Share

Chapter 3

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2024-08-22 22:42:01

NATULOY ang orientation ni Yana kasama ng bago ring recruit. Nag-enjoy siya sa panonood kung paano pinuproseso ang mga frozen product na ginagamit sa mga fastfood at restaurant. Gusto niya ang ganoong trabaho kaysa maghapong uupo sa opisina at haharap sa papeles.

Pagkatapos ng orientation ay tumambay sila sa cafeteria ng main building at nagmeryenda. Mamahalin ang pagkain doon kaya ang ibang kasama niya’y tubig lang ang nabili. Nilibre niya ang mga ito ng spaghetti. Nagkaroon kaagad siya ng mga kaibigan pero mas mabilis niyang nakapalagayan ng loob si Sarina dahil katulad niyang madaldal.

“Iyong masungit na lalaki kanina pala ang CEO ng ZT, ano? Ang guwapo pa naman,” sabi ni Salina.

Iisang lamesa lang ang inukupa nila na mahaba kaya kasya silang sampu. Dalawa lang sila ni Salina ang babae.

“Oo, si Sir Alexis,” sabi niya.

“Kilala mo siya?”

“Oo naman. Sikat kaya siya.”

“Hm, hindi ko siya kilala. Hindi naman ako mahilig sa business news. Puro showbiz news lang ang tinututukan ko.”

Napangiti siya. Ang totoo’y wala rin naman siyang hilig sa business issue. Nagka-interes lang siya rito dahil sa kaniyang lolo.

Habang nagmimeryenda ay pinuntahan sila roon ng production department’s OIC na si Karen at ibinigay ang uniform nila. May transportation allowance na sila for one month. Three days training muna sila pero may suweldo na. Ang pagkain naman nila ay ikakaltas sa sahod dahil naka-meal stub. May okay na ‘yon kaysa  bibili sila sa labas o magbabaon kasi abala pa sa oras nila. Discounted naman umano sa pagkain ang empleyado.

“Bukas na pala tayo mag-start! Excited na ako!” eksaheradong sabi ni Sarina.

“Ako rin!” aniya. Pero mayamaya rin ay napalis ang kan’yang ngiti nang maalala ang masungit na CEO at si Lexy.

Hindi siya gusto ni Lexy, at baka pag-initan siya nito lalo, gawan ng isyu para hindi siya magtagal sa kumpanya.

Nauna na umalis ang mga kasama niya dahil pinaiwan siya ng OIC. May gusto umanong kakausap sa kan’ya. Nagtataka naman siya at napaisip kung sino ang kakausap sa kan’ya. Ilang minuto na siyang naghintay sa lobby ng gusali bago binalikan ng OIC.

“Punta ka sa office ng COO, Yana,” sabi nito.

“Ho? Bakit po doon?”

“Basta punta ka na! Nagtanong pa, eh.” Nagsungit na ito.

Sumunod na lamang siya. Pagdating sa opisina ng COO ay bigla siyang na-excite nang makita si Jeo.

“Hello, Sir Jeo!” sabik niyang bati nang makapasok.

“Hi, Yana! Please sit,” nakangiting sabi ni Jeo.

Busy ito sa tinitipa sa laptop habang nakaupo sa harap ng pahaba pero makitid na lamesang itim, salamin sa itaas. Umupo naman siya sa tapat nitong silya.

“Gusto n’yo raw po akong makausap,” aniya.

“Ah, oo, tungkol sa napili mong trabaho. I think you’re not fit there. More on physical ang trabaho sa production department. Mostly na hina-hire namin doon ay mga lalaki.”

Matabang siyang ngumiti. “Ang totoo, iyon lang ang available. Sabi ng CEO, hindi pa hiring para sa regular staff ng hotels at restaurant. Okay rin naman sa akin sa production department kasi mga pagkain ang pina-process.”

Umalon ang dibdib ni Jeo. “So, ang CEO pala ang nagdesisyon.”

“Opo.”

Umiling si Jeo. “Wala talaga siyang pagbabago. Anyway, galingan mo na lang para makakuha ka ng mas magaang trabaho. Iwasan mo lang na maeskandalo dahil maselan ang policy rito pagdating sa reputation ng empleyado at company.”

“Tatandaan ko po ‘yan. Salamat sa payo!” Malapad siyang ngumiti.

“Siya nga pala, uuwi ka na ba?” pagkuwan ay tanong ni Jeo.

