Share

Chapter 2

Author: Rhod Selda
last update Huling Na-update: 2024-08-22 22:40:54

PAKIRAMDAM ni Yana ay inaapuyan ang kaniyang katawan habang kaharap ang guwapo at batang CEO. Hindi siya nito kinakausap pero binabasa ang CV niya.

“Why do you choose to work here?” mayamaya ay tanong ng CEO.

“Uhm, to gain more experience,” turan niya.

“Based on your skills and course attained, you can only work for some of our food production companies and hotels, but for now, we don’t accept regularity for these companies.”

Tumitig siya sa CEO at kabado na baka hindi siya matanggap. “Okay lang po kahit hindi regular. Gusto ko po sa hotel o restaurant, puwede rin sa food production, kung ano ang available na mapapakinabangan ko ang kursong tinapos ko.”

“We have a hotel at the back of this main office, but we are currently closed for new applicants. You can still get a job as part-time or on-call staff in the hotel if you want. You can also work for the food production next to this building.”

Napangiwi siya. “You mean, I will have two jobs?”

“Yes, if you can. And if your performance reaches our standard, you can get a regular job.”

Bumuntonghininga siya. “Okay na po ‘yon sa akin, sir. Kailangan ko lang talaga ng experience.”

“I’ll make an endorsement letter, then balik ka kay Lexy.”

“Ho? Eh, ayaw sa akin ni Ms. Lexy.”

“Just give her the letter. No one can disobey me in this company.”

“Okay po. Salamat.”

Hinintay niya ang endorsement letter ng CEO. Natutukso siyang alamin ang pangalan nito dahil wala siyang makitang name plate. Naibigay na lang nito ang sulat ay hindi pa siya nakaimik.

Kabadong bumalik siya sa opisina ni Lexy at bumungad sa kan’ya ang matalim nitong titig. Marahas nitong kinuha sa kamay niya ang sulat ng CEO.

“Pasalamat ka naging backup mo si Jeo. Pero huwag kang aasa na magtatagal ka sa kumpanyang ‘to,” sabi nito.

“Pasensiya na po. Gusto ko lang namang magtrabaho,” sabi niya.

Talagang hindi siya nito inimbitang umupo. Binasa nito ang sulat at pinirmahan. May ikinabit itong isa pang papel sa sulat bago ibinalik sa kan’ya.

“Punta ka sa HR office at ibigay mo ‘yang sulat kasama ng CV mo. Maghintay ka ng instractions nila,” sabi nito.

“Sige po. Salamat.”

Bumalik naman siya sa HR office at binigay ang dapat ibigay.

“We will call you for the orientation schedule,” sabi ng babaeng HR assistant.

“Salamat po.”

Hindi maalis ang ngiti sa kan’yang mga labi habang palabas ng gusali. Excited na siyang magtrabaho sa malaking kumpanya sa unang pagkakataon. Nagsa-side-line siya noon sa fastfood restaurant habang nag-aaral kaya titiyakin niya na magigisng regular siya sa trabaho.

Pagdating ng mansiyon ay naghihintay na ang lolo niya sa dining. Nakahain na ang tanghalian nila.

“Kumusta ang job hunting mo, apo?” tanong ng ginoo.

Umupo siya sa katapat nitong silya. “Waiting na lang po ako para sa orientation,” masayang batid niya.

“Talaga? Ano’ng kumpanya naman ang papasukan mo?”

“ZT Investment Holdings Inc. po.”

Nanlalaki ang mga matang tumitig sa kan’ya ang ginoo. “Are you serious?” hindi makapaniwalang untag nito.

“Opo. Nakausap ko po ang CEO at tinanggap ang application ko pero hindi pa sa regular job.”

“ZT Investment Holdings is one of our clients.”

Nawindang siya. “Talaga po? Meaning, nagpi-finance kayo sa business nila?” Bigla siyang na-excite.

“Before, yes. But now, ZT is one of our partners, and they entrust their funds to us. Noong nagsisimula pa lang ang company nila, ako ang nag-finance sa unang investment nila. Ngayon ay nagre-recruit na sila ng investors kaya dumami ang companies nila.”

