Share

Chapter 1

Author: LadyAva16
last update Huling Na-update: 2024-01-22 13:15:15

"You really love Cai that much huh?" 

Napangiti ako sabay tingin sa larawan ni Cai na nasa cellphone ko pagkarinig sa sinabi ni Trina. Of course I love my baby so much. Sino ang hindi mamahalin ang isang napaka cute na nilalang sa balat ng universe?

"Yeah he's my baby, Trin. You know that." I answered smiling. 

Lumapit ito sa akin at nakisilip sa phone ko. " Swerte naman ng baby na yan, love na love ng mommy."

I smiled, glance at her and back to my phone. "Cai loves me too, Trin. He's the only one I have kaya love na love ko siya."

"Buti pa si Cai love na love mo. Sana all na lang talaga kay Cai. All out ang love ni Mommy dinaig pa ako na hanggang ngayon no jowa pa rin." Lalo akong napangiti sa sinabi ni Trina.

 It's true that I really love Cai so much. After all what I've been through Cai is the one who taught me how to love again. Kaya siya lang sapat na. Ayos na  akong kami lang dalawa.

Cai is my precious.

His name is Cairo. My fur baby. A one year old white Pomeranian dog. A gift I bought for myself a year ago for my 21st birthday.  

Cai helped me overcome my fear. Kung dati takot ako sa aso at inaatake ako ng anxiety ko kapag nakakakita ako ng kulungan ng aso, nagbago lahat yun ng mapunta sa akin si Cairo. He changed everything. He changed my perspective. He made me realize that animals are lovable too. 

"Cai is my baby, Trin and I love him so much." Malawak ang ngiti kong sabi kay Trina. "Look at him oh? Ang cute diba?" Pinakita ko ang picture naming dalawa ni Cairo sa kanya pero saglit niya lang itong tiningnan.

"Bakit kaya di mo nalang sagutin si Macky at nang magkaroon ka na ng tunay na baby." 

Biglang nabura ang ngiti ko.  Here she goes again. 

"Siguro ang ganda ng magiging anak niyo ni Macky." 

 Trina is my friend. Parehas kaming nurse. Nagkakilala kami sa ospital na pinapasukan namin ngayon. Ang Macky na tinutukoy niya ay si Kuya Mackoy. Ang binatilyong tumulong sa akin makaligtas nung gabing minaltrato ako ng mga kamag-anak ko.  

Madalas itong tinutukso ni Trina sa akin kahit wala namang basehan. Minsan nga feeling ko sya ang may crush kay Kuya pinapadaan nya lang sa panunukso nya sa akin. 

Parehas kaming nagtatrabaho ni Trina sa MMH o mas kilala bilang Myers Medical Hospital. Isa ang MMH  sa pinakamalaking ospital dito sa syudad. Mas nauna lang si Trina sa akin ng dalawang taon dito. Bagong lipat lang kasi ako, mag- aanim na buwan pa lang. 

Actually may job offer ako mula sa Sandoval Medical Hospital pero mas pinili ko dito sa Myers. Sa lahat, ako lang ata ang tumangging magtrabaho sa Sandoval. I mean madaming gustong makapasok sa ospital na yun dahil sa magandang record at benefits plus mas malaki din ang pasahod kumapara sa MMH. 

Bago palang kasi ang MMH. Maglilimang taon pa mula nang mag-operate ito at mas mababa kaunti ang sahod kesa Sandoval pero maganda din naman ang mga benefits. Mas pinili kong mamasukan dito dahil feeling ko dito ako mas mag-go-grow at hindi nga ako nagkamali. Maganda ang pamamalakad ng mga higher boss at walang favoritism. Higit sa lahat mabait ang matandang may-ari na mas kilala sa tawag na Madam M. Si Madam Asunta Myers.

"Alam mo sis, bagay talaga kayo ni Macky." Muling nabaling ang tingin ko kay Trina. Ayaw talaga paawat. " He's a descent guy, matalino, mabait, masipag at higit sa lahat gwapo." 

Mapanukso itong tumingin sa akin pero nanatiling blangko ang ekpresyong pinukol ko sa kanya. 

I don't like this type of conversation. I'm not a man hater pero hindi ako komportable sa ganitong usapan lalo na 'pag involve si Kuya Mackoy. I look up to him as my brother and it feel awkward everytime tinutukso sya sa akin. 

Kuya Mackoy is single. Ang sabi niya sa akin nawalan sya ng oras para maghanap ng girlfriend dahil inubos nya ang panahon sa pagtatrabaho. He's more than a decade older than me and according to him ready na syang magsettle down. It's just that wala pa syang girlfriend hanggang ngayon. 

On the other hand, I'm also single, NBSB. Wala lang, ayoko lang. Kung nung teenager ako mabilis akong pakiligin at kung ano-ano ang nai-imagine ko pagdating sa usaping pag-ibig, ngayon, parang hindi ko na nararamdaman yun. 

Maliban sa nag-iisang lalaking nagpapakita sa panaginip ko na hindi ko alam kung saan hahagilapin.

It's been six years. Ang dami nang nagbago sa akin. Kahit ako nga parang hindi ko na rin kilala ang sarili ko minsan. Maraming bagay na gusto kong gawin noon pero hindi na ngayon. 

