Nasa tapat na ng kompanya ni Andrei si Vena ng mga oras na iyon ngunit nananatili pa rin siya sa kanyang kotse at hindi pa rin lumalabas doon. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang unahin ng mga oras na iyon dahil wala naman siyang alam sa pagpapatakbo ng kompanya. Isa pa ay hindi pa siya pormal na ipinapakilala sa kompanya kaya baka mamaya ay harangin na naman siya ng security guard doon.Pero nasisiguro niya na na- inform na ang ilan sa kompanyang iyon tungkol sa pagpasok niya doon. Ipinalinis na rin ang isnag silid para maging opisina niya kaya nga lang ay wala siyang alam. Kailangan niya ng taong magsisilbing guide niya at napapikit siya ng mga oras na iyon dahil wala siyang ibang maisip.Hindi niya naman pwedeng istorbohin ang kaniyang mga kapatid dahil may kanya- kanya din namang mga trabaho ang mga ito. Kailangan niyang matuto ng siya lang. Napabuntung- hininga siya dahil sa sobrang pag- iisip. Hindi pa siya nag- uumpisa pero nai- stress na siya.Ilang sandali pa nga ay tul
“Andrei…” “Andrei…” Nanlaki ang kaniyang mga mata nang lingunin niya ang ama ni Vena. tinatawag pala siya nito. Kasalukuyan kasing lumilipad pa rin ang kaniyang isip ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ng lalaking kasama ni Cathy sa silid nito at nakuha pa talaga nitong magsinungaling sa kaniya kung nasaan ito. Mabuti na lamang at hindi siya nito napansin kanina na pumasok sa bahay nito at ang pinagtataka nya pa ay wala naman siyang nakitang kotse sa labas ng bahay nito. Saan kaya ito sumakay at sino kaya ito? Ano kaya ang sinasabi nito? Hindi naman siya tanga para kwestyunin kung ano ang relasyon ni Cathy at ng lalaking kasama nito sa silid, hindi naman siya ganun katanga. Hindi kaya niloloko na siya nito? Bigla siyang natawa ng pagak dahil sa naisip niya. “Andrei?” naguguluhang tawag muli sa kaniya ng ama ni Vena na kaharap niya ng mga oras na iyon kasama ng abogado nito. Bigla naman siyang napa- pormal ng mga oras na iyon at bahagyang napahiya. May kasama pala siya sa silid na
“What?!” gulat na gulat na tanong ni Mario sa abogado ng pamilya Silvestre.Katatawag lamang nito at sinabi sa kaniya ang ginawa ng matandang Silvestre. Bigla- bigla na lamang daw nitong ipinabago ang last will and testament nito at ang ginawang tagapagmana nito ay si Vena at iniwanan lamang sila ng tagkakaunting salapi sa bangko.“Anong pumasok sa utak niya at ginawa niya iyon?” kunot na kunot at hindi makapaniwalang tanong niya rito. Isa pa ay halos isang taon na nitong napagdesisyunan ang nakasaad sa last will nito pero bakit ngayon ay bigla na naman nito iyong binago? At isa pa ay dapat lang na sa panganay na anak na lalaki dapat nila ipamana ang mga ari- arian at hindi sa bunsong anak nitong napaka- spoiled at gumala lang ang alam.Anong pumasok sa isip nito at ginawa nito iyon? Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay napatayo mula sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay napasilip siya sa labas ng kaniyang opisina ng mga oras na iyon. Hindi kaya napansin na nito a
“Are you about this Sir?” nakakunot ang noong ni Andrei sa ama ni Vena dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya lubos na makpaniwala sa ginawa nito.Hindi biro ang kayaman ng mga Silvestre at kapag nawala ito ay maiiwan iyon lahat kay Vena at kapag nakipaghiwalay naman si Vena sa kaniya ay mahahatia ng kayamanan sa kanilang dalawa. Bigla naman itong natawa at pagkatapos ay napailing. Nilingon siya nito na may ngiti sa mga labi. “Sir is too formal. Why don’t you try to call me Dad as well, lalo na at kasal pa rin naman kayo ni Vena.” sabi nito sa kaniya na ikinabawi niya lamang ng kaniyang paningin.Ano bang sinasabi nito? Unang- una ay wala naman siyang balak na magtagal sa pagiging kasal nila ni Vena pero ngayon ay binigyan siya nito ng responsibilidad na protektahan ang anak nito. Napabuntung- hininga na lamang siya.“Kapag nalaman nila na binago ko ang last will ay nasisigur kong si Vena ang pupuntiryahin nila.” sabi nito na ikinatihimik lamang niya.Nasisiguro niy
