NAPAIYAK sa galit si Safhire nang marinig ang resulta ng initial investigation report ng PBI. Iniimbistagahan ng ahensiya ang tungkol sa pagkamatay ng fiance niyang si Ray. At tama nga ang kutob niya. Hindi aksidente ang nangyari kung hindi sinadyang patayin ang binata. Binangga ang sasakyan nito kaya nahulog sa bangin.
"Don't worry Ma'am, gagawa pa kami nang mas malalim na imbestigasyon tungkol dito," sabi ng agent na kausap ng dalaga.
"Pupunta ako sa lugar kung saan nangyari ang aksidente," deklarasyon niya.
"Pero Ma'am, ang lugar na iyon ay restricted."
"Gusto ko lang makita ang lugar. Sana maintindihan ninyo," sabi niyang muling nanlabo ang paningin dahil sa mga luhang nagbabantang bumukal.
Bibigyan niya ng hustisya ang nangyari kay Ray. Hindi siya papayag na basta na lamang makawawala ang kriminal.
"Why don't you her check the area? There must be something in there that she will find useful for the case." Umagaw ang swabeng tinig sa may bungad ng pintuan.
Lumingon si Safhire at nasumpungan ang lalaking nakasandal sa hamba ng pinto. Matagal siyang napatitig rito.
He is tall. Six feet more or less. Physically well-built and very, very attractive. A celebrity, she thought, can't help admiring his arresting looks.
"Hi!" bati nito sa kanya at humakbang papalapit.
Tumayo mula sa inuupuang swivel chair ang kausap niyang agent at sinalubong ang lalaki. Nakita niyang nagkamay ang dalawa.
She felt the intimidating authority soaring all around the four corners of the room.
"Kumusta," sabi nitong sa kaniya pa rin nakatingin.
"Mabuti, I'm glad you're back," sagot ng agent at bumaling sa kanya. "Ms. Safhire Magdalene, I want you to meet PBI Special Agent Vhendice Queruben."
Tinuyo niya ang mga luha at tumayo. "Hello! I'm Safhire Magdalene," nagpakilala siya.
Naglahad ito ng kamay sa kanya. "Pleasure to meet you, Ms. Magdalene."
Ibinigay niya rito ang kanyang palad na agad nitong hinawakan. He squeezed her hand gently as if trying to make her feel better.
"I've heard about your fiancé." Binitiwan nito ang kamay niya. "My condolences."
"Thank you," tanging naitugon niya. Muling sinundot ang dibdib ng matinding kirot at pangungulila.
"I'd like to help with the investigation as well, if that's okay with you," alok nito.
"You can count on him. He's one of our best agents," sabat ng PBI officer.
"Thank you," sabi niya at ngumiti ng tipid.
Kahit papaano nagkaroon siya ng pag-asa. Hindi mababalewala ang pagkamatay ni Ray. Hindi siya titigil hangga't hindi niya naihahabla sa hukuman ang maysala at mapapatawan ng karapat-dapat na parusa.
***
NAKAPLANO na ang mga susunod na gagawin ni Safhire. Magre-resign siya sa kanyang trabaho. Nurse siya sa isang malaking hospital. Halos isang taon pa lamang siya roon.
Noong nakaraang taon ay sa Bacolod siya nagtrabaho. Hindi niya alam kung bakit pero hindi sila napipirmi ni Ray nang matagal sa isang lugar kahit pa noong nag-aaral siya ng college. Palipat-lipat sila dahil sa trabaho ni Ray. Consultant kasi ito sa isang malaking real estate company rito sa bansa.
Pagkauwi ng apartment ay nagpahinga muna siya. Inabot niya ang naka-frame na picture nila nang yumaong nobyo. Kuha iyon noong engagement nila.
Naiiyak na hinaplos niya ang nakangiting lalaki sa larawan. Ito lang ang mayroon siya. Mula nang mamatay ang kinilala niyang magulang noong first year college siya ay si Ray na ang nag-aalaga sa kanya. Maliban sa Mama Rosa niya tanging si Ray ang nakilala niyang pamilya. Ngayon wala na rin ito. Wala nang natira sa kanya.
Dinala niya sa dibdib ang larawan at buong pagsuyong niyakap. The only thing that was left to remember about Ray was his undying love for her. Ginagawa nito ang lahat para mabuhay siya nang maayos.
