ROSITA/CAROLINE'S POV MASYADO na ata akong bumibigay, masyado ko na sigurong pinapahalata na may gusto ako kay Ven. Masaya ako dahil gusto niya rin ako, at gusto niya akong makuha. Pero nasasaktan dahil may mauuna nang babae sa buhay niya. Engagement party niya, kaya pala masyadong pinaghandaan. Hindi man lang sinabi ni Mamay na engagement party niya pala, sana hindi na lang ako tumulong at pina-ganda ang events. Parang nag-sisi ako na pumunta pa rito. "Stop it, sir. Your fiance must be waiting for you," matigas na boses kong salita na nagpahinto sa kanyang ginagawa. Napapansin ko lately na natural na lang na lumalabas sa bibig ko ang mag salita ng English. Yes. We almost did it, he was on top of me kissing my neck down to my chest. Nadala ako kaya bumigay ako. Noon gusto kong gawin niya sa akin ang nasa panaginip ko, pero mali pa rin ang ganito. Ayaw ko na maging kabit, kahit sabihin niya pa na ako ang gusto niya at hindi ang fiance niya. Kailangan kong pigilan ang sari
HINDI ko maalis ang mga mata ko sa lalaki na nasa harapan ngayon kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita pero parang matagal ko ng kilala. Sumisikip ang dibdib ko, nasasaktan ako ng sobra, pero wala akong karapatan na makaramdam nito dahil ako ang unang tumaboy sa kanya. Hindi ko rin masisi ang sarili ko,dahil hulog na hulog na ako sa kanya pero ayaw ko na saluhin ako ng tao na may iba na pala. At engagement party nila ngayong gabi. Nung una pa lang ay may iba na,pero ako itong tanga. Kaya pala matagal rin siyang nawala, nandun pala siya sa babae niya. Hindi ko alam kung mahal nga ba niya si Dina, dahil umamin siya sa akin na mahal niya ako at gusto niya akong e-pursue. Kung ganun naman pala dapat nung una palang ay hiniwalayan na niya ang babae. Tapos ngayon ay magugulat na lang ako na engagement party niya pala? Tapos ako pa ang nag-organize sa party? At tumulong sa iba pa na gawain maging maganda lang ang lahat. Hindi ko nga talaga siya kilala. Kaya tama lang na itig
HINDI ko alam kung bakit nandito siya ngayon sa bahay namin. Hindi ko siya kinibo at pumasok na sa kwarto namin ni baby. Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni baby.Ang himbing ng kanyang tulog at napaka-amo ng kanyang mukha. Hindi ko talaga maiwasan na purihin ang anak ko. Napaka ganda niya talaga. Agad ko pinahiran ang luha ko, dahil mas lalo akong naging emosyonal ng makita ang anak ko. Iniwan ko ba naman siya. Dali-dali akong nag-bihis, upang makapag-pahinga na ako dahil kanina pa talaga kumikirot ang ulo ko. Hindi ko na namalayan ang sakit ng ulo ko kanina dahil sa naging busy na rin sa pag-aasikaso ng lahat. Mabuti na lang at tinawagan ni Mamay si Aling Pacita."Nak, kausapin mo muna si sir," pumasok si Mamay sa kwarto ko at tinulak ako palabas.Wala na akong nagawa kundi ang kausapin ang amo namin na sobrang gwapo."Bakit po b kayo nandito? Iniwan mo ba ang fiance mo?" tanong ko sa kanya at umupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan."Tapos na," matipid niyang sagot. "Anong
HINIHINGAL ako ng magising mula sa isang masalimuot na bangungot.Akala ko ay hindi na ako magigising dahil sa panaginip ko ay sinasakal ako. Nakikita ko ang mag-kapatid na Solise,gusto nila akong patayin.At sa panaginip na ‘yon ay nandoon si Dina ang matalik kong kaibigan na ginago ako at niliko.Naalala ko na ang lahat.Nagising na lang ako na sila na ang iniisip ko.“Anong nangyari sa akin at bakit ako nandito sa kwarto?” nagtataka na tanong ko, pero agad ko rin naalala na kanina ay kausap ko si sir Ven.Nahihilo ako nag-blackout.“Thank goodness, you’re awake.Kumusta ka na?” bigla akong nilapitan at niyakap ni sir Ven ng makita ako. “Sino ka?” agad na nag-bago ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi ko. Tumayo siya at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Hindi nila pwedeng malaman kung sino ako.Hindi nila malalaman kung sino.Ayaw kong mag-bago ang tingin ni sir ven sa akin.Isa akong kriminal dahil may record ako sa pulisya.Baka mag-iba ang pakikitungo niya sa ‘kin kapag na laman niya