Or maybe it just part of growing up? Siguro nga may mga bagay lang talaga na nagbabago kapag ang tao ay tumatanda?

"Bakit nga ba hanggang ngayon hindi mo pa sinasagot si Macky o isa sa mga nanliligaw sa 'yo?" Kinunutan ko sya ng noo. Yes madaming nanliligaw sa akin pero ni isa wala akong natipuhan. 

"Mabait naman si Macky tsaka may maayos na trabaho. May sarili ding negosyo at sigurado akong hindi lang kapatid ang turing nya sayo. I can feel it by the way Macky looks at you."

"Kuya Mackoy, Trin." Pagwawasto ko sa kanya. "He's just a friend more of like a brother. Wag mong bigyan ng malisya ang kabaitan ni Kuya Mackoy sa akin. Tsaka hindi sya nanliligaw. Parang kapatid lang din ang turing niya sa akin."

Umirap ito. "Hmp! May kapatid bang wagas kong makapagbigay ng bulaklak? Wagas makapagpadala ng pagkain at wagas kung mag-alala? Kung pwede lang na pumalit sa guard sa labas ay ginawa na? Naku Ville Margarette Aelia wag mo ako makapatid-kapatid dyan! Siguro sayo parang kapatid lang si Macky pero I'm sure kay Macky hindi ganun. You're just so dense not to notice it, Sis. Ako na ang nagsasabi,  may gusto sayo si Macky. Period."

Sasagot pa sana ako pero mas pinili ko na lang ang tumahimik. Ayoko nang pahabain pa ang usapan at ayoko ring bigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa ni Kuya Mackoy sa akin. Ayokong magbago ang pakikitungo ko sa kanya kapag nangyari yun. 

Kuya Mackoy is such a nice guy. He's a perfect gentleman. Mabait, masipag, matalino. He's also successful now. Katunayan may sarili na itong negosyo. After years of working abroad nakapagpundar ito ng sarili niyang meat shop na may marami ng branches ngayon. 

Sino ang mag-aakala na ang dating taga pakain lang ng manok noon ay may sarili nang poultry, piggery at meat shop ngayon? That's all because of Kuya Mackoy's hard work and determination.

Kuya Mackoy is very important to me. I could still remember how he saved me that dreadful night at kung hindi dahil sa kanya baka nawala na din ako nung gabing yun. 

"Let's go Trin, I'm hungry." Aya ko kay Trina at nauna na akong maglakad sa kanya para pumuntang sa canteen. Uuwi na din ako pagkatapos naming kumain dahil tapos na ang shift ko. I'm so tired today ang daming pasyente.

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria biglang may sumingit na dalawang nurse sa harapan namin at nagmamadaling mauna. Sisitahin pa sana ni Trina pero mabuti na lang at napigilan ko sya. 

"Potek! Bruhang 'to!" Gigil na sabi ni Trina at kukunyatan niya pa sana pero sabay kaming natigilan dalawa nang magsalita ang isa sa kanila.

"Ang gwapo talaga ng magkapatid na Myers, daig pa ang mga modelo at artista. Tara bilisan mo nasa canteen daw yung isa." 

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Trina. 

"Ang gwapo girl at ang bango pa. Nakita ko kanina bumaba sa Ford Ranger niya at shet na malagkit ang hot ni M2."

Ito ang palaging bukambibig ng mga kasamahan naming nurse dito sa ospital pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita kung sino ang magkapatid na Myers na tinutukoy nila. Hindi ko pa nakita kung sino si M1 at sino si M2.

"Syempre ikaw ba naman may lahing pinaghalong Caucasian at Turkish. Tsaka ang sabi gwapo din daw yung tatay at mga kapatid. Hindi lang gwapo huh balita ko magaling lahat sa—" Hindi namin narinig ang kasunod nitong sinabi dahil binulong niya na sa nurse na kasamahan niya. 

"Wee? Sa true?"

"Naman! Tsaka alam kung anong mas nakakaakit? Yung pagiging ilonggo nila. Shet girl kung narinig mo lang, boses pa lang mangingisay ka na. Ang lambing!"

Kinikilig na nag-apir silang dalawa.

"Pero totoo ba  ang balita na may anak na yung isa, si M1?"

"Anak? Hmp! Di ko lang sure. Pero ano naman ngayon kung may anak na, wala namang asawa. Tsaka kiber kahit single dad yan, papatulan ko yan. Mas maganda nga yun  may experience na, expert na baga. Tsaka handa akong maging babymomma ng anak niya sakali man. Instant mommy tsaka instant asawa." Nag-apir ulit silang dalawa.

"Paano kung may asawa?"

"May nakita ka bang dinalang asawa dito?" Umiling yung isa. "Diba wala? Tsaka kung may asawa wala akong pake! Yung lupa  nga naagaw asawa pa kaya."

What the hell?

"Pero balita mas wild daw yung isang kakambal, si M2. Playboy at mahilig sa nurse. May jowa daw kasi yung modelo dati pero hiwalay na. Engage pa nga daw eh pero iniwan ng babae para magmodelo sa ibang bansa kaya ayun naging playboy ang koya mo."

