Share

Chapter 4

Author: Rhod Selda
last update Huling Na-update: 2024-10-14 14:28:28

ILANG minuto pang tulala si Yana bago nahimasmasan. Nagulat pa siya nang maglahad ng kanang kamay sa kan’ya si Alexis, gusto siyang kamayan.

“Nice to meet you, Yana,” bati ng binata pero walang ano mang emosyon sa mukha. Diretso ang titig nito sa kaniyang mga mata.

Siniko siya ng kaniyang lolo sa braso kaya kumislot siya at saka pa lamang kumilos. Dinaup niya ang palad ni Alexis at pilit na ngumiti rito. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa nangyayari.

“Nice to meet you, too, sir,” naiilang niyang sabi.

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magiging fiance niya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya? Sa dami ng lalaki, si Alexis pa talaga, ang nakitaan niya ng ugali na alam niyang hindi siya magiging komportable. What a coincidence! Ang tanong, nagkataon lamang ba ‘yon?

Pagkatapos ang daupang palad ay umupo rin siya sa tabi ng kaniyang lolo. Nagpakilala na rin ang ina ni Alexis. Ang ganda ng mommy nito, parang ate lang ni Alexis. Halatang may lahi itong banyaga dahil sa kutis, hilatsa ng mukha, at ang mga mata’y merong light brown na eyeballs. Hindi ito kaputian pero makinis ang kutis, parang Latina beauty. Nahati malamang ang mukha ni Alexis mula sa mommy at daddy nito.

Hindi na siya nagtaka bakit mommy lang ni Alexis ang naroon. Nabanggit na noon ng lolo niya na patay na ang nag-iisang anak na lalaki ni Delfin Santillan. Hindi man lang siya inabisohan ng lolo niya na napag-usapan na pala nila minsan ang kaniyang fiance.

Habang kumakain ay pinag-usapan nila ang tungkol sa kasal. Ang lolo niya at mommy ni Alexis lang ang nagpapalitan ng salita. Siya naman ay ilang na ilang sa kaniyang fiance na tahimik at sobrang seryoso.

“The wedding will be a secret, and only us will know it,” sabi ng mommy ni Alexis, si Alessandra.

“Paano si Delfin, ang lolo ni Alexis? Kailangan malaman niya ito para ma-secure ang rights ni Alexis sa company,” saad ng ginoo.

“He already knew about the wedding, but I didn’t tell him that it was an arranged marriage. Hindi puwede ang arranged marriage kay Daddy at gusto niya hindi pilit ang pagpapakasal ng apo niya. Bahala na si Alexis magpaliwanag sa lolo niya total ay sila ang nagkakaintindihan. Gusto ni Daddy Delfin na makapag-asawa na si Alexis at mula sa maimpluwensiya ring pamilya na magpapalawak ng connections nila sa business. Kaya nakiusap ako sa inyo na ituloy natin ang usapan, total ay alam n’yo na ang kalakaran sa ZT Holdings. Masaya si Daddy nang malamang apo n’yo ang pakakasalan ni Alexis. Tumibay ang tiwala niya sa anak ko, kaya sure na si Alexis ang magmamana ng ZT Investment Holdings,” paliwanag ng ginang.

“Mabuti naman aware na si Delfin. Deserve naman talaga ni Alexis makuha ang ownership ng kumpanya dahil sila ng daddy niya ang mas nag-effort upang mapalawak pa ang sangay ng kumpanya.”

“Thank you, sir! Thank you rin sa pagtulong sa amin ni Daddy since the humble beginning,” sabad naman ni Alexis.

“No worries, hijo. Ang hihingin ko lang na pabor sa ‘yo ay alagaan mo ang apo ko. She’s still naive about business, at wala siyang interes sa pamamahala nito. Naniniwala ako na matutulungan mo siya.”

“Ako na po ang bahala.”

