DALAWANG araw ding nanatili si Vena sa ospital at nang araw na iyon ay pinauwi na siya sa wakas ng doktor. Sawang sawa na rin siyang manatili sa ospital na iyon sa totoo lang. Noong unang araw niya nga doon ay gustong- gusto na niyang umuwi ngunit ayon sa doktor ay kailangan niya pang magpalakas muna bago siya tuluyang umuwi lalo na at nilinis pala nila ang kaniyang bahay- bata.Nakaalalay sa likod niya si Ceazar na hindi pumasok ng opisina para lang sa kaniya at masasabi niyang napaka- swerte niya at nagkaroon siya ng kapatid na kagay nito. Ang tatlo niyang Kuya ay nasa kaniya- kaniya nilang mga opisina at busy sa kani- knailang mga trabaho.Wala namang problema sa kaniya, kaya lang ay masyadong over- protective si Ceazar at gusto ay laging nakaalalay sa kaniya. Paano ba naman kasing hindi magiging protective ay ayon kay Thirdy ay pinagsabihan daw ng mayordoma nila na ingatan nila siya dahil baka mamaya ay mabinat daw siya.Sa totoo lang ay nataw apa nga siya dahil sa sinasabi nito,
ABALA si Andrei sa mga papeles na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa ng mga oras na iyon nang bigla na lamang bumukas ang pinto. Ni hindi niya ito nagawang lingunin o ni mag- angat man lang ng ulo para tingnan kung sino ito. Baka ang sekretarya lamang niya ito at may gustong sabihin ngunit napatigil siya nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.“Andrei…” tawag nito na dahilan ng pag- angat ng ulo niya.Sa dami ng taong inaasahan niya napupunta doon ay wala sa listahan niya si Cathy. Nakita niya itong nakatayo ilang dipa mula sa knaiya at pagkatapos ay unti- unting naglakad palapit sa kaniya nang mag- anagta siya ng ulo.“What are yu doing here?” tanong niya sa pormal na paraan. Itinigil niya ang kaniyang ginagawa at pagkatapos ay napasandal sa kaniyang kinauupuan.“You’re not answering my calls.” sabi nito at pagkatapos ay unti- unit nang naglakad palapit sa kaniya. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito roon at alam niya na may katotohanan ang sinasabi nito dahil nito
“So what can I do for you Ms. Vena?” rinig niyang tanong ng nasa kabilang linya.Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay napapikit. Pinag- isipan na niya ang bagay na ito ilang gabi na simula noong ma- ospital siya.“I need to file for an annulment attorney since wala namang divorce dito sa Pilipinas.” sabi niya rito.Yes, makikipaghiwalay na siya kay Andrei. Pinaka the best na iyon, para na rin makawala siya rito at para maging malaya na siya.“Oh, Ididn’t expect that.” saad nito sa kaniya. “Okay then.” sabi nito.Napamulat siya ng kaniyang mga mata, hindi pa siya tapos sa sinasabi niya.“And also attorney, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?” tanong niya rito.Hindi niya alam kung papayag ito sa sasabihin niya. Napalunok siya at pagkatapos ay hinintay ang magiging sagot nito.“Of course. What is it?” tanong nitong muli sa kaniya.“Can you provide me a pre- nup agreement?” tumigil siya, “that was signed by Andrei?” dugtong niya.Ilang sandali na tahimik sa kabilang. Mukhang hind
“Akala ko ba isang buwan ang bakasyon ninyo Daddy?” tanong ni Luke sa kanyang ama mula sa rearview mirror ng sasakyan. Nakita niya naman ang pagbuntung- hininga nito at pagkatapos ay napasandal sa kotse. Nasa likod niya ito dahil ayaw nitong umupo sa tabi niya. “Sinong ama nag hindi mag- aalala kapag may mabalitaan siya na hindi magandang nangyari sa prinsesa niya?” balik nitong tanong sa kanya. Kaagad naman na napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito, ayon kasi kay Vin ay wala itong dalang cellphone kaya hindi ito makokontak lalo na noong nagpunta doon si Vena ilang araw lamang pagkatapos ng kasal nito. Akala niya ay totoo iyon kaya paano nito nalaman ang balitang iyon? “I thought you don’t have your phone.” kaswal na saad niya rito habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan. “Sinabi ko lang iyon para hindi niya ako kulitin.” sabi nito sa kaniya na ikinatahimik na lamang niya. Marami pa sana siyang gustong itanong rito ngunit pinili na lamang niya ang manahimik.
