HINDI ko maalis ang mga mata ko sa lalaki na nasa harapan ngayon kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita pero parang matagal ko ng kilala. Sumisikip ang dibdib ko, nasasaktan ako ng sobra, pero wala akong karapatan na makaramdam nito dahil ako ang unang tumaboy sa kanya. Hindi ko rin masisi ang sarili ko,dahil hulog na hulog na ako sa kanya pero ayaw ko na saluhin ako ng tao na may iba na pala. At engagement party nila ngayong gabi. Nung una pa lang ay may iba na,pero ako itong tanga. Kaya pala matagal rin siyang nawala, nandun pala siya sa babae niya. Hindi ko alam kung mahal nga ba niya si Dina, dahil umamin siya sa akin na mahal niya ako at gusto niya akong e-pursue. Kung ganun naman pala dapat nung una palang ay hiniwalayan na niya ang babae. Tapos ngayon ay magugulat na lang ako na engagement party niya pala? Tapos ako pa ang nag-organize sa party? At tumulong sa iba pa na gawain maging maganda lang ang lahat. Hindi ko nga talaga siya kilala. Kaya tama lang na itig
HINDI ko alam kung bakit nandito siya ngayon sa bahay namin. Hindi ko siya kinibo at pumasok na sa kwarto namin ni baby. Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni baby.Ang himbing ng kanyang tulog at napaka-amo ng kanyang mukha. Hindi ko talaga maiwasan na purihin ang anak ko. Napaka ganda niya talaga. Agad ko pinahiran ang luha ko, dahil mas lalo akong naging emosyonal ng makita ang anak ko. Iniwan ko ba naman siya. Dali-dali akong nag-bihis, upang makapag-pahinga na ako dahil kanina pa talaga kumikirot ang ulo ko. Hindi ko na namalayan ang sakit ng ulo ko kanina dahil sa naging busy na rin sa pag-aasikaso ng lahat. Mabuti na lang at tinawagan ni Mamay si Aling Pacita."Nak, kausapin mo muna si sir," pumasok si Mamay sa kwarto ko at tinulak ako palabas.Wala na akong nagawa kundi ang kausapin ang amo namin na sobrang gwapo."Bakit po b kayo nandito? Iniwan mo ba ang fiance mo?" tanong ko sa kanya at umupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan."Tapos na," matipid niyang sagot. "Anong
HINIHINGAL ako ng magising mula sa isang masalimuot na bangungot.Akala ko ay hindi na ako magigising dahil sa panaginip ko ay sinasakal ako. Nakikita ko ang mag-kapatid na Solise,gusto nila akong patayin.At sa panaginip na ‘yon ay nandoon si Dina ang matalik kong kaibigan na ginago ako at niliko.Naalala ko na ang lahat.Nagising na lang ako na sila na ang iniisip ko.“Anong nangyari sa akin at bakit ako nandito sa kwarto?” nagtataka na tanong ko, pero agad ko rin naalala na kanina ay kausap ko si sir Ven.Nahihilo ako nag-blackout.“Thank goodness, you’re awake.Kumusta ka na?” bigla akong nilapitan at niyakap ni sir Ven ng makita ako. “Sino ka?” agad na nag-bago ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi ko. Tumayo siya at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Hindi nila pwedeng malaman kung sino ako.Hindi nila malalaman kung sino.Ayaw kong mag-bago ang tingin ni sir ven sa akin.Isa akong kriminal dahil may record ako sa pulisya.Baka mag-iba ang pakikitungo niya sa ‘kin kapag na laman niya
THIRD PERSON'S POV ISANG buwan na lang at mag-isang taon na si Baby Venus. Kaya nakapag-desisyon si Rosita na mamasukan na lang muna bilang katulong sa mansyon. Wala naman si Raven dahil nasa Maynila ito at tatlong buwan na rin na wala sa Isla. Umiwas rin kasi si Rosita sa binata. Habang hindi pa niya nagagawa ang kanyang plano ay manahimik na muna siya at umiwas. Kailangan niya si Raven para sa plano niya, pero hindi na muna sa ngayon dahil may iba pa siyang plano. “Ate, ako na po riyan at ikaw ay umuwi na. Anong oras na o, hinihintay kana ni baby Venus.” saad ni Irene. “Malapit na rin naman ang oras ko eh, sabi ni Mamay may natitira pa naman daw na gatas si Baby. Kaunti na lang naman ang gagawin ko eh, pagkatapos ko ay uuwi na ako,” agad na tugon niya kay Irene. Hindi naman stay-in si Rosita kaya kada gabi ay nakakauwi siya sa bahay at isang buwan pa lang naman siya sa trabaho bilang katulong. Hanggang alas dyes lang din siya ng gabi, at papasok ng alas singko ng umaga. A
