"Gising na ba yang palamunin mo, Rosita?"
Napaigtad ako sa lakas ng boses mula sa labas ng silid ko. Galit ang boses ni Tiyo Lando sabay kalampag ng aking pintuan. Mabilis akong bumangon at sumilip sa labas ng bintana. Madilim pa. Hindi ko alam kung anong oras, may orasan sa silid ko pero hindi ako marunong bumasa.
"Wag kang maingay Lando, natutulog pa ang bata." Saway ni Tiya sa kanya pero lalo lang kinalampag ni Tiyo ang pintuan. Sa lakas ng pagkakalampag niya sigurado akong magigising pati ang mga pinsan ko. At kapag nagising ang mga ito, tiyak mamaya ako na naman ang pagbubuntunan nila ng galit.
"Lintek naman, Rosita! Ako pa ang mag-a-adjust! Pamamahay ko rin 'to baka nakakalimutan mo! Bat ka pa kasi nagdagdag ng palamunin dito!? Alam mo namang mahirap ang panahon ngayon. May tatlo ka pang anak na pinapaaral, nagdagdag ka pa. Bakit di mo nalang ibalik ang batang yan sa DSWD?"
Nagtatalo na naman silang dalawa. Araw-araw ko na itong narinig mula sa kanila. Ramdam ko naman na una palang ayaw sa akin ni Tiyo Lando pero si Tiya ang namilit na dito ako titira sa kanila.
Si Tiya Rosing, nag-iisang kapatid ni Mama, siya ang tinawagan ng DSWD para kunin ako sa shelter. Wala na akong ibang mapuntahan dahil wala na akong mga magulang.
"Hindi pwede, Lando. Alam mo naman na ako lang ang nag-iisang kamag-anak ni Margarette. Anong gusto mong gawin ko sa kanya? Tsaka pwede ba hinaaan mo yang boses mo? Baka may makarinig sa yong ibang tao at e-report tayo."
"Wala akong pakialam, Rosita! Mag-isip ka kung ano ang pwede mong gawin dyan sa palamunin mo! Ano habang buhay mo nang responsibilad ang batang yan? Alam mo naman na sapat lang sa mga anak ko ang kinikita ko. Ngayon may makikihati pa?" Narinig ko ang malakas na kalabog mula sa labas ng pintuan. " Tatlo! Tatlo Rosita ang mga anak mo! Ayokong marinig na yung parte nila ay ibibigay mo dyan sa pamangkin mo!"
"Diba nag-usap na tayo? Hanggang ngayon hindi mo pa rin ba nakukuha ang punto ko. Ilang buwan lang ang hinihingi ko sayo. Maghintay ka lang, mapapakinabangan din natin ang batang yan."
May bahay naman sana kami, malaki pero hindi ko na pwedeng balikan dahil hindi na pinayagan ng mga pulis na makapasok doon. Kung pwede lang mas gugustuhin ko pang bumalik doon kahit mag-isa ako. Kaya ko naman ang sarili ko. Sanay naman akong mag-isa, kaso bawal na daw akong bumalik doon.
"Paano ka nakakasiguro dyan sa sinasabi mo? Nakahingi ka ba ng tulong sa mga magulang nyan nung buhay pa? Diba hindi!"
"Anong hindi! Baka nakalimutan mong ikaw din ang dahilan kaya hindi na ako nakaulit! Nakalimutan mo na bang pinatalo mo sa sugal ang pera na hiniram ko sa kapatid ko? Tapos ngayon ako ang sisisihin mo! Wag ka ngang atat Lando!"
"Ilang buwan na ang lumipas ni Rosita hanggang ngayon wala pa rin. Alam mong baon na tayo sa utang! Ngayon, kung palpak yang sinasabi mo lalo tayong magkanda-letse-letse dito! Habang buhay mong kargo ang batang yan! At wag mong sabihin sa akin na pag-aaralin mo pa yan! Kung di mo sana kinuha yan sa DSWD, wala tayong problema ngayon."
"Anong gusto mong gawin ko? Alam mo naman na hindi pa tapos ang imbestigasyon. Pasalamat ka nga at ako ang tinawagan. May mahihita tayo. Alam mo ikaw hindi ka nag-iisip. Ako lang ang nag-iisang kamag-anak ni Margarette at yan lang ang nag-iisang anak ng ate ko. Nagi-gets mo ba ang punto ko? Ako lang ba ang nag-iisip sa bahay na 'to Lando? Mag-isip ka nga!"
"Siguraduhin mo lang na mangyayari yang mga sinasabi mo dahil kung hindi, sa ayaw mo't sa gusto ibabalik ko sa DSWD ang batang yan. Ngayon, kung ayaw mo namang magka-problema tayo habang naghihintay dyan sa sinasabi mong pera, gisingin mo yang palamunin mo at pagtrabahuin dito."
Muli akong napaigtad dahil muling kinalampag ni Tiyo ang pintuan ko. "Hoy Margarette! Gumising ka na! Anong oras na!"
Gusto ko nang lumabas pero natatakot ako. Kung alam ko lang na ganito ang magiging turing nila sa akin sana pala nakiusap nalang ako doon sa shelter na wag na akong ibigay sa kanila.