Kitang- kita niya nag pagkagulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay napailing. Dahan- dahan itong naglakad at umikot papunta sa kaniya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at pagkatapos ay lumhod sa harap niya. Awtomatiko namang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa nito. Hindi niya inaasahang luluhod ito sa harap niya. Tumingin ito sa kaniya at nagtama ang kanilang mga mata. Sa mga oras na iyon ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa pagkakahinang ng kanilang mga mata. “I’m sorry…” sabi nito at halos bulong lamang iyon ngunit umabot sa kaniyang pandinig. Kitang- kita niya sa mga mata nito na sising- sisi ito. “Kasalanan ko kung bakit nawala ang anak natin, alam ko na napakalaki ng pagkakamali kong iyon. Isa akong tarantado.” yumuko ito. Hindi siya nakapagsalita at tila ba siya napipi ng mga oras na iyon. Nagtatalo ang kaniyang isip at puso kung paniniwalaan niya ba ito o hindi. Pero bakas na bakas sa mukha nito ang pagsisisi. “Alam kong
Nanghihinang napaupo si Vena sa kaniyang upuan pagkatapos lumabas ni Andrei sa opisina niya. Hindi niya inaasahang magpapakita ito sa kaniya ng ganuong oras dahil kung tutuusin ay kanina pa dapat sana ito nagpakita sa kaniya. Napasandal siya sa kaniyang upuan at pagkatapos ay napapikit, hinayaang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak nito pero bakit bigla na lamang siya nitong pinipilit na makipagbalikan sa kaniya. Anong ibig sabihin nito? Bigla siyang natawa habang umiiyak na parang isang tanga dahil sa muntikan na naman siyang bumigay kanina at gustong maniwala sa sinasabi nito.Mabuti na lamang at nalabanan niya iyon dahil kung hindi ay nagpakatanga na naman sana siya. Nasisiguro niyang may binabalak na naman ito kaya ito nagmamakaawang mag- umpisa na naman sila ulit. Naniniwala naman siya sa second chance, pero para sa mga taong deserving lang iyon na bigyan ng chance. Ang katulad ni Andrei ay hindi na dapat pa binibigyan ng chance dahil
Nakahawak sa leeg niya si Vena at dahan- dahang naglalakad sa hallway patungo sa kaniyang silid. Kakarating niya lang galing sa kaniyang opisina at pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at ngalay na ngalay ang buong katawan niya dahil sa maghapong pagkakaupo. Iyon ang unang araw niya at talagang nanibago talaga ang katawan niya ng husto.Hindi talaga siya sanay na maghapong nakaupo. Mas sanay pa sya sa maghapong nakatayo o kaya ay magghapong naglalakad dahil gumagala siya. Bigla niya tuloy na- miss bigla ang dating buhay nya, ang dating lifestyle niya at ang, ang mga kaibigan niya and speaking about mga kaibigan, halos ilang linggo ng walang paramdam sa kaniya si SAm at hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo na ito naroon. Tawagan niya nga ito mamaya dahil baka kung saan na ito napadpad.Napatigil siya sa kaniyang paglalakad nang matapat siya sa study room ng kaniyang ama. Bahagyang nakabukas ang pinto at tila ba hindi naisara ng maayos kaya nakabukas at pagkatapos ay napakunot
Nagmartsa palabas ng study room si Vin at pinanuod lamang iyon ng ama nito. Pabagsak rin nitong isinara ang pinto dahil sa labis na poot. Pagkalabas na pagkalabas nito ay biglang napahawaka ang matandang Silvestre sa dibdib nito at tila ba nahihirapan itong humingi.Halos lukutin niya ang damit niya sa tapat ng kaniyang puso ng mga oras na iyon dahil sa naninikip nitong dibdib. Hindi ito ang unang beses na mangyari iyon sa kaniya dahil halos araw- araw na iyong nangyayari sa kaniya at hindi niya alam kung anong dahilan.…Ibinagsak ni Mario ang sarili sa sofa. Kararating niya lang galing sa bahay nila at naroon siya sa secret hideout nila. Problemadong- problemado siya dahil nga sa pagbabago ng matandang iyon ng last will na hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito.Napapikit siya at pagkatapos ay napasandal mula sa kaniyang kinauupuan pagkatapos ay narinig niya ang ilang mga yabag na papalapit sa kaniya. Hindi siya nagmulat ng kaniyang mga mata upang tingnan kung sino ang