Dahil sa nalaman ay nahihirapan siyang makatulog. Kaya tumayo na lang at nag-ayos, hinanda ang gatas ni baby. Breast milk pa rin naman ang pinapainom niya kay baby. Mabuti na lang at marami siyang gatas. Sobrang mahal pa naman din ng gatas at iba pa na bilihin sa Isla. Masyado pa naman maaga kaya lumabas na lang muna siya ng bahay upang maka-sagap ng preskong hangin at nag-lakad lakad. Katabi ni Baby Venus si Mamay kaya hindi siya nag-aalala na iwan ang bata. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng kanyang mga paa, ngunit wala siyang pakialam. Nakarating din siya sa dalampasigan at pumikit habang ninanamnam ang preskong hangin. “What are you doing here?” biglang napatalon si Rosita dahil sa taong bigla-bigla na lang na sumusulpot. “Sir Ven?” natataranta niyang sambit. Tumawa naman ang lalaki habang nakatingin sa kanya n takot na takot. “Oh! Did I scare you?” tanong nita at akma sana na hawakan ang kanyang kamay. “Sir naman, wag naman kayong manggulat,” nanginginig p
TAHIMIK na pinulot ni Rosita ang mga damit na nag-kalat sa sahig, at dumeretso sa laundry room upang labhan ang mga damit. Umakyat siya muli sa kwarto ng amo upang linisan ito. Napansin niya ang mga nag-kalat na mga bobog sa sahig. Kahit sayang sulok ng kwarto ay may mga basag na mga baso, at base. Hindi alam ni Rosita kung bakit may mga basag na mga baso at 'yong ibang gamit naman ay hindi na ma-itsura dahil sira-sira na. Ayaw naman mag-assume ni Rosita pero baka dahil sa kanya ay ganito ang ginawa ng binata. Galit ito at gusto na magpakawala nang galit kaya pinag-tatapun na lang ang mga gamit. Kinakabahan man ay kailangan niyang gawin ang trabaho, dahil sine-swelduhan s’ya ng amo. Labas ang trabaho sa personal na buhay kaya ayaw n’yang mag-isip ng kung ano-ano. Nag-ta-trabaho s’ya para sa kaarawan ng anak. Gusto n’ya kasing bongga at memorable ang unang kaarawan ng anak kaya lahat ng gawain ay ginagawa n’ya.At ayaw n’ya rin na sayangin ang araw na walang ginagawa. “What are
HE gently stroked her hair and removed some strands of her hair that covered her face. She didn’t react, because she didn't want to make it obvious that she got carried away. She knew to herself that she couldn't resist him, but she kept pushing him away. Ayaw niyang masira ang kanyang mga plano, lalo na sa kanyang kaibigan na magiging asawa na ng taong mahal niya. Kailangan niyang tiisin ang mag-panggap para sa hustisya na matagal na niyang gustong makuha. At si Raven ang kanyang tanging daan upang magawa ang mission. Umiwas s’ya ng tingin nang dahan-dahan nitong ilapit ang mukha sa kanya, ngunit mabilis naman nitong hinawakan ang kanyang panga at pilit na hinaharap sa kanya. Nag-pumiglas pa siya pero mabilis na inangkin ng lalaki ang kanyang labi.“S-sir, please…” pabulong niyang salita ng mag-hiwalay ang labi nila. “Kailangan ko na tapusin ang trabaho ko,” “Bakit ka ba nag-mamadali ha, dahil ba magkikita kayo ng Roger mo?” galit na salita nito at halata naman sa boses nito ang n
