LIKE 👍
Pinahid ni Rose ang luha ng marinig na bumukas ang pintuan ng kwarto nila ni Mike. Mali, kwarto lang pala niya. Hindi naman kasi nagtatagal ang asawa niya sa kwarto nilang mag asawa simula ng ikasal silang dalawa. Makita palang siya nitong papasok ay agad na itong umaalis. Mas gusto nito ang mag isa sa study room o kaya ay matulog sa guest room kesa ang makatabi siya sa kanilang kama. At sobrang sakit no’n para sa kanya. Hinanda ni Rose ang pinakamagandang ngiti na pwede niyang ibigay sa kanyang asawa bago siya humarap dito. Pero agad na nabahiran ng pag aalala ang kanyang mukha ng makitang may sugat ito sa gilid ng labi. “Mike, ano ang nangyari bakit may sugat ka?” Wala pa ito kanina bago siya umakyat ng silid nilang mag asawa. Ang naiwan na kausap ni Mike ay ang daddy at kapatid niyang si Frank. Nagpapahinga na kasi ang mommy at ninang niya sa kanya-kanyang guest room na tinutuluyan ng mga ito. Pumunta si Rose sa bathroom at kinuha ang first aid kit na naroon. Pagkabalik niya s
“Ano ba ang ginagawa mo, Frank? Hindi ba sinabi ko naman sayo na okay kami ng asawa ko? Hindi mo siya kailangan saktan at lalong hindi mo dapat ako pakialamanan. Malaki na ako, Frank. Saka mas matanda ako sayo kaya hindi mo ako kailangan alalahanin katulad noon!” Ani Ross sa kapatid ng umalis na ang kanilang ama. Natauhan lamang siya pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng ‘yon sa kapatid niya. “I…I’m sorry, Frank. H-hindi mo kasi ako naiintindihan.“ Hindi naman magkakaganito si Mike kung hindi dahil sa ginawa niya. Kaya nga naiintindihan niya kung saan nagmumula ang galit nito para sa kanya. Imbes magalit sa sinabi ni Ross ay lumapit si Frank sa kapatid at tinapik ito sa balikat. “I’m sorry. Nadala lang ako ng galit ko kaya hindi ako nakapagpigil. Hindi ko lang kasi matanggap na… na parang hindi na ikaw ang Rose na kilala ko, namin. Do you see how lonely your eyes now? Hindi na kitang nakitang ngumiti ng totoo, Rose.” Iniwas ni Rose ang tingin. Kahit na halos anim na taon ang tand
"Ahhh!" Napahinto sila sa pagpasok sa kwarto ng makarinig sila ng sigaw. Agad na tumakbo si Mike pababa ng hagdan para bumaba. Dali-dali naman na sinundan ni Rose ang asawa. Pumasok ito sa guest room kung saan naroon ang kapatid na si Sofia. "K-kuya!" Naabutan nila itong nasa bathroom, n*******d at may bula sa katawan. Mabilis na kumuha si Mike ng tuwalya at binalot ito sa katawan ng kapatid bago ito binuhat papunta sa ibabaw ng kama. Umiiyak na yumakap si Sofia sa leeg ni Mike. "K-kuya, ang sakit ng katawan ko. H-hindi ako makagalaw." Bumaling si Mike kay Rose na nakatingin lang sa dalawa. "Dalhin mo ang mga medical tools ko dito, Rose. Kailangan ni Sofia na masuri agad!" Sumunod siya sa utos ni Mike. Pagbalik niya ay nakatingin lang siya sa asawa niya habang sinusuri nito ang dalaga. Mukhang nasaktan talaga ito dahil panay ang daing at iyak nito. "There's no trace of injury." Nagtatakang binaba ni Mike ang hawak na stethoscope. "Dadalhin kita sa hospital ngayon para ma-ct sca
"ROSE, MIKE, pasensyahan niyo ng dalawa si Sofia. Sa palagay ko ay nasasaktan lang siya sa ginawa ni Mike noon sayo, Rose. Kahit na madalas kayong hindi magkasundo ay alam naman natin na nag-aalala pa rin siya sayo. H-hindi lang siguro niya matanggap na nagawa iyon ng Kuya Mike niya." Ani Raven ng makabalik ang mag asawa sa hapag. Wala na sa mesa ang magulang ni Rose, umalis ang mga ito ng hindi nagpaalam sa kanilang mag asawa. Alam niyang ginawa 'yon ng magulang niya, lalo na nang daddy niya, para hindi lumaki ang tensyon na maaring mauwi sa gulo. Napaigtad si Rose ng malakas na ihampas ni Mike ang kamao sa mesa bago sila nito iniwan. "Rose," hinawakan ng Ninang Raven niya ang kamay. "Habaan mo pa sana ang pasensya sa anak ko. Wag mo sana siyang bitiwan at sukuan. Wala akong nakikitang ibang babae na nararapat sa kanya kundi ikaw lang. Tuparin mo ang pinangako mo kay ninang na hindi siya mo siya iiwan, ha?" Yumuko si Rose. Kinagat niya ng napakadiin ang labi upang pigilan ang sa
