LIKE 👍
Ramdam ni Freya ang pangiginig ng kamay ni Alexander habang hawak nito ang kamay niya. Galit na galit ito at nakikita niya iyon sa gwapo nitong mukha. “Alexander.” Hinila niya ang kamay rito bago sila sumakay ng kotse. “I-I’m sorry.” Mahinang sambit niya habang nakayuko. Sobra siyang nakokonsensya sa nangyari. Dahil sa kanya ay nagkaroon pa ng alitan at ang mommy nito. Kasalanan niya ito. Kung sana ay hinabaan pa niya ang pasensya at hindi nalang sumagot. Hindi sana nangyari ito—naramdaman nalang niya ang pagyakap nito sa kanya. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Bakit gano’n? Mahal naman nila ni Alexander ang isa’t isa pero bakit ang daming tutol? Bakit hindi sila pwede na maging masaya? Bakit napakahirap na maabot no’n para sa kanilang dalawa? “You don’t have to apologize when you haven’t done anything. Wala kang kasalanan, Freya. You’re really brave when it comes to me. Kaya lalo kitang minamahal. Hindi tulad ko, ikaw ay malakas at matapang… kaya mong sabihin at
“ANO?! Ginawa nila sayo ‘yon?!” Halos umusok ang ilong ni Raven sa inis kina Olivia at Vina ng ikwento sa kanya ng kaibigang si Freya ang ginawa ng dalawa. “Alam mo, Freya. Nagtataka ako di’yan kay Mrs. Evans. Napansin mo ba? Mas anak pa ang turing niya kay Olivia. Eh sa tuwing may awards o may evenst ang bruhang si Olivia ay palagi siyang kasama. Daig pa nila ang magnanay. Sabagay. Hindi na ako magtataka kung bakit close silang dalawa. Sabi nga nila. Kapag magkapareho ng ugali… magkakasundo.” Sumilip muna si Raven para tiyakin na hindi sila maririnig ni Alexander. “In fairness ha. Nagawa ka nang ipaglaban ni Alexander. Hindi ka nag iisang humarap sa matandang bruhang ‘yon ngayon. My god! Kapag naaalala ko kung paano ka tingnan at tratuhin ng matandang ‘yon naiisip ko siyang ipakulam.” Pinaningkitan ni Freya ng mata si Raven ng maalala ang sinabi ni Alexander sa kanya. “Kailan ka pa natuto sa mga kulam-kulam na ‘yan.” Biro niya na nakataas ang kilay. “A-ah… n-nagpractice ako fi
Sinipat ng maayos ni Freya ang sarili sa salamin. Tama nga siya. Bagay na bagay sa kanya ang Red Evening Gown na ito. Pinadeliver nalang nila ito dahil sa nangyari sa shop. Good thing ay hindi pa ito nabibili ng iba. “Mommy, you look so beautiful.” Marahan niyang pinisil ang ilong ng anak. “Just like you, my princess.” Aniya. Isang red gown din ang suot ni Rose at may pagkakatulad da suot niya. Kaya naman kahit sinong makakita sa kanila ay agad na malalaman na mag ina sila. Tumitig siya sa kanyang anak. Tama nga si Alexander, kamukha-kamukha niya ang anak nila, maliban sa mga mata nito na namana nito sa daddy niya. Nang mapansin nito na nakatitig siya sa mukha nito ay ngumuso ito. “Do I really look beautiful, mommy?” Hindi niya maiwasan na matawa. “Why, princess? Mukha ba akong nagsisinungaling?” Lalong humaba ang nguso nito. “Si Mike kasi, eh. He said I’m not beautiful enough for him to like me.” “Sinabi ni Mike ‘yon?” Pinigilan niya ang mapangiti dahil baka magtampo
“Alexander, ano ang ibig mong sabihin?” Nagugulumihan niyang tanong. “Narito na tayo, Sir, Ma’am!” Imporma ng driver ni Alexander na si Ted. Nang lumingon si Freya kay Alexander ay nakababa na ito kasama si Rose. Gusto niya sanang marinig ang sagot nito pero ayaw naman niyang tanungin ito dahil may kausap na ito ngayon sa cellphone. Ano ba ang tatapusin ni Alexander ngayon gabi? Nang makakita si Rose ng maliit na aso ay bumitaw ito sa kamay ng ama. “Rose!” Tawag ni Freya ng makitang hinabol ng anak niya ang nakitang aso nito. Lumapit siya kay Alexander, pero napahinto din siya ng mapansin na napadilim ng mukha nito. Galit—iyon ang nakikita niya sa gwapo nitong mukha. Mukhang may problema sa Evan Industry kaya nagkakaganito ito. Bago habulin si Rose ay kay Ted nalang siya nagbilin na sabihin kay Alexander na hahanapin niya si Rose. “You freak! What have you done to my dress?!” Wala sana siyang balak pansinin ang ingay na ‘yon, pero ng makita niya pulang laylayan ng gow