HINDI naman mapigilan ni Raven ang mapangiti sa tuwing naalala n’ya ang kanilang ginawa kagabi.Hindi kasi mawala sa kanyang isipan at gusto niya na maulit muli ang kanilang ginawa, kahit siya lang naman ang nanguna. Napa suklay na lamang siya sa kanyang buhok, and tirelessly lean his head to the sofa's headboard. Tahimik na hinawakan ang wine glass habang inikot-ikot niya ito ng dahan-dahan. “Maging akin ka rin,Rosita.” He obsessively thought.He seems obsessed with how he wants to have her. He is desperate. He wanted to know something about her. “Mukhang may iniisip ka Boss ah…” biglang salita ni Roger na kakapasok pa lang sa kwarto. Agad naman na nag-bago ang ekspresyon ng mukha nito at inubos ang wine.“I am just thinking about something. Bagay na gusto kong mapasakin at angkinin ng paulit-ulit.” makabuluhan na wika nito. Kunot noo naman si Roger.Sinulyapan naman ni Raven si Roger, at kitang-kita sa mga mata nito ang selos. “So, totoo nga na sila na ni Rosita, basi sa ekspresyo
NAGING maayos na ang takbo ng lahat. Si Caroline ay malapit na rin manganak sa baby boy nila ni Raven. Si Raven naman ay hindi pa rin makaalis sa organization niya, pero hindi naman siya peni-pressure ni Caroline na umalis at hinayaan na lang muna ito. Successful din ang operation ni Diego, pero under observation pa rin siya. Si Dina ay may bagong negosyo na sa Canada, at naging okay naman ang pamumuhay nila ni Diego doon. Mas naging malapit at nakilala ng dalawa ang isa't-isa. Pero kahit ganun pa man ay guilty pa rin sila sa nagawang kasalanan nila kay Caroline. Happily married na rin si Diego at Dina. "Babe? Sumasakit ang tiyan ko, manganganak na ata ako," ngumingiwi ang mukhang salita ni Caroline. "Ha? Masakit na ba? Sandali kukunin ko lang ang sasakyan." Natataranta at nagmamadaling salita ni Raven at mabilis na tumakbo palabas ng bahay. "MANGANGANAK NA ASAWA KOOOOOOOO!" Biglang sigaw ni Raven. Natataranta naman ang mga tao sa bahay at hindi alam ang gagawin na para bang
NATULALA ang magkapatid sa narinig. Hindi kasi nila alam at wala talaga silang alam kung ano na ang nangyayari dahil sa nagtatago talaga sila sa malayo upang hindi sila mahanap ng mga pulis. No cellphone. Wifi. Tv. Namuhay sila na walang kahit anong koneksyon, ngunit dahil may pera pa silang nadadala ay mabilis din silang nakakagalaw. Hanggang sa isa sa kanila ang nagdesisyon na bumaba at harapin ang mga magulang, at maghigante. Sinisisi nila ang mga magulang sa nangyari sa kanila. Pati na rin si Diego na ngayon ay kinaharap ang sakit. "What do you mean, Dad? May sakit si Diego?" gulat na sambit ni Stiffany. Maalalang ginapos pa nila ang kapatid sa bahay niya. May saksak ng kutsilyo. "Yes. Nalaman namin nung ginapos, at sinaksak niyo siya at iniwan sa bahay niya na duguan. Dahil dum ay ayaw niyang magpadala sa hospital, pero dahil hindi nakinig si Caroline at Raven ay dinala pa rin nila ito sa hospital. And dun namin nalaman na may tumor pala siya." Mahabang paliwanag ni Edgar
Tumulo na rin ang luha ni Caroline at napahagulgol. Raven just let her cry out loud. Alam niyang hindi pa nito nailalabas ang kung ano man ang nasa loob niya. He wants her to be free from pain, doubts, and self-pity. “Just let it out, babe. Iiyak mo lahat, ilabas mo rin ang lahat ng masasakit na nangyari sa'yo. Pero huwag mong kaawaan ang sarili mo. Hindi mo kasalanan kung bakit mo naranasan ang lahat ng mga pinagdaanan mo. I am here now, babe. I am here to support you no matter what.” “Mahal kita, higit pa sa buhay ko. Please, trust me and lean on me.” Mahigpit na niyakap ni Caroline si Raven habang patuloy pa rin sa pagluha. "When I met you, hindi ko maisip na sa'yo ko pala mararamdaman ang pagmamahal na buo. Tinanggap mo ako despite everything. You didn't judge me, you even helped me. You made me grow strong. Kaya salamat, babe. It is because of you that I overcame it all. Dahil sa pagmamahal mo sa akin. Pagmamahal na walang humpay." "I am happy to hear that from you,Babe.
