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status