"Edi mas bet! Naku! Mas wild mas masarap! Matyempuhan ko lang talaga isa sa mga yan,  kahit saan kami magpang-abot dalawa go ako. Kahit maghospital tour pa kami dito! "

Nagkatinginan kami ni Trina. Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa mga magkapatid na Myers at nakasunod lang kami sa kanila. Sakto namang natapos ang usapan nila nang makarating kami sa canteen ng ospital.

"Oh shet nandito nga si Mr. Myers." Biglang bulalas ni Trina. Lumampas ang tingin nito sa counter at nakita ko ang isang lalaking nakatayo doon.

Hindi kita ang buong mukha niya pero pamilyar ang side profile nya sa akin. 

"Sis, maganda ba ang ayos ko? Hindi ba magulo ang buhok ko? Ang uniporme ko? May lipstick pa ba ako? Shet! Sis pansinin—"

Ang dami pang sinabi ni Trina pero wala na sa kanya ang atensyon ko. Natuon na ito sa lalaking pinagtitinginan ng mga babae sa loob ng canteen. Yung iba halatang nagpapapansin pero wala naman ang atensyon ng lalaki sa kanila kundi nasa babaeng kasama nito. 

The man is wearing a white button down shirt, sleeves folded up to his forearm. He paired it with black pants and black leather shoes. In fairness, kahit na hindi kita ang buong mukha, mukha itong modelo. 

Nakatagilid ito sa amin pero halatang  malapad ang likod nito. Hapit ang damit sa naglalakihan niyang muscles sa braso at katawan. Kusang pinasadahan ng mga mata ko ang katawan niya at in all fairness, malaki at malaman. Bumaba ang mga mata ko hanggang sa madako ito sa pang-upo niya.

He has a big bum. 

Awtomatikong napunta ang mga mata ko sa harapan nya. 

—and a bulging front. 

Wait, what?! Seriously?

Bigla akong napalunok at nahiya sa sarili ng mapagtanto ang ginawa kong pag-eksamin sa lalaki.

Like, what the hell? Sa lahat ba naman nang dapat mapuna yung pang-upo niya pa talaga at hinaharap ang una kong nakita?

It's not the first time I saw something like that, mas live pa nga ang iba kapag nag-a- asisst kami ng operation pero ewan bigla akong nahiya sa ginawa ko.

Iiwas ko na sana ang tingin ko pero sakto namang napalingon ito sa pwesto namin. Saglit kaming nagkatitigan. Nakita ko ang tingin niya na parang kinikilala ako. Ang kulay asul niyang mga mata ay nakatitig sa akin. 

It's him. The man who's haunting me in my dreams. One of the Sandoval's. Kuya Gustavo's younger brother. 

Kulang ang salitang gulat sa nararamdaman ko ng mga oras na yun pero hindi ko lang pinahalata. Mabuti  na lang at pumunta sa harapan ko si Trina.  "Shet sis. Tiningnan niya ako."

 Kinuha ko ang pagkakataong yun para tumalikod sa kanila. "Hanap ako ng mauupuan natin Trin." Nagmamadali akong pumunta sa pinakasulok ng canteen.

Did he recognize me?

Malamang hindi! Assuming ka teh? Hindi naman talaga kayo magkakilala. Nagkita lang kayo minsan noon but other than that hindi kayo close so don't expect na matatandaan ka niya. Sino ka ba? Close ba kayo?

Pagtingin ko ulit sa kanya busy na ito sa pakikipagtawanan sa babaeng kausap niya. Nakaakbay na ito ngayon sa babae. Inayos nya pa ang buhok na tumabing sa mukha nito. At ang babae naman feel na feel ang atensyong binigay ng lalaki sa kanya. Yumakap pa ito sa lalaki nang hagkan ng lalaki ang noo niya. 

I feel something strange inside my chest ut I quickly dismissed it. They look good together to be honest. 

Pero teka, bakit magkamukha sila? 

"Sis anong gusto mong kainin? Bilis!"

Bigla akong nahimasmasan nang makitang nakalapit na pala si Trina sa akin. Parang sinilihan ito at hindi mapakali. 

"Bilis sis baka aalis na si Mr. Myers."

"H-huh?"

"Mag-oorder na ako at isasali ko na din yung para sayo para makalapit ako kay Mr. Myers. Malay natin. Ano bang gusto mong kainin? Bilis!"

Mr. Myers? Bakit Mr. Myers? Sa pagkakatanda ko Sandoval ang apelyedo ni Kuya Gustavo.

Kapatid sya ni Kuya Gustavo diba? Hindi ako pwedeng magkamali. 

"Agh! Sige na ako na ang bahala. Mukhang na-a-out of this world ka na naman kasi."

"Anong—" Tatayo na sana ako para samahan sya pero agad nya din akong pinigilan. 

"Dito ka nalang sis, baka dumagdag ka pa sa magiging karibal namin kay Mr. Myers eh."

Nagmamadali itong lumapit sa counter pero bago pa man sya tuluyang makalapit nagsimula nang maglakad palabas ang lalaking tinawag nilang Mr. Myers kasama ang babaeng kasama nito.