Maayos ang lahat. Naging matagumpay ang sorpresa, at labis na napasaya si Caroline. Hindi rin maalis ang ngiti sa kanyang mukha habang nagkukuwentuhan sila ni Atacia. Ngunit, nalungkot din siya nang malaman na nakunan pala si Atacia at inabuso ang kapatid ng dating asawa nito. Habang tumatagal daw ang kanilang pagsasama ay nagbago ang ugali ng asawa ni Atacia at madalas na siyang sinasaktan, dahilan kung bakit siya nakunan. Mabuti na lamang at nakapag-divorce sila sa ibang bansa. Limang taon din nagtiis si Atacia sa piling ng mapang-abusong asawa. Ngayon, malaya na siya at abala sa trabaho sa isang kumpanya sa Canada, kung saan niya rin nakilala ang bago niyang kasintahan. Habang nagkukuwentuhan pa rin sina Atacia at Caroline, lumapit naman ang Daddy ni Caroline kay Raven. "Anong balak mo, iho?" tanong ni Mr. Frowline, bigla siyang sumulpot sa tabi ni Raven, ikinagulat naman nito. "Kanina pa kasi kita napapansin na parang kinakabahan ka," dagdag pa nito. "Tito, g-gusto ko na sana
“Surpresa!” sabay-sabay na sigaw ng lahat nang buksan ni Caroline ang pinto. Napaatras naman siya, tila nagulat sa dami ng mga taong nagkakantahan at nagpapalakpakan sa sala. Hindi naman maiwasan ni Caroline ang matuwa, dahil ang iba sa mga bisita ay mga empleyado niya. At kumpleto rin ang kanyang pamilya,.maliban Sa isang tao. Sa gitna ng lahat, si Raven ay nakangiti habang may hawak na ang bunso nilang anak na si Venus.“You thought we forgot, didn’t you?” Raven said with a teasing smile.Bago ang kaganapan, sobrang abala si Caroline sa kumpanya dahil nagkaproblema sila sa isang investor. Dahil sa tindi ng kanyang pagka-busy, hindi na niya namalayan ang paglipas ng mga araw. Isang buwan na pala ang nakalipas, at maraming nangyari sa panahong iyon.Si Diego at Dina ay pumunta na sa ibang bansa para sa operasyon ni Diego. Masaya naman si Caroline dahil sa wakas ay magagamot na ang dati niyang asawa. Para kay Dina naman, magsisimula na ito ng negosyo sa ibang bansa. Tinulungan sila ni
Alam kong may konsensya pa rin si Dina hanggang ngayon, at ako rin naman. Hindi mawala sa isip ko ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Sobrang dinurog ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabawi sa kanya. "Uhm... ano ba ang susunod nating hakbang? Paano natin mapapasaya si Caroline? Wala akong maisip na pwedeng gawin..." litong sabi ko. "Paano kung ayain natin sina Raven at Caroline mag-date? Sa tingin ko magandang ideya 'yun, di ba?" masiglang mungkahi ni Dina habang nag-iisip pa. "Sa tingin mo, okay lang sa kanya? Hindi kaya siya magalit?" tanong ko nang may pag-aalinlangan. Hindi ko rin kasi masyadong kilala si Caroline, lalo na't hindi naman kami nagtagal. Nakilala ko lang naman si Caroline noon nung sinabi sa akin ni Dad na siya ang papakasalan ko. Dahil sa maganda siya at napakamasipag na babae. Agad rin nahulog ang loob at puso ko sa kanya. Pero nagloko pa rin ako sa kanya. She's the perfect woman na sana, kaso isang akong tanga kaya ngayon wala na siya sa akin.