“Opo. Tapos na kasi ang orientation namin. Maghahanda rin ako kasi start na ng duty ko bukas.”

“Ah, okay. Sabay ka na sa akin. Lalabas din ako.” Tiniklop ni Jeo ang laptop nito at isinilid sa itim na handbag kasama ng ibang papeles.

Nag-alangan siyang sumang-ayon dito kaso huli na para magreklamo. Nagyaya na ang binata na lumabas.

Tamang-tama paglabas nila ay namataan niya ang CEO na naglalakad patungo sa kanila. Maaring sa elevator ito pupunta. Alexis has a dark aura, mas pinatingkad ng itim nitong suit. Clean-cut ang buhok nito at makinis ang mukha pero nasa mga mata ang madilim na imahe.

Huminto pa siya at hinarap ang CEO. “Good afternoon, sir!” magalang niyang bati.

Napalingon din si Jeo kay Alexis pero walang imik.

“Why are you here?” tanong ni Alexis sa baritonong tinig, may katigasan. Sinipat din nito si Jeo.

“Uh….” Hindi naman niya malaman ang isasagot at nilingon si Jeo.

Ito na lamang ang sumagot sa tanong ng CEO. “I invited her here,” ani Jeo.

“Stop acting like you can manage the consequences of your actions, Jeo. You know how insensitive some people here are, and you have a lot of admirers,” sabi ni Alexis.

“What do you want to say?”

Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Halos magkasing tangkad lang ang mga ito, parehong matikas. Hula niya’y nasa anim na talampakan mahigit ang tangkad ng mga ito kaya nakatingala siya.

“Don’t get close to the newly hired employees from the lower department. You will risk her to those people who madly admire you,” ani Alexis, mas pinatigas ang tinig.

Tumawa nang pagak si Jeo. “I get your point, but I don’t have the intention to harm Yana. I just feel comfortable with her. Hindi naman bawal magkaroon ng kaibigan dito mula sa lower department ‘di ba?”

“No. You don’t get me,” giit ni Alexis.

“Don’t worry. Ako ang bahala kay Yana.”

Napakislot si Yana nang hawakan siya ni Jeo sa kanang braso at niyayang umalis. Sumunod naman siya rito pero nag-abala pa siyang lingunin si Alexis. Napagtanto niya na hindi magkasundo ang magpinsan. Bigla siyang kinabahan at mabilis binawi ang braso mula sa kamay ni Jeo.

Naintindihan niya ang conversation ng magpinsan. Hindi nakapagtatakang marami ang humahanga kay Jeo dahil mabait ito, friendly, malawak ang pag-unawa. Katunayan ay mabilis mapalagay ang loob niya rito. Pero tama rin si Alexis. Hindi magandang tingnan na feeling close na siya kaagad kay Jeo lalo’t isa ito sa may pinakamataas na posisyon sa kumpanya.

“Uh…. sir, hindi na po ako sasabay sa inyo. Walking distance lang naman dito ang tinutuluyan kong apartment,” sabi niya nang lulan na sila ng elevator.

Silang dalawa lang roon pero kinakabahan pa rin siya.

Ngumisi si Jeo. “Iniisip mo ba ang sinabi ng CEO?”

“Uhm, tama rin naman kasi siya.”

“Takot lang siyang umingay pa ang pangalan ko rito sa kumpanya. Mas marami kasi ritong close sa akin kumpara sa kan’ya, maging board of directors at investors. Mas mabilis kong nakukuha ang tiwala ng mga tao. Siya kasi ay parang patay na nabuhay pero hindi na-recover ang emosyon. He’s heartless.”

Wala siyang imik at hindi na nag-usisa.

Nang makalabas ng elevator ay dumestansiya siya kay Jeo, nagpahuli dahil maraming tao sa lobby. Nahatak kaagad ng presensiya ni Jeo ang atensiyon ng mga tao roon. It makes sense dahil part-time model and endorser si Jeo. Habulin nga naman ito ng babae.

Pagdating sa parking lot ay umiwas na siya kay Jeo. Kaso makulit ito at pilit siyang pinasasakay sa kotse. Nakayukong lumapit siya rito at lumulan ng kotse. Ito ang nagmamaneho kaya magkatabi sila sa upuan.

“Huwag kang matakot, Yana. Hindi ka maaapi sa kumpanya hanggat narito ako,” anito.

“Pero hindi po puwedeng pati sa loob ng kumpanya ay magkaibigan tayo,” aniya.

