“What?!” napasigaw na tanong ni Sam kay Vena.Nasa bahay siya ni Sam nang araw na iyon. Mabuti na lamang at nakauwi na ito ng Pilipinas matapos ang bakasyon nito. Akala nga niya ay wala na itong planong umuwi at doon na ito titira kasama ni Maxene pero akala niya lang pala iyon.Napahilot siya sa kaniyang sentido nang marinig niya ang reaksiyon ni Sam. kahit sino naman siguro ay magiging ganuon din ang reaksiyon kapag nalaman niya ang kwinento niya rito. Sino ba naman ang mag- aakalang ang isang Vena Silvestre ay magpapakasal na lang ng basta- basta and take note, sa lalaking hindi naman nila kilala dahil hindi niya naman pinakilala ito sa mga ito.Siya nga mismo ay halos hindi niya ito maaya na makipag- date sa kaniya tapos ipapakilala niya pa sa mga ito?“Anong pumasok sa utak mo Vena at ginawa mo iyon? At pumayag ka talaga?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam. “normal ka pa ba?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay tinapik- tapik ang pisngi niya.Bigla naman
Pasulyap- sulyap si Vena sa kaniyang suot na relo ng hapong iyon. Kanina pa niya inaantay si Andrei na dumating upang salubungin niya sana ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin ito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapaisip kung nag- overtime ba ito sa trabaho at hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin ito.Kanina pa rin nakaalis ang stay out nilang kasambahay ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin ito. Pinag- isipan niyang mabuti ang desiyon niya na mapaibig si Andrei. Alam niyang tao lang din ito at nasisiguro niya na kapag nakita nito ang effort niya ay baka sakaling lumambot din ang puso nito sa kaniya.Halos maghapon niyang inisip ang sinabi sa kaniya ni Sam kaninang umaga ngunit buo na talaga ang desisyon niya. Wala siyang balak i- give up si Andrei. Selfish na kung selfish pero buo na talaga ang desisyon niya. Napakaraming masasakit na na salita ang napagtiiisan niya galing rito at ngayon pa ba siya susuko?Ang pagsuko ay wala sa bokubolaryo ni Vena
Hindi napigilan ni Andrei na mapasuntok sa manibela ng sasakyan dahil sa sinabi ni Vena sa kaniya. She’s getting into his nerves. Sa ilang araw na lumipas ay tila ito isang munting kuting kapag pinagsasalitaan niya pero kanina ay ibang- iba ito. Mukhang lumalabas na ito sa totoo nitong katawan at ipinapakita na nito ang tunay na ugali.“Damn it!” pagmumura niya at pagkatapos ay inis na inis na pinaandar ang knaiyang kotse.Ang ganda- ganda lang kanina ng plano niya bago siya bumaba ng kaniyang silid ngunit ngayon ay inis na inis na siya. Ano kaya ang gustong palabasin ng babaeng iyon? Gagawin siyang sunod- dunuran nito?“Don’t under estimate my foot!” galit na anas niya at pagkatapos ay tuluyan na ngang iminaobra ang kaniyang sasakyan at umalis doon. Kailangan niya munang magpalamig ng ulo bago siya bumalik sa bahay na iyon o mas maganda na sa condo na lang siya ulit matutulog.—----------“Oh you’re here again.” rinig niya ang tinig ng isang babae habang umiinom siya.Nilingon niya i
Nanlaki ang mga mata ni Andrei nang maramdaman na may kamay na nakapatong sa kaniyang tiyan at pagkatapos ay napabangon. Dahil sa ginawa niya ay napa- ingit ang babaeng katabi niya kung kayat napatitig siya rito. Doon niya naalala ang mga nangyari kagabi.Dahil nga sa nag- enjoy siyang makipagkwentuhan rito ay sinama siya itong umuwi sa kaniyang condo kung saan ay muli na naman silang nagtalik. Ni hindi pa niya alam ang pangalan nito dahil hindi niya pa naman natatanong isa pa ay hindi rin naman ito nag- aabalang sabihin sa kaniya ang pangalan nito.Ilang sandali pa nga ay nagmulat na ito ng mga mata at pagkatapos ay matamis na ngumiti sa kaniya. Isnag ngiti din naman ang isinagot niya rito. Kahit papano kapag kasama niya ito ay nakakalimutan niya ang mga problema niya. Dahil sa pagngiti niya ay kaagad itong bumangon at pagkatapos ay hinagkan siya sa kaniyang mga labi na hindi man lang nag- abalang takpan ang kahubdan nito. Bigla siyang napalunok nang dumampi ang mga labi nito sa kan
