Isang katok ang narinig ni Vena. kagigising niya lang ng mga oras na iyon at nakahiga pa siya sa kaniyang kama. Madilim na rin sa labas dahil naiwan niyang bukas ang bintana niya kanina at hindi niya na nagawang isara. Napatagal pala ang tulog niya ng hindi niya inaasahan, marahil ay sa sobrang pagod talaga niya.Nang mga oras din na iyon ay ramdam na niya ang pagkalam ng sikmura niya. Hindi rin kasi siya gaanong nakakain ng maayos sa kaniyang byahe kanina. Akmang magsasalita pa lamang sana siya nang bigla na lamang bumukas ang pinto at inuluwa nito si Ceazar.Nakasuot pa ito ng long- sleeve na nakatupi hanggang sa siko nito at halatang- halata na halos kagagaling lamang nito sa opisina. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kaniya? Napatitig siya rito at inantay na magsalita ito. Pagkatapos nitong isara ang pinto ay sumandali ito doon at pagkatapos ay ibinulsa ang kaniyang mga kamay.“We will having a dinner tonight with the Samaniego family.” sabi nito habang nakatitig sa kaniya.Pag
Eksaktong alas syete ng gabi nang bumaba si Vena sa kanilang sala. Hindi na niya hinintay pa na tawagin siya mula sa kaniyang silid at siya na mismo ang nagkusa upang bumaba. Gusto niya na pagpasok na pagpasok pa lamang ni Andrei sa bahay nila ay makita na nito kaagad ang kagandahan niya.Nas kalagitnaan na siya ng hagdan pababa nang biglang sabay- sabay na naglingunan ang mga kapatid niya sa kaniya na nasa sala at harap- harap na nakaupo. Kumpleto ang mga ito mula sa paborito niyang Kuya ang panganay hanggang kay Ceazar. Ang kanilang ama ay naroon din.Kitang- kita sa mga mata ng mga ito ang paghanga habang natingin sa kaniya. Sino ba naman ang hindi hahanga e sobrang ganda niya.Napangisi siya ng makita ang mga itsura ng mga ito pagkakita sa kaniya at halatang gulat na gulat sa suot niya. Ang kaniyang ama ang unang nagsalita.“Kung ganiyan lagi ang sinusuot mo.” komento nito sa kaniya.Napaingos naman siya at pagkatapos ay pinahaba niya ang kaniyang nguso. Paano ba naman ay nakasuo
“Gusto ng anak ko na wala sanang ibang bisita, bukod sa witness na dalawa lamang sa kasal.” sabi ng ama ni Andrei na narinig niya.Kasalukuyan pa rin silang nasa hapag kainan at kumakain ng mga oras na iyon. Sa totoo lang ay gusto na sana niyang magpaalam para umakyat na sa taas at magkulong na lamang sa silid niya ngunit alam niya na kailangan niya pa ring humarap sa mga ito.“Alam kong gusto niyo ng enggrandeng kasal sana pero iyon ang gusto niya.” narinig niyang dagdag pa nito.Wala siyang narinig na sagot mula sa mga kasama niya sa mesa ng mga oras na iyon, samantalang siya ay abalang kumakain ng kaniyang dessert. Sa isip- isip niya ay sinong matinong utak na papayag sa ganuong klase ng kasal na ni kaibigan ay walang iimbitahin. Hindi ba tila isa iyong secret wedding kapag nagkataon? Pero habang iniisip niya si Andrei ay bigla niyang nasabi na wala siyang pakialam kung dadalawa lamang ang gusto nitong maging witness sa kasal na mangyayari sa pagitan nila. Walang ibang mahalaga ku
“You may now kiss the bride.” saad ng Judge sa kanila ni Andrei.Katatapos lamang ng seremonya at tapos na rin silang pumirma ng kanilang marriage contract. Nang mga oras na iyon ay hindi saya ang nararamdaman niya kundi pagkadismaya. Araw ng kasal nila ng araw na iyon pero hindi man lang kakikitaan ng excitement sa kasal na namamagitan sa kanila.Tila ba tamad na tamad ito at walang gana, higit pa sa lahat ay nakainom ito. Kahit sino naman sigurong babae ay madidismaya kapag ganito ang groom ngunit ganun pa man ay pinilit niya ang maging kalmado. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng mga taong kasama nila sa opisinang iyon.Pumihit siya upang humarap rito at ganun din ang ginawa nito. Walang ngiti sa mga labi nito ng mga oras na iyon at walang emosyon din ang mababakas sa mga mata nito. Nang mga oras na iyon ay hindi na niya alam pa kung ano ang gagawin niya at kung ano ang mararamdaman.May part na masaya naman siya dahil sa wakas ay kasal na sila ni Andrei ngunit may parte rin na nagu
Nakaupo si Vena sa ibabaw ng kama ni Andrei. Kanina pa siya sa silid na iyon. Sa totoo nga lang ay katatapos niya lang na maligo. Pagkapasok nila kanina sa silid na iyon ay naroon na agad ang mga gamit niya at nakasalansan na ang lahat sa cabinet na ni Andrei.Napansin niya na medyo kakaunti lang ang mga damit na ipinadala pala ng kaniyang ama dahil hindi niya nakita doon ang lahat ng mga damit niya. Pagkapasok niya kanina doon ay hindi na siya lumabas pa, nanatili siya doon ng ilang oras habang nakahiga at nagtatanong sa kaniyang isip.Ang bumungad sa kaniyang kanina doon ay ang larawan ni Andrei kasama ang girlfriend nito na nasa tabi ng kama. Nakapatong ito sa isang drawer at hindi niya alam kung bakit naroon pa rin iyon gayung kasal na sila. Ano ang ibig sabihin nun? Muli siyang napalingon doon.Bagay naman kung titingnan niya ang mga ito pero mas masasabi niya na mas bagay sila kaysa sa babaeng kasama nito sa larawan. Napahiga siya sa kama at napatitig sa orasan na nakasabit sa d
Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Vena ng mga oras na iyon. Nalilito siya at naguguluhan. Tahimik na nakatitig siya kay Andrei habang bakas sa mukha nito ang galit.“You made me a situation na alam mong hindi ako makakatanggi. Anong klaseng utak ang meron ka?” malamig pa sa yelong turan nito at unti- unting humakbang papunta sa kaniya.Hindi siya nakagalaw mula sa kinauupuan niya dahil pakiramdam niya ay tila walang lakas ang mga kamay niya. Parang ayaw gumana ng utak niya at nananatiling naguguluhan pa rin ito.Hanggang sa tuluyang nasa harap niya na si Andrei at sa puntong iyon ay wala na itong suot na pang- itaas. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil halos isang dipa na lamang ang layo nito sa kaniya. Tumigil ito roon at pagkatapos ay humawak sa suot nitong belt at unti- unting tinanggal iyon.Napahigpit ang hawak niya sa bedsheet ng mga oras na iyon. Kung kanina bago ito dumating ang excitement ang nararamdaman niya ngayon ay hindi na, wala siyang ibang maramdaman kundi
Napapikit at napadaing si Vena hindi dahil sa luwalhati kundi dahil sa kirot ng ginawa nitong pagpasok sa sakaniya. Mas lalo pang nagtubig ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay napahawak sa dibdib nito upang itulak ito paalis sa ibabaw niya ngunit sadyang mas malakas ito sa kaniya.Nagpatuloy ito sa pag- ulos, walang pakialam sa sakit na nararamdaman niya. Magkahalong kirot at hapdi, tila napunit muli ang kaniyang pagkababae ng mga oras na iyon. Napapikit siya habang nakahawak sa dibdib nito at pilit pa rin itong itinutulak. Nagmulat siya ng kaniyang mga mata. Hindi na niya kaya pang tiisin ang kirot na nararamdaman niya.“Please… stop…” halos pabulong na sambit niya dahil sa kirot.Ngunit sa halip na tumigil ito ay mas lalo pa nitong binilisan ang pagbayo at halos bumaon sa dibdib nito ang mga kuko ni Vena dahil sa matinding kirot hanggang sa naramdaman na lamang niya ang pagpuno ng mainit na katas sa kaloob- looban niya.Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na itong umalis sa ibabaw
Hindi alam ni Vena kung ilang oras siyang nakahiga doon sa kama at umiiyak. Dahil sa magkahalong pagod at antok, ay hindi na niya namalayan pang nakatulog na pala siya. Nagising siya na masakit ang katawan dahil sa ginawa sa kaniya ni Andrei. Napatingala siya sa orasan na nasa silid at nakita niya na alas kwatro pa lang pala ng madaling araw. Inipon niya ang lahat ng lakas niya upang makatayo siya. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya na hindi man lang nakakapagdamit at nakakapaghugas man lang. Nang makabangon siya ay naupo muna siya sa kama at pagkatapos ay napahaplos sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay magang- maga iyon. Hindi niya alam kung anong oras siyang tumigil sa kakaiyak kagabi, isa pa ay sino ba naman ang hindi kasi maiiyak sa sitwasyon niya. Masayang pagsasama ang inaasahan niya ngunit tila kabaligtaran naman nito ang nangyayari. Ilang sandali pa nga ay dahan- dahan na siyang tumayo. Ramdam na ramdam niya ang pananakit ng katawan niya at ang kirot ng pagkabab
AGAD NA lumayo muna si Finn kina Zake para nga sagutin ang tawag ni Beatrice ang kanyang girlfriend. Hindi niya akalain na tatawag ito ng mga oras na iyon. Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang magsalita ay narinig na niya ang tinig ni Beatrice sa kabilang linya. “Baby, will you come pick me up at the airport later?” malambing na tanong nito sa kaniya.Ilang sandali pa nga ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya bigla nang ma-realize niya ang sinabi nito, sunduin? Sa airport? Bakit? Uuwi na ba ito ng bansa? Hindi ba at ang sabi nito ay mga next month pa ito uuwi? Bakit parang napaaga yata? “Baby, are you still there?” muli nitong tanong sa kaniya nang hindi niya magawang sumagot sa tanong nito.“Ah, yes. Bakit parang napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba next month pa?” hindi niya naiwasang itanong dito dahil sa gulat na rin niya.Sa kabilang banda ay napanguso naman si Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Finn. “hindi ka ba masaya baby na umuwi na ako? Hindi mo ba
Mabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka.Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito.Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam.Agad naman siyang lumapit sa kanyang mg
Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang pinto at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kan
NAPANGITI si Vena nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Halata rin sa kanyang mukha ang saya niya dahil sa araw na iyon ay muli silang ikakasal ni Andrei pero ngayon ay sa simbahan na kung saan ay dadalo ang lahat ng kaibigan at mga kakilala nila hindi katulad noong una nilang kasal na wala man lang silang kabisi-bisita. Habang nakatitig siya sa kanyang sarili ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay hinahabol niya lamang si Andrei ngunit ngayon ay ikakasal na sila sa pangalawang pagkakataon. Idagdag pa na mayroon na rin silang anak ngayon na isang buwang gulang pa lamang. Walang salitang makakapaglarawan ng kasiyahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero ganun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Ikakasal siya pero hindi man lang nakita ng kanyang Kuya Vin kung gaano siya kasaya na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin at magmamahal sa kaniya. Noong panahong malaman niya na wala na ang Kuya Vin niya at hindi na nakita pa a
ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya. Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama. Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan. Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag s