Nakailang katok muna si Andrei sa pinto bago siya pinagbuksan ni Cathy. Sinadya niya talaga ito sa bahay nito upang makausap dahil hindi naman nito sinasagot ang mga tawag niya. Nasisiguro niyang galit pa rin ito sa kaniya dahil sa naging guling pag- uusap nila tungkol sa pagbubuntis nito.Kitang- kita niya ang gulat sa mukha nito nang makita siya nitong nakatayo sa labas ng pinto. Ngunit nagtagal lamang iyon ng ilang segundo dahil biglang pumormal ang mukha nito. Pinag- krus rin nito ang mga kamay sa dibdib at pagkatapos ay tumingin sa kaniya.“Anong ginagawa mo pa rito?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kaniya at base sa tono ng boses nito ay galit pa rin ito sa kaniya hanggang sa mga oras na iyon.Sino ba naman kasi ang hindi magagalit dahil sa sinabi niya. Masyado kasing maraming iniisip ang utak niya ng mga oras na iyon kaya niya nasabi iyon. Maling- mali naman talaga ang sinabi niya at aminado siya. At kaya nga siya nagpunta doon para makipag- usap rito ng maayos tungkol sa b
Pagpasok na pagpasok pa lamang ni Andrei sa loob ng cafe na iyon ay agad na niyang inilibot ang kaniyang paningin sa loob. Maliit lang naman ang cafe na iyon kaya agad niya rin namang nakita ang hinahanap niya. Nakaupo ito sa pinakasulok na bahagi ng lugar na iyon. Nakakunot ang noo niyang naglakad palapit rito. Mag- isa lamang ito ng mga oras na iyon at walang kasama. Parang ito ang unang beses na nakita niya itong lumabas na wala man lang kasamang bodyguard. Samantalang noong nagpunta siya sa bahay nito ay ilan ang bodyguards na nasa bahay nito. Nakita niyang napalingon ito sa kaniya bago pa man siya makarating saharap nito. Mabilis siyang naghila ng upuan at pagkatapos ay umupo sa harap nito. Tumitig siya rito ngunit hindi ito nakatingin sa kaniya bagkus ay sa labas ito nakatingin at tila ba may malalim na iniisip. Ilang sandali pa nga ay dumating na ang kape na marahil ay inorder nito kaninang pagdating nito. Nakita niya na dinampot nito ang tasa ng kape at pagkatapos ay humigop
Napaikot ng paningin ng wala sa oras sa lugar na pinagdalhan sa kaniya ng kaniyang Kuya Vin. simula nang umuwi ito galing sa ibang bansa ay ngayon lang naisipan nito na yayain siyang lumabas. Hanggang sa mga oras na iyon ay nagdadalawang isip pa rin siya tungkol sa sinabi sa kaniya ng Daddy.Hindi niya alam kung dapat niya ba iyong paniwalaan, pero hindi niya rin maialis sa isip niya na isiping totoo nga iyon dahil maging siya ay may napansin na mga pagbabago rito ngunit alam niya na hindi pa rin iyon sapat. Isa pa ay gusto niya munang patunayan sa sarili niya na totoo nga ang sinabi ng kaniyang ama sa kaniya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba ng mga oras na iyon lalo pa at hindi pamilyar sa knaiya ang pinagdalhan sa kaniya ni Vin ng mga oras na iyon. Hindi lang iyon, napansin niya na may ilang mga lalaking nakapaligid doon at tila nagmamasid lamang at sa loob naman ng establisyemento ay halos sila lamang ang nasa loob.Ganun pa man ay hindi niya ipinahalata rito ang pa
Nakita niya naman ang muling pagtango- tango nito dahil sa naging sagot niya. Nakita niya na magbubuka pa sana ito ng bibig ngunit bigla na lamang silang nakarinig ng busina mula sa labas, paglingon niya doon ay isang sasakyan ang pumarada. Nasisiguro niya na ang Kuya Luke niya na iyon kaya dali- dali siyang tumayo mula doon at pagkatapos ay dinampot na ang kaniyang bag.“Sa bahay na lang tayo mamaya mag- usap, Kuya Vin.” nakangiting sabi niya rito at pagkatapos ay dali- dali na siyang umalis mula doon.Nakita niya ang paglapit sana ng mga lalaking nakatayo sa direksiyon niya ngunit bigla na lang napatigil dahil tila ba may pumigil sa mga ito. Ilang sandali pa ay tuluyan na nga siyang nakalabas sa establisymentong iyon. Pagbukas niya ng kotse ay kaagad niyang nakita ang nakakunot na mukha ng kaniyang Kuya Luke habang nakatingin sa kaniya.Nagmadali siyang pumasok sa loob ng kotse at mabilis na isinara iyon. Nang mga oras na iyon ay napakalakas ng tibok ng puso niya at halos nangingini