“Paano po ang kalakaran sa investment nila? Katulad din po ba sa inyo na nagpi-finance sa gustong magtayo ng negosyo o nagpapautang?”

“No. They are collecting money for investments to build different kinds of businesses, and only profit shares can be given to those who want to invest. Ang role naman ng company natin ay mag-manage ng financial matters nila.”

“Ah, gano’n pala ‘yon. Kaya pala ang daming business na iba-iba ang ZT. Sobrang yaman na pala ng may-ari niyon, ano po, Lolo?”

Ngumiti ang ginoo. “I’m proud that the ZT owner came too far in the business industry. The owner used all my advice and got the benefits. Now, they are one of the companies with the highest net worth in the country.”

“Wow! Eh, sino po ba ang owner ng ZT?”

“My friend, Delfin Santillan. Sadly, his only son died last year, so he needs to introduce some funds to me. I’m still his business consultant.”

“Wala po bang ibang anak si Sir Delfin?”

“Meron, iyong babaeng panganay na walang asawa pero may anak namang lalaki. Ang alam ko ay isa sa namamahal ng company ang apo niya. May apo naman siya sa anak niyang lalaki.”

Naalala niya si Jeo Santillan, na tumulong sa kan’ya. “Jeo Santillan po ba ang pangalan ng apo ni Sir Delfin?”

“Ah, you know him, huh?” Mahinang tumawa ang ginoo.

“Opo. Na-meet ko siya kanina at tinulungan niya akong makalapit sa CEO.”

“Si Jeo ay anak ng panganay ni Delfin na babae. Ang apo niya naman sa anak na lalaki ay si Alexis Santillan, at siya ang CEO ngayon ng ZT.”

Napanganga siya sa pagkamangha. Si Alexis pala ang nakaharap niyang CEO ng ZT!

“Oh, si Alexis pala ‘yon,” nakangiting usal niya.

“I’m glad you already met Alexis, Yana. Umaasa ako na magiging maganda ang experience mo sa ZT. Puwede mong sabihin kay Alexis na apo kita. Safe sa kan’ya ang background mo.”

Napamulagat siya. “Eh, hindi ko po sinabi. Nagtanong lang siya kung sino ang tatay ko kaya sinabi ko ang totoo.”

“Hm, kilala rin ni Alexis ang daddy mo.”

Napangiwi siya. “So, alam pala niya na apo n’yo ako?”

“Uhuh. But Alexis was professional. Wala siyang pakialam sa personal connections ng empleyado basta hindi ikasira ng reputasyon ng company nila. Pero natitiyak ko na hindi ka niya pahihirapan. Magiging magaan ang trabaho mo sa ZT.”

Matabang siyang ngumiti nang maisip ang kontrabidang excutive assistant na si Lexy.

“Sana nga po,” aniya.

“Kumain ka na muna para makapagpahinga ka, apo.”

“Opo.”

Nilantakan naman niya ang pagkain.

Tatlong araw ang hinintay ni Yana bago nakatanggap ng tawag mula sa HR department ng ZT Holdings. Pinare-report na siya para sa orientation at pagkatapos niyon ay magsisimula na ang trabaho niya. Gabi pa lang ng Linggo ay nag-impake na siya ng gamit. Lilipat na siya sa apartment na unang investment ng lolo niya. Malapit lang ito sa ZT Holdings main office.

“Bakit hindi ka na lang sa condo natin tutuloy, Apo? Mas komportable roon. Maari mo pa ring gamitin ang isang kotse,” sabi ng lolo niya. Pinapanood siya nito habang nag-aayos ng damit sa maleta. Nakaupo lang ito sa gilid ng kan’yang kama.

“Ayaw ko po sa condo, Lolo. Nakita ko na ‘yong apartment ninyo, maayos naman. Mas gusto ko roon kasi isang sakay lang papuntang ZT building. Ayaw ko rin ng kotse. Okay na sa akin ang schooter,” aniya.

Umalon ang dibdib ng matanda. “Sige na, basta palagi mo akong tawagan kung may problema ka, ha?”

“Opo. Huwag n’yo po akong alalahanin. Cowgirl ata ‘to.” Pinakita pa niya sa ginoo ang maliit niyang muscles sa braso.

