THIRD PERSON POV.ISANG LINGGO na ang nakalipas simula ng napanaginipan ni Rosita si Ven.At simula rin nang gabi na ‘yon ay hindi na naman nagpakita si Ven kay Rosita.Hindi naman maalis sa isipan ni Rosita na baka nag tampo ang lalaki kaya ayaw na nito na magpakita sa kanya.Kagaya noong mga nakaraang buwan.Hindi naman maiwasan ni Rosita na ma-guilty sa kanyang ginawa.At kahit may mga naririnig siyang balita mula sa mga tao sa labas ay hindi naman nagpadala si Rosita.Pinang-hahawak niya kasi ang mga katagang iniwan nito bago lisanin ang kanilang tahanan noong gabing ‘iyon. “I already like you,Rosita.I will pursue you,kahit ilang ulit mo pa akong itulak palayo sayo.Hindi kana mawala sa isipan ko,kaya hayaan mo ako na mahalin ka.” “Ikaw lang ang nagpatibok ng puso ko,kaya panindigan mo ako.” Agad naman ‘yon binura ni Rosita sa kanyang isipan.Dahil may takot siya at pangamba. At ayaw niya rin maging kabit.Busy ang lahat sa mansyon ngayong araw dahil may bisita na darating mula sa iba
THIRD PERSON'S POV Umalis na lang si Rosita sa main entrance at pinalitan na lang ng iba ang pwesto niya. Nakaalalay naman si Roger sa kanya dahil bigla lang siyang nahilo. Dinala naman siya ni Roger sa kabilang kwarto kung saan nandoon lahat ng mga maids. Ngunit walang tao ngayon sa kwarto na ‘yon dahil abalang-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita.“Okay ka lang ba?" Nag-aalala na tanong ni Roger sa kanya matapos siyang bigyan ng tubig. “I am okay,bigla lang talaga akong nahilo kanina.” nanghihina na wika niya. Hindi pa rin maalis sa kanya ang mukha ng babae kanina. Pamilya ito sa kanya, and she even called someone else's name.“Hindi ka ba sinaktan ni Miss Dina kanina?” tanong ni Roger. Gulat naman na tumingin si Rosita kay Roger.“Dina?” wala sa sarili niyang sambit. Tumango naman si Roger. “Kilala mo ba s’ya?” desperadang tanong niya kay Roger.“Yes, uhmm..Actually, she’s—” hindi natuloy ang sasabihin nito ng biglang mag-bukas ang pintuan ng kwarto.“Roger and Rosita? Ano sa ting
ROSITA/CAROLINE'S POV MASYADO na ata akong bumibigay, masyado ko na sigurong pinapahalata na may gusto ako kay Ven. Masaya ako dahil gusto niya rin ako, at gusto niya akong makuha. Pero nasasaktan dahil may mauuna nang babae sa buhay niya. Engagement party niya, kaya pala masyadong pinaghandaan. Hindi man lang sinabi ni Mamay na engagement party niya pala, sana hindi na lang ako tumulong at pina-ganda ang events. Parang nag-sisi ako na pumunta pa rito. "Stop it, sir. Your fiance must be waiting for you," matigas na boses kong salita na nagpahinto sa kanyang ginagawa. Napapansin ko lately na natural na lang na lumalabas sa bibig ko ang mag salita ng English. Yes. We almost did it, he was on top of me kissing my neck down to my chest. Nadala ako kaya bumigay ako. Noon gusto kong gawin niya sa akin ang nasa panaginip ko, pero mali pa rin ang ganito. Ayaw ko na maging kabit, kahit sabihin niya pa na ako ang gusto niya at hindi ang fiance niya. Kailangan kong pigilan ang sari
HINDI ko maalis ang mga mata ko sa lalaki na nasa harapan ngayon kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita pero parang matagal ko ng kilala. Sumisikip ang dibdib ko, nasasaktan ako ng sobra, pero wala akong karapatan na makaramdam nito dahil ako ang unang tumaboy sa kanya. Hindi ko rin masisi ang sarili ko,dahil hulog na hulog na ako sa kanya pero ayaw ko na saluhin ako ng tao na may iba na pala. At engagement party nila ngayong gabi. Nung una pa lang ay may iba na,pero ako itong tanga. Kaya pala matagal rin siyang nawala, nandun pala siya sa babae niya. Hindi ko alam kung mahal nga ba niya si Dina, dahil umamin siya sa akin na mahal niya ako at gusto niya akong e-pursue. Kung ganun naman pala dapat nung una palang ay hiniwalayan na niya ang babae. Tapos ngayon ay magugulat na lang ako na engagement party niya pala? Tapos ako pa ang nag-organize sa party? At tumulong sa iba pa na gawain maging maganda lang ang lahat. Hindi ko nga talaga siya kilala. Kaya tama lang na itig
