Share

Chapter 6

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2024-10-28 13:27:49

NAGPAHATID lang si Yana kay Jeo sa gasoline station. Bumili talaga siya ng gasolina at pinalagay sa basyo ng mineral water na isang litro. Pagkuwan ay binalikan niya ang scooter at naimaneho pauwi. Konti na lang ang naman ang gasolina ng scooter kaya nagamit din niya ang binili.

Nagulat siya pagdating ng apartment ay may naghihintay na isang lalaki, bodyguard niya. May dala itong itim na paper bag.

“Magandang gabi po, ma’am! Ihahatid ko lang po itong pagkain na pinadala ng lolo n’yo,” sabi nito.

Napabuga siya ng hangin. “Nako! Nag-abala pa talaga si Lolo, oh,” aniya. Kinuha din niya ang paper bag ng pagkain. “Salamat, Kuya!”

“You’re welcome, ma’am!” Umalis din ang lalaki.

Ginutom na siya kaya pagpasok ng apartment ay kaagad niyang nilantakan ang pagkain. Pagkatapos kumain ay naglaba siya ng hinubad na uniporme. Maaga rin siyang natulog.

Kinabukasan pagpasok ni Yana sa trabaho ay nakasabay niya sa locker ang mga empleyado na may galit kay Karen. Ang sama ng tingin ng mga ito sa kan’ya. Isa sa mga ito ang supervisor din sa production department, naka-assign naman sa packaging.

Nagsusuot siya ng apron nang lapitan siya ni Jenny, ang supervisor. “Here’s the bida-bida girl. Masaya ka ba dahil hindi mapapalitan ang supervisor mo?” sabi nito.

“Aaminin ko po na masaya ako na si Ms. Karen pa rin ang supervisor ko kasi sobrang hands on niya at hindi abusado,” kaswal niyang tugon.

“Hindi mo pa kilala si Karen. Magaling ‘yong magpa-victim once nabisto na ang kalokohan niya. Don’t trust her.”

“Higit kong kilala si Ms. Karen kumpara sa ibang empleyado. Hindi naman sarado ang isip ko para hindi maintindihan ang nangyayari sa paligid. Ayaw kong magpagamit sa ibang tao at hayaang ma-brainwash nila.”

Ngumisi si Jenny. “Ang galing mo talagang sumagot, ano? Bago ka pa lang dito sa kompanya, yumayabang ka na. Akala mo ba walang makapansin sa madalas paglapit sa ‘yo ni Sir Jeo. Don’t use that opportunity to be arrogant, entitled. Sir Jeo was friendly, a womanizer kaya huwag kang mag-assume na gusto ka niya.”

“Hindi naman ako nag-a-assume.”

“Hindi ba? Eh, feeling entitled ka por que may isang boss na napapalapit sa ‘yo. Si Sir Jeo lang ‘yon. Wala siyang power to control the company. Si Sir Alexis ang nasusunod sa kompanya, at si Ms. Lexy lang ang kayang manipulahin ang isip ni Sir Alexis.”

Natigilan siya at na-curious kung gaano ba ka-close sina Alexis at Lexy. Nagkunwari siyang walang pakialam sa pinagsasabi ni Jenny.

“Magsisimula na ako sa trabaho. Maiwan ko na kayo. Nice talking,” sabi niya.

Nilagpasan niya ang babaeng masama ang tingin sa kan’ya.

Sanay siya sa bardagulan kaya wala siyang pakialam kung pagkaisahan siya ng mga abusadong empleyado sa kompanya.

Pagsapit ng tanghalian ay mag-isang kumain sa food center si Yana dahil absent si Salina. Nagulat siya nang may lalaking lumapit sa kan’ya, isa sa internal security ng kompanya.

“Ano po ‘yon?” tanong niya.

Inabutan siya nito ng pulang paper bag. “Pinabibigay po ni Sir Jeo,” turan ng lalaki.