"Ano ba Lando, ke aga-aga tumigil ka nga!"
"Gisingin mo yang pamangkin mo! Wala syang yaya dito na mag-aasikaso sa kanya. Gawin niya ang trabaho nya para wala tayong problema. Wala na ngang ambag, nagbuhay reyna pa. Mga anak ko lang ang pwedeng magbuhay reyna dito sa pamamahay ko Rosita. Tandaan mo yan!"
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi naman ako nagbubuhay reyna dito sa pamamahay nila. Buhay reyna ba ang tawag sa akin kung halos lahat naman ng gawaing bahay nila ako ang gumagawa? Mga mabibigat na gawing bahay na hindi ko naranasan nung buhay pa ang mga magulang ko. Nagbubuhat ako ng mga mabibigat na timba, halos lahat ng mga gawain na sana tinuro niya sa mga anak nila ako ang gumagawa. Buhay reyna pa rin ba yun?
Sa ilang buwan kong pananatili dito sa bahay nila hindi naman ako naging pabigat. Ako ang gumagawa sa halos lahat ng mga gawaing bahay nila. Ako ang naghuhugas na pinggan, ako ang nagsasaing, ako naglilinis ng buong bahay at ako pa ang naglalaba.
Pitong taong gulang pa lang ako pero lahat ng trabaho na hindi ko naranasan noon, naranasan ko dito sa kanila.
Wala akong reklamo dahil hindi naman ako pwedeng magreklamo. Bawal ang magreklamo dito sa kanila dahil hindi lang gutom ang palo ang aabutin ko kundi magugutom din ako. Sanay naman na akong magtiis simula nang mawala sina Mama. Pero sana wala akong maririnig na masasakit na salita mula sa kanila.
Itong mga ginagawa ko, ito yung ginagawa ng kasambahay namin noon. Mas daig ko pa nga ang trabaho ng mga yaya ko noon dahil ngayon kahit ang paglilinis ng sasakyan ni Tiyo ako pa. Kahit ang pagpapakain ng mga alaga nyang manok ako din. Ilang daan din yung mga manok pansabong nya. Kung tutuusin wala na akong pahinga.
Ano lang ba ang lakas ko? Kahit pa siguro malaki na ako, kung ako lang din ang magtatrabaho lahat, mapapagod din ako. Pero kahit ang mapagod ay bawal din sa akin. Dahil kapag nakikita ako ni Tiyo na walang ginagawa nagagalit sya sa akin. Kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi nya sa akin.
Daig ko pa ang ibang tao kung ituring nila ako. Kung tutuusin parang hindi naman kamag-anak ang turing nila sa akin, para akong batang kinuha lang sa kung saan, pinakain at binihisan. Pero kahit yun binibilang pa.
Pero hindi din pala, kasi hindi naman nila ako pinapakain ng maayos. Nakakakain nga ako pero yung kung ano lang ang tira nila. Minsan nga wala pa. Pinagkakasya ko lang ang kung anong pwede ko pang kainin. Kung may isda, ulo o di kaya buntot na wala nang laman. Kung di talaga sinwerte edi yung mga bunga nalang ng bayabas sa labas ng bahay nila. Yun nalang ang pantawid gutom ko pero minsan mahapdi na rin sa tiyan.
Sa totoo lang mas masarap pa ang pagkain ng aso nila. Kasi ang aso mamahaling dog food pa. Pero hindi ako pwedeng magreklamo. Kung ano lang ang meron yun lang, kesa naman sa magutom ako at mas malala pa kung parusahan ako ulit ni Tiyo.
Ayoko nang maparusahan.
Ayoko nang matulog ulit— sa kulungan ng aso.
"Margarette, my water! I'm so thirsty!"
Napaigtad ako dahil sa boses ni Ate Maria. Siya ang panganay na anak ni Tiyo Lando at Tiya Rosing. Fifteen years old sya at nasa high school na. Sa kanilang tatlo sya ang pinaka palautos.
Tatlo silang magkakapatid. Si Ate Maria, si Ate Leonora at si Ate Teresa. Mga pinsan ko kung tutuusin pero daig ko pa ang yaya nila sa turing nila sa akin.
"What's wrong with you Margarette? Why are you so slow? You're like a turtle! I need my water now!" Ganito sya palagi mag-utos sa akin. Walang pakiusap, pasigaw at palaging nagmamadali.
Wala naman syang ginagawa sa sala kundi ang humilata lang. Pangiti-ngiti habang hawak ang cellphone nya. Samantalang ako dito sa kusina hindi na alam kung alin ang uunahin ko. Katatapos ko lang maghugas ng plato na pinagkainan nila, hindi ko pa nga nalinisan ang mesa na basta nalang din nila iniwan. Pagkatapos nito magwawalis at magma-mop pa akong sahig. Hindi pa nga ako tapos sa isang utos pero heto inuutusan niya na naman ako.
"What the hell I'm dying Margarette!"