Isa pang sampal ang pinatama ni Freya sa mukha ng matanda na lalong ikinalaki ng mata ni Olivia. “M-mommy.. huhuhu…” iyak ni Rose. Tumakbo ito palayo. Nanlaki ang mata ni Vina sa pagkabigla habang hawak ang pisnging nasaktan na namanhid sa sampal ni Freya. Nagawa siyang saktan ng babaeng ‘to? Hindi niya ito matatanggap! “You bitch—“ “Subukan mong saktan ako… hindi ako mangingiming sapakin ka sa oras na lumapat ang kamay mo sa balat ko!” Napaatras sa sindak sina Vina at Olivia. Base sa kanilang nakikita sa mukha ni Freya ay alam nilang hindi ito nagbibiro. Nang makita ng dalawa ang ama ni Alexander ay nagkaro’n sila ng lakas ng loob. Nakahanap sila ng kakampe. Lumuluhang tumakbo si Vina sa asawa at yumakap dito. “A-Alexis, mabuti at dumating ka. A-ang babaeng ‘yan! S-sinaktan niya kami ni Olivia.” Nilibot ng ginang ang mata sa paligid. Marami na ang mga bisita na nakapaligid sa kanila at narito na rin ang mga reporters na inupahan niyang ikalat ang balitang magaganap sa banq
WALANG nagawa ang pagpalag nina Vina at Olivia habang hatak sila ng mga alagad ng batas. “B-bitiwan niyo ako! Alexis, tulungan mo ako! Wag mo hayaan na makulong ako! Tandaan mo asawa mo pa rin ako! Alexis!” Hingi ng tulong ni Vina. “Alexander, utusan mo silang pakawalan kami ni Olivia! Alexander! Isa itong kahihiyan sa ating pamilya!” Luhaang tumingin si Olivia kay Vina. “Tita, ayokong makulong! A-alexander, narinig mo naman ang sinabi ni tita, di’ba? Tell them to let us go! Ahhh! No! Stay away from me! Let me go, Alexander!” Nagtagis ang bagang ni Alexander sa narinig. Instead of begging, they command him to tell the officers to let them go? The nerve of this two! Nabigla si Olivia ng lapitan siya ni Alexander at sakalin. Lahat ng naroon ay napasinghap sa ginawa ng lalaki. “Achhkk… b-bitiwan mo ako…” hindi makahinga si Olivia, halos mangitim na ang maputi nitong balat, subalit tila walang naririnig si Alexander, bingi siya sa matinding galit. Nang mapanood niya sa CCTV an
Malakas na natawa si Freya ng makita kung paano naningkit ang mata ni Alexander sa sinabi ng kanilang anak. “Hey,” bumulong ito sa kanya. “Ano ba ang meron sa Mike na ‘yon at nakit patay na patay ang anak natin sa kanya? Eh iyakin ‘yon, diba?” Tumatawang nginuso ni Freya ang anak nilang nakataas pa ang kilay na nakatingin sa kanilang dalawa na parang sinasabi na ‘naririnig ko kayong dalawa’ look. Mukhang paglaki ni Rose ay magiging overprotective si Alexander sa anak nila. Pagkatapos mag almusal ay hinatid sila ni Alexander sa bahay ni Raven. Tamang-tama dahil off ngayon ni Raven mula sa trabaho. Simula ng ampunin nito si Mike ay naglalaan na nang mas maraming oras si Raven sa bahay para makasama ang anak. Hindi katulad noon na kung hindi niya ibibilin ni Rose ay pipiliin nito ang magtrabaho. “Bye, Alexander. I love you. Tatawagan nalang kita mamaya. Hmm.” Narito na sila ngayon sa tapat ng bahay ni Raven. Hinila ni Alexander si Freya ng tumalikod agad ito ng hindi hinihintay an
NNAPAHIYAW sa gulat si Freya ng biglang may mga sasakyan na humarang sa kanila. Nakadama siya ng sobrang takot ng may lalaking nabonnet ang kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Ang tagpong ito ay nangyari na noon. Naalala niya na ganitong-ganito ang eksena bago siya madakip ng mga kalalakihan noon. “Mommy, s-sino po sila?” Takot na tanong ni Rose, alam nito na masamang tao ang nasa labas ng kanilang sinasakyan dahil nakita ng paslit ang hawak nitong mga baril. “Shhh, wag kang matakot, okay. Hindi ka pababayaan ni mommy.” Pag alo ni Freya sa anak. Hinaplos niya ito sa ulo at saka hinalikan sa noo. Napapitpag siya ng marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Ito ang number na tumawag sa kanya kanina. Yumuko ang lalaking naka-bonnet at pinakita kay Freya ang cellphone nito. Nanlaki ang mata ni Freya ng makitang ang number niya ang tinatawagan nito. ‘Papatayin ko kayo!’ Nanginig ang katawan niya sa takot, humigpit ang pagkakayakap niya kay Rose. ‘Diyos ko! Wag niyo kaming paba
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k