Nabaling ang tingin ni Yana kay Alexis. Nakatitig din ito sa kan’ya pero wala man lang siyang mabasang emosyon. Hindi tuloy siya kumbinsido sa sinabi nito sa kaniyang lolo na ito na ang bahala sa kan’ya. Wala siyang maiaambag sa usapan kaya kain lang siya nang kain.

Natuloy ang usapan ng lolo niya at mommy ni Alexis. Tapos na silang kumain at binigyan sila ni Alexis ng chance na makapag-usap nang silang dalawa lang. Lumipat sila sa round table malapit sa swimming pool at nagsalo sa red wine.

Wala pa rin siyang lakas ng loob na kausapin ang binata lalo’t iginiit niya na ito pa rin ang kaniyang boss. Tahimik din ang binata kaya para silang may pinaglalamayan. Nag-isip na lamang siya ng maitatanong dito bago sila mapanisan ng laway na dalawa.

“Uhm…. s-sir….” magalang niyang sambit.

“Just call me in my name, Yana. We’re not in the company,” apela ni Alexis.

Nag-angat siya ng mukha at tumitig sa mga mata nito. Matatag sa eye contact si Alexis, kaya lalo siyang nailang.

“Ano, sabi ni Lolo, may ideya ka na tungkol sa akin. Ibig bang sabihin n’on alam mo na ako ang fiance mo noong nag-apply ako sa company n’yo?” aniya.

“I was not familiar with your face when we first met in the restaurant and even in the company. Noong nabasa ko ang CV mo, saka ko lang na-realize na ikaw nga ang finacee ko,” anito.

“Oh? Kung gano’n matagal na kayong nag-usap ni Lolo tungkol sa kasal?” Napamulagat siya.

“Yes, since last year, when he’s still convincing you to live with him. Nagkaroon lang kami ng closure noong napapayag ka niyang magpakasal.”

“So, okay lang sa ‘yo na magpakasal kahit hindi mo pa ako kilala?” usig niya.

“Wala akong pakialam sa usaping kasal at sa relasyon. Mas mahalaga sa akin ang rights ng company at ma-secure ang pinaghirapan namin ni Daddy. Mahigpit ang kalaban sa mana, kaya kailangan kong magsakripisyo.”

Bahagyang uminit ang bunbunan niya nang mapagtanto na sandata lang ni Alexis ang pagpakasal sa kan’ya upang malabanan nito ang karebal sa mana at masolo ang right ng kumpanya ng lolo nito. Nasa isip niya ang mag-quit pero inalala niya ang kaniyang lolo. Nagkasundo na sila at ayaw niya itong biguin.

“Ano pala ang balak mo sa akin? Gawing palamuti?” may iritasyong saad niya.

Sumimsim sa wine nito si Alexis at pinasadahan siya ng tingin. “Just go with the flow. Kailangan din ako ng lolo mo para sa negosyo n’yo. Hindi mo naman kayang palitan sa puwesto ang lolo mo. You can’t face the war if you don’t know how to handle the weapon.”

Ngumuso siya ngunit hindi makapagreklamo dahil tama naman si Alexis. Wala siyang alam sa business ng lolo niya, at talagang hindi niya kaya ang pressure. Natatakot siya na baka babagsak lang ang kumpanya kung siya ang mamahala. Wala siyang choice dahil siya lang ang nag-iisang talagapagmana ng lolo niya.

Nanggigil siya bigla kay Alexis. “Manggagamit!” angil niya at marahas na tumayo.

Inisang lagok niya ang laman ng kaniyang baso at walang imik na iniwan si Alexis. Nagpaalam siya sa kaniyang lolo na magbabanyo pero hindi na siya lumabas ulit ng kuwarto. Nang ipatawag siya ng lolo niya sa katulong ay nagdahilan siya na masakit ang tiyan.

Nang makaalis ang mga bisita ay saka lamang lumabas ng kuwarto si Yana. Nagpalit na siya ng damit at nagpaalam sa kaniyang lolo.

“Dito ka na lang kaya matulog, Apo,” sabi ng ginoo.

Nasa lobby ito at nanonood ng telebisyon.

