Hindi alam ni Vena kung ilang oras siyang nakahiga doon sa kama at umiiyak. Dahil sa magkahalong pagod at antok, ay hindi na niya namalayan pang nakatulog na pala siya. Nagising siya na masakit ang katawan dahil sa ginawa sa kaniya ni Andrei. Napatingala siya sa orasan na nasa silid at nakita niya na alas kwatro pa lang pala ng madaling araw. Inipon niya ang lahat ng lakas niya upang makatayo siya. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya na hindi man lang nakakapagdamit at nakakapaghugas man lang. Nang makabangon siya ay naupo muna siya sa kama at pagkatapos ay napahaplos sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay magang- maga iyon. Hindi niya alam kung anong oras siyang tumigil sa kakaiyak kagabi, isa pa ay sino ba naman ang hindi kasi maiiyak sa sitwasyon niya. Masayang pagsasama ang inaasahan niya ngunit tila kabaligtaran naman nito ang nangyayari. Ilang sandali pa nga ay dahan- dahan na siyang tumayo. Ramdam na ramdam niya ang pananakit ng katawan niya at ang kirot ng pagkabab
Maghapon na hinintay ni Vena si Andrei upang makipag- usap, upang tuluyan na itong tanungin kung bakit nito iyon gnawa sa kaniya ngunit ultimo anino nito ay hindi niya nakita. Simula kagabi nang umalis ito ay hindi pa rin ito bumabalik ay wala siyang ideya kung nasaan ito ng mga oras na iyon.Hindi siya lumabas ng silid at nanatili lamang siya doon. Nagkulong siya maghapon at wala siyang ginawa kundi ang mag- isip. Nagpa- akyat na lamang siya ng pagkain sa tagalinis nila doon dahil wala talaga siyang mood na bumaba. Halos ayaw nga rin na pumasok ng pagkain sa bunganga niya at ang tanghalian niya kanina ay halos hindi niya naman nagalaw.Nahiga lang siya sa kama maghapon at nag- isip ng mga itatanong niya kay Andrei ngunit hanggang sa mga oras naman na iyon ay hindi pa rin dumarating si Andrei.Alas syete na naman ng gabi at wala pa rin ito. Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay napakrus ng kaniyang kamay sa kaniyang dibdib. Anong oras kaya nito balak na umuwi? O may balak kaya it
Hindi napigilan ni Andrei ang hindi mapaungol ng mga oras na iyon. Her touch made him aroused, at sa mga oras na iyon ay halos gusto niya nang punitin ang suot nitong damit upang madali na siyang makapasok rito ngunit alam niya na hindi niya iyon pwedeng gawin.Hinawakan niya ang balikat nito upang patigilin ito sa paghalik sa kaniya. Sa malamlam na ilaw na galing sa poste ng ilaw ay nakita niya ang pagkadismaya sa mukha nito dahil sa ginawa niya. Bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay nito katulad ng ginawa nito kanina sa kaniya at pagkatapos ay siya naman ang humila rito.“Where are we going?” narinig niyang tanong nito habang hila- hila niya ito.Hindi niya ito sinagot bagkus ay mabilis niyang inilabas ang susi ng kaniyang kotse sa knaiyang bulsa. Gusto niya mang angkinin ito roon ng mga oras na iyon ay mas gugutuhin niya pa rin namang sa kama niya gawin iyon para kahit papano ay hindi naman pangit tingnan masyado.Nahanap niya rin naman kaagad ang kotse niya at pagkatapos ay p
Naibagsak ni Andrei ang kaniyang katawan sa kama, sa tabi ng babaeng kinaniig niya. Kung susumahin ay halos nakatatlong round yata sila dahil hindi ito pumayag na hindi ito masiyahan. Sa mga oras na iyon ay habol- habol niya ang knaiyang paghinga at ramdam na ramdam na niya ang knaiyang pagod. Siguro naman ay nasiyahan na ito doon. Halos ang epekto ng alak sa kaniya na nainom niya ay naipawis na niya yata lahat. Napapikit siya, hindi na niya pinag- abalahan pa ang magbihis dahil talaga namang pagod na pagod na siya. Naramdaman niya ang pagyakap sa kaniya ng babae na hindi na lamang niya pinansin at itinuloy ang pagtulog niya. —------------------ Biglang naalimpungatan si Vena at pagkatapos ay napaayos ng upo. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya at pagkatapos ay napatingin sa orasan. Napahilot siya sa kaniyang sentido nang makita niya kung anong oras na. Alas singko y medya na ng madaling araw. Hindi niya inaasahan na makakatulog siya. Kaagad siyang tumayo mula sa ki