“Ah, so ayaw mo na lapitan kita sa loob ng kumpanya?”

“Opo.”

“Okay, pero kapag free time, puwede naman siguro.”

Matabang siyang ngumiti. May kakulitan din talaga itong si Jeo.

Nakalayo na sila sa gusali nang maalala na meron pala siyang scooter. “Sorry, nakalimutan ko na may dala akong scooter!” sabi niya.

Naihinto bigla ni Jeo ang kotse at napailing. Natawa ito bigla. “Silly girl! Sige na, bumaba ka na,” anito.

“Pasensiya na talaga.” Mabilis siyang bumaba at bumalik sa parking lot ng gusali.

Lumulan siya ng scooter pauwi sa apartment.

SA unang araw ni Yana sa trabaho ay hindi naging madali ang aktibidad. Maraming abusadong staff sa production department lalo ang mga nasa taas. Silang mga bagong salta ang isinasalang ng mga ito sa mabibigat na trabaho. Hindi naman sila makapagreklamo.

Wala pang isang linggo sa trabaho ay tila bibigay na ang katawan niya sa hirap ng gawain. Kakayanin niya ang trabaho basta walang abusadong staff na pini-pressure sila.

Sabado ng gabi pag-uwi ng apartment ay diretso higa sa kama ang dalaga. Ni hindi niya nahawakan ang kaniyang cellphone maghapon. Tunog nang tunog ang cellphone niya na nasa bag. Kinuha niya ito at sinagot nang malamang lolo niya ang tumatawag.

“Hello po, Lolo! Kumusta kayo?” matamlay niyang bati.

“Heto, nag-aalala na sa ‘yo, Apo. Ano? Kumusta ang trabaho mo?” anang ginoo sa kabilang linya.

“Nakakapagod po pero kakayanin.”

“Sabihin mo lang kapag hindi mo na kaya.”

“Huwag n’yo po akong alalahanin. Ayos lang ako.”

“Sige. Siya nga pala, Apo. Bukas ng gabi, sa bahay ka maghapunan. May bisita tayo.”

“Ho? Sino po ang bisita?” Napaupo siya.

“Ang fiance mo. Hindi ba napag-usapan na natin ‘to?”

Bigla siyang ginupo ng kaba. Walang hint ang lolo niya tungkol sa identity ng fiance niya, at matagal pa ang kasal. Nataranta na siya.

“Ah, eh, Lolo, hindi pa akong handa makilala ang fiance ko. Haggard na ako dahil sa pagod. Baka mamaya niyan ay hindi ako magustuhan ng fiance ko,” maktol niya.

Natawa ang ginoo. “Huwag mong isipin ang hitsura mo. Maganda ka kahit hindi ka mag-ayos, Apo. Isa pa, hindi naman namimili ang fiance mo at kilala ka na niya. May ideya na siya tungkol sa ‘yo dahil ilang beses na kaming nagkuwentuhan. Pinakita ko sa kan’ya ang larawan mo.”

Ngumuso siya. “Ang unfair naman, Lolo. Hindi n’yo ako binigyan ng ideya kung sino iyang pakakasalan ko. Basta tiyakin n’yo na hindi ako ma-stress sa lalaking ‘yan, ah? Baka mamaya babaero ‘yan at lasinggero.”

Muling natawa ang ginoo. “Magtiwala ka sa akin, Apo. Kilalang-kilala ko ang fiance mo. Wala siyang bisyo, business-minded. Ni wala nga ata siyang girlfriend since birth.”

“Talaga po?” Nasabik naman siya.

“Oo. Agahan mo ang uwi bukas, ha? Magpapabili na ako ng damit na isususot mo.”

“Opo.”

Nang maputol ang linya ay muli siyang humiga, bumuntonghininga.

Kinabukasan ay gumaan ang pakiramdam ni Yana dahil half-day lang ang pasok nila sa production department. Walang opisina ng Sabado at Linggo kaya wala ang masusungit na opisyales, puro OIC lang.

Dumiretso na siya sa mansiyon at doon na magbibihis suot ang dress na binili ng lolo niya. Mas excited pa sa kan’ya ang ginoo. Talagang nagtawag pa ito ng makeup artist para lang ayusan siya. Nagustuhan naman niya ang magenta off-the shoulder dress na hanggang binti ang laylayan. Terno ito sa two inches sandals niya.