“Hindi po puwede. May pasok ako bukas,” aniya.

“Hanggang kailan ka naman magtatrabaho sa ZT?”

“Kailangan ko po ng at least one year experience.”

“You will live with Alexis soon after the wedding.”

Napangiwi siya. Hindi niya ma-imagine ang buhay kasama si Alexis pero my kislot ng galak sa kan’yang puso. Titiyakin niya na mapapalambot niya ang matigas na puso ng binata.

“Sige po, pero tuloy lang ang trabaho ko sa ZT. Sikreto naman ang kasal namin ni Alexis kaya walang makakaalam kahit sino sa kumpanya. Pero teka, pati ba si Jeo ay hindi alam ang pagpapakasal ni Alexis?”

“Hindi dapat malaman ni Jeo, Yana. Kaya mag-ingat ka.”

“Bakit po? Magpinsan naman sina Jeo at Alexis.”

“Maiintindihan mo rin kung bakit. Sige na. Umalis ka na, naghihintay na ang driver sa labas.”

“May scooter po akong dala, Lo.”

Nasapo ng ginoo ang noo nito. “Oo nga pala. Susundan ka naman ng bodyguards, at huwag mo silang itaboy, ha?”

Tumango siya at humalik sa pisngi ng ginoo. Kumaway pa siya rito habang palabas ng bahay.

ISANG linggo pa ang lumipas. Subsob sa trabaho si Yana kaya wala siyang pagkakataong makita si Alexis pero ramdam niya ang hagupit ng galit nito sa empleyado. Marami na namang palpak sa production department at nadamay siya sa salary deduction dahil under siya ni Karen, ang OIC nila sa meat proccesing area.

“Paano nabuhusan ng asin ang mixture ng ground beef para sa patties?” tanong ni Salina.

Nasa cafeteria sila at nananghalian. Silang dalawa lang ang nasa lamesa.

“Ewan ko nga. Feeling ko may sumabutahe kasi alam mo na, maraming galit kay Ms. Karen,” sabi niya.

Umalat kasi nang husto ang timpla nila sa burger patties at hindi na maremedyuhan dahil machine na ang naghahalo ng mga ingredients matapos nilang lagyan. May measurement naman. Duda niya ay iyong opisyales sa packeging area ang may gawa niyon kasi sinisi ng mga ito si Karen sa maling packeging noong nakaraan.

“Oo nga. Kawawa naman si Ms. Karen. Tatlong buwang sahod niya ang halaga ng damages. Pati ikaw na kasama sa proccesing ay nadamay. Pero dinig ko, matatanggal na si Ms. Karen kasi marami na siyang damage sa production.”

Natitigilang tumitig siya kay Salina. “Sino ang magtatanggal kay Ms. Karen?” tanong niya.

Inilapit pa sa kan’ya ni Salina ang mukha nito at bumulong. “Si Ms. Lexy raw, nagpasa ng request sa CEO at naaprobahan na raw. Meaning, matatanggal na si Ms. Karen.”

Uminit ang bunbunan niya at marahas na tumayo. “Hindi ako papayag!” asik niya, napalakas ang kaniyang tinig kaya nabaling sa kanila ang atensiyon ng lahat na tao sa cafeteria.

Hinatak naman siya ni Salina sa kanang braso kaya napaupo siyang muli. “Kumalma ka nga. Wala naman tayong magagawa kasi ang CEO na ang nagpasya,” anito.

Hindi niya matanggap na matatanggal si Karen. Ito na nga lang ang mabait sa kan’ya. Kahit mainitin ang ulo nito, hindi ito abusado katulad ng ibang opisyales. Kapag napapansin nito na pagod na siya, ito mismo ang nagsasabi na magpahinga siya.

Inisip din niya ang pamilya ni Karen. May pinaaral itong dalawang anak, isang high school at isang elementary. Single parent ito kaya walang ibang inaasahan. Inubos niya ang kan’yang pagkain saka nagpaalam kay Salina.