Tawa nang tawa ang matanda pero mamasa-masa ang mga mata. “Sobrang saya ko at nakasama na kita, Apo. May dahilan ako para mabuhay pa nang matagal.”

Ngumuso siya. “Huwag naman po kayong magdrama riyan. Hindi pa ako nasasanay sa bagong buhay ko pero asahan n’yo na tutulungan ko kayo sa negosyo. Gusto ko lang muna mag-explore.”

Tumango ang ginoo. “Pagbibigyan kita pero kailangan mo pa rin ng makakatuwang, hija. Alam ko wala pa sa isip mo ang pagpapakasal, at mukhang wala akong aasahang matinong lalaki. Ako na ang naghanap para sa ‘yo.”

Natigilan siya at marahas na tumitig sa ginoo. Ilang beses na nitong binanggit na gusto nitong magpakasal siya sa lalaking maalam sa negosyo at may disposisyon sa buhay. Inaasahan na niya iyon dahil walang ibang mapagkakatiwalaan ang lolo niya pagdating sa pamamahala ng negosyo. Hindi rin naman niya kayang mag-handle ng ganoon kalaking kumpanya na isa ring malaking kumpetisyon sa industriya.

Napabuga siya ng hangin. “May tiwala po ako sa inyo, Lolo. Wala naman akong napupusuang ibang lalaki at natatakot din ako baka mapunta ako sa iresponsable. Kung magpapakasal ako sa napili n’yong lalaki, sigurado po bang matutulungan kayo sa pamamahala ng kumpanya?” aniya.

“Oo naman. Hindi naman ako pipili ng lalaki na walang pakinabang sa atin. At saka titiyakin ko na ligtas ka sa lalaking ‘yon.”

Napangiwi siya nang maisip na hindi siya kagandahan para magustuhan ng isang high-profile na lalaki.

“Eh, Lolo, baka naman ayaw sa akin ng lalaking napipili n’yo,” aniya.

“Bakit naman hindi ka magustuhan?” amuse na untag ng ginoo.

“Kasi, hindi naman ako attractive. Karaniwan lang ang hitsura ko.”

Natawa ang ginoo. “Huwag mong sabihin ‘yan, Apo. Maganda ka. Hindi ka lang pala-ayos. Sanayin mo ang sarili mo sa mga magagarang damit at mag-ayos ng mukha. Walang pangit sa pamilya natin.”

Malapad siyang ngumiti at lumapit sa ginoo. Yumakap siya rito. “Salamat po, Lolo!”

“Sige na, ayusin mo na ang gamit mo para bukas ng umaga ay madala na sa apartment. Maaga ka pa para sa orientation mo ‘di ba?”

“Opo!” Binalikan niya ang ginagawa.

Kinabukasan ay maagang umalis ng bahay si Yana. Lumipat na siya sa apartment dala ang konting gamit. Alas nuwebe ng umaga ang orientation niya at may oras pa siyang mag-ayos ng gamit. Kompleto ang appliances niya na pinadala ng kaniyang lolo. Magpapadala pa sana ito ng maid niya pero hindi siya pumayag.

Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng black slacks at white blouse with collar. Ganoong damit kasi ang sinabi ng HR staff na isususot nila. Inisang bungkos lamang niya ang ga-baywang niyang buhok at pinulupot sa tuktok, tiniyak na walang ni-isang hibla na malalaglag. Nagpahid siya ng manipis na lipstick sa mga labi at face power lang sa mukha. Natural namang maayos at katamtamang nipis ang mga kilay niya kaya hindi kailangang bawasan o guhitan.

Black shoes na may two inches na takong ang suot niya kaya nadagdagan ang taas niya na limang talampakan at limang pulgada. Wala siyang kotse pero binilhan siya ng kaniyang lolo ng scooter. May bodyguards siya pero malayo sa kan’ya. Ayaw kasi niyang may nakabuntot sa kan’ya.

Pagdating sa ZT Investment Holdings main office ay kaagad silang naisalang sa orientation. May siyam na kasabayan siya na bagong recruit. Sa food production sila maa-assign na karugtong lamang ng main office building, may gate lang na tatawirin. Hindi sila kaagad nakapasok sa production area dahil nagkakagulo sa loob.

