NAGPAALAM si Yana sa matatanda na sa kuwarto na kakain kasama si Alexis. Pumayag naman ang mga ito. Dinagdagan niya ang pagkain sa kaniyang plato at nagpatulong sa kawaksi na madala ang dalawang tray na pagkain, kasama na ang inumin.Pagdating ng kuwarto ay nadatnan niya si Alexis na nakaupo sa harap ng round table, nakaharap pa rin sa laptop. Umalis din ang kawaksi nang maihatid ang ibang pagkain.“Hindi ka pa rin ba tapos sa ginagawa mo?” tanong niya.“I will have a virtual meeting; don’t make a noise,” anito.“Kumain ka muna kaya.” Umupo siya sa tapat ni Alexis.“Give me the food.”Inabot naman niya rito ang plato ng pagkain. Naka-set ang pagkain, dessert lang ang nakabukod.Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Alexis. Dinampot nito iyon at sinagot.“Yes, Lexy?” anito.Pumanteng ang tainga niya nang marinig ang pangalan ni Lexy.“I will be back on Wednesday, but I am still fixing some issues. Give me an update about the new contributors. And about the meat production, don’t pressur
PAGDATING sa La Presa ay bumaba sila sa isang open property na malayo sa kabahayan pero merong ilog. Doon napiling lumapag ni Yana kaya sumunod ang piloto. Kabisado rin ng piloto ang lugaw. Wala namang reklamo si Alexis.Malamig pa rin ang klima sa lugar lalo’t pababa na ang araw. Nagsilbing tour guide na rin nilaa ng piloto na maraming kakilala sa lugar. Dinala sila nito sa kakilala nito na merong strawberry farm. Nag-uumapaw ang kaniyang tuwa nang pinayagan sila ng may-ari ng farm na mag-harvest ng hinog na strawberry, babayaran naman nila.Dalawang basket na strawberry ang nabili nila at anim na jam na nasa bote. Pansin niya na walang nagbago sa mood ni Alexis, poker face pa rin. Habang siya’y nag-e-enjoy ay para naman itong nagluluksa. Nilapitan niya ito habang nakaupo sa bench na yare sa kahoy.“Uy, para kang namatayan diyan!” aniya.Sinipat siya nito. “Pinagsawaan ko na ang lugar na ito, wala nang thrill,” anito.“Hm. Killjoy ka talaga. Useless na kasama kita, hindi ko rin ramda
“I thought you don’t have a mother,” sabi ni Alexis.Nabaling dito ang tingin ni Yana. Hindi pa rin siya mapakali at iniisip ang ina. “Buhay pa ang mama ko, ayaw lang niya tumira sa bahay kasama ko kasi may hindi magandang karanasan siya sa pamilya ni Daddy.”“Hindi ba nabuo ang pamilya mo?” usisa nito.“Hindi kasi ayaw nina Lola at Lolo na panindigan din ni Daddy si Mama. Nagbibigay lang sila ng suportang financial noon, pero kalaunan ay hindi na tumatanggap ng pera si Mama kasi gusto niya si Daddy mismo ang titira sa amin. Hindi naman masuway ni Daddy ang parents niya kaya lalong sumama ang loob ni Mama. Lumayo kami, lumipat sa Pangasinan. Kaso nalulong sa bisyong alak si Mama kaya naging mesirable ang buhay namin. Napilitan akong magtrabaho habang nag-aaral. Late na ako nagkaroon ng pagkakataon na makontak si Lolo kasi busy siya. Graduating na ako sa college noong pasikretong nagpapadala ng pera sa akin si Lolo,” kuwento niya.“What about your dad? Nakasama mo ba siya?”“Minsan lan
HINABOL ni Yana ng tingin si Alexis. Nakalabas na ito ng pintuan. Nag-explore na lamang siya sa unit nito. Namangha siya sa lawak ng lobby, halos babasagin lahat ng gamit. Bago ang dirty kitchen ay merong island counter, kompleto rin ang gamit.May dalawang kuwarto ang unit, at sa kaliwa ang inilaan ni Alexis para sa kan’ya. Maluwag ang kuwarto, kasya na ang dalawang tao. Ang laki rin ng kama, may walk-in closet, malaking banyo. Humiga siya sa kama at dumipa. Malamig na roon dahil nakabukas ang air-con.“Kaming dalawa lang ni Alexis ang titira rito. Exciting!” nasasabik niyang sabi.Bumangon din siya kaagad at nagbihis. Nag-text siya sa kan’yang lolo at sinabing nakauwi na sila. Puro extra matress lang ang laman ng walk-in closet at maluwag din sa loob.Lumabas siya ng kuwarto dala ang isang supot na nabili niyang pasalubong at sariwang prutas. Pumasok siya sa kusina at nakialam sa gamit doon. Naka-off ang ref ni Alexis at walang laman.“Hay! Wala siyang stock na pagkain. Kung sa baga
