LIKE 👍
Isa pang sampal ang pinatama ni Freya sa mukha ng matanda na lalong ikinalaki ng mata ni Olivia. “M-mommy.. huhuhu…” iyak ni Rose. Tumakbo ito palayo. Nanlaki ang mata ni Vina sa pagkabigla habang hawak ang pisnging nasaktan na namanhid sa sampal ni Freya. Nagawa siyang saktan ng babaeng ‘to? Hindi niya ito matatanggap! “You bitch—“ “Subukan mong saktan ako… hindi ako mangingiming sapakin ka sa oras na lumapat ang kamay mo sa balat ko!” Napaatras sa sindak sina Vina at Olivia. Base sa kanilang nakikita sa mukha ni Freya ay alam nilang hindi ito nagbibiro. Nang makita ng dalawa ang ama ni Alexander ay nagkaro’n sila ng lakas ng loob. Nakahanap sila ng kakampe. Lumuluhang tumakbo si Vina sa asawa at yumakap dito. “A-Alexis, mabuti at dumating ka. A-ang babaeng ‘yan! S-sinaktan niya kami ni Olivia.” Nilibot ng ginang ang mata sa paligid. Marami na ang mga bisita na nakapaligid sa kanila at narito na rin ang mga reporters na inupahan niyang ikalat ang balitang magaganap sa banq
WALANG nagawa ang pagpalag nina Vina at Olivia habang hatak sila ng mga alagad ng batas. “B-bitiwan niyo ako! Alexis, tulungan mo ako! Wag mo hayaan na makulong ako! Tandaan mo asawa mo pa rin ako! Alexis!” Hingi ng tulong ni Vina. “Alexander, utusan mo silang pakawalan kami ni Olivia! Alexander! Isa itong kahihiyan sa ating pamilya!” Luhaang tumingin si Olivia kay Vina. “Tita, ayokong makulong! A-alexander, narinig mo naman ang sinabi ni tita, di’ba? Tell them to let us go! Ahhh! No! Stay away from me! Let me go, Alexander!” Nagtagis ang bagang ni Alexander sa narinig. Instead of begging, they command him to tell the officers to let them go? The nerve of this two! Nabigla si Olivia ng lapitan siya ni Alexander at sakalin. Lahat ng naroon ay napasinghap sa ginawa ng lalaki. “Achhkk… b-bitiwan mo ako…” hindi makahinga si Olivia, halos mangitim na ang maputi nitong balat, subalit tila walang naririnig si Alexander, bingi siya sa matinding galit. Nang mapanood niya sa CCTV an
Malakas na natawa si Freya ng makita kung paano naningkit ang mata ni Alexander sa sinabi ng kanilang anak. “Hey,” bumulong ito sa kanya. “Ano ba ang meron sa Mike na ‘yon at nakit patay na patay ang anak natin sa kanya? Eh iyakin ‘yon, diba?” Tumatawang nginuso ni Freya ang anak nilang nakataas pa ang kilay na nakatingin sa kanilang dalawa na parang sinasabi na ‘naririnig ko kayong dalawa’ look. Mukhang paglaki ni Rose ay magiging overprotective si Alexander sa anak nila. Pagkatapos mag almusal ay hinatid sila ni Alexander sa bahay ni Raven. Tamang-tama dahil off ngayon ni Raven mula sa trabaho. Simula ng ampunin nito si Mike ay naglalaan na nang mas maraming oras si Raven sa bahay para makasama ang anak. Hindi katulad noon na kung hindi niya ibibilin ni Rose ay pipiliin nito ang magtrabaho. “Bye, Alexander. I love you. Tatawagan nalang kita mamaya. Hmm.” Narito na sila ngayon sa tapat ng bahay ni Raven. Hinila ni Alexander si Freya ng tumalikod agad ito ng hindi hinihintay an
NNAPAHIYAW sa gulat si Freya ng biglang may mga sasakyan na humarang sa kanila. Nakadama siya ng sobrang takot ng may lalaking nabonnet ang kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Ang tagpong ito ay nangyari na noon. Naalala niya na ganitong-ganito ang eksena bago siya madakip ng mga kalalakihan noon. “Mommy, s-sino po sila?” Takot na tanong ni Rose, alam nito na masamang tao ang nasa labas ng kanilang sinasakyan dahil nakita ng paslit ang hawak nitong mga baril. “Shhh, wag kang matakot, okay. Hindi ka pababayaan ni mommy.” Pag alo ni Freya sa anak. Hinaplos niya ito sa ulo at saka hinalikan sa noo. Napapitpag siya ng marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Ito ang number na tumawag sa kanya kanina. Yumuko ang lalaking naka-bonnet at pinakita kay Freya ang cellphone nito. Nanlaki ang mata ni Freya ng makitang ang number niya ang tinatawagan nito. ‘Papatayin ko kayo!’ Nanginig ang katawan niya sa takot, humigpit ang pagkakayakap niya kay Rose. ‘Diyos ko! Wag niyo kaming paba