“Ano’ng meron?” tanong niya sa officer in charge ng food production.

Hindi sumagot ang babae at napatakbo sa loob ng pasilidad. Mabait naman ito at tila inatake ng nerbiyos. Sumunod sila pero napahinto rin sa lobby nang maabutang naroon ang CEO. Nagagalit ito sa empleyado at pinagtatapon ang rejected product dahil sa maling packaging.

Nawindang si Yana nang makita ang galit na mukha ni Alexis Santillan. Dominante ito, mukha namang mabait kung hindi galit. Ngunit tila nag-transform ito bilang halimaw. Lahat ng empleyadong nakalinya sa harapan nito ay bakas sa mukha ang takot.

“Those rejected products will be deducted from your salary, understood!” sabi nito sa pitong empleyadong nakalinya, may dalawang babae at limang lalaki.

Iba ang uniform ng pitong empleyado, kapareho ng officer na nag-assist sa kanila.

“Yes, sir!” panabay na sagot ng empleyado.

Mayamaya ay iniwan ng CEO ang mga napagalitang empleyado at patungo na sa kanila. Naglinya naman sila sa may gilid ng daraanan nito. Huminto pa ito sa tapat nila at tinawag ang OIC na nag-assist sa kanila.

“Who are they?” masungit nitong tanong sa OIC.

“Uh…. they are the new applicants, sir. They passed the final interview and will proceed to the orientation,” tugon naman ng OIC.

Isa-isa silang tinitigan ng masungit na CEO. Nasa bandang dulo siya gawing kaliwa at tumigil sa kan’ya ang tingin ni Alexis. Bahagyang naningkit ang mga mata nito, tila inaalala kung sino siya.

“What is your name again?” tanong nito sa kan’ya, sa matigas pa ring tinig.

Tumayo naman siya nang tuwid at taas-noong nakipagtitigan sa binata. “I’m Yana Archita po, sir!” mabilis niyang sagot.

Ilang sandali pa siyang tinitigan ni Alexis pero wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito. Pagkuwan ay umalis na ito.

Nakahinga siya nang maluwag.

Kaugnay na kabanata

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 3

    NATULOY ang orientation ni Yana kasama ng bago ring recruit. Nag-enjoy siya sa panonood kung paano pinuproseso ang mga frozen product na ginagamit sa mga fastfood at restaurant. Gusto niya ang ganoong trabaho kaysa maghapong uupo sa opisina at haharap sa papeles.Pagkatapos ng orientation ay tumambay sila sa cafeteria ng main building at nagmeryenda. Mamahalin ang pagkain doon kaya ang ibang kasama niya’y tubig lang ang nabili. Nilibre niya ang mga ito ng spaghetti. Nagkaroon kaagad siya ng mga kaibigan pero mas mabilis niyang nakapalagayan ng loob si Sarina dahil katulad niyang madaldal.“Iyong masungit na lalaki kanina pala ang CEO ng ZT, ano? Ang guwapo pa naman,” sabi ni Salina.Iisang lamesa lang ang inukupa nila na mahaba kaya kasya silang sampu. Dalawa lang sila ni Salina ang babae.“Oo, si Sir Alexis,” sabi niya.“Kilala mo siya?”“Oo naman. Sikat kaya siya.”“Hm, hindi ko siya kilala. Hindi naman ako mahilig sa business news. Puro showbiz news lang ang tinututukan ko.”Napang

    Huling Na-update : 2024-08-22
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 4

    ILANG minuto pang tulala si Yana bago nahimasmasan. Nagulat pa siya nang maglahad ng kanang kamay sa kan’ya si Alexis, gusto siyang kamayan.“Nice to meet you, Yana,” bati ng binata pero walang ano mang emosyon sa mukha. Diretso ang titig nito sa kaniyang mga mata.Siniko siya ng kaniyang lolo sa braso kaya kumislot siya at saka pa lamang kumilos. Dinaup niya ang palad ni Alexis at pilit na ngumiti rito. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa nangyayari.“Nice to meet you, too, sir,” naiilang niyang sabi.Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magiging fiance niya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya? Sa dami ng lalaki, si Alexis pa talaga, ang nakitaan niya ng ugali na alam niyang hindi siya magiging komportable. What a coincidence! Ang tanong, nagkataon lamang ba ‘yon?Pagkatapos ang daupang palad ay umupo rin siya sa tabi ng kaniyang lolo. Nagpakilala na rin ang ina ni Alexis. Ang ganda ng mommy nito, parang ate lang ni Alexis. Halatang may lahi itong banyaga dahil sa kutis,