Nawindang siya at luminga-linga sa paligid. Busy ang mga tao sa pagkain pero may ilang nakatingin sa kaniya, lalo na ang mga babae. Sinilip muna niya ang laman ng paperbag. Pagkain pala ito na nasa transparent lunch box. Naisip niyang tanggihan ang pagkain ngunit tumunog ang kaniyang cellphone. Tumatawag si Jeo. Sinagot niya ito.

“Hello! Kumakain ako,” sabi niya.

“Natanggap mo ba ang food na pinadala ko sa guwardiya?” tanong naman ni Jeo.

“Ah, oo, kaso kumakain na ako ng baon kong pagkain at patapos na rin.”

“You can try the food. Niluto ‘yan ng mommy ko kaya special. Kung hindi mo maubos, meryenda mo na lang sa hapon.”

Nailang na siyang tumanggi. “Sige. Salamat, ah?”

“No worries. Eat well. See you when I see you.”

Tumango siya kahit hindi nakikita ang kausap. Nang maputol ang linya ay binuksan na niya ang lunch box. Umalis na rin ang guwardiya. Tinikman niya ang ulam na laman ng baka na merong malapot at pulang sarsa, merong sesame seeds at spring onion na itaas.

Masarap ang beef, may partner na mashed potatoes, hiniwang prutas na pakuwadrado katulad ng apple, strewberry, ibang klase ng berries. Prutas lang ang kinain niya dahil nabusog na siya. Adobong manok ang ulam niya na niluto niya ng madaling araw.

Pumapapak siya ng prutas nang mahagip ng paningin niya si Alexis, kasama si Lexy. Pumasok ang mga ito sa food center at inukupa ang isang lamesa. May staff naman na nag-serve ng pagkain sa mga ito. Noon lang siya nakadama ng inis kay Lexy nang mapansing mayamaya ang tapik nito sa braso ni Alexis.

Gigil niyang tinusok ng tinidor ang isang hiwa ng kiwi at isinubo habang nakatitig kay Lexy.

“Kaya mo palang manipulahin ang isip ni Alexis, ah. Tingnan natin kung magagawa mo pa ‘yan ngayong narito ako,” bulong niya.

Hindi niya natuloy ang pagsubo sa prutas nang mapansing nakatingin sa kan’ya si Alexis. Naging uneasy siya at wala sa loob na nakalabit sa braso ang lalaking dumaan sa tabi niya.

Napalingon ang lalaki, isa pala ito sa supervisors, naka-assign sa accounting department.

“Bakit?” tanong ng lalaki.

“Uh…. pasensiya na sa abala. Itatanong ko lang kung saang department ka,” hindi napag-isipang sabi niya.

“Ah, sa accounting. Ikaw si Yana, ‘di ba?” anito.

“Oo, ako nga. Bakit kilala mo na ako?”

Lumuklok na sa katapat niyang silya ang lalaki at doon na nilantakan ang dalang pagkain.

“Pinag-uusapan ka ng ibang empleyado kaya sikat ka rin sa department namin,” sabi nito.

“Bakit? Ano naman ang sinasabi nila tungkol sa akin?”

Ngumiti ang lalaki. Bata pa ito at may kapogian din, moreno lang. “Huwag mong asahang maganda ang sinasabi ng iba sa ‘yo. Marami talagang insecure rito lalo napansin nila na madalas kang lapitan ni Sir Jeo.”

“Asus! Parang ‘yon lang.” Pinag-ikot niya ang mga mata sabay subo ng isang ubas.

“Huwag mong balewalain ang ini-isyu sa ‘yo ng ibang empleyado, Yana. Baka gawan ka nila ng mas malalang isyu at mapatalsik ka rito.”

Umangat ang sulok ng kaniyang labi. “Aware naman ako sa darkside ng kompanya. Wala akong pake sa marites.”

Mahinang tumawa ang lalaki.

Tinakpan na niya ang tirang pagkain at ibinalik sa paper bag. Saktong tumayo siya ay namataan niya si Jeo na pumasok. Nagtama ang paningin nila ng binata. Kaagad itong ngumiti at sana’y lalapitan siya pero mabilis siyang lumapit sa counter.