May thirty minutes pa silang pahinga kaya umaasa siya na naroon lang sa opisina nito si Alexis. Dinayo niya ang binata at tiniyak na walang ibang empleyado na makapansin sa kan’ya. Pindot siya nang pindot sa button sa may gilid ng pintuan pero hindi nagiging berde ang ilaw. Ibig sabihin ay naka-lock ito sa loob at ayaw siyang papasukin ni Alexis.

Ang alam niya’y nakikita nito sa CCTV kung may tao sa labas ng opisina nito. Namumula ang ilaw sa itaas ng pintuan, meaning, hindi puwedeng maabala ang tao sa loob o kaya’y walang tao. Pipindutin sana ulit niya ang button nang maramdaman may tao sa kaniyang likuran.

Marahan siyang pumihit sa likuran at awtomatikong kumabog ang kan’yang dibdib nang makita si Alexis. Nakasuot ito ng light blue long sleeve polo na merong navy blue na necktie at itim na slacks pants sa pan-ibaba.

“What are you doing here?” walang emosyong tanong nito, diretso ang titig sa kaniyang mga mata.

“Uh…. p-puwede ba kitang makausap?” aniya. Umurong na ang kaniyang tapang.

Nag-swipe naman ng card sa machine sa may gilid ng pintuan si Alexis. Nahati sa gitna ang pintuan na katulad sa elevator. Gawa rin ito sa makapal na bakal. Nang pumasok si Alexis ay kaagad siyang sumunod. Kusa namang nagsara ang pinto at awtomatikong nag-lock.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Lance Jorduela
Wala parin update
goodnovel comment avatar
Lance Jorduela
update pa po pls
goodnovel comment avatar
PrincessDenise Tobias
wooooooo.more uodate po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 5

    HININTAY ni Yana makaupo sa harap ng lamesa nito si Alexis. Tumayo lang siya sa tapat nito.“Talk,” sabi nito.Bumuntonghininga pa siya. “Tungkol kay Ms. Karen. Siya ang OIC ko at ako ang magsasabi ng totoo na sa lahat ng opisyales na nasa production department, siya lang ang pinakamatino at mabait. Maaring marami na siyang pagkakamali pero naniniwala ako na hindi lahat ng kapalpakan ay ginusto niya o sinadya. Ang insidente sa beef patties, obvious naman na may sumabutahe. Ang layo ng raw materials sa proccessing area, at saka nasusukat na lahat ng sangkap bago ilagay sa machine na magproseso. Dapat nag-imbestiga muna kayo. May nagbuhos ng asin sa mixture ng patties kasi ang naunang portion na nasa packaging na, sakto naman ang timpla, eh iisang mixture lang ang pinagmulan. Iyong huling portion lang ang umalat nang husto,” walang preno niyang paliwanag.“We are investigating the incident, but Karen's mistakes were repeated. She admitted that sometimes she lost focus because of tiredne

    Huling Na-update : 2024-10-23
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 6

    NAGPAHATID lang si Yana kay Jeo sa gasoline station. Bumili talaga siya ng gasolina at pinalagay sa basyo ng mineral water na isang litro. Pagkuwan ay binalikan niya ang scooter at naimaneho pauwi. Konti na lang ang naman ang gasolina ng scooter kaya nagamit din niya ang binili.Nagulat siya pagdating ng apartment ay may naghihintay na isang lalaki, bodyguard niya. May dala itong itim na paper bag.“Magandang gabi po, ma’am! Ihahatid ko lang po itong pagkain na pinadala ng lolo n’yo,” sabi nito.Napabuga siya ng hangin. “Nako! Nag-abala pa talaga si Lolo, oh,” aniya. Kinuha din niya ang paper bag ng pagkain. “Salamat, Kuya!”“You’re welcome, ma’am!” Umalis din ang lalaki.Ginutom na siya kaya pagpasok ng apartment ay kaagad niyang nilantakan ang pagkain. Pagkatapos kumain ay naglaba siya ng hinubad na uniporme. Maaga rin siyang natulog.Kinabukasan pagpasok ni Yana sa trabaho ay nakasabay niya sa locker ang mga empleyado na may galit kay Karen. Ang sama ng tingin ng mga ito sa kan’ya.

