PAGKASAKAY niya sa elevator ay mabilis niyang pinindot ang floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Andrei. Laking pasalamat niya na wala ni isa siyang naging kasabay sa elevator dahil baka mairapan niya lang ng todo. Parang medyo nagiging masungit siya these days at tila ba hindi niya napipigilan ang temper niya.Ilang sandali pa nga ay tuluyan nang bumukas ang elevator. Pagbukas na pagbukas nito ay kaagad siyang lumabas mula doon at pagkatapos ay dali- daling naglakad patungo sa opisina ni Andrei ngunit nang pag- angat ng kaniyang ulo ay nabuhay na naman bigla ang inis niya na nawala na nang makita niya ang isa pang impakta sa buhay niya.Nakataas ang kilay nito nang makita siya nito na naglalakad patungo sa opisina ni Andrei. Katulad ng inaasahan niya ay mabilis itong tumayo mula sa kinauupuan nito nang makita siya. Napaikot ang mga mata niya nang makita ang ginawa nitong pagtayo.Mukhang madadagdagan na naman ang pagsusungit niya sa umagang iyon. Bakit ba kasi napakaraming taong
“I’m sorry, I can’t be with you tonight.” paghingi ng paumanhin ni Andrei sa kabilang linya.Nasa byahe na siya pauwi at tinawagan niya muna si Cathy dahil baka mamaya ay umasa ito. Kailangan niyang sundin ang babaneg iyon dahil baka kung ano ang gawin nito. Kailangan niyang sumunod rito hanggang hindi pa natatapos ang isang buwang usapan nila ng Daddy nito.Isang buwan lang ang usapan nila ng Daddy nito at tuluyan nang maisasauli ang buong share sa kaniya kaya napapayag siya sa kasal na iyon. Kung hindi dahil sa kompanya na pinaghirapan ng kaniyang ama ay hinding- hindi siya papayag na magpakasal sa babaeng iyon pero dahil nga sa kundisyon ay pumayag na rin siya.Isa pa ay hihintayin niya lang na maisalin na ulin sa kaniya lahat ng share at magpa- file siya kaagad ng divorce. Wala siyang balak na pagtiisan ang kagay nito. Isa pa ay hindi niya nakikita ang future niya rito dahil mukhang wala naman itong alam kundi magig spoiled brat lang at ipagpilitan nito ang mga gusto. Ayaw niya ng
Nagising si Vena kinaumagahan na nakangiti. Sino ba naman ang hindi mangingiti dahil sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang pagsuyo ni Andrei sa pamamagitan ng pagniniig nila. They made love, she was sure enough. Ready na siyang batiin ito nang isang magandang umaga ngunit pagtingin niya sa kaniyang tabi ay wala ito doon.Agad siyang napabangon ay napatakip ng kumot sa kaniyang kahubdan. Nasaan ito? Anong oras pa lamang pero bakit wala ito sa tabi niya? Napatitig siya sa kaniyang tabi, wala man lang lubog sa kama na ibig sabihin ay tila wala namang tumabi sa kaniya.Anong ibig sabihin nito? Umalis din ito sa tabi niya kagabi nang makatulog siya? Pero saan ito pupunta?Nakatulog kasi siya kaagad dahil sa pagod kagabi. Hindi niya masigurado kung ilang beses sila nagniig ni Andrei pero isa lang ang sigurado niya. Sobrang saya niya kagabi.Ialng sandali pa nga ay tuluyan na siyang bumangon mula sa kama at dali- daling nagbihis. Pinulot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig at pagka
Mabilis na lumipas ang araw at gabi- gabi ng umuuwi si Andrei sa bahay nila Vena. Dalawang linggo na rin simula noong una itong umuwi at tumabi sa kaniya ngunit ganun pa man ay hindi pa rin siya masaya. Oo nga at umuuwi ito sa bahay na iyon ngunit ang pananatili nito doon ay limitado lamang.Ibig sabihin ay umuuwi lamang ito sa kaniya para paligayahin siya at ni hindi nito ginagampan ang ibang tungkulin nito bilang asawa niya. Palagi na lang kasi paggising niya ay wala ito sa tabi niya, isa pa ay kahit gabi- gabi sila nagsisiping ay hindi man lang ito nakikipag- usap sa kaniya at til aba naka- program na rito ang gagawin.Sino naman ang matutuwa sa ganuon? Hindi lang naman ang pakikipagsiping ang gusto niya. Gutso niya ring maramdaman ang pagmamahal nito sa knaiya ang pag- aalaga at ang pagiging important, higit sa lahat ay ang pagiging asawa nito. Gusto niya iyong maramdaman kahit papano at iyon ang hinahanap niya ngunit hindi niya naman maramdaman.Napabuntung- hininga siya at pagka