“Pabili po ng isang bote ng mineral water,” sabi niya sa tindera.

Kahit anong iwas niya kay Jeo ay lumapit pa rin ito. “Are you done eating?” tanong nito.

“Tapos na, pabalik na rin ako sa trabaho,” aniya pero hindi sinisipat ang binata.

“Magpahinga ka muna.”

“Sa locker na lang ako magpapahinga.”

Umiwas siya kay Jeo pero hindi niya naiwasan ang titig ni Alexis. Kumakain ito pero sa kaniya nakatutok ang mga mata. Kinakausap ito ni Lexy kaya nabaling din sa kan’ya ang atensiyon ng babae.

“Do you want some, Yana?” tanong ni Jeo. Inalok siya nito ng isang box na chocolate moron.

Nanlaki ang mga mata niya dahil paborito niya ang chocolate moron. “Gusto ko, siyempre. Salamat, ah!” aniya, sabay kuha ng pagkain sa kamay ni Jeo, mabilisan.

Natawa ang binata pero hindi naman siya pinigil na umalis.

Malalaki ang hakbang niya palabas ng food center pero sumusubo ng isang hiwa ng chocolate moron.

“Hm! Ang sarap nito!” kinikilig niyang sabi.

Pasayaw-sayaw pa siya habang patungo sa locker room. Itinago niya sa locker ang tirang pagkain at tumambay sa rooftop ng ikatlong palapag na production building. Doon niya nilantakan ang chocolate moron.

Lumuklok siya sa bakal na bench at nakatingala sa kalangitan. May bubong doon sa puwesto niya kaya hindi mainit. Bigla siyang ginupo ng antok nang maubos ang kakanin. Napahiga na siya sa bench.

Kung kailan nakaidlip na siya ay may kamay na tumapik sa kaniyang hita. “Ano ba!” angil niya pero nanatiling nakapikit.

Muli nitong tinapik ang hita niya. Kumislot na siya at bumalikwas ng upo. Napamulagat siya nang makita sa kaniyang harapan si Alexis, nakatayo at nakapamulsa ang mga kamay sa pants.

“A-Anong ginagawa mo rito? Sinundan mo ba ako?” balisang tanong niya.

“It’s my favorite spot to get some air after checking the production area,” anito.

“Teka. Kumakain ka lang kanina sa food center, ah. Ang bilis mo namang natapos.”

“I didn’t eat to kill time, and there was no need to spend an hour eating. And why are you here? Isang minuto na lang, resume na ng trabaho.”

“Nagpapahangin lang ako. Masama kasi ang hangin sa ibaba, maraming toxic na tao.”

“You became one of them.”

“Ano? Paano ako naging toxic?”

“I told you to avoid Jeo. He’s a threat to our secret.”

Matabang siyang ngumiti. “Iniiwasan ko naman siya, eh, kaso makulit.”

“Iniwasan mo siya pero obvious na pilit. You still accept the stuff he gives you. You are giving him a chance to continue his motives. Don’t trust Jeo for his kindness, Yana. You will be trapped when you tolerate him.”

Umingos siya. “Mabait naman si Jeo, pero siyempre hindi ako magtitiwala nang isang daang pursiyento.”

“You don’t get my point, Yana. Maraming baliw kay Jeo rito sa kompanya. Once kumalat ang tsismis na napapalapit sa ‘yo si Jeo, kawawa ka sa mga empleyadong obsessed sa kan’ya. Mabu-bully ka.”

Marahas siyang tumayo at humalukipkip. Taas-noo siyang tumitig kay Alexis. “Hinahayaan mo lang na may empleyadong ma-bully. Ganoon ka ba ka-heartless sa empleyado mo?”

“I have nothing to do with the employees' feelings. Their decisions determine their actions and experiences. Inaabisohan na kita na iwasan si Jeo para hindi maranasan ang karahasan ng ibang empleyado.”