“NARIYAN po ang CEO,” pabulong niyang sabi kay Jeo. Tumalikod siya rito at nag-focus sa pagtitimpla ng giniling na karne ng baka.Umiwas naman sa kan’ya si Jeo pero hindi lumayo. Inisa-isa nitong tiningnan ang trabaho ng ibang empleyado.Samantalang palapit nang palapit sa kaniya si Alexis habang kausap si Lexy, inaalam ang status ng production.“We need one thousand patties boxes before Monday, and we haven’t reached the item yet. Obligado tayong magpa-overtime,” sabi ni Lexy.“No need. Hindi busy ang packeging area, huhugot lang tayo ng papalit sa regular employee para mabuo ang kailangan nating item,” ani Alexis.“Pero iba ang linya ng mga empleyado. Hindi lahat makapag-adjust kaagad sa meat processing.”Umapela na si Jeo. “Alexis was right. Kung palaging mag-overtime ang nasa meat processing, mahihirapan silang makabawi ng lakas. Mas mabigat ang trabaho nila kumpara sa iba pero same salary. Isa pang napansin ko, iilan lang ang nakatoka sa processing area. Hindi ba dapat may alalay
KAHIT abala sa trabaho ay hindi maalis sa isip ni Yana ang narinig na conversation nina Alexis at Lexy. Lumalim pa ang curiosity niya sa pagkatao ng kaniyang asawa. Wala na dapat siyang pakialam sa nakaraan nito pero ayaw matahimik ang kaniyang isip.Nang makapagpahinga sa pagtimpla ng karne ay naisip naman niya ang papel niya sa buhay ni Alexis. Aware naman siya bakit siya pinakasalan ni Alexis, dahil sa yaman at impluwensiya ng lolo niya. Pero nakapagtatakang bigla siyang naging apektado. Bahagyang kumirot ang kaniyang puso nang maisip na pera lang ang kailangan sa kan’ya ni Alexis.Sa pagkaintindi niya sa usapan nina Alexis at Lexy, malinaw na wala nang interes magmahal si Alexis. Money and powers matters to him. Bumuntonghininga siya habang tinatantiya ang emosyon.“May benefits naman akong makukuha sa pagpapakasal kay Alexis. Isa pa, hindi siya after sa rights ng kompanya ni Lolo kasi ang ZT Holdings ang gusto nito. Ginamit lang niya kami ni Lolo para magtagumpay siya. Ang proble
“HI! Sorry, I’m late, na-trap ako sa traffic. Late na tuloy ang dinner mo. It’s for you,” sabi ni Jeo sabay abot ng paper bag sa kan’ya.Matabang siyang ngumiti ngunit kinuha ang paper bag. “Salamat pero hindi ka na sana nag-abala pa. Ang totoo kasi ay kumain na ako. Nagluto ako kanina,” aniya.“No problem. Puwede mo namang ipainit ang food bukas. May ref ka naman.”“Oo. Pasensiya na, hindi kita maimbitang makapasok, narito na kasi ang roommates ko. At saka gabi na, baka magalit ang namamahala ng apartment.”“Naintindihan ko. Hindi mo kasi ako pinagbigyan sa dinner invitation ko kaya naisip kong dalhan ka na lang ng food.”“Salamat. Pasensiya na rin. Ang dami ko kasing labahin at katatapos ko lang maglaba.”“Gano’n ba? Magpahinga ka na pala. See you tomorrow. Good night!”“Good night! Ingat ka.”Tumango lang ang binata saka lumisan.Kaaagad niyang isinara ang pinto. Pagkuwan ay napatingin siya kay Alexis na nakatayo lang sa gilid ng pintuan at humalukipkip, masama ang tingin sa kan’ya
UMINIT ang bunbunan ni Alexis nang maaktuhan si Lexy na pinapakialaman ang kaniyang cellphone. Sinagot nito ang tawag para sa kan’ya. Katatapos lang niyang maligo sa banyo ng hotel suite na inukupa niya. Nilapitan niya ang babae at inagaw rito ang cellphone.“Get out!” pagtataboy niya rito.Ito ang nag-book ng hotel suite niya at may access ito dahil dalawang card ang binigay ng staff ng hotel. May sarili naman itong suite.Lumapit pa ito sa kan’ya at marahang pinaglandas ang mga daliri sa nahantad niyang dibdib. He just wrapped his lower body with towel.“Why are you so mean to woman, Alexis. Para namang hindi ka na-in love. Napagod tayo sa maghapong pakikitungo sa mga kilyentente, why not save this night to relax? I missed speding the night with you,” anito.Hinuli niya ang kamay nito at marahas na naitulak. “I need to go back to Manila. You can stay here if you want,” aniya. Iniwasan niya ito.“Hindi na kita maintindihan. May itinatago ka ba sa akin? O baka naman may nakilala kang
ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le
TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria
NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,
DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth
AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs
TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na
TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na
NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam
KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,