Una silang nagkatagpo sa may patyo ng simbahan sa Magdalena. Thirteen years old lang siya noon. Dahil sa kanyang katangahan at sobrang kakulitan ay muntik na siyang mabundol ng taxi. Buti na lang at naroon lang sa malapit ang binata. Nailigtas siya nito. Sa sobrang inis ay muntik na nitong umbagin ang driver ng taxi.
Simula nang araw na iyon ay naging malapit silang magkaibigan. Parati siya nitong dinadalaw sa bahay nila at isinasama sa pamamasyal. Minsan naman ay sinusundo siya nito sa paaralan at ihahatid pauwi.
Twenty-one years old siya nang simulan siyang suyuin ng binata. At makalipas ang mahigit anim na buwan nitong panliligaw ay sinagot niya ito.
Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga panahong iyon dahil iyon ang pinakamasayang sandali ng kanyang buhay. Lahat nang hirap at pasakit na kanyang pinagdaanan mula nang mawala ang kinikilala niyang ina ay hindi niya na halos naramdaman. Binura ng pagmamahal ni Ray ang mga iyon na sa loob ng mahabang panahon ay siyang naging lahat para sa kanya.
"Mahal na mahal kita...Mahal kita...Ray..." napahagulgol ang dalaga.
***
"ANO? Magre-resign ka?" Ikinagulat ng kaibigan niyang si Rachel ang naging desisyon niya. "Bakit?" usisa nito.
"May aasikasuhin lang akong importante," sagot niyang kinakalikot ang keyboard ng computer sa nurse station.
"Tungkol ba sa pagkamatay ni Ray?" tanong nito.
Tumango siya.
"May foul play bang nangyari? Ano'ng sabi ng PBI?"
"Hindi aksidente ang pagkahulog ng sasakyan niya sa bangin. May bumangga sa kanya." Halata ang antagonismo sa kanyang tinig.
"Sabi ko na nga ba. Anong plano mong gawin?"
"Pupunta ako sa lugar na iyon."
"Sa La Salvacion? Seryoso ka? Anong gagawin mo roon?"
"Maghahanap ng ebidensya at hanapin ang pumatay sa kanya. Sigurado akong taga-roon lang ang kriminal."
Iniwan ni Rachel ang ginagawa nito at lumapit sa kanya. "Saf, ipaubaya mo na sa PBI ang paghahanap sa taong iyon. Trabaho nila iyan. Baka mapahamak ka lang doon."
"No. I have to do something for him. I'll seek justice. I owe it to him." Hindi rin naman siya matatahimik kaya mabuting kikilos siya para mabigyan ng hustisya si Ray.
"Hindi ka ba natatakot?" nag-aalalang tanong ni Rachel.
"He is everything to me. Ngayong nawala siya, ano pa ang dapat kong katakutan?"
"Saf..."
"Oh, by the way, hinahanap ka nga pala kanina ng head nurse."
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Rachel at sumimangot.
"Bakit?" Nilinga niya ang kaibigan.
"Tungkol iyan sa leave ko na hindi matuloy-tuloy," pahayag nito.
"Bakit?" Napakunot-noo siya.
"Walang papalit doon sa assignment ko."
"Kung gusto mo ako muna ang papalit sa iyo. One week lang naman di ba?"
"Talaga? Papalitan mo muna ako?" natutuwang bulalas ni Rachel.
Tumango siya at ngumiti nang tipid.
"Thank you, Saf. You're such a friend." Niyakap siya ng kaibigan.
"Ano nga pala ang assignment mo?" tanong niya.
"Tagapag-alaga ni Sleeping Adonis." Bumungisngis si Rachel.
"Sleeping Adonis?"
"Ang lalaking natutulog sa isolated ICU sa bahay ni Dr. Ghaile Sarmiento."
"Lalaking natutulog?"
"Tama!"
"Comatose ba ang ibig mong sabihin?"
Tumango si Rachel.
"Bakit nasa bahay ni Dr. Sarmiento? Bakit wala dito sa hospital?" nagtatakang usisa niya.
"Hindi ko alam."
"Ano'ng pangalan?"
"Hindi ko rin alam."
"Pasyente mo di mo kilala?" Ayaw niyang maniwala.