Uminit na ang bunbunan niya. Naduro niya sa mukha ang binata. “Wala ka palang kuwentang CEO, eh! Wala ka pa rin bang pakialam kung magpapatayan na ang empleyado mo?”

“As long as they work hard for the company, I will not waste my time on their dramas. May staff na lilinis sa kalat ng mga pasaway na empleyado. Ayaw kong makarating sa akin ang eskandalo kaya ginagawan na nila ng paraan kung paano matigil ang gulo.”

Napabuga siya ng hangin at namaywang. “Paano pala kung ako ang ma-bully? Hahayaan mo ba akong makuyod ng mga demonyong empleyado?”

“Don’t wait that to happen. Kaya nga binabalaan na kita na huwag konsintihin si Jeo, na madalas na dahilan ng gulo.”

“Buwisit ka! Wala pala akong aasahan sa ‘yo!”

“What did you say?”

Umirap pa siya kay Alexis at lumayo rito. “Wala ka palang kuwentang lalaki. You can’t protect your future wife! Sasabihin ko kay Lolo ‘yon, na wala kang care sa babae!” Humakbang siya palayo.

Lalo lamang siyang nairita dahil walang reaksiyon si Alexis sa sinabi niya. Padabog siyang bumaba ng hagdanan. Male-late na siya sa trabaho kaya siya napatakbo.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rhod Selda
This week pa lang po start ng daily update.
goodnovel comment avatar
Lance Jorduela
isang chapter kada isang linggo
goodnovel comment avatar
Lance Jorduela
ano ba Yan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 7

    LINGO ng umaga, walang trabaho kaya umuwi si Yana sa mansiyon. Pinauwi siya ng kaniyang lolo dahil umano makakasama nila sa lunch ang pamilya ni Alexis, kasama rin umano ang lolo nito. Pinasusuot siya ng lolo niya ng magarang damit. Talagang pinaayusan nito ang indoor garden na merong water fountain at doon sila kakain.“Ano ba ‘yan si Lolo! Para namang kakain kami sa five star hotel at may bisitang royal family!” maktol niya habang inaayusan ng makeup artist na suki nila.“Ayaw n’yo po ‘yon, para kayong ikakasal sa prinsepe?” sabi ni Dory, ang baklang makeup artist. Nasa walk-in closet sila na karugtong ng kaniyang malawak na kuwarto.“Ang OA lang ka’mo ni Lolo, hay!”Natawa si Dory.“Ganoon po talaga magmahal ang mga lolo sa apo.”Umismid siya.Nakasuot na siya ng pink maxi dress. Hindi niya naisuot ang kabibiling dress ng lolo niya dahil maluwag sa kan’ya. Saktong natapos siyang maayusan ay dumating ang mga bisita.“Ready ka na ba, Apo?” tanong ni Orlando. Sinundo pa siya nito sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 8

    UMALIS na ang mommy at lolo ni Alexis ngunit naiwan ang binata sa bahay nila Yana. Hiniling kasi ni Orlando na maiwan si Alexis dahil gusto pa nitong makausap.Nasa kuwarto na niya si Yana at nagbihis. Nag-aapura siya dahil gustong marinig ang lahat na sasabihin ng lolo niya kay Alexis. Hindi na siya mapakali kakaisip sa kalusugan ng ginoo. Hindi pa siya handang mawala ito dahil kailan lang naman sila nagkasama.Nasa mini office nito ang lolo niya kasama si Alexis. Kumatok siya sa pinto. Si Alexis ang nagbukas ng pinto at diretso naman ang pasok niya. Napansin niya na naglabas ng sandamakmak na papeles ang kaniyang lolo. Tiningnan niya ang mga ito.“Bakit may last will ka na, Lo?” natatarantang tanong niya.“Kumalma ka, Apo. Matagal ko na nagawa ang last will ko bago ako maoperahan sa puso,” ani Orlando. Nakaupo lang ito sa swevil chair.“Ano ba ang pinaplano mo? Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang problema?” mangiyak-ngiyak niyang kastigo sa ginoo.Umalon ang dibdib ni Orlando. “Inih

