DAHIL sa kaiisip ay hindi nakatulog si Safhire. Alumpihit sa kanyang higaan ang dalaga at pagpatak ng alas kwatro ng madaling araw ay nagpasya na siyang bumangon. Naligo siya at naghanda ng almusal. Pasado alas-singko ay lumakad na siya. Sakay ng taxi, nagpahatid siya sa bus terminal. Sa may entrance ng terminal ay agad niyang namataan si Vhendice Queruben. Kausap nito ang dalawang security guards.
Huminto ang taxi sa unloading area at doon siya bumaba. Isang shoulder bag at dalawang malalaking traveling bags na namumutok sa laman ang dala niya. Sinalubong siya ng agent nang makita siya nito.
"You're late," sita nito. Kinuha ang mga bagahe niya.
"Five minutes lang. Masyado ka namang istrikto," mataray niyang sagot.
"Self-discipline is important."
"Oo na po." Pinaikot niya ang bola ng mga mata.
"Mukhang dinala mo na yata lahat ng gamit mo," puna nito. "Balak mo bang doon na tumira?"
"None of your business at all if I do."
Nagsukatan sila nang matalim na tingin. Pagkuwa'y huminga ito nang malalim at marahang umiling. Akala marahil nito ay siya ang susuko.
"And you look terrible. Wala ka bang tulog?"
"Wala," angil niya. Hinding-hindi siya bibigay sa lalaking ito.
"Iniisip mo ako?" Now he teased her again.
Muli ay sinipat niya ito ng masamang tingin. "You've got some nerve! Bakit naman kita iisipin?"
"Very defensive. Don't worry, I'll be a good husband to you, better than the one you've lost."
"Stop being so arrogant in front of me, Queruben. I don't remember considering that lame idea of yours in the first place," naiinis niyang atungal. "As much as I am stupid in your eyes, but putting an act and becoming your wife is more than stupid."
But he just smiled. "What a handful woman. You're fiancé must have had a hard time dealing with your stubborn head that's why he chose to run away."
Nahinto sa paghakbang si Safhire. Nabigla sa sinabi ni Vhendice.
"Paano mo nalaman?"
"I've seen the report. The night before he went to Nephilim city, you both had a terrible fight."
"Dahil ayaw kong pumayag na umalis siya. I know someone was after him. At natakot ako," kompisal niya.
"How did you know that someone was after him?"
"Minsan sinabi niya na nakapatay siya."
"That's one thing we need to dig up later. It might give us trail to the culprits."
"Pero hindi ako makapaniwala. Sobrang bait ni Ray para pumatay." Namuo ang luha sa kanyang mga mata.
"Ang isang tao, gaano man kabait, kung nalalagay sa panganib ang mga bagay na gusto niyang protektahan, gagawin kahit ang pinakamasama."
Napatitig siya sa lalaki. At nakita niya ang lambong sa mga mata nito. Restlessness. Sadness. Cold anger. Those were shadowed in the corners of his eyes.
"Let's go." Nagyaya na itong umalis.
"Wala pa akong ticket."
"I brought my car."
Naka-park ang sasakyan ni Vhendice sa private parking ng terminal. Sinilip ng dalaga ang backseat. Naroon ang mga gamit nito. Isang traveling bag, bag pack at attaché case na tila napaka-confidential ng laman.
Dumaan sila ng convenience store at bumili ng makakain nila habang nasa biyahe. Mukhang pinaninindigan na nga ng lalaki ang pagpapanggap na asawa niya. Ito ang nagbayad sa lahat na pinamili nila kasama na ang ilang personal items na kinuha niya.
Pagbalik nila sa sasakyan ay kumuha siya ng pera sa kanyang wallet para bayaran ito.
"I've got lots of them in my pocket, you can keep it for now." Pabiro nitong tanggi at kinindatan siya.
"Salamat," ibinalik na lamang niya sa wallet ang pera. At umiwas nang tingin.
This agent has a killer charms and the fact that he's good when it comes to women's term almost made her want to forget about Ray. Nakatatakot ang ideyang isang araw ay madadarang siya sa karisma ng taong ito at makakalimutan niya ang fiancé.
Itinuon niya ang atensiyon sa super-highway na binabagtas nila at sa magandang awitin sa stereo ng sasakyan. Dahil sa kawalan nang tulog ng nagdaang gabi ay mabilis na naidlip si Safhire. Ginising na lamang siya ni Vhendice para sa tanghalian. Sa isang sea-food restaurant sila kumain.
"Malayo pa ba tayo?" tanong niya sa lalaki.
"Almost half-way," anito at sumimsim ng fruit juice mula sa crystal glass.
Napansin niyang panay ang sulyap nito sa table na nasa gawing likuran niya. Na-engganyo tuloy siyang lumingon, para lang matulala.
Ang naroon sa table at nag-iisa ay ang sikat na singer at model na si Jenni May Amores. She's wearing a dark fashion sunglasses, a bullcap and white skinny jeans paired with light pink long-sleeved shirt.
"Totoo palang hindi lang boses niya ang mala-anghel kundi pati ang mukha," komento niya sa tinig na halos pabulong. "May photo shoot kaya siya dito?" tanong niya kay Vhendice.
"Seems like she's waiting for someone," sagot ng lalaki.
"Boyfriend?"
"Who knows?"
Binawi niya ang paningin. "Kilala mo ba siya?"
"She's in every corner of the country, everybody knows her."
"Of course, I mean personally, you know her, don't you?"
"What made you think I knew her personally?"
"Instincts," muli niyang nilingon si Jenni May Amores. Panay ang tingin nito sa relos.
"There's no doubt, she's waiting for him."
"Him?" Nalipat kay Vhendice ang atensiyon niya.
"Haydees Andromida. She is Haydees' fiancee."
"What?" Laglag ang panga niya. Si Jenni May Amores ay fiancée ni Haydees Andromida? Bakit hindi iyon napabalita? Hindi ba alam ng media? Imposible. "Maghintay tayo.Gusto kong makita si Haydees Andromida," pahayag niya.
Naghintay sila. Makaraan ang ilang minuto, isang lalaki ang pumasok sa main entrance ng restaurant. Wearing a hooded turtle neck jacket with extended collar hiding almost half of his face plus a dark shades concealing his eyes.
"There he is," pabulong na sabi ni Vhendice.
Tumigil sa paghinga si Safhire habang sinusundan nang tingin ang lalaking bagong dating. Pakiramdam ng dalaga ay puputok sa sobrang kaba ang puso niya nang dumaan ito sa tapat nila papunta sa table kung saan naghihintay si Jenni May Amores.
Haydees Andromida. He emitted a provoking atmosphere so powerful and striking. It seems time stops when he came in. Ganito kalakas ang dating ng isang Haydees Andromida? His sight alone is frightening.
"Let's keep moving," yaya ni Vhendice at tumayo.
"H-ha?" Nahimasmasan siya.
"Nakita mo na siya kaya tayo na."
"A-ang bill?"
"Nabayaran ko na."
Napakurap siya. "Kailan?"
"Masyado kang natulala sa kanya kaya hindi mo napansin."
"Hindi naman ako natulala, no?" deny niya na napapahiya.
"Let's go." Hinatak siya nito palabas ng restaurant.
***
NAKATULOG muli sa biyahe si Safhire na ang laman ng isip ay si Haydees Andromida. Nang magising ang dalaga ay latag na ang dilim. Labis siyang nabaghan. Ganoon kalayo ang La Salvacion? Inabot na sila ng buong araw sa biyahe at gumagabi na ay hindi pa rin sila makarating-rating sa lugar gayong pakiramdam niya ay nasa dulo na yata sila ng mundo.
"Gising ka na pala. Tamang-tama," nagpreno si Vhendice at binagalan ang takbo ng sasakyan.
"Bakit? Malapit na ba tayo?" tanong niya.
"As a matter of fact, we're here." Itinabi nito ang sasakyan at may iniabot sa kanya.
"Ano ang mga ito?"
"Passes cards natin. Hindi tayo makapapasok kung wala ang mga iyan."
Passes cards? Naroon ang pangalan nilang dalawa ni Vhendice ngunit na-shock siya ng mabasa ang sa kanya. Mrs. Safhire Queruben? Over-night lang nabago na ang status niya? Pati apelyido!
"Wait, kailangan ba talaga ang mga ito?"
"SOP 'yan ng siyudad. Wala kang alam 'di ba? Kaya tumahimik ka na lang at sumunod."
Suplado! Grabe! Ganoon kahigpit ang lugar na iyon? Napailing na lamang siya.
Muling pinausad ni Vhendice ang sasakyan. Napaunat siya sa pagkauupo nang matanaw di-kalayuan ang mala-higanteng portal gate.
NEPHILIM CITY...WELCOME
Sa bungad ng gate ay hinarang agad sila ng limang security guards na armado ng matataas na kalibre ng baril at mga canines.
"Show those passes," instruct ng agent sa kanya.
Ibinaba niya ang salamin sa bintana ng sasakyan at ibinigay ang passes sa guard na sumilip. Kinuha nito ang passes at tiningnan.
"Atty. Vhendice Queruben at Mrs.Safhire Queruben?"
"Yes," tango niya.
"Mag-asawa kayo?"
"Yes." Tumingin siya kay Vhendice. Saglit na nag-usap ang mga mata nila at nagkaintindihan. "We're here to spend our honeymoon." Baling niya muli sa guard. Duda siya kung convincing ang sinabi niya.
Ibinalik nito ang passes sa kanya. "We need to check your luggage," anito at senenyasan ang mga kasama. Tatlong guwardiya pa ang lumapit kasama ang canines. Binuksan ng mga ito ang pinto sa tapat ng backseat at pumasok ang aso. Sininghot ang mga bagahe. Nang matiyak na walang kahina-hinala sa mga gamit nila ay nag-thumbs up ang isang guwardiya.
"Okay na. Pwede na kayong tumuloy. Enjoy your stay."
"Salamat," aniyang nakahinga ng maluwag at itinaas na muli ang salamin ng bintana.
Pinausad ni Vhendice ang sasakyan. Nandito na rin sila sa wakas.
City of the fallen angels...
***
MULA sa floor to ceiling window ay pinagmamasdan ni Athrun ang maulap na kalangitan. Hindi niya makita ang buwan at mga bituin. Ayaw siyang pagbigyan ng mga ulap. Narinig ng binata ang pagbukas ng pinto ng silid at ang muling pagsara niyon.
"You should go to bed," sabi ni Ghaile. Inihawak ang isang kamay sa tinted na salamin ng bintana.
"Isn't it too early to sleep? Besides I've been sleeping for about five weeks you said," sagot ni Athrun. Sinulyapan ang doctor.
"You need a lot of rest, Athrun."
"Hmn."
"Naiinip ka ba?"
"Ghaile, where's the moon. I couldn't see it."
"Maulap kasi."
"Another storm is coming?"
"According to the news, it is just a low-pressure area. But eventually, it will become a storm."
"Umalis na ba ang nurse?"
"Yes. Are you sure you don't need her anymore?"
Tumango si Athrun. "I'm fine now."
Katahimikan.
"Are you thinking of going home soon?" tanong ni Ghaile. Pumihit at sumandal sa salamin.
"You won't allow me, would you?" Athrun heaved a subtle breath.
"Unless you are strong enough."
"Have you talked to the boys? How are they?"
"They're all fine. Stop worrying about them."
"And Haydees?"
"He's with me during the operation. I don't know if he's still there, he hasn't called me yet. I think he's got some business to take care of in Boston regarding the Boston hijackers. Anyway, I've talked to Rheeva this afternoon. He's coming. Everyone will be coming to see you. Great news, huh?"
"Hm." Huminga ng malalim si Athrun.
"Something wrong?" tanong ni Ghaile.
Matagal bago nagsalita ang binata. "Where is she, Ghaile?"
"Who?"
"That woman who's with me before I woke up. Safhire Magdalene, where is she?"
Natigilan ang doctor. How did Athrun know about her?
"I'm sorry, I shouldn't have...but I...I can't stop thinking about her. She's real, isn't she, Ghaile? She's not just a dream or someone created by my subconscious. She really existed. I know, I heard her in my sleep. She was talking to me. Telling me so many things. I can sense her presence when she's around."
Ghaile was stunned. So, she's the one who brought Athrun back to life.
"I know I shouldn't have asked something stupid like this but I want to see her. Bring her back to me, Ghaile. Bring that woman back."
"Is that an order?"
"An order and a request, from your brother. That woman saved me from the darkness. I should at least extend my gratitude to her in person."
Katahimikan.
Pagkuway nagsalita si Ghaile. "I understand. I'll bring her back, if that's what you wish," pahayag ng doctor.
"Thank you, Ghaile. I'll go to bed now." Pumihit si Athrun at banayad na humakbang patungo sa king-sized four-poster bed.
HUMANTONG sa isang villa na hugis kabibe sina Vhendice at Safhire. Sa unang malas ay makikitang sophisticated ang villa na gawa sa high-end materials. Cozy and everything but the touch of simplicity remained. Moreover, it was situated on the hilltop overlooking the sea. Parang higanteng kabibe na nasa burol."Kaninong villa ito?" tanong niya matapos pag-aralan ang lugar at tinulungan ang agent na ibaba ang mga bagahe nila mula sa sasakyan."Sa ninong ko. He's the former city administrator here," sagot ni Vhendice."Mukhang wala yatang tao.""Only a care-taker lives here to watch over the house but he's not around right now. He took a vacation and went back to his hometown somewhere in Visayas.""Ibig sabihin tayong dalawa lang ang titira dito pansamantala?" Hindi niya napansin na nasa tinig niya ang pag-aalinlangan."Certainly," kumindat ito. "Scared?""Sa girlfriend mo, oo. Ayaw ko ng iskandalo.""I don't have one. Women are so afraid to have an affair with me. Baka raw bigla akong m
ISANG matayog na watch tower ang pinagdalhan sa kanya ni Vhendice. Hindi sila dumaan sa hagdanan kundi sumakay sa vertical lift cable car. Halos malula siya sa sobrang taas. Kulang na lang ay bumaliktad ang sikmura niya. Pero sulit naman pagdating sa tuktok dahil sa makapigil- hiningang tanawin na natutunghayan niya. Buong siyudad ang natatanaw niya mula sa kanyang kinaroroonan."This is the Nephilim city. Sheltered by the five landmarks of the Nephilim organization. In the northern district: San Antonio Municipal, the town of the Reapers' Guild. Southern district: Sta. Rosa Channel, the town of the Guardian Square. Eastern District: Victoria's Garden, Infirmaria and in the western district: Melendres Hills, Intel Command tower. And there's the capital: Edena, where the Andromida Conglomerate main headquarters has been located. Heaven's Gate."Napatingin siya sa lalaki. "So, this is what you've wanted to show me that's why you bring me here?" ungot niya rito.Tumango si Vhendice. "Do
VILLAMANORHABANG nagluluto ng hapunan ay sandaling tumigil si Safhire. Parang simoy ng hangin lang naman ang dumaan pero ibinubulong ang pangalan niya. Wala sa loob na napangiti ang dalaga at itinuloy ang ginagawa. Kung anu-anong pumapasok sa isip niya. Mabilis niyang nailuto ang hapunan. Nilagang manok, pritong isda at adobong baboy. Ang mga iyon ang madalas niyang ihanda para kay Ray noong nabubuhay pa ito. At ngayon ay tila mahirap paniwalaang ibang lalaki na ang kakain sa mga luto niya. Sinipat niya ang oras sa suot na relos. Quarter to six. Maaga pa. Kaya lang kumakalam na ang sikmura niya.Lumabas siya ng kusina at umakyat sa itaas.Tinungo ang silid ni Vhendice. Hindi na siya nag-abalang kumatok.Pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pinto. Ngunit napatili ang dalaga nang makita ang kababalaghan.Bakit nga naman hindi?Vhendice was lying naked on his bed like a celebrity god in a painting session. Wari'y kandelang itinulos sa kanyang kinatatayuan si Safhire. Tameme at namum
SKY GARDEN TWIN TOWER HOTEL AND CONDOMINIUM, EDENACITYGABRYLLE, Alpha Division Commander and Intel Tower and information control in-charge of Nephilims flashed a slight smile to greet Ghaile who was just entering at the VIP lounge of the condominium."Welcome back, Ghaile! It's been a while." Sinalubong nito ang doctor."Yeah, it's been a while. And it's nice to be back." Ngumiti si Ghaile. "I've heard from Rheeva that you took care of everything in Infirmaria while I'm gone. Thanks.""No, not really. I'm just lending a hand to Lyam."Pinutol ng pagtunog ng cellphone ni Ghaile ang pag-uusap nila. Kaagad na sinagot ng binata ang tawag. "Ghaile here...""This is Rheeva...""Yes? What's wrong?""The chairman's gone. Jrex and Rey lost him.""What the hell?""He escaped.""God damn it! Again? You guys taking him so lightly!""But he left a note, says, he'll be home before dark.""Are we supposed to believe that? Have you called Victor?""Yeah, they're out looking.""I'm gonna get some h