Patuloy ang pag- agos ng luha sa kaniyang mga luha habang nakasalampak sa sahig. Ngayon ay unti- unti nang lumilinaw sa kaniya ang lahat kung bakit ito galit na galit sa kaniya. Dahil sa pinilit daw di umano niya ang kaniyang ama na ipakasal ito sa kaniya samantalang ni hindi nga alam ng kaniyang ama na may gusto siya rito.Paano nito nasabi iyon? Ni kahit nga isang kapatid niya ay walang nakakaalam ng matinding pagkagusto niya rito kaya hindi niya alam kung ano ang sinasbai nito. At kompanya? Major stock holder ang kaniyang ama sa kompanya ng ama nito? Ngayon nga lang niya narinig iyon tapos ay siya ang sinasisi nito.Wala siyang alam sa sinasabi nito at ang kaniyang ama lang ang tumawag sa kaniya para iimporma sa kaniya na magpapakasal na daw di umano sila ni Andrei. Sa mga oras na iyon ay umahon ang galit niya sa knaiyang ama. Nasisiguro niya na ito ang may pakana ng lahat.Hindi naman niya iyon hininling rito na gawin nito ang bagay na iyon at isa pa, paano kaya nito nalaman na ma
Pabagsak na naupo si Vena sa kanilang sofa. Hindi pa rin siya umuuwi at kababa niya lang galing sa taas. Talagang sinadya ng kaniyang ama na iwanan ang cellphone nito dahil alam na alam siguro nito na tatanungin niya ito. Hindi niya maiwasan na hindi mapapiling. Napakatalino talaga ng kaniyang ama kahit kailan.Akala pa naman niya ay hindi nito gagamitin ang pagiging matalino nito sa kaniya dahil akala niya ay siya ang pinaka- paborito nito ngunit nagkakamali pala siya. Sa apat na kapatid niyang nauna ay hindi nito pinakikialaman ang buhay pag- ibig ng mga ito o kung meron man o wala. Samantalang siya na nanahimik ay ginawa nito iyon sa kaniya.Hindi niya napigilan ang mapatampal sa kaniyang noo ng wala sa oras. Bakit ba kasi hindi man lang siya nagtaka o nagtanong at basta na lamang siya pumayag sa kasal. Ni hindi nga niya nakita si Andrei noon bago pa man ang kasal nila. Kaya pala ito nakainom nang araw mismo ng kasal nila dahil ganun pala ang tunay na nangyari habang wala siyang ka
Pagdating ni Vena sa bahay nila ni Andrei ay eksaktong nasa kusina ito at ipnaghahanda ng pagkain ng kasambahay nila. Dahil nga sa naisip niya kanina ay buo na talaga ang desisyon niya. Sayang naman ang pagpapakasal nila kung ganito lang sila palagi, baka pwede pa silang mag- umpisa.Inagaw niya ang hawak na plato sa kasambahay nila at pagkatapos ay sinabing siyang na lamang ang maghahanda ng pagkain rito. Nakatalikod si Andrei sa kanila isa pa ay nagbabasa ito ng dyaryo at mukhang hindi pa siya nito napapansin. Agad namang tumango ang kasambahay nila at pagkatapos ay umalis na mula doon.Isang ngiti ang pilit niyang pinaguhit sa knaiyang mga labi. Kailangan niyang gawin ang lahat ng iyon para sa pagsasama nila ni Andrei. Kaagad niyang binitbit ang plato kung saan nakalagay ang pritong itlog, hotsog, bacon at tocino. Inilapag niya ito sa lamesa na dahilan kung bakit nag- angat ng ulo si Andrei. Nang makita siya nito ay kaagad na sumama ang mukha nito sa kaniya at pagkatapos ay ibinag
“What?!” napasigaw na tanong ni Sam kay Vena.Nasa bahay siya ni Sam nang araw na iyon. Mabuti na lamang at nakauwi na ito ng Pilipinas matapos ang bakasyon nito. Akala nga niya ay wala na itong planong umuwi at doon na ito titira kasama ni Maxene pero akala niya lang pala iyon.Napahilot siya sa kaniyang sentido nang marinig niya ang reaksiyon ni Sam. kahit sino naman siguro ay magiging ganuon din ang reaksiyon kapag nalaman niya ang kwinento niya rito. Sino ba naman ang mag- aakalang ang isang Vena Silvestre ay magpapakasal na lang ng basta- basta and take note, sa lalaking hindi naman nila kilala dahil hindi niya naman pinakilala ito sa mga ito.Siya nga mismo ay halos hindi niya ito maaya na makipag- date sa kaniya tapos ipapakilala niya pa sa mga ito?“Anong pumasok sa utak mo Vena at ginawa mo iyon? At pumayag ka talaga?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam. “normal ka pa ba?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay tinapik- tapik ang pisngi niya.Bigla naman