“SAAN niyo kami dadalhin? Lalaya na ba kami?” May kasiyahan sa boses na tanong ni Vina sa pulis na nagsasakay sa kanilang dalawa ni Olivia sa Police car. “Anong lalaya na kayo? Ita-transfer lang kayo sa mas malaking kulungan. Pumasok na kayong dalawa at wag ng maraming tanong!” Tumalim ang mata ni Vina, masamang tiningnan ng ginang ang pulis. “Ayusin mo ang pakikipag usap sa akin dahil hindi ako basta-bastang tao! Isa akong Evans, baka nakakalimutan mo! Matuto kang lumugar at kumilala ng tao!” “Tama si tita, isa siyang Evans kaya matuto kayong gumalang. Sigurado na one of this day ay makakalaya kami dito. Babalikan namin kayo!” Nagkatinginan ang tatlong walang pulis. “Hahahaha! Sabay na nagtawanan ang mga ito. “Nakakulong na kayong dalawa pero mapagmataas pa rin ang mga ugali niyo. Kung umasta kayo ay parang wala kayong krimen na ginawa.” Tumatawang tumingin ang isang pulis kay Vina. “Madam, wag kang magmalaki sa amin na isa kang Evans. Baka nakakalimutan mo, isang Evans ang
‘Ang anak ko!’ Nang magmulat si Freya ng mata ang anak niya agad ang unang pumasok sa isip niya. Agad na nag alala siya na baka may nangyari na ditong masama. Kaya kahit masakit ang katawan niya ay pinilit niyang bumangon. Pero agad ding bumagsak si Freya sa higaan dahil wala siyang lakas. Sobrang sakit ng tagiliran niya. Kumalat ang kirot no’n sa buong katawan niya. ‘Nasaan si Rose? Bakit si Alexander lang ang nandito?’ Maliban kay Alexander ay wala ng ibang tao sa silid. Kaya naman hindi niya maiwasan ang mag alala na baka napano na ang anak nila. “Freya.” Hinawakan ni Alexander ang kamay niya. “Alexander, ang anak natin? N-nasaan siya?” Naalala niya ang mga nangyari. Ang pagharang sa kanila, ang mga kalalakihan, ang pgtangay ng mga ito sa anak niya. ‘Diyos ko hindi!’ Kahit nanghihina ay nagawa niyang kumapit sa laylayan ng suot ni Alexander at nanginginig ang mga kamay sa takot na hinanap ang anak nila. “A-ang anak natin, Alexander, nasaan siya? L-Ligtas siya, di’ba? Sabi
BUMALIK sa normal ang lahat. Wala ng banta sa buhay nila ngayon kaya panatag na sila. Nakangiting tinitigan ni Freya ang daliri kung nasa’n ang singsing na binigay ni Alexander. Sa wakas ay tapos na ang lahat. Nagbabayad na nang kasalanan sina Vina at Olivia ngayon. Nakakagulat malaman na magkakamag-anak pala ang tatlo, kasama ang doktor na nanloko kay Alexander noon. Kapatid pala ni Vina si Olga, ang nagpalaki kina Olivia at Oliver. Si Vina ay inoobserbahan pa dahil kakaiba daw ang kinikilos nito sa loob. Nagsasalita na daw ito ng mag isa at tumatawa, na parang nasisiraan na nang ulo. Si Olivia ay madalas daw na sinasaktan ang sariling ina dahi ito ang sinisisi ng babae sa pagkawala ng kuya nito. Sobrang parusa na iyon para kay Vina, ang hindi kilalanin ng sariling anak at mawalan ng anak. Siguro ay ito ang naging kabayaran niya sa lahat ng kasalanan niyang nagawa. “Sigurado ka na hindi ka pupunta, Alexander?” Ngayong araw ay kaarawan ng ama ni Alexander. Hindi man lang sila i
BUMUGA ng hangin si Freya bago lumabas ng fitting room. Narito sila ngayon sa isang kilalang Wedding Gown Boutique. Ngayon araw kasi ang dating ng wedding gown na pinagawa niya. At ngayong araw din ang pagsusukat niya. Napatulala ang lahat ng makita siya, lalo na ang mga staff na lalaking naroon. Maging ang kaibigan niyang si Raven ay napanganga pa. Napangiwi siya. Pakiramdam niya tuloy ay hindi bagay sa kanya ang suot niya dahil walang nagsasalita. “A-ang ganda mo, ma’am!” Puri ng babaeng staff ng makabawi sa pagkabigla. “Yes, mommy! You looked so pretty po!” Papuri din ng kanyang anak. “Oh my god! Bagay na bagay sayo, Freya!” Tili ni Raven. Napatakip pa siya ng tenga dahil sa boses nito. Lumapit ito sa kanya at pinaikot siya. “Perfect! Sigurado ako na ikaw ang magiging pinakamagandang bride sa kasaysayan!” Napangiwi siya. Minsan talaga may pagka-OA ang kaibigan niya. She chose a Long Sleeve Fishtail Wedding Dress Mori Style. Lalong lumabas ang hubog ng katawan niya