Palakad- lakad sa labas ng silid ni Vena si Andrei. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin itong malay. Hindi niya rin maiwasan ang hindi mag- alala dahil sa kalagayan nito dahil maging siya nang makita niya ang dugo na umagos mula sa hita nito ay hindi niya rin naiwasan ang hindi kabahan.“Damn it!” mura niya sa kaniyang sarili at pagkatapos ay napasabunot sa sarili habang patuloy sa palakad- lakad.Ang galit na nararamdaman niya kanina kay Vena ay tila ba nawalang parang bula at napalitan ng labis na galit niya sa kaniyang sarili. Siguradong may masamang nangyari kay Vena kaya ito dinugo at, bigla siyang napaayos ng tayo. Hindi kaya buntis ito?Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang naisip. Papaano kung noong unang beses na may nangyari sa kanila ay may nabuo na pala? Walang duda na sa kaniya iyon dahil siya ang nakauna rito.Nasa ganuon siyang pag- iisip ng bigla siyang napalingon sa mga paparating na mabibigat na yabag. Paglingon niya ay nakita niya kaagad an
Unti- unting napamulat ng mga mata si Vena. pakiramdam niya ay hinang- hina ang katawan niya. Pakiwari niya rin ay tila ba umiikot pa rin ang paligid niya. Nasaan ba siya? Hindi niya napigilan ang sariling hindi mapatanong. Puting kisame ang kaagad na bumungad sa kaniya nang pagmulat niya ng kaniyang mga mata.Napapikit siya at pagkatapos ay nagmulat ng mata. Nasaan ba siya? Ang huling naaalala niya ay bumagsak siya sa sahig at, at dinugo siya. Bigla siyang napabangon mula sa kaniyang pagkakahiga at pagkatapos ay iginala ang paningin sa kaniyang paligid.Doon niya nakita ang magkakaharap na nakaupo na mga kapatid niya at nang makita siya ay biglang nagsitayuan. Inilibot pa niya ang kaniyang paningin at doon niya lang na- realize na nasa loob pala siya ng isang silid, nasa ospital siya.“Vena, I’m glad you’re awake now.” sabi sa kaniya ni Ceazar at pagkatapos ay niyakap siya.Nakita niya naman na lumabas ng pinto si Thirdy. Ang Kuya Vin niya at ang Kuya Luke niya naman ay naglakad rin
“Bakit bigla- bigla ka yatang nag- ayang mag- inom?” tanong ni Finn sa kaniya.Nasa bahay sila nila Zake ng mga oras na iyon dahil wala naman siyang alam na pupuntahan niya. Isa pa ay ayaw niya naman na magpunta sa bar dahil gusto niyang makipagkwentuhan sa mga ito tungkol sa nangyari sa kanila ni Vena. gusto na niyang mag- open up sa mga ito dahil hindi na rin niya alam pa ang gagawin niya.Bago siya magpunta doon kanina ay nakatanggap siya ng isang mensahe galing sa kapatid ni Vena at sinabi nitong nakunan daw ito. Alam niyang galit ang mga kapatid nito sa kaniya dahil sa nangyari rito ngunit maging siya ay galit din sa sarili niya dahil sa nangyari. Hindi naman niya ginusto ang lahat ng nangyari ngunit dahil na nga rin sa labis na galit niya ay hindi niya napigilan ang sarili niya na hindi ito maisalya.Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung nalaman mo na nagpunta ito sa eskwelahan kung saan nagtuturo si Cathy na may dala- dalang mga ebidensiya sa relasyon nilang dalawa. Sa ka
DALAWANG araw ding nanatili si Vena sa ospital at nang araw na iyon ay pinauwi na siya sa wakas ng doktor. Sawang sawa na rin siyang manatili sa ospital na iyon sa totoo lang. Noong unang araw niya nga doon ay gustong- gusto na niyang umuwi ngunit ayon sa doktor ay kailangan niya pang magpalakas muna bago siya tuluyang umuwi lalo na at nilinis pala nila ang kaniyang bahay- bata.Nakaalalay sa likod niya si Ceazar na hindi pumasok ng opisina para lang sa kaniya at masasabi niyang napaka- swerte niya at nagkaroon siya ng kapatid na kagay nito. Ang tatlo niyang Kuya ay nasa kaniya- kaniya nilang mga opisina at busy sa kani- knailang mga trabaho.Wala namang problema sa kaniya, kaya lang ay masyadong over- protective si Ceazar at gusto ay laging nakaalalay sa kaniya. Paano ba naman kasing hindi magiging protective ay ayon kay Thirdy ay pinagsabihan daw ng mayordoma nila na ingatan nila siya dahil baka mamaya ay mabinat daw siya.Sa totoo lang ay nataw apa nga siya dahil sa sinasabi nito,