Naghugas muna ako ng kamay bago kumuha ng baso at nilagyan ng kaunting yelo. Hanggang kalahating baso lang dapat ang yelo, bago ko lagyan ng tubig. Ganun dapat ang aking gagawin dahil ayaw ni Ate Maria uminom ng hindi malamig. Dapat may straw din dahil ayaw niyang nadidikit sa baso ang labi nya, eww daw. Kumuha din ako ng tray, bawal kung bitbitin ng basta nalang ang anumang pagkain o inumin na ibibigay ko sa kanya. Ganun kaselan si Ate Maria.
"Margarette!" Dumagundong na ang boses nya sa buong bahay.
Nagkukumahog na ako pero hindi ako makalakad ng diritso dahil may naapakan akong bubog kanina habang nagpapakain ako ng mga manok ni Tiyo. Wala kasi akong suot na tsinelas dahil yung tsinelas na binigay ni Tiya sa akin ay naputol sa sobrang kalumaan nito.
"Ano ba, Margarette! Isusumbong na talaga kita kay Daddy!"
"Heto na po, Ate. Saglit lang."
Dahan-dahan ako sa paglakad, hindi pwedeng may matapong tubig sa tray dahil ayaw ni Ate Maria ng dugyot. Dugyot daw tingnan kapag may natapong tubig at kapag ganun hindi niya iniinom. Minsan binubuhos nya pa sa akin.
"What did you just call me, Ate?" Tanong agad nito pagkalapit ko sa kanya. Tiningnan nya ang tray na hawak ko kung may natapon bang tubig doon at nang makitang wala saka nya pa kinuha ang baso.
"I told you not to call me Ate. Baka masanay ka! Isipin pa ng mga makakarinig na kapatid kita. Look at yourself, you're so dugyot. Yuck!" Aniya sabay nandidiring tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Nagbaba ako ng tingin. Nanliliit ako sa aking sarili pero totoo naman ang sinabi nya. Mukha talaga akong dugyot dahil hindi pa ako nakapagpalit ng damit mula kanina. Hindi pa akong nakapagpahinga. Masama na nga ang pakiramdam ko, para na ako akong nahihilo. Pakiramdam ko lalagnatin ako.
Pagkagising ko kaninang umaga diritso ako pakain sa mga alagang manok ni Tiyo. May nag-aalaga naman sa mga manok nya pero pinapatulong niya pa rin ako. Para naman daw magkaroon ako ng silbi.
Pagkatapos ko namang magpakain ng manok, nagwalis ako sa labas at namulot ng mga tuyong dahon. Kung di pa ako tinawag ni Kuya Mackoy, ang bantay sa manokan nila, hindi pa ako makakakain, alas nwuebe na ng umaga.
Gutom na gutom ako nang pumunta sa hapag pero ang natirang ulam para sa akin ay mga ulo ng isda. Hindi man lang nila ako tinirhan ng itlog o kahit nung tortang talong sana. Pero hindi na ako nagreklamo, laman tyan na din yun kesa hilaw na bayabas na naman ang kakainin ko.
Mabuti nalang at may naipuslit na sardinas si Kuya Mackoy, yun ang pinaulam nya sa akin. Pero madalian ko lang din inubos dahil bawal makita ni Tiyo na sardinas ang ulam ko at tiyak mapapagalitan si Kuya Mackoy.
Pagkatapos ko namang mag almusal diritso na ako sa paglalaba. Mabilis ko lang natapos ang mga de color dahil diritso ko lang naman sa washing machine pero yung mga puti at uniporme ng mga pinsan ko kelangan ko pang kusutin isa-isa. At dahil maliit ang kamay ko, matagal akong natapos. Yung sugat ko sa kamay sa paglalaba ko nung isang araw ay muli na namang nadagdagan. Hindi ko naman pwedeng e-brush ang mga damit at baka masira ang tela, lalo nila akong mapapagalitan.
"Oh Margarette, andito ka pala. Kanina pa kita hinahanap kasi kelangan papalinisan ko itong black shoes ko. Palagyan ng kiwi at pa-brush na din." Inabot nya sa akin ang sapatos niya pero hindi ko pa natanggap binitawan niya na ito kaya nahulog ito sa tiles.
"Aww, sorry Margarette." Labas sa ilong nitong sabi sabay tingin kay Ate Maria. Kita ko pa ang pag-angat ng kilay niya sa akin.
Siya naman si Ate Leonora. Sya ang pangalawa. Thirteen years old, anim na taon ang tanda nito sa akin. Palutos din ito pero hindi katulad ni Ate Maria, hindi ito maselan. Yun nga lang burara naman ito sa mga gamit niya. Kung saan-saan niya lang iniiwan ang mga pinaghubaran nya. Ang mga sapatos niya nakakalat lang kung saan, pati ang mga medyas.
Itong itim na sapatos na sinasabi niya ngayon ay kanina ko pa nahanap dahil hindi niya naman maalala kung saan niya ito huling hinubad. Para syang ahas na nagpapalit ng balat, kung saan maisipan maghubad ng mga gamit doon lang din iiwan. Akala ko nga nalinisan niya na ito dahil tinanggalan ko naman na ito ng mga putik kanina.