Tumunog na ang alarm ni Vena kaya nagising siya. Mabilis niyang inabot iyon sa tabi ng kaniyang kama na nakapatong sa drawer at pinatay. Napatakip siya ng kaniyang mukha gamit ang kaniyang kumot. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay gigising siya ng umaga para lang pumasok sa opisina.Pakiramdam niya ay katutulog pa lamang niya ng mga oras na iyon at antok na antok pa talaga. Muli siyang napahikab at pagkatapos ay napapikit pang muli. Antok na antok pa talaga siya at para bang kulang pa talaga ang itinulog niya ngunit bigla na lamang pumasok sa kaniyang isip na kailangan nga niyang pumasok sa opisina.Agad siyang napabangon. Hindi naman magada kung unang araw ng pasok niya sa opisina ay late na kaagad siya. Tyaka na lang siguro siya babawi ng tulo niya isa. Napilitan siyang bumangon sa kaniyang pagkakahiga. Parang pakiramdam niya ay walang energy ang buong katawan niya.Umupo siya sa kaniyang kama at pagkatapos ay napahilamos sa kaniyang mukha. Bigla tuloy niyang nasabi sa kaniyang i
Nasa tapat na ng kompanya ni Andrei si Vena ng mga oras na iyon ngunit nananatili pa rin siya sa kanyang kotse at hindi pa rin lumalabas doon. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang unahin ng mga oras na iyon dahil wala naman siyang alam sa pagpapatakbo ng kompanya. Isa pa ay hindi pa siya pormal na ipinapakilala sa kompanya kaya baka mamaya ay harangin na naman siya ng security guard doon.Pero nasisiguro niya na na- inform na ang ilan sa kompanyang iyon tungkol sa pagpasok niya doon. Ipinalinis na rin ang isnag silid para maging opisina niya kaya nga lang ay wala siyang alam. Kailangan niya ng taong magsisilbing guide niya at napapikit siya ng mga oras na iyon dahil wala siyang ibang maisip.Hindi niya naman pwedeng istorbohin ang kaniyang mga kapatid dahil may kanya- kanya din namang mga trabaho ang mga ito. Kailangan niyang matuto ng siya lang. Napabuntung- hininga siya dahil sa sobrang pag- iisip. Hindi pa siya nag- uumpisa pero nai- stress na siya.Ilang sandali pa nga ay tul
“Andrei…” “Andrei…” Nanlaki ang kaniyang mga mata nang lingunin niya ang ama ni Vena. tinatawag pala siya nito. Kasalukuyan kasing lumilipad pa rin ang kaniyang isip ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ng lalaking kasama ni Cathy sa silid nito at nakuha pa talaga nitong magsinungaling sa kaniya kung nasaan ito. Mabuti na lamang at hindi siya nito napansin kanina na pumasok sa bahay nito at ang pinagtataka nya pa ay wala naman siyang nakitang kotse sa labas ng bahay nito. Saan kaya ito sumakay at sino kaya ito? Ano kaya ang sinasabi nito? Hindi naman siya tanga para kwestyunin kung ano ang relasyon ni Cathy at ng lalaking kasama nito sa silid, hindi naman siya ganun katanga. Hindi kaya niloloko na siya nito? Bigla siyang natawa ng pagak dahil sa naisip niya. “Andrei?” naguguluhang tawag muli sa kaniya ng ama ni Vena na kaharap niya ng mga oras na iyon kasama ng abogado nito. Bigla naman siyang napa- pormal ng mga oras na iyon at bahagyang napahiya. May kasama pala siya sa silid na
“What?!” gulat na gulat na tanong ni Mario sa abogado ng pamilya Silvestre.Katatawag lamang nito at sinabi sa kaniya ang ginawa ng matandang Silvestre. Bigla- bigla na lamang daw nitong ipinabago ang last will and testament nito at ang ginawang tagapagmana nito ay si Vena at iniwanan lamang sila ng tagkakaunting salapi sa bangko.“Anong pumasok sa utak niya at ginawa niya iyon?” kunot na kunot at hindi makapaniwalang tanong niya rito. Isa pa ay halos isang taon na nitong napagdesisyunan ang nakasaad sa last will nito pero bakit ngayon ay bigla na naman nito iyong binago? At isa pa ay dapat lang na sa panganay na anak na lalaki dapat nila ipamana ang mga ari- arian at hindi sa bunsong anak nitong napaka- spoiled at gumala lang ang alam.Anong pumasok sa isip nito at ginawa nito iyon? Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay napatayo mula sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay napasilip siya sa labas ng kaniyang opisina ng mga oras na iyon. Hindi kaya napansin na nito a