LIKE 👍
NNAPAHIYAW sa gulat si Freya ng biglang may mga sasakyan na humarang sa kanila. Nakadama siya ng sobrang takot ng may lalaking nabonnet ang kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Ang tagpong ito ay nangyari na noon. Naalala niya na ganitong-ganito ang eksena bago siya madakip ng mga kalalakihan noon. “Mommy, s-sino po sila?” Takot na tanong ni Rose, alam nito na masamang tao ang nasa labas ng kanilang sinasakyan dahil nakita ng paslit ang hawak nitong mga baril. “Shhh, wag kang matakot, okay. Hindi ka pababayaan ni mommy.” Pag alo ni Freya sa anak. Hinaplos niya ito sa ulo at saka hinalikan sa noo. Napapitpag siya ng marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Ito ang number na tumawag sa kanya kanina. Yumuko ang lalaking naka-bonnet at pinakita kay Freya ang cellphone nito. Nanlaki ang mata ni Freya ng makitang ang number niya ang tinatawagan nito. ‘Papatayin ko kayo!’ Nanginig ang katawan niya sa takot, humigpit ang pagkakayakap niya kay Rose. ‘Diyos ko! Wag niyo kaming paba
“SAAN niyo kami dadalhin? Lalaya na ba kami?” May kasiyahan sa boses na tanong ni Vina sa pulis na nagsasakay sa kanilang dalawa ni Olivia sa Police car. “Anong lalaya na kayo? Ita-transfer lang kayo sa mas malaking kulungan. Pumasok na kayong dalawa at wag ng maraming tanong!” Tumalim ang mata ni Vina, masamang tiningnan ng ginang ang pulis. “Ayusin mo ang pakikipag usap sa akin dahil hindi ako basta-bastang tao! Isa akong Evans, baka nakakalimutan mo! Matuto kang lumugar at kumilala ng tao!” “Tama si tita, isa siyang Evans kaya matuto kayong gumalang. Sigurado na one of this day ay makakalaya kami dito. Babalikan namin kayo!” Nagkatinginan ang tatlong walang pulis. “Hahahaha! Sabay na nagtawanan ang mga ito. “Nakakulong na kayong dalawa pero mapagmataas pa rin ang mga ugali niyo. Kung umasta kayo ay parang wala kayong krimen na ginawa.” Tumatawang tumingin ang isang pulis kay Vina. “Madam, wag kang magmalaki sa amin na isa kang Evans. Baka nakakalimutan mo, isang Evans ang
‘Ang anak ko!’ Nang magmulat si Freya ng mata ang anak niya agad ang unang pumasok sa isip niya. Agad na nag alala siya na baka may nangyari na ditong masama. Kaya kahit masakit ang katawan niya ay pinilit niyang bumangon. Pero agad ding bumagsak si Freya sa higaan dahil wala siyang lakas. Sobrang sakit ng tagiliran niya. Kumalat ang kirot no’n sa buong katawan niya. ‘Nasaan si Rose? Bakit si Alexander lang ang nandito?’ Maliban kay Alexander ay wala ng ibang tao sa silid. Kaya naman hindi niya maiwasan ang mag alala na baka napano na ang anak nila. “Freya.” Hinawakan ni Alexander ang kamay niya. “Alexander, ang anak natin? N-nasaan siya?” Naalala niya ang mga nangyari. Ang pagharang sa kanila, ang mga kalalakihan, ang pgtangay ng mga ito sa anak niya. ‘Diyos ko hindi!’ Kahit nanghihina ay nagawa niyang kumapit sa laylayan ng suot ni Alexander at nanginginig ang mga kamay sa takot na hinanap ang anak nila. “A-ang anak natin, Alexander, nasaan siya? L-Ligtas siya, di’ba? Sabi
BUMALIK sa normal ang lahat. Wala ng banta sa buhay nila ngayon kaya panatag na sila. Nakangiting tinitigan ni Freya ang daliri kung nasa’n ang singsing na binigay ni Alexander. Sa wakas ay tapos na ang lahat. Nagbabayad na nang kasalanan sina Vina at Olivia ngayon. Nakakagulat malaman na magkakamag-anak pala ang tatlo, kasama ang doktor na nanloko kay Alexander noon. Kapatid pala ni Vina si Olga, ang nagpalaki kina Olivia at Oliver. Si Vina ay inoobserbahan pa dahil kakaiba daw ang kinikilos nito sa loob. Nagsasalita na daw ito ng mag isa at tumatawa, na parang nasisiraan na nang ulo. Si Olivia ay madalas daw na sinasaktan ang sariling ina dahi ito ang sinisisi ng babae sa pagkawala ng kuya nito. Sobrang parusa na iyon para kay Vina, ang hindi kilalanin ng sariling anak at mawalan ng anak. Siguro ay ito ang naging kabayaran niya sa lahat ng kasalanan niyang nagawa. “Sigurado ka na hindi ka pupunta, Alexander?” Ngayong araw ay kaarawan ng ama ni Alexander. Hindi man lang sila i