"Totoo. Hindi ko talaga alam kung ano'ng pangalan niya. Walang sinabi ang head nurse, basta alagaan ko na lang daw ang pasyente. High profile ang lalaking iyon at wala rito sa hospital ang files niya. Hawak ni Dr. Sarmiento."
"Baka related sila."
"Siguro. Pareho silang yummy!" Kinikilig si Rachel.
"Pinagnanasaan mo ang pasyente mo," kastigo niya sa kaibigan.
Tumawa ito. "Hindi lang ang pasyente, pati doctor niya," biro nito.
Napangiti na lang siya sa kakulitan ng kaibigan.
***
NALAMAN ni Safhire na effective noong araw na iyon ang leave ni Rachel kung makahanap ito nang kapalit sa pag-aalaga roon kay Sleeping Adonis kung tawagin nito. Matapos siyang bigyan ng briefing at instruction ng head nurse ay umalis na siya papuntang bahay ni Dr. Sarmiento.
Mansion ang narating niya na nasa mataas na bahagi ng isang high-end subdivision. Huminto ang sinasakyan niyang taxi sa tapat ng matayog na entrada ng gate. Inabot niya ang pamasahe sa driver at nagpasalamat bago bumaba.
Naririnig lamang niya ng madalas sa hospital at CPS ang pangalang Dr. Ghaile Sarmiento. Kahit magkasama sila sa iisang hospital ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makita ito nang harapan.
He is a thoracic surgeon known to have been possessed by the hands of God. He graduated in America and conducted his first successful operation in Los Angeles Hospital.
Nag-door bell siya. Bumukas ang sub-entrance ng main gate at sumilip ang naka-unipormeng guwardiya.
"Good morning," bati niya sa pormal na tono.
"Good morning," ganting-bati ng guard.
"My name is Safhire Magdalene. I'm a nurse and I'm here to see Dr. Sarmiento."
"Sandali lang po, Ma'am." Pumihit ito. Tinawag ang kasama na mabilis namang lumapit. "Tawagan mo si Doc. May naghahanap sa kanya. Isang nurse."
Tumalikod ang kasama nito. Nagtungo sa guardhouse. Makalipas ang limang minuto ay lumabas ito at nag-thumbs up. Pinapasok siya ng guwardiya at sinamahan hanggang sa mansion. Ito na mismo ang nag-door bell para sa kanya pagsapit nila sa main door.
"Thank you," sabi niya bago pumanhik sa loob matapos buksan ng isang katulong ang pintuan.
"Dito po tayo." Iginiya siya ng maid patungo sa marangyang living room. "Maupo po muna kayo. Pupuntahan ko lang po si Doc."
"Salamat." Naupo siya sa isa sa mga mahabang sofa roon na sa sobrang lambot pakiramdam niya ay lulubog siya. Gumala ang mga mata niya sa buong paligid.
The wealth and the grandeur of the place is devastating. Bawat tamaan ng kanyang paningin ay naghuhumiyaw sa di-birong halaga. Binalikan siya ng maid matapos ang iilang minutong paghihintay. This doctor must be a billionaire.
"Ma'am, pinaaakyat po kayo ni Doc sa itaas," sabi nito.
Sinamahan siya ng maid. Sumakay sila ng elevator na naghatid sa kanila sa isang magarang receiving area na umaapaw uli sa karangyaan. Bagamat mayroong kakaibang aura ang silid na iyon. Hindi niya maipaliwanag. Doon na siya iniwan ng maid.
Napaigtad siya nang may nagsalita mula sa kanyang likuran. Pumihit ang dalaga. At nagulantang sa tanawing tumambad sa kanya. Isang lalaki ang nakatayo sa bungad ng pintuan. Topless and only wearing a lose white trousers. Nakabandera ang siksik na yaman nito sa katawan.
Nag-iinit ang kanyang mukha ngunit hindi niya maalis-alis ang paningin sa lalaki.
Cute? No, he's more than cute.
Handsome? Not just handsome. Yes, he is definitely a sight to behold. He's tall, deeply-tanned and no doubt the sexiest man she had ever laid an eye on.
"I'm sorry, did I frightened you?" He gave her an arresting smile. "The head nurse told me about you, Safhire Magdalene, right?"
Napakurap siya.
This person. Could it be that he is the famous Dr. Ghaile Sarmiento? For crying out loud!