"Nga pala Margarette, pagkatapos mong linisan yang sapatos ko, paki tupi nalang din ng mga damit ko sa closet. Naghahanap kasi ako ng masusuot para sa gala namin ng mga kaibigan ko, hindi ako makadecide kaya ayun, slight kong nagulo yung mga tinupi mo."
Hindi na ako nagsalita pa dahil magagalit lang sya sa akin. Alam ko naman na kasi na yung slight na sinasabi niya ibig sabihin parang binagyo na naman ang silid nito. Hindi ko nga alam kung normal pa ba ito sa tuwing naghahanap sya ng susuotin, minsan kasi feeling ko sinasadya nilang guluhin ang mga gamit nila para parusahan ako.
"Make sure your hands are clean ha? Ayokong mangamoy tuyo ang mga gamit ko. Or better maligo ka muna bago pumasok sa silid ko. I don't want my room smell bad."
Kung tutuusin mas mabango at malinis pa ang silid ko kesa sa mga silid nila. Yun ay kung matatawag nga na silid ang dating bodega.
Kalahati pala ng silid ko ay tambakan ng mga lumang gamit nila. Nilagyan lang ng plywood ni Kuya Mackoy sa gitna at nilagyan ko ng kurtina para magmukha itong silid.
Wala na rin kasi akong ibang silid na matutulugan. Apat lang ang silid sa bahay nila at ayaw naman nila akong makatabi. Lahat okupada nila, tatlo sa mga anak ni Tiya at yung master's bedroom ay para sa mag-asawa. Ang silid ko ay extension lamang na pinagawa para sa mga lumang gamit nila.
Pero ayos lang naman, nilinis ko naman na ito at nagmukha namang silid. May maliit din akong kama, wala nga lang foam pero ayos na din.
"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Go!"
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Tiningnan ko silang dalawa parehas nakaangat ang mga kilay nila sa akin.
"What! Ayaw mong linisan ang sapatos ko?" Wala akong sinabi pero galit na agad sila sa akin. "Nagmamalaki ka na? Gusto mo isumbong kita kay Daddy?"
Wala akong sinabing ayaw ko, pero kahit ayaw ko man o gusto wala din naman akong choice kundi linisan ang sapatos niya.
"Leave!"
Natahimik lang ako dahil pakiramdam ko nahihilo ako, pakiramdam ko umiikot ang paligid.
"Ano ayaw mo talaga?"
Hindi pa nga ako nakasagot hinablot na ni Ate Leonora ang sapatos sa akin at bago pa ako makapagsalita pinukpok niya na ang sapatos sa ulo ko.
"Aray Ate."
Hindi lang isang besess kundi marami. Parang lahat ng galit niya ay sa akin niya ibinuhos. Galit na hindi ko naman alam kung anong dahilan.
"Tamad ka! Wala kang utang na loob! Pinapakain ka na nga namin hindi ka pa marunong tumulong!"
Sinasangga ko ang kamay niya pero hindi ko kaya, mas malakas at mas malaki sya kesa sa akin. Umiiyak na ako at nagmamakaawa pero ayaw niya pa ring tumigil. Galit na galit niya akong pinaghahampas kahit na nakaupo na ako sa sahig.
Hindi pa sya nakuntento tinadyakan nya pa ako ng ilang beses. Pati ang paa kong nasugatan ng bubog ay inapakan nya pa kaya napahiyaw na ako sa sakit.
Nagmakaawa ako kay Ate Maria na tulungan ako, nakita kong tumayo ito. Akala ko sasawayin niya si Ate Leonora pero yun pala ay tumayo sya para tulungan ang kapatid niya. Malakas niya rin akong sinipa, natamaan ang likod ko. Pagkatapos malakas niyang hinila ang buhok. Sinubukan kong kalasin ang kamay niya at sa ginawa kong yun nakalmot ko ang braso niya dahilan para lalo syang magalit sa akin.
Dalawa na sila ngayon ang nanakit sa akin. Hampas, sabunot, tadyak. Hindi pa nakuntento si Ate Maria, binuhusan niya pa ako nang tubig.
Malakas na ang mga iyak ko. Tinatawag ko si Tiya para awatin ang mga anak nya dahil hindi ko na kaya. Para na akong naghihina. Nalalasahan ko na rin ang dugo sa labi ko. Pero bago pa ako marinig ni Tiya nauna nang dumating si Teresa, ang bunso nila.
"Oh my gosh! What's happening here?"
"Isara mo ang pintuan, Teresa dali!" Utos ni Ate Maria. Mahigpit niyang hawak ang kumpol na buhok ko. Halos matanggal na ito sa aking anit.
Tumakbo si Maria pero nadulas ito sa tubig na binuhos ni Ate Maria. Pagtingin ko sa kanya may sugat at duguan ang nguso nito.
Malakas itong umiyak tinatawag si Tiya at Tiyo. Nagpanic si Ate Maria at Leonora, sa sobrang pagkapanic nila hindi nila namalayan na nasagi na nila ang vase na pinakaaalagaan ni Tiya Rosa. Ang vase na alam kong mahal ang halaga.