    Huling Na-update : 2024-10-28
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 7

    LINGO ng umaga, walang trabaho kaya umuwi si Yana sa mansiyon. Pinauwi siya ng kaniyang lolo dahil umano makakasama nila sa lunch ang pamilya ni Alexis, kasama rin umano ang lolo nito. Pinasusuot siya ng lolo niya ng magarang damit. Talagang pinaayusan nito ang indoor garden na merong water fountain at doon sila kakain.“Ano ba ‘yan si Lolo! Para namang kakain kami sa five star hotel at may bisitang royal family!” maktol niya habang inaayusan ng makeup artist na suki nila.“Ayaw n’yo po ‘yon, para kayong ikakasal sa prinsepe?” sabi ni Dory, ang baklang makeup artist. Nasa walk-in closet sila na karugtong ng kaniyang malawak na kuwarto.“Ang OA lang ka’mo ni Lolo, hay!”Natawa si Dory.“Ganoon po talaga magmahal ang mga lolo sa apo.”Umismid siya.Nakasuot na siya ng pink maxi dress. Hindi niya naisuot ang kabibiling dress ng lolo niya dahil maluwag sa kan’ya. Saktong natapos siyang maayusan ay dumating ang mga bisita.“Ready ka na ba, Apo?” tanong ni Orlando. Sinundo pa siya nito sa

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 8

    UMALIS na ang mommy at lolo ni Alexis ngunit naiwan ang binata sa bahay nila Yana. Hiniling kasi ni Orlando na maiwan si Alexis dahil gusto pa nitong makausap.Nasa kuwarto na niya si Yana at nagbihis. Nag-aapura siya dahil gustong marinig ang lahat na sasabihin ng lolo niya kay Alexis. Hindi na siya mapakali kakaisip sa kalusugan ng ginoo. Hindi pa siya handang mawala ito dahil kailan lang naman sila nagkasama.Nasa mini office nito ang lolo niya kasama si Alexis. Kumatok siya sa pinto. Si Alexis ang nagbukas ng pinto at diretso naman ang pasok niya. Napansin niya na naglabas ng sandamakmak na papeles ang kaniyang lolo. Tiningnan niya ang mga ito.“Bakit may last will ka na, Lo?” natatarantang tanong niya.“Kumalma ka, Apo. Matagal ko na nagawa ang last will ko bago ako maoperahan sa puso,” ani Orlando. Nakaupo lang ito sa swevil chair.“Ano ba ang pinaplano mo? Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang problema?” mangiyak-ngiyak niyang kastigo sa ginoo.Umalon ang dibdib ni Orlando. “Inih

    Huling Na-update : 2024-10-30
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 9

    HINDI inaasahan ni Yana ang magiging reaksiyon ng mommy ni Alexis.“Ayos lang po ako sa trabaho, Mommy. Masaya naman ako,” aniya.Hindi siya pinansin ng ginang at marahas na humarap kay Alexis, na nakaluklok na sa couch, nagbukas ng magazine habang nakadikuwatro.“Alexis, why does Yana work in the lower department? Exhausting ang trabaho roon! Alam ba ito ng lolo niya?” Pumalatak na ang ginang.“Before I met Yana personally, she already applied to our company, and based on her educational background, she only qualified in the lower department. Magtataka ang ibang empleyado kung bigla ko siyang ilagay sa manager position at wala ring alam sa management si Yana,” depensa ni Alexis.“Kahit na! Apo ng isa sa top billionaires si Yana, tapos pinagtrabaho mo sa production department?”Umapela na si Yana. “Ah, Mommy, wala pong kasalanan si Alexis. Desisyon ko pong magtrabaho sa mababang posisyon kasi kailangan ko ng experience. Huwag po kayong mag-alala. Alam ni Lolo ang trabaho ko,” aniya.N

    Huling Na-update : 2024-10-31
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 10

