LIKE 👍
Dalawang linggo na simula ng huli silang magkausap—o mas tamang sabihin na hindi niya ito kinakausap. Wala itong ginawa kundi pumunta sa office at maghintay sa kanya. Pero hindi pa siya handang harapin ito. Hanggang ngayon ay napakasama ng loob niya sa ginawa nito sa kanila. Alas dose na. Nagugutom na siya pero hindi naman siya makalabas dahil nasa lobby si Alexander at naghihintay sa kanya. Nang mapatingin siya sa singsing na nasa daliri ay napabuntong-hininga siya. Tumingala siya para labanan ang pag iinit ng sulok ng kanyang mata. Aaminin niya na miss na miss na niya ito. Hindi siya sanay na hindi ito ang una niyang nakikita sa tuwing gigising siya. Hindi siya sanay na hindi ito kasabay kumain. Hindi siya sanay na walang Alexander na nakangiti at babati sa kanya ng ‘good morning’ at ‘good evening.’ She missed him. Pero gusto niya munang alisin sa puso niya ang sama ng loob niya bago sila mag usap. Naniniwala siya na hindi pwedeng magsama ang dalawang tao na may sama pa ng loob
NAPAIYAK si Freya ng maramdaman ang mahigpit na yakap ni Alexander sa kanya kasabay ng pangako nito. “Hindi na, Freya. Nangangako ako sayo na hindi na ako ulit maglilihim. Salamat kasi bumalik ka. A-akala ko hindi mo na ako babalikan.” Inilingan niya si Alexander. “Ako hindi babalik? Hindi mangyayari ‘yon, no. Mahal na mahal kaya kita, kaya bakit kita iiwan? Umalis lang naman ako kasi masama ang loob ko. Pero hindi ibig sabihin no’n ay aalis na ako at hindi babalik.” Nahihiyang iniwas niya ang tingin. “Pangarap ko kayang makasal sayo… kaya bakit ako lalayo.” Napangiti si Alexander sa sinabi ni Freya. Kinabig niya itong muli at niyakap. Inaamin niya na sobra siyang natakot na baka hindi siya mapatawad ni Freya. Maisip palang niya na magkakalayo silang muli ay nasasaktan na siya. Mahal na mahal niya ang mag ina at alam niyang hindi siya magiging masaya kapag nawala ang mga ito sa kanya. Lumayo si Freya sa kanya at pinakita ang daliri. “Nakita mo itong singsing? Hindi ko inalis s
KUMUNOT ang noo ni Mike ng maramdaman na mayro’ng kamay na humahaplos sa kanyang dibdib. Hindi nito mapigilan ang mapaung0l, mainit ang kamay na humahagod sa kanyang dibdib pababa sa kanyang matigas na tiyan— “What the fvck, Rose!” Bulalas ni Mike ng matauhan. Nang magising siya ay nakapatong na sa kanya si Rose na tanging manipis na nighties lamang ang suot. Mukhang bago itong paligo dahil mamasa-masa pa ang buhok nito. Tinabig niya ito paalis sa ibabaw niya. “Ano bang ginagawa mo? Nahihibang ka na ba?!” Bukas na ang butones ng polo ni Mike, maging ang kanyang sinturon ay nakatanggal na. Marahil dahil sa pagod kaya hindi siya nagising habang ginagawa ito sa kanya ni Rose. “Mike naman. Mag asawa naman tayo, ah. Walang mali sa ginagawa ko.” Hinabol ni Rose ang asawa ng tumayo ito at umalis ng kama. Nang hawakan niya ito sa braso ay malakas nitong tinabig ang kamay niya. Nasaktan man siya ay hindi niya ito pinahalata. Ayaw niyang bigyan si Mike ng dahilan para sabihin na nag iinart
HABANG abala ang lahat sa paghahanda at pagluluto sa malaki at malawak na kusina sa tahanan ng mag asawang Grayson.m, hindi nakaligtas sa mata ni Freya ang pananahimik ng kanyang anak na si Rose. Nilapitan ito ng ginang at hinawakan sa balikat at nag aalalang tinanong. “May problema ba, anak? Napansin ko kasi kanina ka pa tulala at parang may malalim na iniisip.” Bumuntong-hininga ang ginang. “Kung iniisip mo ang sinabi ng daddy mo tungkol do’n. Wag mo nalang siyang pansinin. Alam mo naman ang daddy mo. Mukhang impatient, pero hindi naman.” Parehong natawa ang dalawa. Ang tinutukoy nito ay ang pagbibiro ng daddy niya na gusto na nito magkaro’n ng apo. Alam ni Rose na nagbibiro lang ang kanyang ama, subalit hindi niya maiwasang isipin ang tungkol sa bagay na ‘yon. Tumingin si Ross sa kanyang ina ng hawakan nito ang kamay niya. “Don’t pressure yourself, anak.” Ngumiti si Rose sa mommy niya at pilit na tinago ang lungkot niya. “I understand po, mommy. Wag kayong mag alala dahil hin
