SA LOOB ng chopper ay pinalaya ni Safhire ang mga luhang nagpapalabo ng kanyang paningin. Hinapit siya ni Athrun at banayad na hinagkan sa labi. Yakap siya ng binata at tahimik na umiiyak sa buong biyahe pabalik ng mansion.Nagpapasalamat siya at iginagalang ng mga kasama niya ang kanyang pananahimik. Walang sa tatlong lalaki ang nagtangkang magsalita tungkol sa nangyari sa dinner. Hindi sana sa ganoong paraan niya gustong malaman ni Athrun at ng iba pa na siya si Shannon. Hindi sa pamamagitan ng pag-iskandalo gaya ng ginawa niya. Ngunit hindi niya pwedeng hayaan na iinsultuhin ng kahit na sino ang alaala ng kanyang ina."Chairman, dumating na pala kayo?" Sinalubong sila ni Rowena pagkapanhik nila ng sala. "Anong nangyari?" tanong nito nang mapunang umiiyak siya."Later, Rowena. Get her something to drink, please." Utos ni Athrun at inakay siya patungo sa sofa. Habang si Rowena ay mabilis na tumalima para ikuha siya ng maiinom.Naupo siya sa overstuffed sofa. "I'm sorry, I shouldn't h
"ANONG MAYROON?" nagtatakang tanong ni Safhire kay Leih nang makitang naroon sa mansion ang lahat pagbaba niya ng sala para mag-agahan. Late na siya nagising.Bitbit ng dalaga ang isang tangkay ng puting rose na iniwan ni Athrun sa kanyang tabi habang tulog siya. May kasamang note iyon pero nandoon sa kwarto. Maagang umalis si Athrun kasama si Vhendice. May aasikasuhin daw para sa unification. Iyon ang nasa note na binasa niya kanina."I have no idea. Bigla na lang silang nagdatingan kanina, noong tulog ka pa," sagot ni Leih na halatang binabakuran na naman siya."Good morning, guys!" Bati niyang may kasamang matamis na ngiti. Pansin niyang may kanya-kanyang bitbit na pahayagan ang mga ito at abala sa pagbabasa.Napatingin sa kanya ang mga ito at matagal siyang tinitigan na tila ba tiniyak kung totoong naroon nga siya at hindi isang ilusyon lamang.Natanaw niyang tumayo sa inuupuan nito si Gabrylle at sumalubong sa kanya. "Goodmorning, princess." Hindi siya nakahuma nang hapitin nito
NATATAWA si Athrun habang pinanonood si Safhire na hinahabol ng palo ng tennis racket sina Ramses at Raxiine. Kinulit na naman marahil ng dalawa ang dalaga tulad nang nakagawian ng mga ito noon. Namumula na ang pisngi ni Safhire, namimilog ang mga mata at ilong at nanunulis ang mga nguso sa galit. Minumura ang dalawang lalaki na walang tigil sa kahahalakhak. Maya-maya pa ay dumating si Rowena. Sinaway ang dalawa. Tulad ng dati, to the rescue agad ito kapag kinukulit ng boys si Shannon noon. Pero sa halip na makinig ay isinali ng dalawa ang mayordoma sa kulitan. Umalis si Rowena at nang bumalik ay may dalang pamalo. Bat ng baseball. Naging apat na tuloy ang naghahabulan sa loob ng tennis court. Lalong natawa si Athrun mula sa kinaroroonang terrace sa second floor ng mansion. Unti-unti nang bumabalik ang dating atmosphere roon kagaya noong kasama nila ang dalagitang si Shannon na ngayon ay dalagang-dalaga na. Thank you, Ray...everything is falling into place right now because of you.