HINDI ko alam kung bakit nandito siya ngayon sa bahay namin. Hindi ko siya kinibo at pumasok na sa kwarto namin ni baby. Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni baby.Ang himbing ng kanyang tulog at napaka-amo ng kanyang mukha. Hindi ko talaga maiwasan na purihin ang anak ko. Napaka ganda niya talaga. Agad ko pinahiran ang luha ko, dahil mas lalo akong naging emosyonal ng makita ang anak ko. Iniwan ko ba naman siya. Dali-dali akong nag-bihis, upang makapag-pahinga na ako dahil kanina pa talaga kumikirot ang ulo ko. Hindi ko na namalayan ang sakit ng ulo ko kanina dahil sa naging busy na rin sa pag-aasikaso ng lahat. Mabuti na lang at tinawagan ni Mamay si Aling Pacita."Nak, kausapin mo muna si sir," pumasok si Mamay sa kwarto ko at tinulak ako palabas.Wala na akong nagawa kundi ang kausapin ang amo namin na sobrang gwapo."Bakit po b kayo nandito? Iniwan mo ba ang fiance mo?" tanong ko sa kanya at umupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan."Tapos na," matipid niyang sagot. "Anong
HINIHINGAL ako ng magising mula sa isang masalimuot na bangungot.Akala ko ay hindi na ako magigising dahil sa panaginip ko ay sinasakal ako. Nakikita ko ang mag-kapatid na Solise,gusto nila akong patayin.At sa panaginip na ‘yon ay nandoon si Dina ang matalik kong kaibigan na ginago ako at niliko.Naalala ko na ang lahat.Nagising na lang ako na sila na ang iniisip ko.“Anong nangyari sa akin at bakit ako nandito sa kwarto?” nagtataka na tanong ko, pero agad ko rin naalala na kanina ay kausap ko si sir Ven.Nahihilo ako nag-blackout.“Thank goodness, you’re awake.Kumusta ka na?” bigla akong nilapitan at niyakap ni sir Ven ng makita ako. “Sino ka?” agad na nag-bago ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi ko. Tumayo siya at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Hindi nila pwedeng malaman kung sino ako.Hindi nila malalaman kung sino.Ayaw kong mag-bago ang tingin ni sir ven sa akin.Isa akong kriminal dahil may record ako sa pulisya.Baka mag-iba ang pakikitungo niya sa ‘kin kapag na laman niya
THIRD PERSON'S POV ISANG buwan na lang at mag-isang taon na si Baby Venus. Kaya nakapag-desisyon si Rosita na mamasukan na lang muna bilang katulong sa mansyon. Wala naman si Raven dahil nasa Maynila ito at tatlong buwan na rin na wala sa Isla. Umiwas rin kasi si Rosita sa binata. Habang hindi pa niya nagagawa ang kanyang plano ay manahimik na muna siya at umiwas. Kailangan niya si Raven para sa plano niya, pero hindi na muna sa ngayon dahil may iba pa siyang plano. “Ate, ako na po riyan at ikaw ay umuwi na. Anong oras na o, hinihintay kana ni baby Venus.” saad ni Irene. “Malapit na rin naman ang oras ko eh, sabi ni Mamay may natitira pa naman daw na gatas si Baby. Kaunti na lang naman ang gagawin ko eh, pagkatapos ko ay uuwi na ako,” agad na tugon niya kay Irene. Hindi naman stay-in si Rosita kaya kada gabi ay nakakauwi siya sa bahay at isang buwan pa lang naman siya sa trabaho bilang katulong. Hanggang alas dyes lang din siya ng gabi, at papasok ng alas singko ng umaga. A
Dahil sa nalaman ay nahihirapan siyang makatulog. Kaya tumayo na lang at nag-ayos, hinanda ang gatas ni baby. Breast milk pa rin naman ang pinapainom niya kay baby. Mabuti na lang at marami siyang gatas. Sobrang mahal pa naman din ng gatas at iba pa na bilihin sa Isla. Masyado pa naman maaga kaya lumabas na lang muna siya ng bahay upang maka-sagap ng preskong hangin at nag-lakad lakad. Katabi ni Baby Venus si Mamay kaya hindi siya nag-aalala na iwan ang bata. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng kanyang mga paa, ngunit wala siyang pakialam. Nakarating din siya sa dalampasigan at pumikit habang ninanamnam ang preskong hangin. “What are you doing here?” biglang napatalon si Rosita dahil sa taong bigla-bigla na lang na sumusulpot. “Sir Ven?” natataranta niyang sambit. Tumawa naman ang lalaki habang nakatingin sa kanya n takot na takot. “Oh! Did I scare you?” tanong nita at akma sana na hawakan ang kanyang kamay. “Sir naman, wag naman kayong manggulat,” nanginginig p