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 5

    HININTAY ni Yana makaupo sa harap ng lamesa nito si Alexis. Tumayo lang siya sa tapat nito.“Talk,” sabi nito.Bumuntonghininga pa siya. “Tungkol kay Ms. Karen. Siya ang OIC ko at ako ang magsasabi ng totoo na sa lahat ng opisyales na nasa production department, siya lang ang pinakamatino at mabait. Maaring marami na siyang pagkakamali pero naniniwala ako na hindi lahat ng kapalpakan ay ginusto niya o sinadya. Ang insidente sa beef patties, obvious naman na may sumabutahe. Ang layo ng raw materials sa proccessing area, at saka nasusukat na lahat ng sangkap bago ilagay sa machine na magproseso. Dapat nag-imbestiga muna kayo. May nagbuhos ng asin sa mixture ng patties kasi ang naunang portion na nasa packaging na, sakto naman ang timpla, eh iisang mixture lang ang pinagmulan. Iyong huling portion lang ang umalat nang husto,” walang preno niyang paliwanag.“We are investigating the incident, but Karen's mistakes were repeated. She admitted that sometimes she lost focus because of tiredne

    Huling Na-update : 2024-10-23
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 6

    NAGPAHATID lang si Yana kay Jeo sa gasoline station. Bumili talaga siya ng gasolina at pinalagay sa basyo ng mineral water na isang litro. Pagkuwan ay binalikan niya ang scooter at naimaneho pauwi. Konti na lang ang naman ang gasolina ng scooter kaya nagamit din niya ang binili.Nagulat siya pagdating ng apartment ay may naghihintay na isang lalaki, bodyguard niya. May dala itong itim na paper bag.“Magandang gabi po, ma’am! Ihahatid ko lang po itong pagkain na pinadala ng lolo n’yo,” sabi nito.Napabuga siya ng hangin. “Nako! Nag-abala pa talaga si Lolo, oh,” aniya. Kinuha din niya ang paper bag ng pagkain. “Salamat, Kuya!”“You’re welcome, ma’am!” Umalis din ang lalaki.Ginutom na siya kaya pagpasok ng apartment ay kaagad niyang nilantakan ang pagkain. Pagkatapos kumain ay naglaba siya ng hinubad na uniporme. Maaga rin siyang natulog.Kinabukasan pagpasok ni Yana sa trabaho ay nakasabay niya sa locker ang mga empleyado na may galit kay Karen. Ang sama ng tingin ng mga ito sa kan’ya.

    Huling Na-update : 2024-10-28
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 7

    LINGO ng umaga, walang trabaho kaya umuwi si Yana sa mansiyon. Pinauwi siya ng kaniyang lolo dahil umano makakasama nila sa lunch ang pamilya ni Alexis, kasama rin umano ang lolo nito. Pinasusuot siya ng lolo niya ng magarang damit. Talagang pinaayusan nito ang indoor garden na merong water fountain at doon sila kakain.“Ano ba ‘yan si Lolo! Para namang kakain kami sa five star hotel at may bisitang royal family!” maktol niya habang inaayusan ng makeup artist na suki nila.“Ayaw n’yo po ‘yon, para kayong ikakasal sa prinsepe?” sabi ni Dory, ang baklang makeup artist. Nasa walk-in closet sila na karugtong ng kaniyang malawak na kuwarto.“Ang OA lang ka’mo ni Lolo, hay!”Natawa si Dory.“Ganoon po talaga magmahal ang mga lolo sa apo.”Umismid siya.Nakasuot na siya ng pink maxi dress. Hindi niya naisuot ang kabibiling dress ng lolo niya dahil maluwag sa kan’ya. Saktong natapos siyang maayusan ay dumating ang mga bisita.“Ready ka na ba, Apo?” tanong ni Orlando. Sinundo pa siya nito sa