HINDI matiyak ni Vhendice kung anong lugar ang kanyang kinaroroonan nang mga sandaling iyon. Ang alam lamang niya ay nasa gitna siya ng isang malawak na parang. Bahagi pa rin ba ng Nephilims City ang lugar na iyon? Ngunit hindi pamilyar sa kanya. Bahagi ba ng La Salvacion Province? Pero may lugar ba ng probinsya ang hindi pa niya narating? At bakit siya nandito? Ang huling naalala niya ay nasa isang downhill race siya laban kay Athrun sa mountainpass ng Melendres, tapos...tapos...Saglit na natigilan ang binata nang maramdamang may kamay na dumantay sa kanyang balikat. Nang lingunin niya ang taong nasa kanyang likuran ay lalo siyang hindi nakakilos. It was Rayden Adromida! Tama! Nakita niya ang lalaki habang nasa kalagitnaan siya ng karera nila ni Athrun. Nakatayo ito sa gitna ng daan at pilit niyang iniwasan kaya bumangga sa guardrail ang sasakyan niya."Vhens, I came to ask you a favor." Nagsalita si Ray."Ano iyon?" tanong niya. Patay na ba siya?"Thank you for looking after her pe
"CHAIRMAN, we're all set," narinig ni Athrun na sabi ni Rajive mula sa earphones na suot niya.He relaxed and let out a subtle breath. "Kumusta sina Mang Danny at Nayumi?" tanong niya sa kapatid. "Okay lang sila. Airey and Jrex were there to protect them." Kinuha nito ang cellphone. Swiped the air-instruction screen and showed him the photo of Mang Danny and Nayumi in the hospital.Naisugod sa pagamutan ang mag-ama dahil may nagtangkang dukutin si Nayumi pag-uwi nito mula sa paaralan na pinagtuturuan. Si Mang Danny ang sumundo sa dalaga at nabaril habang nagmamaneho. Mabuti na lamang at ilang araw nang nakasubaybay si Jrex sa mga ito kaya natiyempuhan ang tangkang pagdukot. Kasunod ng insidente ay natanggap niya ang pormal na imbitasyon mula sa elders ng mga Avila para sa isang mahalagang pagtitipon. This is the first time that the clan invited him to join the assembly outside the walls of Edena. It was a clear trap. But they must have no other alternative in order to acquire the l
DALAWANG araw na ang lumipas at hindi pa rin natagpuan ng mga rescuers si Safhire. Athrun stayed, without ever leaving the area to personally manned the rescue operation for his fiancee. Aside from his well-trained divers, his brothers from the organization, another additional batch of professional divers from the capital came to help.Kung may isang mahalagang bagay man na naituro ang mga nakaraang banta sa buhay ni Safhire iyon ay ang huwag bumitaw. Dalawang beses na nitong tinawid ang buhay at kamatayan. Hindi ito sumuko at hindi nagpatalo dahil alam ng dalaga na maghihintay siya. Tiwala siyang hindi na ito muling papayag na pagdadaanan niya ang lungkot sa nakalipas na mga taon."Kumain ka na?" tanong ni Vhendice na papalapit sa kanya habang hinuhubad ang scuba. Kaaahon lang nito sa tubig. Gusto rin sana niyang sumisid pero ayaw pumayag ng mga kapatid. Ipaubaya na lang daw sa mga ito ang paghahanap. Hindi lang siya mag-isang patuloy na kumakapit sa pag-asang ligtas si Safhire. Vhe
EVERY fairytale has a happy ending, but for Safhire, this is just the beginning of her story. A fairy tale with a happy beginning. Tumingala siya sa malaking cross kungsaan nakadipa ang Kristo na laging handang yakapin siya at ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon, masayang nakatayo sa harap ng altar kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Nagtuloy ang paningin niya sa maliliit na mga decorated. Mula roon ay tumatagos ang makulay na silahis ng araw na dumagdag sa liwanag ng buong cathedral ni St. Michael. Ngumiti siya at muling bumaling sa obispong nagsasalita at ibinibigay ang huling basbas sa kanilang dalawa ni Athrun."I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride."Humarap siya sa asawa. Kumurap-kurap para itago muna sa sulok ng mga mata ang mga luha ng kaligayahan. Athrun's blue eyes are raging with love and the liquids he too are trying to suppress.He kissed her carefully and gently on the lips. Kumapit siya sa batok nito at hindi agad pumayag na tapusin nito
NAPAIYAK sa galit si Safhire nang marinig ang resulta ng initial investigation report ng PBI. Iniimbistagahan ng ahensiya ang tungkol sa pagkamatay ng fiance niyang si Ray. At tama nga ang kutob niya. Hindi aksidente ang nangyari kung hindi sinadyang patayin ang binata. Binangga ang sasakyan nito kaya nahulog sa bangin."Don't worry Ma'am, gagawa pa kami nang mas malalim na imbestigasyon tungkol dito," sabi ng agent na kausap ng dalaga."Pupunta ako sa lugar kung saan nangyari ang aksidente," deklarasyon niya."Pero Ma'am, ang lugar na iyon ay restricted.""Gusto ko lang makita ang lugar. Sana maintindihan ninyo," sabi niyang muling nanlabo ang paningin dahil sa mga luhang nagbabantang bumukal.Bibigyan niya ng hustisya ang nangyari kay Ray. Hindi siya papayag na basta na lamang makawawala ang kriminal."Why don't you her check the area? There must be something in there that she will find useful for the case." Umagaw ang swabeng tinig sa may bungad ng pintuan.Lumingon si Safhire at n