Sakto namang pagpasok ni Tyang at yun ang nakita nya. Imbes na unahin ang anak niyang duguan ang nguso mas nauna pa nitong lapitan ang vase na nagkalat sa sahig.
"Sinong bumasag—"
"Si Margarette, Mommy!" sabay nilang turo dalawa sa akin.
Yun ang nadatnang tagpo ni Tiyo. Walang tanong-tanong, tinanggal nito ang sinturon na suot niya. Daig ko pa ang hayop sa paghataw niya ng sinturon sa akin. Kung saang parte ako ng katawan natamaan.
Masakit.
Sobrang sakit.
Namimilipit ako.
Bawat hampas ng sinturon sa katawan ko nag-iiwan ng marka. Kahit anong iyak at pagmamakaawa ko wala silang narinig. Daig ko pa ang hayop sa ginawa nila sa akin.
Unti-unting nandilim ang paningin ko. Pikit mata kong tinanggap ang bawat palo ni Tiyo hanggang sa mawalan ako ng malay.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pagkatapos nila akong parusahan. Nagising nalang ako kalagitnaan ng gabi dahil sa malamig na hangin at malakas na buhos ng ulan. Gusto kong sumilong. Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong pero ni pagbukas na aking bibig ay di ko magawa.
Pagtingin ko sa labas, madilim, nakakatakot. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ako makagalaw. Hindi ako makagalaw sa sobrang sikip ng kinalalagyan ko.
Ang mga luha ko ay naghalo sa malakas na buhos ng ulam. Ang boses ko ay nilamon na rin ng kadiliman. Nanginginig na ako sa ginaw. Wala na akong lakas.
Ano ba ang naging kasalanan ko at kailangan ko maparusahan ng ganito?
Awang -awa ako sa aking sarili. Para akong hayop na basta nalang ibandona, basta nalang iniwan nang nakakandado sa loob ng maliit na kulungan.
Ang lumang kulungan ng aso nila.
"You really love Cai that much huh?" Napangiti ako sabay tingin sa larawan ni Cai na nasa cellphone ko pagkarinig sa sinabi ni Trina. Of course I love my baby so much. Sino ang hindi mamahalin ang isang napaka cute na nilalang sa balat ng universe?"Yeah he's my baby, Trin. You know that." I answered smiling. Lumapit ito sa akin at nakisilip sa phone ko. " Swerte naman ng baby na yan, love na love ng mommy."I smiled, glance at her and back to my phone. "Cai loves me too, Trin. He's the only one I have kaya love na love ko siya.""Buti pa si Cai love na love mo. Sana all na lang talaga kay Cai. All out ang love ni Mommy dinaig pa ako na hanggang ngayon no jowa pa rin." Lalo akong napangiti sa sinabi ni Trina. It's true that I really love Cai so much. After all what I've been through Cai is the one who taught me how to love again. Kaya siya lang sapat na. Ayos na akong kami lang dalawa.Cai is my precious.His name is Cairo. My fur baby. A one year old white Pomeranian dog. A gift
"Nurse V, tumawag ang secretary ng Boss. Pinapatawag ka sa Office of the Director ngayon din."Kunot noo akong tumingin sa kasamahan kong nurse na kumausap sa akin." Bakit daw?" Kakasimula ko pa lang kumain."Walang sinabi eh. Basta hinanap ka lang at pinapapunta doon. Bilisan mo na Nurse V at baka importante. Now daw kasi eh."Agad akong napatayo at nagmamadaling iwan ang pagkain na hindi pa nangalahati. Ilang subo pa lang ang nagawa ko dahil kaka-break ko lang. Ang kape na bagong timpla ay hindi ko man lang nainom. Gutom pa ako."Narinig niyo ba ang balita? Kaya pala nandito si M2 kahapon dahil—""Nars V!""Yes po!" Nagmamadali kong niligpit ang baonan ko. "Bilisan mo na, iwan mo na yan dyan kami na bahala." "Yes po! Andyan na po." Uminom ako ng tubig at binalik ang baonan ko sa locker. Kakainin ko nalang mamaya pagbalik ko. Ganito madalas ang senaryo dito sa ospital hindi lang naman ngayon kaya sanay na ako. Minsan nga sa dami ng pasyente hindi na kami nakakakain ng maayos. "Ma
Inis akong sumunod sa kanya sa loob ng opisina niya. Pagkarating ko doon nakita ko ang basag na mesa at ang bubog na nagkalat sa sahig.His office is quite big. Painted all in white. One part is a glass wall kung saan makikita ang magandang view sa labas. May isang silid sa loob, may malawak na receiving area at maliban sa sofa at coffee table na nandun wala na itong iba pang gamit. "I'm losing blood and you're gonna stand there? Kapag ako namatay, kalagon ta gid ka."That made me snapped back into reality. Hindi ko man naintidihan yung huling sinabi niya pero lumapit ako sa kanya."Take the first aid kit, it's there inside the room."Tinuro niya ang nakasarang silid sa dulo pero kunot noo akong tumingin sa kanya. Nakaupo na ito ngayon sa sofa, nakasandal ang likod, namumutla at malalaki ang pawis sa noo."I called my brother. He said he used it last time kaya nandun sa loob. Kunin mo na bilis."Seryoso ba? Papasukin niya ako sa silid na yun? What if? What if susundan niya ako doon t