"I presumed you know me already." Hindi maalis-alis sa mapupulang labi nito ang mapang-akit na ngiti.
"Yes, Dr. Ghaile Sarmiento."
"That's good. And the head nurse already told you about my patient?"
"Yes. I received some briefing from her before coming here."
"Alright, magbibihis lang ako. I will be back."
"Sige po."
Amused na natawa ito. Medyo naningkit pa ang magagandang mga mata.
"You don't have to be so formal, Saf. I would appreciate it if you call me by my given name."
Tamango na lang siya kakambal ang tipid na ngiti. He is so friendly and nice that it's becoming unreal.
"May I have your leave then." Kumindat ito bago siya tinalikuran.
Tutop ang dibdib na huminga nang malalim si Safhire at pabagsak na naupo sa pinakamalapit na lounging chair. Grabe! Parang sasabog ang puso niya.
***
MULA sa receiving area ay magkasama nilang pinuntahan ng doctor ang kinaroroonan ng magiging pasyente niya.
"Dala ko nga pala ang ginawang report ni Ms. Rachel." Basag ng dalaga sa katahimikan.
"That's great. I've been expecting that," sagot nito. At heto na naman ang makalaglag panty nitong ngiti. Pambihira. Natawa pa ito nang mahuli siyang nag-inhale-exhale.
Lumihis sila sa isang eskena at sinapit ang malaking copper-plated French door.
"We're here," anunsiyo nito at binuksan ang pinto.
Kahit inaasahan na niya iyon. Nagulat pa rin siya at namangha sa kanyang nasumpungan. The room is really an ICU. Fully-equipped with the needed facilities. A Cardiothoracic ICU. Kung ganoon, may sakit sa puso ang kanyang pasyente.
Mula sa mga facilities ay dumako ang paningin niya sa kama sa gitna ng silid
And there he is.
The Sleeping Adonis that Rachel was talking about.
"Come in, Safhire. And kindly close the door." Tinawag siya ng doctor.
Pumasok siya at isinara ang pinto. Nilapitan nila si Sleeping Adonis.
What a beautiful man! So captivating even in his sleep. Kaya pala binansagang Sleeping Adonis. Mukha talaga itong diyos na natutulog."Taga-saan ka, Saf ?" tanong ni Ghaile na umagaw sa kanyang atensiyon.
"Sa Makati ako nakatira," sagot niya.
Tumango ito. "Kung gusto mo, pwede kang mag-stay rito for the whole week. That would be more convenient for you. 'Yan ay kung wala kang kasama sa bahay na maghihintay sa pag-uwi mo."
"Mag-isa lang ako sa apartment ko," wika niya. Pinigil niyang 'wag magpatalo sa biglang paghagupit ng kirot at lungkot sa kanyang puso nang maalala si Ray. "Sabi sa akin ni Madam kailangan kong alagaan twenty-four hours ang pasyente. Hindi ako pwedeng umalis sa tabi niya, kaya tatanggapin ko na ang offer mo."
"That's nice." Bahagyang ngumiti ang doctor. "I'll be going to the hospital. Call me if anything."
Tumango siya. At muling napatitig kay Sleeping Adonis.
Thirty minutes na yata ang lumipas mula nang umalis si Ghaile pero nanatiling nakatayo pa rin siya malapit sa kama at matamang pinagmamasdan ang lalaking natutulog.
There is something about him. He's fighting. He's willing to live. Ang puso nitong patuloy na tumitibok ang nagpapatunay na gusto pa nitong mabuhay.
Hinatak ng dalaga ang easy chair at naupo. Inabot niya ang kamay ng lalaki at banayad na pinisil.
"Hi, there! Ako muna ang magiging nurse mo. My name is Safhire Magdalene. Siguro ang ganda-ganda ng panaginip mo. Alam mo napakaaliwalas ng panahon sa labas. Bakit 'di mo subukang gumising?"