Laglag ang balikat ni Trina pati ang mga babaeng nakatingin sa anino ng lalaking papalabas ng canteen. Tumayo ako at lumapit na din kay Trina. Magpapaalam ako na magpapa-deliver nalang ng pagkain at sa condo nalang kakain. 

Bigla pakiramdam ko nawalan ako ng gana. Kanina lang ay gutom na gutom na ako. Yung feeling na parang nasusuka ka na sa gutom? Pero biglang nawalan ako ng gana.

"Sure ka ba? Akala ko nagugutom ka na." 

"Ayos lang Trin, sa condo na lang."

Mag-isa akong lumabas ng canteen. Nagpaiwan si Trina dahil hindi pa tapos ang shift nya ngayong araw.

Hindi paman ako nakarating sa parking nang may marinig akong nag-uusap sa bandang likuran ko. 

"It's not my fault princess kung mainlove sila sa akin."

I was stunned when I heard the man's baritone voice. 

"Sa gwapo ko ba namang 'to? Baka nakalimutan mo ako ata ang pinakagwapo sa lahat ng Kuya mo."

Wow! May bagyo ba? Bigla atang lumakas ang ihip ng hangin. 

"Kita mo ba yung mga nurse kanina? Sa akin lahat nakatingin. Akala siguro nila artista ako. Girls kalma ako lang to si Ford ang hari ng Iloilo." Sinundan niya ito ng malutong na tawa. 

"Amo na ginahambal ko sa imo princess nga layo gid tana tong chura ni Kuya Lexus sa akon ah. Partida waay pa ko na gibuhat. Ti karon kita mo na gid kung ano ka damo fans ko? Smile-smile pa lang gani na, anohon nalang kung makita nila ano kanami lawas ko? Aba tulo laway eh!"

 [Yan yung sinasabi ko sayo princess na ang layo ng mukha ni Kuya Lexus sa akin. Partida wala pa akong ginawa nyan ah! So ngayon, nakita mo na kung gaano kadami ang fans ko? Pangiti-ngiti pa lang ako sa lagay na yan ah. Ano pa kaya kung makita nila ang katawan ko. Aba! Edi naglalaway na sila sa akin.]

It's him. 

"Yabang mo naman Kuya, baka nakalimutan mo rin magkakamukha lang kayong anim." Sagot ng babae. 

Gusto ko silang lingunin dalawa pero nagpatuloy ako sa paglakad. Alam ko kasi na kapag lumingon ako baka mapairap lang ako sa lakas ng hangin nung lalaki. 

"Excuse me! Kami magkakamukha? Ano ná? Daw ok-ok?." [Excuse me! Kami magkakamukha? Ano yan ipis?"

"Sige nga kung matapang ka iparinig mo yang mga sinabi mo kina Kuya G? o di kaya e post mo sa gc."

"No need na ah! Kita mo na ang ebidensya e-post ko pa. Tsaka alam naman na nila kung anong placement nila in terms of kagwapuhan."

"Daw malupad nako bah. Waay man tana bagyo pero daw may ipo-ipo." [Parang liliparin na ako sa lakas ng hangin ah! Wala naman sanang bagyo.]

"Warm up palang gani na baby sis! Partida wala pa akong ginagawa nyan ha?"

"Wala? Kaya pala pinagalitan ka ni Lola nung isang araw dahil may nagresign na nurse sa ospital."

"Hala! Ngaa daw sala ko? Indi ko na sala ya kun magugma sila sa akon. Bal-an tana nila sa permiro palang no strings attach. Enjoy-enjoy lang bala." [Hala! Bakit parang kasalanan ko. Hindi ko na kasalanan kung ma-inlove sila sa akin. Sa simula palang kinlaro ko na sa kanilang no strings attach.]

"Pasaway ka talaga Kuya."

"Princess, I'm just being honest. They asked for it, so I gave them. I'm being generous pa nga eh. It's not my fault anymore if they fall for me. From the start they knew already that I'm not into relationshits. Women are nothing."

"Kuya!" The woman hissed. "Ang sama mo."

"Except for you and grandma. You know I'm willing to kill if someone hurts you right?"

Hah! What an ass!? 

Ang kapal ng mukhang paglaruan ang mga babae gayong may babae naman syang kapatid.  Kahit pa siguro sya ang pinaka gwapo sa buong mundo at kahit sya pa ang matirang lalaki dito hinding hindi ako magkakagusto sa mga ugok na katulad nya. Saksakan na nga ng yabang feeling gwapo pa. 

"Alam mo Kuya, makakahanap ka rin ng katapat mo at kapag nangyari yun baka maglulupasay ka ng iyak dyan."

"Over my dead body,Princess. That will never happen. " Malakas pa itong tumawa na para bang sigurado talaga syang hindi yun mangyayari sa kanya. "Sila ang iiyak sa akin."

Gusto ko syang lingunin at sungalngalin pero narinig kong nagpaalam na ang babae sa kanya. Sa sobrang inis ko nagmamadali akong naglakad palayo sa kanila. I was so pissed walking  my way to the parking. 

Ang kapal ng mukha! Playboy! 

"Ahm, excuse me?" I was about to open my car when I heard the familiar voice again. Kung kanina ayaw ko silang lingunin ngayon ay kunot noo akong tumingin sa kanya. 

"Yes?" I asked coldly, still my forehead creased.