Kinabukasan, maaga akong pinatawag sa HR Department. I am already expecting a termination letter because of what happened yesterday but it didn't happen. Pinatawag ako dahil sa ibang dahilan. Kailangan daw ng secretary ang Director ng ospital.Yes! You read it right, secretary ng Director ng ospital, pero ang ipanagtataka ko ay bakit ako ang pinatawag?"The director needs someone who can work with him effectively and efficiently dahil tenerminate niya ang secretary nya kahapon." The HR manager said.Hah! Tenerminate! Nagresign kamo. Iniwan siya ng sekretarya niya kasi pangit ang ugali niya. " We have so many urgent works now for the mid-year evaluation and we cannot wait for another week to find a replacement. Mr. Myers is very strict. We already sent him list of employees who can be a replacement but he declined all.Arte! Siya pa ang choosy."He said, he needs someone new and someone who don't mix work and personal interest."Wow! Yabang talaga! Akala niya ata lahat ng mga empleyad
I was feeling tired and exhausted already. Daig ko pa ang nag- 24 hours shift sa ginawa ko ngayong araw. To think na half day pa lang yun ha? And take note wala pa akong ibang ginawa kundi ang sumagot lang ng sangkatutak na tawag. Ayos lang naman sana kung yung mga tawag ay importante. Hindi yung puro tawag galing sa mga babae ng amo kung hambog na feeling gwapo na playboy! Agh! Nakakairita. Bakit ba kasi may mga babaeng pinipilit ang sarili sa mga lalaking ayaw naman sa kanila?"Aelia!" Narinig kong tawag ng amo ko sa akin pero hindi ko siya nilingon. Sa halip dinoble ko pa ang bilis ng mga hakbang ko para hindi niya ako maabutan. Pero kapag minamalas ka nga naman. Naabutan niya pa rin ako dahil ang tagal bumukas nung elevator. "Where are you going?" Sinulyapan ko sya at kinunutan ng noo. "Hey! I didn't do anything to you? Bakit ka nagagalit?"Tumunog ang elevator at bumakas. Mabilis akong pumasok ng nakasimangot parin. "Why are you mad? Sino ba yung kausap mo?"As if you don't kn
Sir Ford was not in his office when I went up. Ilang oras na akong nandito pero hindi pa rin ito umaakyat. Hindi ko alam kung saan sya pumunta at hindi rin ito nagpasabi sa akin. Surprisingly, nabawasan din ang tawag ng mga babaeng naghahanap sa kanya kaya hindi na ako na-stress. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. Nakakabored din pala ang walang ginagawa. Nailista ko na ang schedule at appointment niya this week. Natapos ko na ring ayusin ang mga files na wala sa ayos. Napunasan ko na pati ang mga cabinet. Pati ang opisina ni Sir Ford nalinisan ko na rin. Kahit nga ang pantry naayos ko na din.Naubos ko nalang ang oras wala pa rin sya. Saan kaya sya nagpunta? Thirty minutes na lang at mag-aalas singko na.Well, baka nambababae na naman. Sa dami ba namang tumawag dun baka naka-schedule na rin kung sinong kikitain niya ngayong araw. Such a playboy!Pero teka, bakit ko ba tinatanong kung nasaan siya? Ano bang pakealam ko? Hindi naman kasali sa trabaho ko ang tanungin kong anon
It took a while bago mahimasmasan si Sir Ford dahil sa kalokohan ko. Hindi ko tuloy alam kung maawa ako o matawa sa kanya. Ang weird lang kasi na sa laking bulas niya ang dami niyang takot sa katawan. Una yung tungkol sa dugo. I thought he was just bluffing me that time pero totoo pala yung takot niya sa dugo. Yung pamumutla at pagkahimatay niya ay totoo talaga, nahaluan lang ng kalokohan at pagkukunwari nung bandang huli na. Pangalawa, ito namang butiki. If you can only imagine the fear in his face when I put that toy lizard inside his shirt, I'm sure pati kayo matatawa. Buti sana kung totoong butiki pero isa lang itong laruan. Paano pa kaya kung totoong butiki na talaga? Gosh! He's really unbelievable. Akala mo talaga ang tapang eh pero dugo at butiki lang pala ang katapat. Ano pa kaya ang susunod na katatakutan nito? "Quit laughing Ville Margarette. It's not funny." Parang bata nitong maktol.I'm sorry but I really can't help it. Natatawa talaga ako sa kanya para kasi talaga s
It took a while before I could find the right word again. Now I understand why there is sadness in his voice. Ex-fiancée niya pala ang babae. He must love her that much. Hindi naman ganun ang magiging reaction niya kung wala lang diba? At tsaka hindi din sila aabot sa stage na yun kung hindi niya talaga ito mahal."What happened?" I don't know but for some reason I got curious. " What went wrong?"He heaved a deep sigh. "She left me for her dreams. I don't have a problem with that though. I'm even willing to give up my career here just to be with her but she don't want me anymore." Dama ko ang pait sa boses niya."Oh..." I murmured. I don't know what to say so I keep quiet. "She asked for a space. She told me that she wants to experience the world on her own. That, she wants to enjoy life, explore her potentials and do the things she loved, and that doesn't include me. Gusto niya daw muna e-enjoy ang buhay niya, yung siya lang mag-isa. Yung hindi niya ako kasama." Mahina itong tumaw