PAGKASAKAY niya sa elevator ay mabilis niyang pinindot ang floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Andrei. Laking pasalamat niya na wala ni isa siyang naging kasabay sa elevator dahil baka mairapan niya lang ng todo. Parang medyo nagiging masungit siya these days at tila ba hindi niya napipigilan ang temper niya.Ilang sandali pa nga ay tuluyan nang bumukas ang elevator. Pagbukas na pagbukas nito ay kaagad siyang lumabas mula doon at pagkatapos ay dali- daling naglakad patungo sa opisina ni Andrei ngunit nang pag- angat ng kaniyang ulo ay nabuhay na naman bigla ang inis niya na nawala na nang makita niya ang isa pang impakta sa buhay niya.Nakataas ang kilay nito nang makita siya nito na naglalakad patungo sa opisina ni Andrei. Katulad ng inaasahan niya ay mabilis itong tumayo mula sa kinauupuan nito nang makita siya. Napaikot ang mga mata niya nang makita ang ginawa nitong pagtayo.Mukhang madadagdagan na naman ang pagsusungit niya sa umagang iyon. Bakit ba kasi napakaraming taong
“I’m sorry, I can’t be with you tonight.” paghingi ng paumanhin ni Andrei sa kabilang linya.Nasa byahe na siya pauwi at tinawagan niya muna si Cathy dahil baka mamaya ay umasa ito. Kailangan niyang sundin ang babaneg iyon dahil baka kung ano ang gawin nito. Kailangan niyang sumunod rito hanggang hindi pa natatapos ang isang buwang usapan nila ng Daddy nito.Isang buwan lang ang usapan nila ng Daddy nito at tuluyan nang maisasauli ang buong share sa kaniya kaya napapayag siya sa kasal na iyon. Kung hindi dahil sa kompanya na pinaghirapan ng kaniyang ama ay hinding- hindi siya papayag na magpakasal sa babaeng iyon pero dahil nga sa kundisyon ay pumayag na rin siya.Isa pa ay hihintayin niya lang na maisalin na ulin sa kaniya lahat ng share at magpa- file siya kaagad ng divorce. Wala siyang balak na pagtiisan ang kagay nito. Isa pa ay hindi niya nakikita ang future niya rito dahil mukhang wala naman itong alam kundi magig spoiled brat lang at ipagpilitan nito ang mga gusto. Ayaw niya ng
Nagising si Vena kinaumagahan na nakangiti. Sino ba naman ang hindi mangingiti dahil sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang pagsuyo ni Andrei sa pamamagitan ng pagniniig nila. They made love, she was sure enough. Ready na siyang batiin ito nang isang magandang umaga ngunit pagtingin niya sa kaniyang tabi ay wala ito doon.Agad siyang napabangon ay napatakip ng kumot sa kaniyang kahubdan. Nasaan ito? Anong oras pa lamang pero bakit wala ito sa tabi niya? Napatitig siya sa kaniyang tabi, wala man lang lubog sa kama na ibig sabihin ay tila wala namang tumabi sa kaniya.Anong ibig sabihin nito? Umalis din ito sa tabi niya kagabi nang makatulog siya? Pero saan ito pupunta?Nakatulog kasi siya kaagad dahil sa pagod kagabi. Hindi niya masigurado kung ilang beses sila nagniig ni Andrei pero isa lang ang sigurado niya. Sobrang saya niya kagabi.Ialng sandali pa nga ay tuluyan na siyang bumangon mula sa kama at dali- daling nagbihis. Pinulot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig at pagka
Mabilis na lumipas ang araw at gabi- gabi ng umuuwi si Andrei sa bahay nila Vena. Dalawang linggo na rin simula noong una itong umuwi at tumabi sa kaniya ngunit ganun pa man ay hindi pa rin siya masaya. Oo nga at umuuwi ito sa bahay na iyon ngunit ang pananatili nito doon ay limitado lamang.Ibig sabihin ay umuuwi lamang ito sa kaniya para paligayahin siya at ni hindi nito ginagampan ang ibang tungkulin nito bilang asawa niya. Palagi na lang kasi paggising niya ay wala ito sa tabi niya, isa pa ay kahit gabi- gabi sila nagsisiping ay hindi man lang ito nakikipag- usap sa kaniya at til aba naka- program na rito ang gagawin.Sino naman ang matutuwa sa ganuon? Hindi lang naman ang pakikipagsiping ang gusto niya. Gutso niya ring maramdaman ang pagmamahal nito sa knaiya ang pag- aalaga at ang pagiging important, higit sa lahat ay ang pagiging asawa nito. Gusto niya iyong maramdaman kahit papano at iyon ang hinahanap niya ngunit hindi niya naman maramdaman.Napabuntung- hininga siya at pagka