ABALA si Andrei sa mga binabasa niyang papeles nang makarinig siya ng isang pagkatok galing sa pinto. Hindi siya nag- angat nang ulo at pagkatapos ay sumagot.“Pasok.” saad niya habang nakatingin pa rin sa mga papeles na binabasa niya.Narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang papasok na yabag. Ilang sandali pa nga ay may isang envelope na inilapag sa harap niya kaya doon na napa- angat ang kaniyang ulo. Nakita niya ang kaniyang sekretarya na siyang naglapag ng envelop sa kaniyang lamesa.Bahagya siyang napakunot dahil rito. Wala siyang ideya kung ano ang laman nito. Itinigil niya ang kaniyang pagbabasa at pakatapos ay ipinatong ang dalawang siko sa lamesa at hinarap ito. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.“What is this?” nakakunot ang noong tanong niya rito.“Someone gave it to me Sir at ang sabi ay ibigay ko raw sa inyo. Hindi ko rin po alam kung saan galing.” sagot naman sa kaniya nito at pagkatapos ay lumabas na.Kunot pa rin ang noo niyang pinulot ang envelop at pagkatapos a
Walang reaksiyon si Vena habang pinapanuod ang pagpupumilit ni Andrei na pumasok mula sa bahay nila para lang makausap siya. Wala siyang ibang maramdaman ng mga oras na iyon hindi katulad noon na kapag makita niya lamang ito ay sobrang kinikilig na siya.Ibang- iba na kasi ang sitwasyon nila ng mga oras na iyon. Nasisiguro niya na natanggap na nito ang ipinadala niya kaya nagpupumilit ito na makausap siya. Hindi pa ito ang tamang oras para harapin niya ito. Pero darating ang araw na muli niya itong haharapin at nasisiguro niya na magsisisi ito ng lubusan dahil sa ginawa nito sa knaiya.Sinisiguro niya na gagawin niya ang lahat para maging misereble ang buhay nito katulad ng ginawa nito sa kaniya. Kanina pa niya ito pinapanuod mula sa kaniyang silid habang nagpupumilit ito na pumasok sa bahay nila. Mabuti na lamang at eksaktong naroon ang mga tauhan ng kaniyang Daddy dahil baka kung wala ang mga ito ay baka nakapasok ito sa loob.Ang lakas din ng loob nito na magpakita sa mismong bahay
Nakatanaw si Vena mula sa veranda ng kaniyang silid. Ang hangin ay malayang humahampas sa kaniyang katawan at ramdam na ramdam niya ang init na dala nito. Pasado- alas dos na ng hapon at katirikan ng araw ngunit naroon siya nakatayo doon habang malalim na nag- iisip.Hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan sa kaniya ng kaniyang ama, pakiramdam niya ay napakalalim ng mga ito. Pakiramdam niya ay tila ba may malalim na kahulugan ang mga iyon at nag- iwan ito ng malaking palaisipan sa kaniyang isip.–ALAS DIYES NG UMAGA sa study room ng pamilya Silvestre–Napakunot ang noo ni Vena nang makita niya ang kaniyang amang nakaupo sa harap ng mesa nito habang may binabasa na ilang papeles. Wala siyang ideya kung ano ang mga iyon at wala siyang alam kung bakit siya ipinatawag nito. Nananahimik siya sa kaniyang silid habang nagbabasa ng libro nang makarinig siya ng katok mula sa pinto at nang buksan niya iyon ay tumambad doon ang isa
“I know the day will come na,” tumigil ito at pagkatapos ay nilampasan siya. “They will ask me where is this but I wouldn’t dare to say where it is.” sabi nito.Hindi pa siya nakakasagot sa sinabi nito nang bigla na lamang itong humarap sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya.“Protect this at all cost and please, find the mastermind for your Kuya’s kidnapping. Hindi ko pwedeng sabihin ito sa mga kapatid mo dahil baka, baka mapansin ng pekeng Kuya Vin mo at pati sila ay idamay. Hindi rin ako pwede Vena dahil, dahil lagi siyang nakabantay sa akin.” sabi nito na nakatingin sa kaniyang mga mata. “Find someone na pwedeng makatulong sayo, lumapit ka sa asawa mo I know he is a good guy—”Bigla niyang hinila ang kaniyang mga kamay mula sa kaniyang ama. Sa dami ng sasabihin nito na tumulong sa kaniya ay ang lalaking iyon pa talaga.“Vena you can trust him, he is a good man—”“No Dad. I’ll promise you, mahahanap ko si Kuya Vin.” ngumiti siya rito upang gumaan ang pakiramdam nito at