This is the last part, hinati ko sa lima dahil gusto ko ding malaman niyo kung anong ganap sa buhay ng ating pinaka mahangin, pinaka ggss pero pinaka sweet na Blue Eyed Maligno. Sana may napulot kayong aral sa pagmamahalan nina Ford at Margarette. Maraming salamat sa suporta ninyong lahat. See you in my next story, Avangers!Life is short always choose to be happy!Labyu! Amping mong tanan! :)__________________________I though everything was okay between us but my heart crushed when Aelia told me that we can't be together anymore. She don't want me to be part of her life anymore. Ayaw niya na sa akin at kung gusto kong bumawi sa mga bata na lang. She's only good to me because she's doing the kids a favor. She changed a lot. She's no longer the Aelia that I used to know. Hindi na siya ang Aelia na basta na lang pumapayag sa kung ano ang gusto ko. She had her words now. She decides for us, on her own, on her terms.Pero inintindi ko lahat dahil kasalanan ko naman. Mabuti na nga lan
"Kuya! Kuya! You won't believe this. Guess who I bumped into the airport?"Lahat kami natigil at napalingon sa bagong dating at humahangos pa na si Hunter. Kadarating lang nito galing ibang bansa. Nandito kaming magkakapatid ngayon sa opisina ni Kuya Gustavo dahil nagpa-plano kami paano kumbinsihin si Kuya Gaston na magpa-opera ng mata niya. "Woah Kuya! You really won't believe it. I saw..." but he was cut off when Thunder stood up and gave him a meaningful look. ""Why are you just now, Hunter Cole? Take your seat. You're interrupting the meeting." Pormal nitong sabi. "Oh you're having a meeting? I'm sorry. I didn't know. I just have to tell Kuya Ford what I saw in the airport today." Nagtataka akong tumingin sa kanya pero pagtingin ko kay Thunder lalong kumunot ang noo nito sa kakambal niya."So Kuya Ford, here's the thing, when I was on my way out—""Talk about it later, Hunter Cole." Putol ulit ni Thunder kay Hunter. "H-huh?""I said later." Thunder said firmly. Anong proble
But of course I won't allow that. The next morning I asked the HR head to assign Miss Gasis to my office. Sakto lang din dahil tinanggal ko ang magnanakaw kong driver at nag-resign naman ang asawa niya na dating sekretarya ni Kuya Kambal. Kampi talaga sa akin ang tadhana sa pagkakataong ito. Isa pa hindi ako papayag na dededmahin niya ako nang ganun ganun lang. I am Cairo Ford Myers Sandoval and no has ever done that to me. She's a challenge. She's not like any other girls and I want her. Now I am sure that she's not a minor anymore. She's no longer a kid. Call me possessive and territorial but that's who I am. I have to guard my Sunshine. I can't allow someone to have her. That's how our beautiful love story started. Being with my Sunshine is one of the happiest days of my life. Kahit pa sinusungitan niya lang ako ayos na iyon sa akin basta kasama ko lang siya. That day when something special happened between us I feel like I'm the luckiest man on earth. I couldn't wish for more,
"Kiki?" Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Narinig kong nagsinghapan ang mga studyante dahil sobrang bulgar yung pagkabigkas ni Hunter ng salitang kiki. "Anong kiki?" Lintek na 'to! Ang bastos. Kung anong lumalabas sa bibig. "Kiki like kiki. I don't know what it is but that's what Buwboy called that. "It taste different but yeah it's yummy."Fuck! Kailangan pa ba talagang sabihin yun Hunter Cole?Pagtingin ko sa mga studyanteng nandun pigil na ang mga ngiti sa mga labi ni. Pero ang bebegirl ko, chill lang, no reaction pa rin."Agh! And that unlimited BJ—"Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Enought. You don't need to say that angmore. There are students here. Ang bastos mo."He looked at me annoyed and confuse. Masungit nitong tinanggal ang kamay kong tumakip sa bibig niya at maldito itong tumingin sa akin. "What bastows? I'm not bastows. You are asking me, what did I eat before coming with you so that's it. I ate kiki-yum with unlimited bj for only sixty nine pesos. A