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata, at agad na bumungad sa akin ang puting kisame at amoy ng ospital. Nakakasulasok ang amoy, at ayoko nito. Paano ako napunta sa lugar na 'to? Kasama ko lang si Mamay kanina; baka naman naghahallucinate lang ako. Pero nasa kwarto lang talaga ako ngayon at hindi sa ospital. Ibinaling ko ang aking ulo sa kaliwa at tumingin sa paligid. Nasa ospital nga talaga ako. Pero anong ginagawa ko rito? "Babe, you're finally awake. Thank goodness," bungad na sabi ni Raven. "Pinag-alala mo ako. Sorry..." umiiyak na sabi ni Raven. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ano ba ang problema? "Why are you crying?" mahina kong tanong. “Nasa ospital ka, babe. Hindi ka nagising kagabi, kaya nag-alala ako. Lahat kami nag-alala. Pasensya na, sorry kung napaiyak kita ulit.” “Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang mali, ah...” tanong ko. “Mamay told me. Umiiyak ka raw, at sobrang sama ng loob ko. Alam ko kasi kung bakit ka umiiyak kahapon. Akala mo siguro may k
[CAROLINE] Bumuhos na naman ang aking mga luha. Kakaayos lang namin, pero may nalaman na naman ako. Bakit ganito? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana? Gusto ko lang naman na maging maayos kami, kahit na pinagtaksilan nila ako. Pero bakit hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsisinungaling? Bakit ganito? Agad akong pumasok sa kotse at humagulgol. Pilit kong inaayos ang lahat—sinubukan kong tanggapin at patawarin sila. Binigay ko ang gusto nila para maayos na. Kahit labag sa loob ko, ginawa ko, para kahit papaano'y maibsan ang bigat ng dinadala ko. Bakit ba ang hirap magpakatotoo? "Why do I have to experience this? Gusto ko nang maayos ang lahat sa amin, tapos bigla na lang malalaman ko na ang murderer ng asawa ko noon ay ang kabit niya pala? This is so frustrating!" Dapat ba akong maawa kay Diego? Pero siguro sapat na itong mga nalaman ko. Tama na ang kadramahan. Gusto nilang magsama, sige, hahayaan ko na sila sa buhay nila. Ibibigay ko na at magpopokus na lang ako sa buhay k
Nagulat si Caroline sa paghingi ng basbas ni Diego sa kanya. She felt something touch her heart, at pakiramdam niya'y napawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi sakit at selos ang nararamdaman niya ngayon, kundi saya sa kanyang puso. The way humingi si Diego ng basbas sa kanya ay para bang sigurado na siya kay Dina—na para bang ito ang babaeng habang buhay niyang mamahalin.Tears streamed down her cheeks. Tiningnan niya ang kalagayan ni Dina na wala pa ring malay at pagkatapos ay tumingin kay Diego, na para bang sinasabi, "Please, let us be happy together.""C-Caroline, sorry. Please, don't cry. H-hindi na kita tatanungin tungkol sa bagay na 'yon. I am sorry, masyado lang ata akong desperado," he said in panic as he held Caroline's hand.Akala ni Diego ay galit pa rin si Caroline sa kanilang dalawa. Alam ni Caroline na hindi madaling maghilom ang sugat na dinulot nila."Maybe giving them a chance isn't bad, right?" sa isip ni Caroline.Pinahiran niya ang kanyang mga luha, at mahi