May chef sila sa mansiyon at inobliga ng lolo niya na magluto ng masasarap na putahe. Makakasama umano ang future mother-in-law niya kaya todo effort ang lolo niya na paayusan ang malawak nilang hardin sa gawing kaliwa ng bahay. Malapit sa Olympic swimming pool ang venue na merong maayos na landscape. Nagpalagay lang ng mini pavillion ang lolo niya roon.

Tamang-tama pagsapit ng alas sais ay nakaayos na siya. Sinunod naman ng makeup artist ang request niya na huwag kapalan ang kaniyang makeup. Nagsimula siyang kabahan nang katukin ng lolo niya ang pinto ng kaniyang kuwarto.

“Maghanda ka na, Apo! Dumating na ang fiance mo!” sabi nito.

Lalo lamang siyang nababalisa at panay sulyap sa salamin. Kinulot ang dulo ng ga-baywang niyang buhok pero inilugay lang.

“Lalabas na po ba ako, Lolo?” tanong niya.

“After twenty minutes. Papupuntahin ko muna ang mga bisita sa venue. Tatawagan na lang kita kapag ready na, ha?”

“Opo!” Umupo pa siya sa gilid ng kama at naghintay ng tawag ng lolo niya.

Makalipas ang biyente minuto ay tumawag ang lolo niya, pinapupunta na siya sa venue. May dalawang maid pang umalalay sa kan’ya palabas ng bahay. Habang palapit sa venue ay ganoon din kabilis ang kabog ng dibdib niya. Nai-imagine na niya ang hitsura ng kaniyang fiance. Iniisip niya na baka mataba ito, may edad na kasi CEO umano ito ng isang kumpanya.

Namataan niya ang mga bisita na nakaupo na sa harap ng mahabang lamesa, kausap ang lolo niya. Dalawa lang naman ang bisita, isang magandang ginang na naka-red dress, kulot ang buhok na nakapulupot sa tuktok. Katabi nito ang bata pang lalaki. Nang malapit na siya sa mga ito ay sumidhi pa ang kaniyang kaba.

“Oh, here’s my granddaughter!” bulalas ni Orlando, napatayo pa at inabangan ang paglapit niya.

Ang ginang lang ang lumingon sa kan’ya. Pero hindi rito napako ang paningin niya kundi sa lalaking naka-gray tuxedo na katabi nito. Napahinto siya at kumurap-kurap, tiniyak na hindi siya nagmamalikmata. Napatanong pa siya sa isip bakit naroon ang CEO ng ZT Investment Holdings, si Alexis Santillan!

Wala namang ibang batang lalaki roon sa lamesa kundi si Alexis. Sinundo na siya ng lolo niya at pinaharap sa mga bisita.

“Please welcome your fiance, Yana. You know him already, right?” sabi ng lolo niya, itinuro si Alexis, na siyang fiance pala niya!

Tila binuhusan siya ng malamig na tubig at biglang nanigas sa kaniyang kinatatayuan.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Leah Desabille
wow ganda ng story pa uodate author
goodnovel comment avatar
PrincessDenise Tobias
sabi na eh hahaha.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 4

    ILANG minuto pang tulala si Yana bago nahimasmasan. Nagulat pa siya nang maglahad ng kanang kamay sa kan’ya si Alexis, gusto siyang kamayan.“Nice to meet you, Yana,” bati ng binata pero walang ano mang emosyon sa mukha. Diretso ang titig nito sa kaniyang mga mata.Siniko siya ng kaniyang lolo sa braso kaya kumislot siya at saka pa lamang kumilos. Dinaup niya ang palad ni Alexis at pilit na ngumiti rito. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa nangyayari.“Nice to meet you, too, sir,” naiilang niyang sabi.Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magiging fiance niya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya? Sa dami ng lalaki, si Alexis pa talaga, ang nakitaan niya ng ugali na alam niyang hindi siya magiging komportable. What a coincidence! Ang tanong, nagkataon lamang ba ‘yon?Pagkatapos ang daupang palad ay umupo rin siya sa tabi ng kaniyang lolo. Nagpakilala na rin ang ina ni Alexis. Ang ganda ng mommy nito, parang ate lang ni Alexis. Halatang may lahi itong banyaga dahil sa kutis,

    Last Updated : 2024-10-14
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 5