BUMUGA ng hangin si Freya bago lumabas ng fitting room. Narito sila ngayon sa isang kilalang Wedding Gown Boutique. Ngayon araw kasi ang dating ng wedding gown na pinagawa niya. At ngayong araw din ang pagsusukat niya. Napatulala ang lahat ng makita siya, lalo na ang mga staff na lalaking naroon. Maging ang kaibigan niyang si Raven ay napanganga pa. Napangiwi siya. Pakiramdam niya tuloy ay hindi bagay sa kanya ang suot niya dahil walang nagsasalita. “A-ang ganda mo, ma’am!” Puri ng babaeng staff ng makabawi sa pagkabigla. “Yes, mommy! You looked so pretty po!” Papuri din ng kanyang anak. “Oh my god! Bagay na bagay sayo, Freya!” Tili ni Raven. Napatakip pa siya ng tenga dahil sa boses nito. Lumapit ito sa kanya at pinaikot siya. “Perfect! Sigurado ako na ikaw ang magiging pinakamagandang bride sa kasaysayan!” Napangiwi siya. Minsan talaga may pagka-OA ang kaibigan niya. She chose a Long Sleeve Fishtail Wedding Dress Mori Style. Lalong lumabas ang hubog ng katawan niya
TUWANG-tuwa si Rose habang sakay sila ng sasakyan pabalik sa bahay-bakasyunan ni Alexander. Ito kasi ang hiling ng anak nila kaya pinagbigyan nilang dalawa. Dalawang buwan nalang ay ikakasal na silang dalawa. Ang gusto ni Alexander ay madaliin nila ang kasal nila. Hindi niya kung bakit ito nagmamadali. Simula ng makulong ang mag inang sina Vina at Olivia ay napansin niya na minsan ay tahimik ito at parang malalim ang iniisip. Kaya naisip niya na baka may problema ito. Ayaw naman niyang madaliin ang kasal dahil para sa kanya ay napakahalaga nito. Gusto niyang paghandaan ang kasal nilang dalawa. Matagal na niyang pangarap ang makasal kay Alexander kaya gusto niya sana na paghandaan ito at hindi madaliin. “I don’t know, Bruce. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya. Yes, I know. Alam ko naman na hindi ko malilihin ito habang buhay.” Kausap ni Alexander sa kaibigan niyang si Bruce sa cellphone. Narito sila ngayon sa bayan kaya may signal ang phone nito. At hindi sinasadyang narin
HININTAY ni Freya na sabihin ni Alexander na mali ang narinig niya, na hindi totoo ang sinasabi ng daddy nito pero nanatiling tikom ang bibig ni Alexander. “S-sabihin mo nga sa akin, Alexander. A-ano bang kalokohan ang sinasabi ng daddy mo?” Nagsimulang mabasag ang kanyang tinig. Hindi! Nabibingi lang siya! Hindi totoo ang sinasabi ng matandang kaharap nila. Gusto lang nito na magkahiwalay sila ni Alexander—pero bakit gano’n. Bakit imbis na itanggi nito ang sinasabi ng daddy nito ay nanatiling tikom ang bibig nito? S-saka bakit namumula ang mga mata nito at nakatingin sa kanya na parang humihingi ng tawad? “You heard it right, Miss Davis. Ang anak kong si Alexander ang may kasalanan kaya namatay ang magulang mo. Nahuli ng magulang mo na nagcheat itong anak ko kaya umalis sila ng masama ang loob. At nabangga sila dahil hinabol sila ni Alexander. Gano’n kadesparado ang anak ko na makuha ang posisyon sa Evans Industry kaya sinubukan niyang habulin ang magulang mo. Ngayon sabihin mo sa
Dalawang linggo na simula ng huli silang magkausap—o mas tamang sabihin na hindi niya ito kinakausap. Wala itong ginawa kundi pumunta sa office at maghintay sa kanya. Pero hindi pa siya handang harapin ito. Hanggang ngayon ay napakasama ng loob niya sa ginawa nito sa kanila. Alas dose na. Nagugutom na siya pero hindi naman siya makalabas dahil nasa lobby si Alexander at naghihintay sa kanya. Nang mapatingin siya sa singsing na nasa daliri ay napabuntong-hininga siya. Tumingala siya para labanan ang pag iinit ng sulok ng kanyang mata. Aaminin niya na miss na miss na niya ito. Hindi siya sanay na hindi ito ang una niyang nakikita sa tuwing gigising siya. Hindi siya sanay na hindi ito kasabay kumain. Hindi siya sanay na walang Alexander na nakangiti at babati sa kanya ng ‘good morning’ at ‘good evening.’ She missed him. Pero gusto niya munang alisin sa puso niya ang sama ng loob niya bago sila mag usap. Naniniwala siya na hindi pwedeng magsama ang dalawang tao na may sama pa ng loob