I saw him stunned. Siguro hindi nito inaasahan na may magkukunot ng noo sa kanya. Pwes ibahin niya ako. Kung yung ibang mga nurse nagkakandarapa para mapansin niya abay sorry nalang dahil hindi ko gagawin yun.

"You're that lady inside right? You look familiar." Naglakad ito palapit sa akin. 

He's beautiful pair of magnetic blue eyes never left me. Mataman itong nakatitig sa akin pero masungit na tingin ang binalik ko sa kanya. 

Sa totoo lang gwapo sya, kung gaano ka gwapo si Kuya Gustavo ganun din ito. He's the soft version of Kuya Gustavo. Magnetic blue eyes, pointed nose, kissable lips, well defined jaw, name it. The assh*le got it all pero nawala lahat ng kagwapuhan nito dahil sa mga sinabi nito kanina. 

"Is there any problem Mister?" I asked in a flat tone. 

"You really looked familiar. Have we met before?"

Style mo bulok.

"Ville Margarette Aelia Gasis." 

Binasa niya ang nakasulat sa ID ko at matamis itong ngumiti sa akin.

"You're working here? Since when? How come I didn't notice someone as beautiful as you?"

Hindi ko na napigilan ang pag-angat ng isang kilay ko. 

Typical playboy. 

"You're so beautiful. Can I get your number?" He asked with full confidence but I remained impassive. 

"Anyway I'm Ford Sandoval. Single." He extended his hand for a handshake smiling.

 Conceited. 

 "I'm free today. Can I invite you for a dinner?" He is smiling confidently but his smile faded when I just looked at his hand before I opened my mouth to answer him. 

"Not interested." I said and turned my back to him leaving him dumbfounded. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nurcashin Ubahin
kakasabi lng ni babay siz kuya... wat mor pg nkilala mo baby ni Marg hahaha laglag pangah ka boy hahahaha
goodnovel comment avatar
pipay Cunanan
thank you po Miss A! .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 2

    "Nurse V, tumawag ang secretary ng Boss. Pinapatawag ka sa Office of the Director ngayon din."Kunot noo akong tumingin sa kasamahan kong nurse na kumausap sa akin." Bakit daw?" Kakasimula ko pa lang kumain."Walang sinabi eh. Basta hinanap ka lang at pinapapunta doon. Bilisan mo na Nurse V at baka importante. Now daw kasi eh."Agad akong napatayo at nagmamadaling iwan ang pagkain na hindi pa nangalahati. Ilang subo pa lang ang nagawa ko dahil kaka-break ko lang. Ang kape na bagong timpla ay hindi ko man lang nainom. Gutom pa ako."Narinig niyo ba ang balita? Kaya pala nandito si M2 kahapon dahil—""Nars V!""Yes po!" Nagmamadali kong niligpit ang baonan ko. "Bilisan mo na, iwan mo na yan dyan kami na bahala." "Yes po! Andyan na po." Uminom ako ng tubig at binalik ang baonan ko sa locker. Kakainin ko nalang mamaya pagbalik ko. Ganito madalas ang senaryo dito sa ospital hindi lang naman ngayon kaya sanay na ako. Minsan nga sa dami ng pasyente hindi na kami nakakakain ng maayos. "Ma

    Huling Na-update : 2024-01-24
  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 3

    Inis akong sumunod sa kanya sa loob ng opisina niya. Pagkarating ko doon nakita ko ang basag na mesa at ang bubog na nagkalat sa sahig.His office is quite big. Painted all in white. One part is a glass wall kung saan makikita ang magandang view sa labas. May isang silid sa loob, may malawak na receiving area at maliban sa sofa at coffee table na nandun wala na itong iba pang gamit. "I'm losing blood and you're gonna stand there? Kapag ako namatay, kalagon ta gid ka."That made me snapped back into reality. Hindi ko man naintidihan yung huling sinabi niya pero lumapit ako sa kanya."Take the first aid kit, it's there inside the room."Tinuro niya ang nakasarang silid sa dulo pero kunot noo akong tumingin sa kanya. Nakaupo na ito ngayon sa sofa, nakasandal ang likod, namumutla at malalaki ang pawis sa noo."I called my brother. He said he used it last time kaya nandun sa loob. Kunin mo na bilis."Seryoso ba? Papasukin niya ako sa silid na yun? What if? What if susundan niya ako doon t

    Huling Na-update : 2024-01-24
  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 4

    Kinabukasan, maaga akong pinatawag sa HR Department. I am already expecting a termination letter because of what happened yesterday but it didn't happen. Pinatawag ako dahil sa ibang dahilan. Kailangan daw ng secretary ang Director ng ospital.Yes! You read it right, secretary ng Director ng ospital, pero ang ipanagtataka ko ay bakit ako ang pinatawag?"The director needs someone who can work with him effectively and efficiently dahil tenerminate niya ang secretary nya kahapon." The HR manager said.Hah! Tenerminate! Nagresign kamo. Iniwan siya ng sekretarya niya kasi pangit ang ugali niya. " We have so many urgent works now for the mid-year evaluation and we cannot wait for another week to find a replacement. Mr. Myers is very strict. We already sent him list of employees who can be a replacement but he declined all.Arte! Siya pa ang choosy."He said, he needs someone new and someone who don't mix work and personal interest."Wow! Yabang talaga! Akala niya ata lahat ng mga empleyad