Chrysanthemum Mansion.Mula sa high-rise cottage natanaw ni Ghaile ang pagdating ng isa sa mga service choppers ng chairman at ang paglapag niyon sa malawak na airstrip na sakop ng open garden ng mansion. Bumaba ang doctor para salubungin si Athrun. Kinapa na rin niya ang tumutunog na cellphone sa bulsa ng suot na pantalon at sinagot.It was Rheeva again."Yes?""I have sent the chopper to pick him up.""He's here. Kadarating lang niya.""Ah, okay. That's nice.""Yeah, thank you.""Pababalikin ko na diyan sina Jrex at Rey.""Uhm."Ibinaba ni Ghaile ang cellphone at nakangiting binalingan ang chairman na papalapit."How's your day? Nag-enjoy ka ba?"Tumango si Athrun. "A lot.""That's great.""You're not mad?" Para itong bata na kaharap ang tatay.Napangiti na lamang siya. "No,but I'm worried.""My apologies. Where's Rheeva?""He left for something urgent just a while ago.""How's your visit at SkyGarden?""It went well. Gabrylle meet me there and we had a closed door meeting along wit
KINABUKASAN, pagkatapos ng breakfast ay nagpaalam na agad si Vhendice. Bago umalis ay may inabot ito kay Safhire. Isang floppy disk."Pumunta ka ng police headquarters. Hanapin mo si Rajive Arkanghel at ibigay mo 'yan sa kanya. Tandaan mo, sa kanya lang." Mahigpit nitong bilin.Tumango siya. "Anong oras ka uuwi?""Hindi ko alam.""Hihintayin ba kita sa dinner?""I can't promise but I'll try.""Sige. Goodluck at mag-iingat ka."He nodded. "You too. See you when I get back."Hinatid niya ang lalaki hanggang sa may driveway. Bumalik siya sa kanyang kwarto at naghanda na ring umalis. Dumating siya sa police station ng pasado alas-nueve. Tumuloy siya sa information desk."Good morning," bati niya sa babaeng police na naroon."Good morning, ma'am. May I help you?" tanong nito nakangiti."I'm here to see Mr. Rajive Arkanghel," sabi niyang nahawa na rin sa magandang ngiti ng police woman."May appointment po ba kayo?"Appointment? Kailangan pa pala niyang mag-book ng appointment?Pero walang s
EDENACITYSA loob ng isang coffee shop ay abala si Vhendice sa pag-examine ng mga files sa kanyang laptop habang nasa bakanteng mesa sa isang sulok. Saglit na inalis ng lalaki ang mga mata sa monitor at dinampot ang tasa ng mainit na kape at sumimsim. Dalawang babaeng college students ang pumasok sa coffee shop at naupo sa table sa gawing likuran niya. Panay ang kwentuhan ng mga ito at dinig na dinig ni Vhendice ang paksa ng usapan."Tumawag ang kapatid ko. May sinabi sa akin tungkol sa chairman.""Tungkol sa chairman?""Nakita raw niya,may kasamang babae ang chairman.""Saan""Sa market raw.""Baka hindi ang chairman iyon. Di ba nasa hospital pa siya?""Balita ko nakalabas na.""Imposible iyon. Kung nakalabas na siya dapat alam ng buong capital para masalubong natin ang pagbalik niya. Hindi naman siguro ililihim iyon ng Andromida Conglomerate. Isa pa, hindi pumupunta ang chairman sa public places. Pagkakaguluhan kaya iyon, sigurado. Tapos may kasama pang babae?""Pero sabi ng ate ko
BUMABA si Safhire sa tapat ng kalyeng papasok sa villa. "Salamat sa paghahatid. Ingat kayo," sabi niya kina Athrun at Ghaile."I'm having a lot of fun today, Saf. Thank you for keeping me company. I'll see you around, definitely," pahayag ni Athrun.Tumango lang siya at tumingin kay Ghaile na nakayukyok sa manibela at nakatingin sa kanya. Nginitian niya ang doctor. "Bye,doc."Tumango ito. "Until next time, Safhire," he said and flashed a dashing smile.Umusad ang sasakyan. Hinatid niya ng tanaw iyon habang papalayo. Nakatutuwang isipin na naririnig pala ni Athrun ang mga kwento niya sa kabila ng kondisyon nito. Pati ang mga records sa kanyang cellphone at ang pag-awit niya. Mabuti naman at hindi nasayang ang pag-aalagang ginawa niya sa lalaki kahit sa napakaikling panahon lamang.Sinapit niya ang villa. Nagpahinga lamang siya sandali sa kanyang silid at bumaba din agad para maghanda ng hapunan. Vegetable soup,sweet and sour fish and fried shrimp. Naisip niyang hintayin na rin si Vh