Share

92. Pakialamera

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2024-08-22 02:48:41
KUMUYOM ang kamao ni Rose. Napakagaling nitong magpanggap na wala itong alam. Naglabas ng pera si Sofia sa wallet na dala. “Hindi ako nagpunta dito para makipag-away, Rose. Gusto ko lang naman itong ihatid dahil sabi ni Kuya Mike ay asawa ka parin niya kaya kailangan niyang bigyan ka kahit maliit na halaga.”

Tiningnan lang ni Rose ang perang inabot ni Sofia sa kanya.

“Wag mo sanang masamain ang pagbigay sayo nito ni kuya. Alam naman niya na hindi mo kailangan ng pera dahil napakayaman mo na—“ tinabig ni Rose ang kamay nito dahilan para kumalat ang pera.

“Tinatanong kita kung bakit ginagawa mo ‘to? Bakit umaarte ka sa harap ng asawa ko na wala kang alam sa ginawa ko? Bakit pinagmumukha mong pati ikaw ay nabilog ko? Sumagot ka, Sofia.” Nanginginig ang kamay ni Rose sa panggigigil rito. Gusto niyang paliparin ang kamay sa mukha nito.

Tumingin si Sofia sa nagkalat na pera. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi nito. Nabigla si Rose ng lumuhod ito at nagsimulang umiyak habang dina
SEENMORE

LIKE 👍

| 5
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Remy Medrina
hay naku!!!! nkaka stress ang kwentong ito
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   93. Basura

    “ROSE, nagagalit ka ba dahil mas gusto akong kasama ni Kuya Mike sayo?” Ngumiti si Sofia, subalit hindi si Rose maloloko ng mga ito. Mga bata palang sila ay kilala na niya ang ugali ng babaeng ito. “Kasalanan mo naman kung bakit ganito ang buhay mo ngayon, Rose. Wag kang magalit sa ibang tao o manisi ng iba dahil ginusto mo ‘to. Ikaw ang pumili nito.” Akmang sasampalin ito ni Rose ng makarinig ng malakas na katok sa pinto. Pumasok si Mike. Nang makita nito si Rose ay sumenyas itong sumunod ang asawa. Nang makarating sila ng study room ay umupo ito sa kamyang swivel chair. “Mag usap tayo.” Ani Mike. Hindi sumagot si Rose. Hanggang ngayon ay sumusulak parin ang dugo niya kay Sofia. “Simula ngayon ay gusto kong bigyan ng karapatan si Sofia sa loob ng pamamahay na ito. Hindi siya ibang tao sa akin dahil kapatid ko siya. Gusto kong igalang mo rin ang kagustuhan niya dito.“ Malakas na binagsak ni Rose ang kamao sa ibabaw ng mesa ng kanyang asawa. “Karapatan? Are you out of your mind, Mi

    Huling Na-update : 2024-08-22
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   94. Asawa ko

    TUNOG lamang ng utensils ang maririnig sa buong hapagkainan. Kanina lang naririnig ni Rose ang kwentuhan at tawanan nina Mike at Sofia. Subalit ng dumating siya ay parang naging madilim ang lahat. Siya pa ang parang outsider sa kanilang tahanan. Pinahid niya ang gilid ng labi, bago tumingin kay Mike. "Sinabi mo na ba sa kanya na hindi ko siya binibigyan ng karapatan sa bahay na 'to katulad ng sinabi ko sayo kagabi?" "Pinag-usapan na natin ito, Rose." "At hindi ako sumang ayon sa gusto." May diin na wika ni Rose. Binalingan niya si Sofia. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang sugat nito sa noo. Ito ba ang dahilan kaya galit si Mike sa kanya kagabi? "Saan mo nakuha ang sugat na 'yan?" Tanong niya. Subalit imbes na sagutin siya ay yumuko ito, na parang natatakot. Sa kanya ba? "I'm asking you, Sofia. Saan mo nakuha ang sugat na 'yan?" Gustong itago ni Rose ang emosyon, subalit nagsisimula na siyang magalit dahil sa inaakto ng babae sa harapan nilang mag asawa. Nagpapakita ng takot ang

    Huling Na-update : 2024-08-23
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   95. Siya pa rin ba?

    PAGKAPASOK ni Rose sa kwarto ay parang wala siya sa sarili na pumasok sa bathroom upang maligo. Lahat ng inis kay Sofia at sama ng loob kay Mike ay parang bulang nabura ng marinig ang sinabi nito kanina. 'Asawa ko' Ang sarap pakinggang, ang sarap sa pakiramdam. Ito ang kauna-unahang narinig niya 'yon sa labi ni Mike. Sa kabila ng galit nito sa kanya ay asawa parin pala ang turing nito sa kanya. Mabilis lang siyang naligo dahil may plano siya ngayong araw. Gano'n nalang ang pagsinghap ni Rose sa gulat ng paglabas niya ng banyo ay nadatnan niyang prenteng nakaupo si Mike sa gilid ng kama. Nang dumating si Rose ay agad na tumayo si Mike. Handa na siyang lapitan ang asawa, subalit natigilan ng makita ang ayos nito. Tumalikod siya at binaling sa iba ang tingin. "Humingi ka ng sorry kay Sofia, Rose. Kung ayaw mong gawin 'yon sa harapan ko, gawin mo kahit na wala ako." "Ibabalik mp na naman ang bagay na 'yan, Mike? Sa tingin mo pinapairal ko lang ang pride ko?" Humigpit ang pagkakahawak