    Last Updated : 2024-10-30
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 9

    HINDI inaasahan ni Yana ang magiging reaksiyon ng mommy ni Alexis.“Ayos lang po ako sa trabaho, Mommy. Masaya naman ako,” aniya.Hindi siya pinansin ng ginang at marahas na humarap kay Alexis, na nakaluklok na sa couch, nagbukas ng magazine habang nakadikuwatro.“Alexis, why does Yana work in the lower department? Exhausting ang trabaho roon! Alam ba ito ng lolo niya?” Pumalatak na ang ginang.“Before I met Yana personally, she already applied to our company, and based on her educational background, she only qualified in the lower department. Magtataka ang ibang empleyado kung bigla ko siyang ilagay sa manager position at wala ring alam sa management si Yana,” depensa ni Alexis.“Kahit na! Apo ng isa sa top billionaires si Yana, tapos pinagtrabaho mo sa production department?”Umapela na si Yana. “Ah, Mommy, wala pong kasalanan si Alexis. Desisyon ko pong magtrabaho sa mababang posisyon kasi kailangan ko ng experience. Huwag po kayong mag-alala. Alam ni Lolo ang trabaho ko,” aniya.N

    Last Updated : 2024-10-31
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 10

    HINDI mapakali sa kaniyang upuan si Yana at iniisip si Jeo. Posibleng nag-research si Jeo tungkol sa identity niya. Ang lolo lang niya ang bilyonaryong Archita sa bansa, na kilala dahil sa dami ng koneksiyon nito sa business world at politika.“Marami namang Archita sa bansa, imposibleng malaman ni Jeo na ako ang apo ni Lolo. Nakapag-usap na kami ni Lolo na hindi niya ipagkakalat sa publiko na ako ang apo niya,” aniya.“You can’t tell, Yana. It’s the reason why you need to avoid Jeo,” ani Alexis.“Hindi ba dapat mas okay na kaibiganin ko si Jeo para mahuli ko ang galaw niya? Mas madali akong makapagpanggap kung malapit ako kay Jeo. Makukumbinsi siya na simpleng tao lang ako.”“Don’t underestimate Jeo’s ability, Yana. Pareho silang mag-isip ng mommy niya, madalas napa-paranoid. Once napansin niya na may ugnayan tayo, lalo siyang magdududa.”“Eh, ‘di tama lang ang desisyon ko na nakabukod kay Lolo. Dapat ganoon din sa ‘yo. Puwede namang manatili ako sa apartment kahit kasal na tayo. Kun

    Last Updated : 2024-11-01
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 11

    PAGKATAPOS ng seremonya ng kasal ay bumanat ng kain si Yana. Katabi niya sa upuan si Alexis, naroon din sa lamesa ang elders nila at abala sa pagkukuwentuhan habang kumakain.Pumapapak na lang siya ng salad nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nakalapag lang ito sa tabi ng kaniyang plato. Nagkasabay pa sila ni Alexis na tumingin sa cellphone. Si Jeo ang tumatawag.Akmang kukunin niya ang cellphone ngunit naunahan siya ni Alexis. Walang abog nitong nai-cancel ang tawag.“Hoy! Bakit mo ginawa ‘yon?” angil niya.“It’s your wedding day; you dare to cheat?” anito.“Cheating ba ‘yong sagutin ang tawag ng isang kaibigan?”“I will not consider Jeo as your friend.”Kinuha pa rin niya ang cellphone. “Ang OA mo.”Binuksan niya ang mensahe ni Jeo.Jeo: “Aren’t you home? I went to your apartment and hoped to see you since your scooter was parked in the garage.”Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi niya maalala kung nagsabi ba siya ng address niya kay Jeo. O baka naman kinuha nito sa CV n

    Last Updated : 2024-11-02
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 12