    HINDI mapakali sa kaniyang upuan si Yana at iniisip si Jeo. Posibleng nag-research si Jeo tungkol sa identity niya. Ang lolo lang niya ang bilyonaryong Archita sa bansa, na kilala dahil sa dami ng koneksiyon nito sa business world at politika.“Marami namang Archita sa bansa, imposibleng malaman ni Jeo na ako ang apo ni Lolo. Nakapag-usap na kami ni Lolo na hindi niya ipagkakalat sa publiko na ako ang apo niya,” aniya.“You can’t tell, Yana. It’s the reason why you need to avoid Jeo,” ani Alexis.“Hindi ba dapat mas okay na kaibiganin ko si Jeo para mahuli ko ang galaw niya? Mas madali akong makapagpanggap kung malapit ako kay Jeo. Makukumbinsi siya na simpleng tao lang ako.”“Don’t underestimate Jeo’s ability, Yana. Pareho silang mag-isip ng mommy niya, madalas napa-paranoid. Once napansin niya na may ugnayan tayo, lalo siyang magdududa.”“Eh, ‘di tama lang ang desisyon ko na nakabukod kay Lolo. Dapat ganoon din sa ‘yo. Puwede namang manatili ako sa apartment kahit kasal na tayo. Kun

    Huling Na-update : 2024-11-01
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 11

    PAGKATAPOS ng seremonya ng kasal ay bumanat ng kain si Yana. Katabi niya sa upuan si Alexis, naroon din sa lamesa ang elders nila at abala sa pagkukuwentuhan habang kumakain.Pumapapak na lang siya ng salad nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nakalapag lang ito sa tabi ng kaniyang plato. Nagkasabay pa sila ni Alexis na tumingin sa cellphone. Si Jeo ang tumatawag.Akmang kukunin niya ang cellphone ngunit naunahan siya ni Alexis. Walang abog nitong nai-cancel ang tawag.“Hoy! Bakit mo ginawa ‘yon?” angil niya.“It’s your wedding day; you dare to cheat?” anito.“Cheating ba ‘yong sagutin ang tawag ng isang kaibigan?”“I will not consider Jeo as your friend.”Kinuha pa rin niya ang cellphone. “Ang OA mo.”Binuksan niya ang mensahe ni Jeo.Jeo: “Aren’t you home? I went to your apartment and hoped to see you since your scooter was parked in the garage.”Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi niya maalala kung nagsabi ba siya ng address niya kay Jeo. O baka naman kinuha nito sa CV n

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 12

    “MALIGO ka kung maliligo ka!” angil ni Yana sa asawa nang makapasok ng kuwarto. Humiga pa siya ng kama.Si Alexis naman ay nakatayo lang sa harap niya at nagtitipa sa cellphone. “Why are you scared of me?” tanong nito.“Hindi ako takot sa ‘yo, no!”“But you screamed exaggeratedly after seeing my naked body.”Natigilan siya nang maisip ang senaryo. Saglit lang naman niyang nasipat ang pagkal*l*ki ng kaniyang asawa at aywan niya bakit siya natakot. Paningin kasi niya ay sobrang laki ng alaga ni Alexis, bagay na kinakatakutan niya noon sa pag-aasawa.May kapitbahay kasi sila noon na nakapag-asawa ng ibang lahi, at hinimatay umano ang babae matapos makipagtalik dahil sa sobrang laki ng ari ng asawa. Naging bangungot iyon sa kan’ya. Bata-bata pa naman siya noong marinig ang kuwento pero tila nabuhay ang takot niya nang makita ang ari ng kaniyang asawa.“What are you thinking, huh?” tanong ni Alexis. Nakaluklok na ito sa paanan niya.Tipid siyang ngumiti. “Wala naman. Naisip ko lang. Hindi

    Huling Na-update : 2024-11-04

Pinakabagong kabanata

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 68 (Final)

    ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 67

    TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 66

    NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 65

    DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 64

    AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 63

    TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 62

    TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 61

    NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 60

    KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status