ABALA si Andrei sa mga papeles na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa ng mga oras na iyon nang bigla na lamang bumukas ang pinto. Ni hindi niya ito nagawang lingunin o ni mag- angat man lang ng ulo para tingnan kung sino ito. Baka ang sekretarya lamang niya ito at may gustong sabihin ngunit napatigil siya nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.“Andrei…” tawag nito na dahilan ng pag- angat ng ulo niya.Sa dami ng taong inaasahan niya napupunta doon ay wala sa listahan niya si Cathy. Nakita niya itong nakatayo ilang dipa mula sa knaiya at pagkatapos ay unti- unting naglakad palapit sa kaniya nang mag- anagta siya ng ulo.“What are yu doing here?” tanong niya sa pormal na paraan. Itinigil niya ang kaniyang ginagawa at pagkatapos ay napasandal sa kaniyang kinauupuan.“You’re not answering my calls.” sabi nito at pagkatapos ay unti- unit nang naglakad palapit sa kaniya. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito roon at alam niya na may katotohanan ang sinasabi nito dahil nito
“So what can I do for you Ms. Vena?” rinig niyang tanong ng nasa kabilang linya.Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay napapikit. Pinag- isipan na niya ang bagay na ito ilang gabi na simula noong ma- ospital siya.“I need to file for an annulment attorney since wala namang divorce dito sa Pilipinas.” sabi niya rito.Yes, makikipaghiwalay na siya kay Andrei. Pinaka the best na iyon, para na rin makawala siya rito at para maging malaya na siya.“Oh, Ididn’t expect that.” saad nito sa kaniya. “Okay then.” sabi nito.Napamulat siya ng kaniyang mga mata, hindi pa siya tapos sa sinasabi niya.“And also attorney, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?” tanong niya rito.Hindi niya alam kung papayag ito sa sasabihin niya. Napalunok siya at pagkatapos ay hinintay ang magiging sagot nito.“Of course. What is it?” tanong nitong muli sa kaniya.“Can you provide me a pre- nup agreement?” tumigil siya, “that was signed by Andrei?” dugtong niya.Ilang sandali na tahimik sa kabilang. Mukhang hind
“Akala ko ba isang buwan ang bakasyon ninyo Daddy?” tanong ni Luke sa kanyang ama mula sa rearview mirror ng sasakyan. Nakita niya naman ang pagbuntung- hininga nito at pagkatapos ay napasandal sa kotse. Nasa likod niya ito dahil ayaw nitong umupo sa tabi niya. “Sinong ama nag hindi mag- aalala kapag may mabalitaan siya na hindi magandang nangyari sa prinsesa niya?” balik nitong tanong sa kanya. Kaagad naman na napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito, ayon kasi kay Vin ay wala itong dalang cellphone kaya hindi ito makokontak lalo na noong nagpunta doon si Vena ilang araw lamang pagkatapos ng kasal nito. Akala niya ay totoo iyon kaya paano nito nalaman ang balitang iyon? “I thought you don’t have your phone.” kaswal na saad niya rito habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan. “Sinabi ko lang iyon para hindi niya ako kulitin.” sabi nito sa kaniya na ikinatahimik na lamang niya. Marami pa sana siyang gustong itanong rito ngunit pinili na lamang niya ang manahimik.
ABALA si Andrei sa mga binabasa niyang papeles nang makarinig siya ng isang pagkatok galing sa pinto. Hindi siya nag- angat nang ulo at pagkatapos ay sumagot.“Pasok.” saad niya habang nakatingin pa rin sa mga papeles na binabasa niya.Narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang papasok na yabag. Ilang sandali pa nga ay may isang envelope na inilapag sa harap niya kaya doon na napa- angat ang kaniyang ulo. Nakita niya ang kaniyang sekretarya na siyang naglapag ng envelop sa kaniyang lamesa.Bahagya siyang napakunot dahil rito. Wala siyang ideya kung ano ang laman nito. Itinigil niya ang kaniyang pagbabasa at pakatapos ay ipinatong ang dalawang siko sa lamesa at hinarap ito. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.“What is this?” nakakunot ang noong tanong niya rito.“Someone gave it to me Sir at ang sabi ay ibigay ko raw sa inyo. Hindi ko rin po alam kung saan galing.” sagot naman sa kaniya nito at pagkatapos ay lumabas na.Kunot pa rin ang noo niyang pinulot ang envelop at pagkatapos a