TINAKIP ni Rose ang dalawang kamay sa bibig para itago ang tunog ng kanyang paghikbi. Nagmamadali siyang pumunta ng restroom dito saglit na umiyak. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin. Puno ng kalungkutan ang mga mata niya. Ngumiti siya—subalit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Parang niloloko lang niya ang sarili niya na maging masaya. Pagkatapos niyang ayusin ang mukha ay nakangiting lumabas siya ng restroom. Napahawak siya sa dibdib sa gulat ng makita ang kapatid niyang prenteng nakaupo sa kama. “Frank…” napaatras si Freya ng nakapamulsang tumayo ang kanyang kapatid. Puno ng kalamigan ang awra nito, walang emosyon o anumang ekspresyon ang mukha nito ng lumapit sa kanya. Kung si Rose ay kamukhang-kamukha ng kanilang ina, si Frank naman ay kamukhang-kamukha ng kanilang ama. Ang lahat ay napapalunok at napapaatras sa nakaka-intimidate nitong awra. Hindi ito kayang tingnan ng sinuman sa kaniyang mga mata. Nang sandaling iniwas ni Rose ang mata sa kapatid, ay aga
Pinahid ni Rose ang luha ng marinig na bumukas ang pintuan ng kwarto nila ni Mike. Mali, kwarto lang pala niya. Hindi naman kasi nagtatagal ang asawa niya sa kwarto nilang mag asawa simula ng ikasal silang dalawa. Makita palang siya nitong papasok ay agad na itong umaalis. Mas gusto nito ang mag isa sa study room o kaya ay matulog sa guest room kesa ang makatabi siya sa kanilang kama. At sobrang sakit no’n para sa kanya. Hinanda ni Rose ang pinakamagandang ngiti na pwede niyang ibigay sa kanyang asawa bago siya humarap dito. Pero agad na nabahiran ng pag aalala ang kanyang mukha ng makitang may sugat ito sa gilid ng labi. “Mike, ano ang nangyari bakit may sugat ka?” Wala pa ito kanina bago siya umakyat ng silid nilang mag asawa. Ang naiwan na kausap ni Mike ay ang daddy at kapatid niyang si Frank. Nagpapahinga na kasi ang mommy at ninang niya sa kanya-kanyang guest room na tinutuluyan ng mga ito. Pumunta si Rose sa bathroom at kinuha ang first aid kit na naroon. Pagkabalik niya s
“Ano ba ang ginagawa mo, Frank? Hindi ba sinabi ko naman sayo na okay kami ng asawa ko? Hindi mo siya kailangan saktan at lalong hindi mo dapat ako pakialamanan. Malaki na ako, Frank. Saka mas matanda ako sayo kaya hindi mo ako kailangan alalahanin katulad noon!” Ani Ross sa kapatid ng umalis na ang kanilang ama. Natauhan lamang siya pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng ‘yon sa kapatid niya. “I…I’m sorry, Frank. H-hindi mo kasi ako naiintindihan.“ Hindi naman magkakaganito si Mike kung hindi dahil sa ginawa niya. Kaya nga naiintindihan niya kung saan nagmumula ang galit nito para sa kanya. Imbes magalit sa sinabi ni Ross ay lumapit si Frank sa kapatid at tinapik ito sa balikat. “I’m sorry. Nadala lang ako ng galit ko kaya hindi ako nakapagpigil. Hindi ko lang kasi matanggap na… na parang hindi na ikaw ang Rose na kilala ko, namin. Do you see how lonely your eyes now? Hindi na kitang nakitang ngumiti ng totoo, Rose.” Iniwas ni Rose ang tingin. Kahit na halos anim na taon ang tand
"Ahhh!" Napahinto sila sa pagpasok sa kwarto ng makarinig sila ng sigaw. Agad na tumakbo si Mike pababa ng hagdan para bumaba. Dali-dali naman na sinundan ni Rose ang asawa. Pumasok ito sa guest room kung saan naroon ang kapatid na si Sofia. "K-kuya!" Naabutan nila itong nasa bathroom, n*******d at may bula sa katawan. Mabilis na kumuha si Mike ng tuwalya at binalot ito sa katawan ng kapatid bago ito binuhat papunta sa ibabaw ng kama. Umiiyak na yumakap si Sofia sa leeg ni Mike. "K-kuya, ang sakit ng katawan ko. H-hindi ako makagalaw." Bumaling si Mike kay Rose na nakatingin lang sa dalawa. "Dalhin mo ang mga medical tools ko dito, Rose. Kailangan ni Sofia na masuri agad!" Sumunod siya sa utos ni Mike. Pagbalik niya ay nakatingin lang siya sa asawa niya habang sinusuri nito ang dalaga. Mukhang nasaktan talaga ito dahil panay ang daing at iyak nito. "There's no trace of injury." Nagtatakang binaba ni Mike ang hawak na stethoscope. "Dadalhin kita sa hospital ngayon para ma-ct sca