"What's wrong with you Hunter? Kanina ka pa pabalik-balik sa washroom ah."Naa-alibadbaran na ako sa nakababata kong stateside na kapatid dahil kanina pa labas masok sa washroom. Hindi ako makapag- concentrate sa report na binabasa ko dahil sa kanya. Sinama ko ito galing Davao dahil may kikitain akong kliyente mamaya para sa itatayong bagong branch ng ospital namin. Kaso mula nang dumating kami dito sa hotel si Hunter wala nang ginawa kundi ang maglabas masok sa washroom. Nakabakasyon kasi sila ngayon ng kambal niyang si Thunder dito sa Pilipinas pero ito lang ang sumama sa akin. Si Thunder may sariling lakad. "Kuya, please bring me to the hospital. I think I'm dying." Yudeputa! Dying agad? "Lintian! Naano ka haw?" Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Namumutla na ito at pawisan na ang noo habang hawak ang tiyan nya. Magtatanong pa sana ako ulit pero hindi ko na nagawa dahil muli itong tumakbo pabalik sa washroom. Sunod kong narinig ang pagsusuka niya at malakas na tunog ng ut8t
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang saya ng bakasyon namin ng mga bata. Hindi ito nauubasan ng mga kwento tungkol sa mga ginagawa nila ng mga pinsan nila. Kung nag-eenjoy ang mga anak ko kasama ang mga pinsan nila, lalo naman ako.Sobrang saya ng mga araw ko dahil sa horse backriding namin ni Ford. Araw-araw may session kaming dalawa. Kung saan-saan kami nakakarating at syempre kasama na dun sa horseback riding namin alam mo na. Pero syempre nag-iingat kaming dalawa. Hindi na rin kami nawawala ngayon ng cabana. Hindi ako tinitigilan ni Ford, kapag nakabenta tumitira. Kulang na lang na ihi ang pahinga ko. Hindi na nga ito tumutulong sa mga kuya niya dito sa hacienda dahil ayaw lumayo sa akin. Kung tumutulong man, ilang oras lang, umuuwi ito para magmeyenda kuno. Pero ibang meryenda naman ang gusto. Ayaw niyang patalo sa mga kapatid niya na minsan narinig kong nag-uusap kung ilan ang gustong anak nila.Si Kuya Gustavo at Ate Chichay ay magli-lima na ang anak. May kambal, si Hera at
Finally another story has come to an end. We're in the last chapter of the fourth installment of Sandoval Series, Avangers! Maraming salamat sa pagsama niyo sa akin, sa iyakan, tampuhan kiligan, bakbakan at hanapan!Sana may natutunan kayong aral sa kwentong pag-ibig nina Cairo Ford at Ville Margarette. Hanggang sa susunod na kwento ng isa sa mga blue eyed maligno. Daghang Salamat sa inyong tanan!'Til my next story. Amping ta!________________________________"Hold on Baby." Sinunod ko ang sinabi niya, hindi ako gumalaw at niyakap ko ang kamay sa balikat niya. Nasa ibabaw pa rin kami ng kabayo. I'm still straddling him. My both legs are wrapped on his hips while my hands are hugging his nape. His one hand is hugging me preventing me from falling. I'm slowly moving on top of him, grinding, rubbing my wetness making him wet of my juice.Tuluyan na akong nagupok ng apoy ng kamunduhan. Iniliayad ko ang aking katawan at patuloy na gumagalaw na tila sumasayaw sa ibabaw niya. Saksi an
"C'mon Baby, swim with me! The water is so nice. Jump!"Natatakot ako pero parang may kung anong pwersang humihila sa akin para sumama sa kanya. Well it's not bad to be adventurous sometimes, yeah? Wala naman sigurong tao sa parteng ito ng hacienda. "No one's coming here today. I already told the guards."Ah kaya pala malakas ang loob maghubad.Panty at bra lang ang natira sa akin at tuluyan na rin akong tumalon para samahan siya. Pagkatalon ko agad niya akong niyakap. Napuno ng halakhakan namin ang buong paligid. Ang sarap ng tubig, hindi ito malamig.Nagpapaligsahan kaming dalawa kung sino ang magaling lumangoy at sumisid. Marunog akong lumangoy dahil pina-train ako ni Mommy at Daddy nung maliit pa ako pero hindi ako gaano magaling sumisid, talo ako ni Ford. Bigla nalang itong sumusulpot sa harapan ko, nagugulat lang ako kapag niyayakap niya ako sabay hawak sa pagkababae ko. Cairo Ford and his dirty and naughty tricks. Matagal kaming naghaharutan sa tubig nang mag-aya ito sa aking
"Sunshine meet Pocholo. He is an Arabian black horse, my big buddy."The horse neighed as if he understands that Ford is introducing him to me. He is a very handsome black horse. He has a finely chiseled head, dished face, long arching neck and high tail carriage."Poch, this is my Sunshine, the one I'm telling you before, my baby." Ngumiti siya sa akin at nilahad ang kamay para lumapit sa kanya. "Come here Baby. Don't be scared, Pocholo is a nice boy."Tumingin naman sa akin ang kabayo at kahit hindi ito nagsasalita parang sinasabi nito sa aking wag akong matakot sa kanya.Humakbang ako palapit sa kanila at marahang hinaplos ang ulo ng kabayo. "Hi Pocholo! Nice to meet you." I greeted the horse smiling and as if he understands what I said because he moved his head a little. "Woah, that's nice. I like Pocholo, Daddy."Ford smiled and held my hand. "I told you, you will like my big buddy. C'mon let me and Pocholo tour you around the hacienda."With that maingat niya akong pinasakay sa