    “MALIGO ka kung maliligo ka!” angil ni Yana sa asawa nang makapasok ng kuwarto. Humiga pa siya ng kama.Si Alexis naman ay nakatayo lang sa harap niya at nagtitipa sa cellphone. “Why are you scared of me?” tanong nito.“Hindi ako takot sa ‘yo, no!”“But you screamed exaggeratedly after seeing my naked body.”Natigilan siya nang maisip ang senaryo. Saglit lang naman niyang nasipat ang pagkal*l*ki ng kaniyang asawa at aywan niya bakit siya natakot. Paningin kasi niya ay sobrang laki ng alaga ni Alexis, bagay na kinakatakutan niya noon sa pag-aasawa.May kapitbahay kasi sila noon na nakapag-asawa ng ibang lahi, at hinimatay umano ang babae matapos makipagtalik dahil sa sobrang laki ng ari ng asawa. Naging bangungot iyon sa kan’ya. Bata-bata pa naman siya noong marinig ang kuwento pero tila nabuhay ang takot niya nang makita ang ari ng kaniyang asawa.“What are you thinking, huh?” tanong ni Alexis. Nakaluklok na ito sa paanan niya.Tipid siyang ngumiti. “Wala naman. Naisip ko lang. Hindi

    Last Updated : 2024-11-04
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 13

    HINDI na nakipagtalo si Yana sa asawa at lumabas na ng silid. May nakahanda na ring almusal at nakapuwesto na sa hapag ang dalawang matanda, nag-aalmusal.“Halika na, Apo. Mag-almusal ka,” paanyaya ng kaniyang lolo.Pinaghila naman siya ng kawaksi ng upuan kaya doon siya lumuklok.“Kumusta ang tulog mo, Yana?” tanong naman ni Delfin.Pilit siyang ngumiti. “Okay naman po. Naninibago lang ako kasi sobrang ginaw rito,” aniya.“Lubusin mo na ang natural na lamig ng klima dahil pagbalik ng Maynila ay magrereklamo ka kasi mainit.”Natawa siya.Dumating na rin si Alessanda, umupo sa tabi ni Delfin. “Nasaan si Alexis, Yana?” tanong nito.“Nasa kuwarto pa po, kagigising lang.”“Mauuna na kaming uuwi mamaya. Babalikan naman kayo ng jet bukas. Mag-enjoy lang kayo.”“Opo, walang problema.” Kumain na rin siya.Hindi siya makapag-focus sa paksa ng matatanda dahil hindi maalis sa isip niya ang tungkol kina Alexis at Lexy. Sa unang encounter pa lang nila ni Lexy ay hindi na siya nito gusto. Paano pa

    Last Updated : 2024-11-05
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 14

    KABADONG sinagot ni Yana ang tawag ni Karen. “Hello, Ms. Karen! Bakit po kayo napatawag?” magalang niyang tanong.“Ah, Yana, pasensiya na sa abala. May problema kasi sa leave mo. Hindi pumayag si Ms. Lexy na sa Wednesday ka pa papasok. Gusto niya papasok ka bukas kasi made-delay ang production ng processed meat lalo sa patties. Ayaw namang akuin ng ibang empleyado ang puwesto mo kasi takot ang iba na magkamali. Ang mahal kasi ng charges. Hindi ako puwedeng mag-overtime bukas kasi may sakit ang anak ko. Nasa ospital siya ngayon, at dapat half-day lang ang pasok ko,” ani Karen.“Pero approved na ng CEO ang leave ko ‘di ba? Puwede namang ilipat sa puwesto ko si Salina. Naging partner ko naman siya sa pagtitimpla ng patties at sausages.”“Hindi puwede si Salina. Mag-isa na nga lang siya sa pagtitimpla ng sausages. Dalawa na ang nag-resign sa area natin kaya kulang talaga tayo sa staff. Walang nagtatagal dito kasi maraming sumasabutahe. Sa charges lang kasi napupunta ang sahod nila. Kung h

    Last Updated : 2024-11-06

Latest chapter

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 68 (Final)

    ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 67

    TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 66

    NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 65

    DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 64

    AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 63

    TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 62

    TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 61

    NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 60

    KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status