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 5

    I was feeling tired and exhausted already. Daig ko pa ang nag- 24 hours shift sa ginawa ko ngayong araw. To think na half day pa lang yun ha? And take note wala pa akong ibang ginawa kundi ang sumagot lang ng sangkatutak na tawag. Ayos lang naman sana kung yung mga tawag ay importante. Hindi yung puro tawag galing sa mga babae ng amo kung hambog na feeling gwapo na playboy! Agh! Nakakairita. Bakit ba kasi may mga babaeng pinipilit ang sarili sa mga lalaking ayaw naman sa kanila?"Aelia!" Narinig kong tawag ng amo ko sa akin pero hindi ko siya nilingon. Sa halip dinoble ko pa ang bilis ng mga hakbang ko para hindi niya ako maabutan. Pero kapag minamalas ka nga naman. Naabutan niya pa rin ako dahil ang tagal bumukas nung elevator. "Where are you going?" Sinulyapan ko sya at kinunutan ng noo. "Hey! I didn't do anything to you? Bakit ka nagagalit?"Tumunog ang elevator at bumakas. Mabilis akong pumasok ng nakasimangot parin. "Why are you mad? Sino ba yung kausap mo?"As if you don't kn

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 6

    Sir Ford was not in his office when I went up. Ilang oras na akong nandito pero hindi pa rin ito umaakyat. Hindi ko alam kung saan sya pumunta at hindi rin ito nagpasabi sa akin. Surprisingly, nabawasan din ang tawag ng mga babaeng naghahanap sa kanya kaya hindi na ako na-stress. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. Nakakabored din pala ang walang ginagawa. Nailista ko na ang schedule at appointment niya this week. Natapos ko na ring ayusin ang mga files na wala sa ayos. Napunasan ko na pati ang mga cabinet. Pati ang opisina ni Sir Ford nalinisan ko na rin. Kahit nga ang pantry naayos ko na din.Naubos ko nalang ang oras wala pa rin sya. Saan kaya sya nagpunta? Thirty minutes na lang at mag-aalas singko na.Well, baka nambababae na naman. Sa dami ba namang tumawag dun baka naka-schedule na rin kung sinong kikitain niya ngayong araw. Such a playboy!Pero teka, bakit ko ba tinatanong kung nasaan siya? Ano bang pakealam ko? Hindi naman kasali sa trabaho ko ang tanungin kong anon

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 7

    It took a while bago mahimasmasan si Sir Ford dahil sa kalokohan ko. Hindi ko tuloy alam kung maawa ako o matawa sa kanya. Ang weird lang kasi na sa laking bulas niya ang dami niyang takot sa katawan. Una yung tungkol sa dugo. I thought he was just bluffing me that time pero totoo pala yung takot niya sa dugo. Yung pamumutla at pagkahimatay niya ay totoo talaga, nahaluan lang ng kalokohan at pagkukunwari nung bandang huli na. Pangalawa, ito namang butiki. If you can only imagine the fear in his face when I put that toy lizard inside his shirt, I'm sure pati kayo matatawa. Buti sana kung totoong butiki pero isa lang itong laruan. Paano pa kaya kung totoong butiki na talaga? Gosh! He's really unbelievable. Akala mo talaga ang tapang eh pero dugo at butiki lang pala ang katapat. Ano pa kaya ang susunod na katatakutan nito? "Quit laughing Ville Margarette. It's not funny." Parang bata nitong maktol.I'm sorry but I really can't help it. Natatawa talaga ako sa kanya para kasi talaga s

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 8

    It took a while before I could find the right word again. Now I understand why there is sadness in his voice. Ex-fiancée niya pala ang babae. He must love her that much. Hindi naman ganun ang magiging reaction niya kung wala lang diba? At tsaka hindi din sila aabot sa stage na yun kung hindi niya talaga ito mahal."What happened?" I don't know but for some reason I got curious. " What went wrong?"He heaved a deep sigh. "She left me for her dreams. I don't have a problem with that though. I'm even willing to give up my career here just to be with her but she don't want me anymore." Dama ko ang pait sa boses niya."Oh..." I murmured. I don't know what to say so I keep quiet. "She asked for a space. She told me that she wants to experience the world on her own. That, she wants to enjoy life, explore her potentials and do the things she loved, and that doesn't include me. Gusto niya daw muna e-enjoy ang buhay niya, yung siya lang mag-isa. Yung hindi niya ako kasama." Mahina itong tumaw

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 9

    Caius Ronav Odysseus. The name Caius is of Latin origin meaning "rejoice". While Ronav means the one who embodies grace and charm. These are the characters I want my son to embody in the future. Someone who is gentle, kind, mild, and calm. But at the same time I also want him to be that kind of person who is not easy to break, so I added the Odysseus to his name. The name Odysseus is of Greek origin meaning "wrathful". Great anger that expresses itself in a desire to punish someone. But at the same time it also means gentle wind of reality. So, it only balanced. Tipong mabait pero mapanganib. "Mommy up! Up!" Caius said in a small voice. He stretched his arms asking me to carry him so I gave Cai my baby dog to Yaya Selma and lowered my body to carry my son. The little boy automatically wrapped his arms around my neck and kissed me in the check. Aww so sweet. "I miss you, anak. " I said kissing him back. Inabot ng maliliit niyang kamay ang mukha ko at titig na titig ito sa