THIRD PERSON'S POV ISANG buwan na lang at mag-isang taon na si Baby Venus. Kaya nakapag-desisyon si Rosita na mamasukan na lang muna bilang katulong sa mansyon. Wala naman si Raven dahil nasa Maynila ito at tatlong buwan na rin na wala sa Isla. Umiwas rin kasi si Rosita sa binata. Habang hindi pa niya nagagawa ang kanyang plano ay manahimik na muna siya at umiwas. Kailangan niya si Raven para sa plano niya, pero hindi na muna sa ngayon dahil may iba pa siyang plano. “Ate, ako na po riyan at ikaw ay umuwi na. Anong oras na o, hinihintay kana ni baby Venus.” saad ni Irene. “Malapit na rin naman ang oras ko eh, sabi ni Mamay may natitira pa naman daw na gatas si Baby. Kaunti na lang naman ang gagawin ko eh, pagkatapos ko ay uuwi na ako,” agad na tugon niya kay Irene. Hindi naman stay-in si Rosita kaya kada gabi ay nakakauwi siya sa bahay at isang buwan pa lang naman siya sa trabaho bilang katulong. Hanggang alas dyes lang din siya ng gabi, at papasok ng alas singko ng umaga. A
Dahil sa nalaman ay nahihirapan siyang makatulog. Kaya tumayo na lang at nag-ayos, hinanda ang gatas ni baby. Breast milk pa rin naman ang pinapainom niya kay baby. Mabuti na lang at marami siyang gatas. Sobrang mahal pa naman din ng gatas at iba pa na bilihin sa Isla. Masyado pa naman maaga kaya lumabas na lang muna siya ng bahay upang maka-sagap ng preskong hangin at nag-lakad lakad. Katabi ni Baby Venus si Mamay kaya hindi siya nag-aalala na iwan ang bata. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng kanyang mga paa, ngunit wala siyang pakialam. Nakarating din siya sa dalampasigan at pumikit habang ninanamnam ang preskong hangin. “What are you doing here?” biglang napatalon si Rosita dahil sa taong bigla-bigla na lang na sumusulpot. “Sir Ven?” natataranta niyang sambit. Tumawa naman ang lalaki habang nakatingin sa kanya n takot na takot. “Oh! Did I scare you?” tanong nita at akma sana na hawakan ang kanyang kamay. “Sir naman, wag naman kayong manggulat,” nanginginig p
TAHIMIK na pinulot ni Rosita ang mga damit na nag-kalat sa sahig, at dumeretso sa laundry room upang labhan ang mga damit. Umakyat siya muli sa kwarto ng amo upang linisan ito. Napansin niya ang mga nag-kalat na mga bobog sa sahig. Kahit sayang sulok ng kwarto ay may mga basag na mga baso, at base. Hindi alam ni Rosita kung bakit may mga basag na mga baso at 'yong ibang gamit naman ay hindi na ma-itsura dahil sira-sira na. Ayaw naman mag-assume ni Rosita pero baka dahil sa kanya ay ganito ang ginawa ng binata. Galit ito at gusto na magpakawala nang galit kaya pinag-tatapun na lang ang mga gamit. Kinakabahan man ay kailangan niyang gawin ang trabaho, dahil sine-swelduhan s’ya ng amo. Labas ang trabaho sa personal na buhay kaya ayaw n’yang mag-isip ng kung ano-ano. Nag-ta-trabaho s’ya para sa kaarawan ng anak. Gusto n’ya kasing bongga at memorable ang unang kaarawan ng anak kaya lahat ng gawain ay ginagawa n’ya.At ayaw n’ya rin na sayangin ang araw na walang ginagawa. “What are
HE gently stroked her hair and removed some strands of her hair that covered her face. She didn’t react, because she didn't want to make it obvious that she got carried away. She knew to herself that she couldn't resist him, but she kept pushing him away. Ayaw niyang masira ang kanyang mga plano, lalo na sa kanyang kaibigan na magiging asawa na ng taong mahal niya. Kailangan niyang tiisin ang mag-panggap para sa hustisya na matagal na niyang gustong makuha. At si Raven ang kanyang tanging daan upang magawa ang mission. Umiwas s’ya ng tingin nang dahan-dahan nitong ilapit ang mukha sa kanya, ngunit mabilis naman nitong hinawakan ang kanyang panga at pilit na hinaharap sa kanya. Nag-pumiglas pa siya pero mabilis na inangkin ng lalaki ang kanyang labi.“S-sir, please…” pabulong niyang salita ng mag-hiwalay ang labi nila. “Kailangan ko na tapusin ang trabaho ko,” “Bakit ka ba nag-mamadali ha, dahil ba magkikita kayo ng Roger mo?” galit na salita nito at halata naman sa boses nito ang n