KINAHAPUNAN ay umuwi si Safhire para kumuha ng gamit. Habang pabalik ng mansion ay naisip ng dalaga na dumaan sa dalampasigan. Ni-record niya sa kanyang cellphone ang tunog ng mga alon na humahampas sa batuhan. Nagtungo rin siya sa isang pet shop at ni-record din ang awit ng mga ibon. Pati ang maiingay na tunog ng mga sasakyan sa lansangan."Traffic?" tanong ni Ghaile sa kanya.Alam niyang natagalan siya. Maaring kinakalkula ng doctor ang oras na dapat siyang makabalik."May dinaanan lang ako."" I see." Tumango ito at hindi na nag-usisa pa.Iniwan siya ng lalaki sa loob ng ICU matapos ibigay sa kanya ang daily routine ni Sleeping Adonis na kailangan niyang sundin. Kinabukasan, pagkatapos ng agahan ay kinausap siyang muli ng doctor."I've done administering his medicine, all you need to do is monitor his vital signs and try to record the changes. I'll be in the hospital until two o'clock this afternoon. Keep me posted, okay?" he instructed and slipped out of the room.Lumapit siya sa
DAHIL sa kaiisip ay hindi nakatulog si Safhire. Alumpihit sa kanyang higaan ang dalaga at pagpatak ng alas kwatro ng madaling araw ay nagpasya na siyang bumangon. Naligo siya at naghanda ng almusal. Pasado alas-singko ay lumakad na siya. Sakay ng taxi, nagpahatid siya sa bus terminal. Sa may entrance ng terminal ay agad niyang namataan si Vhendice Queruben. Kausap nito ang dalawang security guards.Huminto ang taxi sa unloading area at doon siya bumaba. Isang shoulder bag at dalawang malalaking traveling bags na namumutok sa laman ang dala niya. Sinalubong siya ng agent nang makita siya nito."You're late," sita nito. Kinuha ang mga bagahe niya."Five minutes lang. Masyado ka namang istrikto," mataray niyang sagot."Self-discipline is important.""Oo na po." Pinaikot niya ang bola ng mga mata."Mukhang dinala mo na yata lahat ng gamit mo," puna nito. "Balak mo bang doon na tumira?""None of your business at all if I do."Nagsukatan sila nang matalim na tingin. Pagkuwa'y huminga ito na
HUMANTONG sa isang villa na hugis kabibe sina Vhendice at Safhire. Sa unang malas ay makikitang sophisticated ang villa na gawa sa high-end materials. Cozy and everything but the touch of simplicity remained. Moreover, it was situated on the hilltop overlooking the sea. Parang higanteng kabibe na nasa burol."Kaninong villa ito?" tanong niya matapos pag-aralan ang lugar at tinulungan ang agent na ibaba ang mga bagahe nila mula sa sasakyan."Sa ninong ko. He's the former city administrator here," sagot ni Vhendice."Mukhang wala yatang tao.""Only a care-taker lives here to watch over the house but he's not around right now. He took a vacation and went back to his hometown somewhere in Visayas.""Ibig sabihin tayong dalawa lang ang titira dito pansamantala?" Hindi niya napansin na nasa tinig niya ang pag-aalinlangan."Certainly," kumindat ito. "Scared?""Sa girlfriend mo, oo. Ayaw ko ng iskandalo.""I don't have one. Women are so afraid to have an affair with me. Baka raw bigla akong m
ISANG matayog na watch tower ang pinagdalhan sa kanya ni Vhendice. Hindi sila dumaan sa hagdanan kundi sumakay sa vertical lift cable car. Halos malula siya sa sobrang taas. Kulang na lang ay bumaliktad ang sikmura niya. Pero sulit naman pagdating sa tuktok dahil sa makapigil- hiningang tanawin na natutunghayan niya. Buong siyudad ang natatanaw niya mula sa kanyang kinaroroonan."This is the Nephilim city. Sheltered by the five landmarks of the Nephilim organization. In the northern district: San Antonio Municipal, the town of the Reapers' Guild. Southern district: Sta. Rosa Channel, the town of the Guardian Square. Eastern District: Victoria's Garden, Infirmaria and in the western district: Melendres Hills, Intel Command tower. And there's the capital: Edena, where the Andromida Conglomerate main headquarters has been located. Heaven's Gate."Napatingin siya sa lalaki. "So, this is what you've wanted to show me that's why you bring me here?" ungot niya rito.Tumango si Vhendice. "Do