    HININTAY ni Yana makaupo sa harap ng lamesa nito si Alexis. Tumayo lang siya sa tapat nito.“Talk,” sabi nito.Bumuntonghininga pa siya. “Tungkol kay Ms. Karen. Siya ang OIC ko at ako ang magsasabi ng totoo na sa lahat ng opisyales na nasa production department, siya lang ang pinakamatino at mabait. Maaring marami na siyang pagkakamali pero naniniwala ako na hindi lahat ng kapalpakan ay ginusto niya o sinadya. Ang insidente sa beef patties, obvious naman na may sumabutahe. Ang layo ng raw materials sa proccessing area, at saka nasusukat na lahat ng sangkap bago ilagay sa machine na magproseso. Dapat nag-imbestiga muna kayo. May nagbuhos ng asin sa mixture ng patties kasi ang naunang portion na nasa packaging na, sakto naman ang timpla, eh iisang mixture lang ang pinagmulan. Iyong huling portion lang ang umalat nang husto,” walang preno niyang paliwanag.“We are investigating the incident, but Karen's mistakes were repeated. She admitted that sometimes she lost focus because of tiredne

    Last Updated : 2024-10-23
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 6

    NAGPAHATID lang si Yana kay Jeo sa gasoline station. Bumili talaga siya ng gasolina at pinalagay sa basyo ng mineral water na isang litro. Pagkuwan ay binalikan niya ang scooter at naimaneho pauwi. Konti na lang ang naman ang gasolina ng scooter kaya nagamit din niya ang binili.Nagulat siya pagdating ng apartment ay may naghihintay na isang lalaki, bodyguard niya. May dala itong itim na paper bag.“Magandang gabi po, ma’am! Ihahatid ko lang po itong pagkain na pinadala ng lolo n’yo,” sabi nito.Napabuga siya ng hangin. “Nako! Nag-abala pa talaga si Lolo, oh,” aniya. Kinuha din niya ang paper bag ng pagkain. “Salamat, Kuya!”“You’re welcome, ma’am!” Umalis din ang lalaki.Ginutom na siya kaya pagpasok ng apartment ay kaagad niyang nilantakan ang pagkain. Pagkatapos kumain ay naglaba siya ng hinubad na uniporme. Maaga rin siyang natulog.Kinabukasan pagpasok ni Yana sa trabaho ay nakasabay niya sa locker ang mga empleyado na may galit kay Karen. Ang sama ng tingin ng mga ito sa kan’ya.

    Last Updated : 2024-10-28
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 7

    LINGO ng umaga, walang trabaho kaya umuwi si Yana sa mansiyon. Pinauwi siya ng kaniyang lolo dahil umano makakasama nila sa lunch ang pamilya ni Alexis, kasama rin umano ang lolo nito. Pinasusuot siya ng lolo niya ng magarang damit. Talagang pinaayusan nito ang indoor garden na merong water fountain at doon sila kakain.“Ano ba ‘yan si Lolo! Para namang kakain kami sa five star hotel at may bisitang royal family!” maktol niya habang inaayusan ng makeup artist na suki nila.“Ayaw n’yo po ‘yon, para kayong ikakasal sa prinsepe?” sabi ni Dory, ang baklang makeup artist. Nasa walk-in closet sila na karugtong ng kaniyang malawak na kuwarto.“Ang OA lang ka’mo ni Lolo, hay!”Natawa si Dory.“Ganoon po talaga magmahal ang mga lolo sa apo.”Umismid siya.Nakasuot na siya ng pink maxi dress. Hindi niya naisuot ang kabibiling dress ng lolo niya dahil maluwag sa kan’ya. Saktong natapos siyang maayusan ay dumating ang mga bisita.“Ready ka na ba, Apo?” tanong ni Orlando. Sinundo pa siya nito sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 8

    UMALIS na ang mommy at lolo ni Alexis ngunit naiwan ang binata sa bahay nila Yana. Hiniling kasi ni Orlando na maiwan si Alexis dahil gusto pa nitong makausap.Nasa kuwarto na niya si Yana at nagbihis. Nag-aapura siya dahil gustong marinig ang lahat na sasabihin ng lolo niya kay Alexis. Hindi na siya mapakali kakaisip sa kalusugan ng ginoo. Hindi pa siya handang mawala ito dahil kailan lang naman sila nagkasama.Nasa mini office nito ang lolo niya kasama si Alexis. Kumatok siya sa pinto. Si Alexis ang nagbukas ng pinto at diretso naman ang pasok niya. Napansin niya na naglabas ng sandamakmak na papeles ang kaniyang lolo. Tiningnan niya ang mga ito.“Bakit may last will ka na, Lo?” natatarantang tanong niya.“Kumalma ka, Apo. Matagal ko na nagawa ang last will ko bago ako maoperahan sa puso,” ani Orlando. Nakaupo lang ito sa swevil chair.“Ano ba ang pinaplano mo? Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang problema?” mangiyak-ngiyak niyang kastigo sa ginoo.Umalon ang dibdib ni Orlando. “Inih