“Ito po ma’am ang resulta ng pinapa- imbestiga ninyo.” sabi ng private investigator na kinuha ni Vena.Inilapag nito sa mesa ang isang brown envelop na hindi niya alam kung ano ang mga laman. Kinuha niya ang imbestigador na ito upang alamin ang background ng babaeng nakita niya na inuwian ni Andrei. Isang ngiti ang pinakawalan niya at pagkatapos ay tumango. Dinukot niya ang nakahanda niyang pang bayad na nasa kaniyang bag at pagkatapos ay iniabot rito.“Salamat.” sabi niya at pagkatapos ay tumayo na at dinampot ang envelop na nasa harap niya.“Salamat din po ma’am.” sabi ng imbestigador na tinanguan niya lang at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas mula sa establisyementong iyon dala ang brown envelop.Hindi niya pa ito sinisilip dahil sa kotse niya na lamang iyon sisilipin isa pa ay ayaw niya naman na may makakita sa kaniya sa lugar na iyon na nagbubuklat siya ng kung ano- ano. Mabilis siyang nakarating sa kaniyang kotse at doon niya inilabas ang mga laman ng envelop.Ilang dokumento ang
Kasalukuyang nagsusulat si Cathy sa blackboard. Nasa pangalawa na siyang klase ng mga oras na iyon nang marinig niya ang pagkatatok mula sa pinto na ikinatigil niya sa kaniyang ginawa. Napalingon siya upang tingnan pkung sino iyon ng makita niya ang assistant ng kanilang principal na nakatayo sa pinto.Kaagad niyang ibinaba ang hawak niyang libro kung saan niya kinokopya ang ipinapasulat niya sa kaniyang mga estudyante at pagkatapos ay ngumiti rito. “Kopyahin niyo na lang muna yang nasulat ko.” sabi niya sa kaniyang mga estudyante at sabay- sabay naman na sumagot ang mga ito ng yes maam sa kaniya.Hindi niya maiwasan ang hindi magtaka kung bakit naroon ang assistant ng principal sa kaniyang klase. Hindi kaya may meeting ang mga guro at tatawagin siya nito? Pero kaka- meeting lamang lang nila noong nakaraang linggo. Habang papalapit siya riot ay hindi niya maiwasan ang hindi tumitig rito.Nakatingin ito sa kaniya pero tila may malalim itong iniisip at hindi niya magawang mabasa iyon d
Hindi mapigilan ni Vena ang mapangiti habang naglalakad patungo sa kaniyang kotse. Kitang- kita niya ang gulat sa pagmumukha ng makating babaeng iyon dahil sa mga nakita nito sa loob ng folder. Kahit pa i- deny nito iyon ay walang kawala ito dahil nandoon ang pagmumukha nito.Mabuti na lang at gumana ang plano niya. Bago pa man dumating doon ang babaeng iyon ay matagal na silang tapos mag- usap ng principal kung saan ay sinabi niya rito na hindi siya papayag na hindi nito ipatanggal sa eskwelahang iyon ang babaeng iyon. Idagdag pa na kilala pala nito kung sino ang Daddy niya at napakalaking factor nun para masunod ang gusto niya.Isa pa ay deserve naman nito ang matanggal sa eskwelahan na iyon dahil unang- una ay alam naman na nito na may asawa an ang lalaking nilalandi nito ngunit nagpapatuloy pa rin ito sa pakikipagrelasyon sa asawa niya. Kahit pa sabihin na hindi maganda ang pagsasama nila ni Andrei ay asawa niya pa rin ito dahil kasal sila at walang sinuman ang may karapatan na ma
Palakad- lakad sa labas ng silid ni Vena si Andrei. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin itong malay. Hindi niya rin maiwasan ang hindi mag- alala dahil sa kalagayan nito dahil maging siya nang makita niya ang dugo na umagos mula sa hita nito ay hindi niya rin naiwasan ang hindi kabahan.“Damn it!” mura niya sa kaniyang sarili at pagkatapos ay napasabunot sa sarili habang patuloy sa palakad- lakad.Ang galit na nararamdaman niya kanina kay Vena ay tila ba nawalang parang bula at napalitan ng labis na galit niya sa kaniyang sarili. Siguradong may masamang nangyari kay Vena kaya ito dinugo at, bigla siyang napaayos ng tayo. Hindi kaya buntis ito?Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang naisip. Papaano kung noong unang beses na may nangyari sa kanila ay may nabuo na pala? Walang duda na sa kaniya iyon dahil siya ang nakauna rito.Nasa ganuon siyang pag- iisip ng bigla siyang napalingon sa mga paparating na mabibigat na yabag. Paglingon niya ay nakita niya kaagad an