VILLAMANORHABANG nagluluto ng hapunan ay sandaling tumigil si Safhire. Parang simoy ng hangin lang naman ang dumaan pero ibinubulong ang pangalan niya. Wala sa loob na napangiti ang dalaga at itinuloy ang ginagawa. Kung anu-anong pumapasok sa isip niya. Mabilis niyang nailuto ang hapunan. Nilagang manok, pritong isda at adobong baboy. Ang mga iyon ang madalas niyang ihanda para kay Ray noong nabubuhay pa ito. At ngayon ay tila mahirap paniwalaang ibang lalaki na ang kakain sa mga luto niya. Sinipat niya ang oras sa suot na relos. Quarter to six. Maaga pa. Kaya lang kumakalam na ang sikmura niya.Lumabas siya ng kusina at umakyat sa itaas.Tinungo ang silid ni Vhendice. Hindi na siya nag-abalang kumatok.Pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pinto. Ngunit napatili ang dalaga nang makita ang kababalaghan.Bakit nga naman hindi?Vhendice was lying naked on his bed like a celebrity god in a painting session. Wari'y kandelang itinulos sa kanyang kinatatayuan si Safhire. Tameme at namum
SKY GARDEN TWIN TOWER HOTEL AND CONDOMINIUM, EDENACITYGABRYLLE, Alpha Division Commander and Intel Tower and information control in-charge of Nephilims flashed a slight smile to greet Ghaile who was just entering at the VIP lounge of the condominium."Welcome back, Ghaile! It's been a while." Sinalubong nito ang doctor."Yeah, it's been a while. And it's nice to be back." Ngumiti si Ghaile. "I've heard from Rheeva that you took care of everything in Infirmaria while I'm gone. Thanks.""No, not really. I'm just lending a hand to Lyam."Pinutol ng pagtunog ng cellphone ni Ghaile ang pag-uusap nila. Kaagad na sinagot ng binata ang tawag. "Ghaile here...""This is Rheeva...""Yes? What's wrong?""The chairman's gone. Jrex and Rey lost him.""What the hell?""He escaped.""God damn it! Again? You guys taking him so lightly!""But he left a note, says, he'll be home before dark.""Are we supposed to believe that? Have you called Victor?""Yeah, they're out looking.""I'm gonna get some h
Chrysanthemum Mansion.Mula sa high-rise cottage natanaw ni Ghaile ang pagdating ng isa sa mga service choppers ng chairman at ang paglapag niyon sa malawak na airstrip na sakop ng open garden ng mansion. Bumaba ang doctor para salubungin si Athrun. Kinapa na rin niya ang tumutunog na cellphone sa bulsa ng suot na pantalon at sinagot.It was Rheeva again."Yes?""I have sent the chopper to pick him up.""He's here. Kadarating lang niya.""Ah, okay. That's nice.""Yeah, thank you.""Pababalikin ko na diyan sina Jrex at Rey.""Uhm."Ibinaba ni Ghaile ang cellphone at nakangiting binalingan ang chairman na papalapit."How's your day? Nag-enjoy ka ba?"Tumango si Athrun. "A lot.""That's great.""You're not mad?" Para itong bata na kaharap ang tatay.Napangiti na lamang siya. "No,but I'm worried.""My apologies. Where's Rheeva?""He left for something urgent just a while ago.""How's your visit at SkyGarden?""It went well. Gabrylle meet me there and we had a closed door meeting along wit
KINABUKASAN, pagkatapos ng breakfast ay nagpaalam na agad si Vhendice. Bago umalis ay may inabot ito kay Safhire. Isang floppy disk."Pumunta ka ng police headquarters. Hanapin mo si Rajive Arkanghel at ibigay mo 'yan sa kanya. Tandaan mo, sa kanya lang." Mahigpit nitong bilin.Tumango siya. "Anong oras ka uuwi?""Hindi ko alam.""Hihintayin ba kita sa dinner?""I can't promise but I'll try.""Sige. Goodluck at mag-iingat ka."He nodded. "You too. See you when I get back."Hinatid niya ang lalaki hanggang sa may driveway. Bumalik siya sa kanyang kwarto at naghanda na ring umalis. Dumating siya sa police station ng pasado alas-nueve. Tumuloy siya sa information desk."Good morning," bati niya sa babaeng police na naroon."Good morning, ma'am. May I help you?" tanong nito nakangiti."I'm here to see Mr. Rajive Arkanghel," sabi niyang nahawa na rin sa magandang ngiti ng police woman."May appointment po ba kayo?"Appointment? Kailangan pa pala niyang mag-book ng appointment?Pero walang s