    Huling Na-update : 2024-01-26

Pinakabagong kabanata

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Epilogue Final Part

    This is the last part, hinati ko sa lima dahil gusto ko ding malaman niyo kung anong ganap sa buhay ng ating pinaka mahangin, pinaka ggss pero pinaka sweet na Blue Eyed Maligno. Sana may napulot kayong aral sa pagmamahalan nina Ford at Margarette. Maraming salamat sa suporta ninyong lahat. See you in my next story, Avangers!Life is short always choose to be happy!Labyu! Amping mong tanan! :)__________________________I though everything was okay between us but my heart crushed when Aelia told me that we can't be together anymore. She don't want me to be part of her life anymore. Ayaw niya na sa akin at kung gusto kong bumawi sa mga bata na lang. She's only good to me because she's doing the kids a favor. She changed a lot. She's no longer the Aelia that I used to know. Hindi na siya ang Aelia na basta na lang pumapayag sa kung ano ang gusto ko. She had her words now. She decides for us, on her own, on her terms.Pero inintindi ko lahat dahil kasalanan ko naman. Mabuti na nga lan

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Epilogue Part 4

    "Kuya! Kuya! You won't believe this. Guess who I bumped into the airport?"Lahat kami natigil at napalingon sa bagong dating at humahangos pa na si Hunter. Kadarating lang nito galing ibang bansa. Nandito kaming magkakapatid ngayon sa opisina ni Kuya Gustavo dahil nagpa-plano kami paano kumbinsihin si Kuya Gaston na magpa-opera ng mata niya. "Woah Kuya! You really won't believe it. I saw..." but he was cut off when Thunder stood up and gave him a meaningful look. ""Why are you just now, Hunter Cole? Take your seat. You're interrupting the meeting." Pormal nitong sabi. "Oh you're having a meeting? I'm sorry. I didn't know. I just have to tell Kuya Ford what I saw in the airport today." Nagtataka akong tumingin sa kanya pero pagtingin ko kay Thunder lalong kumunot ang noo nito sa kakambal niya."So Kuya Ford, here's the thing, when I was on my way out—""Talk about it later, Hunter Cole." Putol ulit ni Thunder kay Hunter. "H-huh?""I said later." Thunder said firmly. Anong proble

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Epilogue Part 3

    But of course I won't allow that. The next morning I asked the HR head to assign Miss Gasis to my office. Sakto lang din dahil tinanggal ko ang magnanakaw kong driver at nag-resign naman ang asawa niya na dating sekretarya ni Kuya Kambal. Kampi talaga sa akin ang tadhana sa pagkakataong ito. Isa pa hindi ako papayag na dededmahin niya ako nang ganun ganun lang. I am Cairo Ford Myers Sandoval and no has ever done that to me. She's a challenge. She's not like any other girls and I want her. Now I am sure that she's not a minor anymore. She's no longer a kid. Call me possessive and territorial but that's who I am. I have to guard my Sunshine. I can't allow someone to have her. That's how our beautiful love story started. Being with my Sunshine is one of the happiest days of my life. Kahit pa sinusungitan niya lang ako ayos na iyon sa akin basta kasama ko lang siya. That day when something special happened between us I feel like I'm the luckiest man on earth. I couldn't wish for more,

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Epilogue Part 2

    "Kiki?" Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Narinig kong nagsinghapan ang mga studyante dahil sobrang bulgar yung pagkabigkas ni Hunter ng salitang kiki. "Anong kiki?" Lintek na 'to! Ang bastos. Kung anong lumalabas sa bibig. "Kiki like kiki. I don't know what it is but that's what Buwboy called that. "It taste different but yeah it's yummy."Fuck! Kailangan pa ba talagang sabihin yun Hunter Cole?Pagtingin ko sa mga studyanteng nandun pigil na ang mga ngiti sa mga labi ni. Pero ang bebegirl ko, chill lang, no reaction pa rin."Agh! And that unlimited BJ—"Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Enought. You don't need to say that angmore. There are students here. Ang bastos mo."He looked at me annoyed and confuse. Masungit nitong tinanggal ang kamay kong tumakip sa bibig niya at maldito itong tumingin sa akin. "What bastows? I'm not bastows. You are asking me, what did I eat before coming with you so that's it. I ate kiki-yum with unlimited bj for only sixty nine pesos. A

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Epilogue Part 1

    "What's wrong with you Hunter? Kanina ka pa pabalik-balik sa washroom ah."Naa-alibadbaran na ako sa nakababata kong stateside na kapatid dahil kanina pa labas masok sa washroom. Hindi ako makapag- concentrate sa report na binabasa ko dahil sa kanya. Sinama ko ito galing Davao dahil may kikitain akong kliyente mamaya para sa itatayong bagong branch ng ospital namin. Kaso mula nang dumating kami dito sa hotel si Hunter wala nang ginawa kundi ang maglabas masok sa washroom. Nakabakasyon kasi sila ngayon ng kambal niyang si Thunder dito sa Pilipinas pero ito lang ang sumama sa akin. Si Thunder may sariling lakad. "Kuya, please bring me to the hospital. I think I'm dying." Yudeputa! Dying agad? "Lintian! Naano ka haw?" Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Namumutla na ito at pawisan na ang noo habang hawak ang tiyan nya. Magtatanong pa sana ako ulit pero hindi ko na nagawa dahil muli itong tumakbo pabalik sa washroom. Sunod kong narinig ang pagsusuka niya at malakas na tunog ng ut8t