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 8

    UMALIS na ang mommy at lolo ni Alexis ngunit naiwan ang binata sa bahay nila Yana. Hiniling kasi ni Orlando na maiwan si Alexis dahil gusto pa nitong makausap.Nasa kuwarto na niya si Yana at nagbihis. Nag-aapura siya dahil gustong marinig ang lahat na sasabihin ng lolo niya kay Alexis. Hindi na siya mapakali kakaisip sa kalusugan ng ginoo. Hindi pa siya handang mawala ito dahil kailan lang naman sila nagkasama.Nasa mini office nito ang lolo niya kasama si Alexis. Kumatok siya sa pinto. Si Alexis ang nagbukas ng pinto at diretso naman ang pasok niya. Napansin niya na naglabas ng sandamakmak na papeles ang kaniyang lolo. Tiningnan niya ang mga ito.“Bakit may last will ka na, Lo?” natatarantang tanong niya.“Kumalma ka, Apo. Matagal ko na nagawa ang last will ko bago ako maoperahan sa puso,” ani Orlando. Nakaupo lang ito sa swevil chair.“Ano ba ang pinaplano mo? Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang problema?” mangiyak-ngiyak niyang kastigo sa ginoo.Umalon ang dibdib ni Orlando. “Inih

    Huling Na-update : 2024-10-30
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 9

    HINDI inaasahan ni Yana ang magiging reaksiyon ng mommy ni Alexis.“Ayos lang po ako sa trabaho, Mommy. Masaya naman ako,” aniya.Hindi siya pinansin ng ginang at marahas na humarap kay Alexis, na nakaluklok na sa couch, nagbukas ng magazine habang nakadikuwatro.“Alexis, why does Yana work in the lower department? Exhausting ang trabaho roon! Alam ba ito ng lolo niya?” Pumalatak na ang ginang.“Before I met Yana personally, she already applied to our company, and based on her educational background, she only qualified in the lower department. Magtataka ang ibang empleyado kung bigla ko siyang ilagay sa manager position at wala ring alam sa management si Yana,” depensa ni Alexis.“Kahit na! Apo ng isa sa top billionaires si Yana, tapos pinagtrabaho mo sa production department?”Umapela na si Yana. “Ah, Mommy, wala pong kasalanan si Alexis. Desisyon ko pong magtrabaho sa mababang posisyon kasi kailangan ko ng experience. Huwag po kayong mag-alala. Alam ni Lolo ang trabaho ko,” aniya.N

    Huling Na-update : 2024-10-31
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 10

    HINDI mapakali sa kaniyang upuan si Yana at iniisip si Jeo. Posibleng nag-research si Jeo tungkol sa identity niya. Ang lolo lang niya ang bilyonaryong Archita sa bansa, na kilala dahil sa dami ng koneksiyon nito sa business world at politika.“Marami namang Archita sa bansa, imposibleng malaman ni Jeo na ako ang apo ni Lolo. Nakapag-usap na kami ni Lolo na hindi niya ipagkakalat sa publiko na ako ang apo niya,” aniya.“You can’t tell, Yana. It’s the reason why you need to avoid Jeo,” ani Alexis.“Hindi ba dapat mas okay na kaibiganin ko si Jeo para mahuli ko ang galaw niya? Mas madali akong makapagpanggap kung malapit ako kay Jeo. Makukumbinsi siya na simpleng tao lang ako.”“Don’t underestimate Jeo’s ability, Yana. Pareho silang mag-isip ng mommy niya, madalas napa-paranoid. Once napansin niya na may ugnayan tayo, lalo siyang magdududa.”“Eh, ‘di tama lang ang desisyon ko na nakabukod kay Lolo. Dapat ganoon din sa ‘yo. Puwede namang manatili ako sa apartment kahit kasal na tayo. Kun

    Huling Na-update : 2024-11-01

Pinakabagong kabanata

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 68 (Final)

    ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 67

    TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 66

    NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 65

    DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 64

    AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 63

    TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 62

    TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 61

    NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 60

    KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status