    Last Updated : 2024-10-30
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 9

    HINDI inaasahan ni Yana ang magiging reaksiyon ng mommy ni Alexis.“Ayos lang po ako sa trabaho, Mommy. Masaya naman ako,” aniya.Hindi siya pinansin ng ginang at marahas na humarap kay Alexis, na nakaluklok na sa couch, nagbukas ng magazine habang nakadikuwatro.“Alexis, why does Yana work in the lower department? Exhausting ang trabaho roon! Alam ba ito ng lolo niya?” Pumalatak na ang ginang.“Before I met Yana personally, she already applied to our company, and based on her educational background, she only qualified in the lower department. Magtataka ang ibang empleyado kung bigla ko siyang ilagay sa manager position at wala ring alam sa management si Yana,” depensa ni Alexis.“Kahit na! Apo ng isa sa top billionaires si Yana, tapos pinagtrabaho mo sa production department?”Umapela na si Yana. “Ah, Mommy, wala pong kasalanan si Alexis. Desisyon ko pong magtrabaho sa mababang posisyon kasi kailangan ko ng experience. Huwag po kayong mag-alala. Alam ni Lolo ang trabaho ko,” aniya.N

    Last Updated : 2024-10-31
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 10

    HINDI mapakali sa kaniyang upuan si Yana at iniisip si Jeo. Posibleng nag-research si Jeo tungkol sa identity niya. Ang lolo lang niya ang bilyonaryong Archita sa bansa, na kilala dahil sa dami ng koneksiyon nito sa business world at politika.“Marami namang Archita sa bansa, imposibleng malaman ni Jeo na ako ang apo ni Lolo. Nakapag-usap na kami ni Lolo na hindi niya ipagkakalat sa publiko na ako ang apo niya,” aniya.“You can’t tell, Yana. It’s the reason why you need to avoid Jeo,” ani Alexis.“Hindi ba dapat mas okay na kaibiganin ko si Jeo para mahuli ko ang galaw niya? Mas madali akong makapagpanggap kung malapit ako kay Jeo. Makukumbinsi siya na simpleng tao lang ako.”“Don’t underestimate Jeo’s ability, Yana. Pareho silang mag-isip ng mommy niya, madalas napa-paranoid. Once napansin niya na may ugnayan tayo, lalo siyang magdududa.”“Eh, ‘di tama lang ang desisyon ko na nakabukod kay Lolo. Dapat ganoon din sa ‘yo. Puwede namang manatili ako sa apartment kahit kasal na tayo. Kun

    Last Updated : 2024-11-01
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 11

    PAGKATAPOS ng seremonya ng kasal ay bumanat ng kain si Yana. Katabi niya sa upuan si Alexis, naroon din sa lamesa ang elders nila at abala sa pagkukuwentuhan habang kumakain.Pumapapak na lang siya ng salad nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nakalapag lang ito sa tabi ng kaniyang plato. Nagkasabay pa sila ni Alexis na tumingin sa cellphone. Si Jeo ang tumatawag.Akmang kukunin niya ang cellphone ngunit naunahan siya ni Alexis. Walang abog nitong nai-cancel ang tawag.“Hoy! Bakit mo ginawa ‘yon?” angil niya.“It’s your wedding day; you dare to cheat?” anito.“Cheating ba ‘yong sagutin ang tawag ng isang kaibigan?”“I will not consider Jeo as your friend.”Kinuha pa rin niya ang cellphone. “Ang OA mo.”Binuksan niya ang mensahe ni Jeo.Jeo: “Aren’t you home? I went to your apartment and hoped to see you since your scooter was parked in the garage.”Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi niya maalala kung nagsabi ba siya ng address niya kay Jeo. O baka naman kinuha nito sa CV n

    Last Updated : 2024-11-02

Latest chapter

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 68 (Final)

    ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 67

    TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 66

    NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 65

    DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 64

    AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 63

    TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 62

    TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 61

    NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 60

    KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,

DMCA.com Protection Status