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 50

    Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang saya ng bakasyon namin ng mga bata. Hindi ito nauubasan ng mga kwento tungkol sa mga ginagawa nila ng mga pinsan nila. Kung nag-eenjoy ang mga anak ko kasama ang mga pinsan nila, lalo naman ako.Sobrang saya ng mga araw ko dahil sa horse backriding namin ni Ford. Araw-araw may session kaming dalawa. Kung saan-saan kami nakakarating at syempre kasama na dun sa horseback riding namin alam mo na. Pero syempre nag-iingat kaming dalawa. Hindi na rin kami nawawala ngayon ng cabana. Hindi ako tinitigilan ni Ford, kapag nakabenta tumitira. Kulang na lang na ihi ang pahinga ko. Hindi na nga ito tumutulong sa mga kuya niya dito sa hacienda dahil ayaw lumayo sa akin. Kung tumutulong man, ilang oras lang, umuuwi ito para magmeyenda kuno. Pero ibang meryenda naman ang gusto. Ayaw niyang patalo sa mga kapatid niya na minsan narinig kong nag-uusap kung ilan ang gustong anak nila.Si Kuya Gustavo at Ate Chichay ay magli-lima na ang anak. May kambal, si Hera at

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 49

    Finally another story has come to an end. We're in the last chapter of the fourth installment of Sandoval Series, Avangers! Maraming salamat sa pagsama niyo sa akin, sa iyakan, tampuhan kiligan, bakbakan at hanapan!Sana may natutunan kayong aral sa kwentong pag-ibig nina Cairo Ford at Ville Margarette. Hanggang sa susunod na kwento ng isa sa mga blue eyed maligno. Daghang Salamat sa inyong tanan!'Til my next story. Amping ta!________________________________"Hold on Baby." Sinunod ko ang sinabi niya, hindi ako gumalaw at niyakap ko ang kamay sa balikat niya. Nasa ibabaw pa rin kami ng kabayo. I'm still straddling him. My both legs are wrapped on his hips while my hands are hugging his nape. His one hand is hugging me preventing me from falling. I'm slowly moving on top of him, grinding, rubbing my wetness making him wet of my juice.Tuluyan na akong nagupok ng apoy ng kamunduhan. Iniliayad ko ang aking katawan at patuloy na gumagalaw na tila sumasayaw sa ibabaw niya. Saksi an

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 48

    "C'mon Baby, swim with me! The water is so nice. Jump!"Natatakot ako pero parang may kung anong pwersang humihila sa akin para sumama sa kanya. Well it's not bad to be adventurous sometimes, yeah? Wala naman sigurong tao sa parteng ito ng hacienda. "No one's coming here today. I already told the guards."Ah kaya pala malakas ang loob maghubad.Panty at bra lang ang natira sa akin at tuluyan na rin akong tumalon para samahan siya. Pagkatalon ko agad niya akong niyakap. Napuno ng halakhakan namin ang buong paligid. Ang sarap ng tubig, hindi ito malamig.Nagpapaligsahan kaming dalawa kung sino ang magaling lumangoy at sumisid. Marunog akong lumangoy dahil pina-train ako ni Mommy at Daddy nung maliit pa ako pero hindi ako gaano magaling sumisid, talo ako ni Ford. Bigla nalang itong sumusulpot sa harapan ko, nagugulat lang ako kapag niyayakap niya ako sabay hawak sa pagkababae ko. Cairo Ford and his dirty and naughty tricks. Matagal kaming naghaharutan sa tubig nang mag-aya ito sa aking

  • Sandoval Series 4: Glimpse of the Fading Sun   Chapter 47

    "Sunshine meet Pocholo. He is an Arabian black horse, my big buddy."The horse neighed as if he understands that Ford is introducing him to me. He is a very handsome black horse. He has a finely chiseled head, dished face, long arching neck and high tail carriage."Poch, this is my Sunshine, the one I'm telling you before, my baby." Ngumiti siya sa akin at nilahad ang kamay para lumapit sa kanya. "Come here Baby. Don't be scared, Pocholo is a nice boy."Tumingin naman sa akin ang kabayo at kahit hindi ito nagsasalita parang sinasabi nito sa aking wag akong matakot sa kanya.Humakbang ako palapit sa kanila at marahang hinaplos ang ulo ng kabayo. "Hi Pocholo! Nice to meet you." I greeted the horse smiling and as if he understands what I said because he moved his head a little. "Woah, that's nice. I like Pocholo, Daddy."Ford smiled and held my hand. "I told you, you will like my big buddy. C'mon let me and Pocholo tour you around the hacienda."With that maingat niya akong pinasakay sa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status