HANGGANG sa kwarto ay nagpupuyos sa galit si Rose kay Sofia. Hindi niya makuha kung anong palabas ang ginagawa nito. At kung bakit kung umasta ito ay parang wala talagang nalalaman. Malakas na bumukas ang pintuan at galit na pumasok si Mike. “Damn it, Rose! Alam mo naman na may asthma si Sofia, pero hindi ka man lang naawa! Ganyan ka ba kawalang puso kaya kahit malapit na kababata mo hindi mo mapagbigyan sa maliit na bagay na ‘to?” “Hindi mapagbigyan? Hindi ba ikaw itong may kasalanan sa ating dalawa? Bakit ako pa ang masama?” Pagak itong natawa. “Look who’s talking.” Tinalikuran niya si Mike. Wala siyang maibato pabalik dahil sa kasalanan niya. Hanggang kailan magiging ganito ang lahat? “Ang gusto ko lang naman ay bigyan mo ng halaga ang pagiging mag asawa nating dalawa, Mike. Ano ba ang mahirap do’n?” Humarap si Rose ng may katatagan sa asawa. “Maliit na bagay lang ‘yon para sayo pero sa akin ay napakahalaga noon.” Naging blanko ang ekspresyon ni Mike. Malamig nitong ti
KUMUYOM ang kamao ni Rose. Napakagaling nitong magpanggap na wala itong alam. Naglabas ng pera si Sofia sa wallet na dala. “Hindi ako nagpunta dito para makipag-away, Rose. Gusto ko lang naman itong ihatid dahil sabi ni Kuya Mike ay asawa ka parin niya kaya kailangan niyang bigyan ka kahit maliit na halaga.” Tiningnan lang ni Rose ang perang inabot ni Sofia sa kanya. “Wag mo sanang masamain ang pagbigay sayo nito ni kuya. Alam naman niya na hindi mo kailangan ng pera dahil napakayaman mo na—“ tinabig ni Rose ang kamay nito dahilan para kumalat ang pera. “Tinatanong kita kung bakit ginagawa mo ‘to? Bakit umaarte ka sa harap ng asawa ko na wala kang alam sa ginawa ko? Bakit pinagmumukha mong pati ikaw ay nabilog ko? Sumagot ka, Sofia.” Nanginginig ang kamay ni Rose sa panggigigil rito. Gusto niyang paliparin ang kamay sa mukha nito. Tumingin si Sofia sa nagkalat na pera. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi nito. Nabigla si Rose ng lumuhod ito at nagsimulang umiyak habang dina
“ROSE, nagagalit ka ba dahil mas gusto akong kasama ni Kuya Mike sayo?” Ngumiti si Sofia, subalit hindi si Rose maloloko ng mga ito. Mga bata palang sila ay kilala na niya ang ugali ng babaeng ito. “Kasalanan mo naman kung bakit ganito ang buhay mo ngayon, Rose. Wag kang magalit sa ibang tao o manisi ng iba dahil ginusto mo ‘to. Ikaw ang pumili nito.” Akmang sasampalin ito ni Rose ng makarinig ng malakas na katok sa pinto. Pumasok si Mike. Nang makita nito si Rose ay sumenyas itong sumunod ang asawa. Nang makarating sila ng study room ay umupo ito sa kamyang swivel chair. “Mag usap tayo.” Ani Mike. Hindi sumagot si Rose. Hanggang ngayon ay sumusulak parin ang dugo niya kay Sofia. “Simula ngayon ay gusto kong bigyan ng karapatan si Sofia sa loob ng pamamahay na ito. Hindi siya ibang tao sa akin dahil kapatid ko siya. Gusto kong igalang mo rin ang kagustuhan niya dito.“ Malakas na binagsak ni Rose ang kamao sa ibabaw ng mesa ng kanyang asawa. “Karapatan? Are you out of your mind, Mi
TUNOG lamang ng utensils ang maririnig sa buong hapagkainan. Kanina lang naririnig ni Rose ang kwentuhan at tawanan nina Mike at Sofia. Subalit ng dumating siya ay parang naging madilim ang lahat. Siya pa ang parang outsider sa kanilang tahanan. Pinahid niya ang gilid ng labi, bago tumingin kay Mike. "Sinabi mo na ba sa kanya na hindi ko siya binibigyan ng karapatan sa bahay na 'to katulad ng sinabi ko sayo kagabi?" "Pinag-usapan na natin ito, Rose." "At hindi ako sumang ayon sa gusto." May diin na wika ni Rose. Binalingan niya si Sofia. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang sugat nito sa noo. Ito ba ang dahilan kaya galit si Mike sa kanya kagabi? "Saan mo nakuha ang sugat na 'yan?" Tanong niya. Subalit imbes na sagutin siya ay yumuko ito, na parang natatakot. Sa kanya ba? "I'm asking you, Sofia. Saan mo nakuha ang sugat na 'yan?" Gustong itago ni Rose ang emosyon, subalit nagsisimula na siyang magalit dahil sa inaakto ng babae sa harapan nilang mag asawa. Nagpapakita ng takot ang