    Huling Na-update : 2024-08-23
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   96. Masamang balita

    Two years ago. “Rose, saan ka pupunta?” Pinakita ni Rose ang dalang mga lunch boxes sa kamyang ina at nakangiting sumagot. “Sa hospital po, mommy. Baka kasi hindi pa kumakain si Mike. Saka baka kasi namiss niya ang luto ko.” Sabik na sabik siyang makita ang binata. Halos dalawang buwan din siyang nawala at nanatili sa America para alagaan ang Lolo Alexis niyang nagkasakit. Nagkatinginan sina Alexander at Freya. Hindi naman nakaligtas sa mata ni Rose ang pag-aalala sa mukha ng dalawa. Pinahid ng kanyang ama ang gilid ng labi bago nagsalita. “Tapusin mo muna ang pagkain mo, Rose. May sasabihin kami ng mommy mo sayo.” “Pero, dad, busog na po ako.” Bumuntong-hininga ito, katulad ni Freya ay hindi nito alam kung paano sasabihin sa anak ang totoo. “Princess, I think that’s a bad idea.” Naguluhan si Rose sa sinabi ng ama. “Mike is getting married, Rose. Ikakasal na siya sa iba kaya tigilan mo na ang paghahabol sa kanya.” “N-no.” Parang bombang sumabog ito sa pandinig ni Rose. H

    Huling Na-update : 2024-08-23
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   97. Kasalanan

    “Alam ko.“ matipid na sagot ni Rose. Noon pa man ay hindi na nila gusto ang isa’t isa. Kaya ano ang ginagawa ng babaeng ito dito? Narito ba ‘to para pagtawanan siya? Kumuyom ang kamay niya. “Kung nandito ka para pagtawanan ako ay makakaalis ka na.” “Hindi ako nandito para pagtawanan ka, Rose. Nandito ako para tulungan kang makuha si Kuya Mike. Alam ko naman na hindi ako naging mabuti sayo. Alam mo din na hindi kita gusto para sa kuya ko. Pero mas hindi ko gusto ang babaeng ‘yon, Rose. Hindi naman talaga niya mahal ang Kuya Mike ko. Kaya kahit ayaw ko sayo ay tutulungan kita.” “Ano ang ibig mong sabihin?” Malungkot na tumango si Sofia. “Oo, Rose. Noong nakaraang araw lang, nakita ko siyang may kahalikan na ibang lalaki sa harapan mismo ng hospital kung saan nagtatrabaho si kuya. Hindi ako papayag na magpakasal si kuya sa katulad niya. Kaya kung mahal mo ang kuya ko, papayag ka sa lahat ng plano ko.“ Kumuyom ang kamay ni Rose. Ang kapal ng mukha ng babaeng ‘yon na lokohin si Mike. K

    Huling Na-update : 2024-08-23
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   98. Pagbalik

    SAKA lamang natauhan sa pagbabaliktanaw si Rose ng marinig ang malamig na boses ni Mike. “Hindi mababago ng pagmamahal mo ang lahat ng ginawa mo sa akin, Rose.” Para itong patalim na bumaon sa kanyang puso. Naiwan siyang mag isa habang lumuluha. ‘S-sabihin mo ang totoo sa kanila, Rose! N-nagmamakaawa ako!’ Tinakpan ni Rose ang bibig ng kanyang kamay at saka humagulgol ng iyak. Tandang-tanda niya kung paano lumuhod sa harapan niya si Mike at magmakaawa na sabihin niya sa kanilang pamilya ang totoo, subalit maging bingi siya sa kagustuhang mapasakanya ito. “M-mike, sorry… sorry talaga…” NAGKATINGINAN sina Freya at Raven ng mapansin na kanina pa hindi nagsasalita sa Rose. Narito sila ngayon sa isang Medical Mission para magvolunteer. Nagpasya silang isama dito si Rose dahil nasa US pa si Mike para umattend ng General Assembly at kinatawan ng ospital nito. Sinama nila si Rose dito upang malibang. Napapansin nila na bukod sa pagsisilbi kay Mike ay hindi na ito masyadong umaalis n

    Huling Na-update : 2024-08-23
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   99. Arte

    "Alam mo naman na hindi ako kumakain ng gulay, di'ba? Kaya bakit hindi ka nagluto ng gulay?" Mababa ang tono na tanong ni Sofia, na gustong ikaikot ng mata ni Rose. Habang kumakain ay walang ginawa si Sofia kundi ibida ang pamamasyal kasama si Mike, ngunit ang lalaki ay tahimik lang at patuloy sa maganang pagkain. Hindi maiwasan ni Rose na alalahanin noong mga bata pa sila. Kinakausap pa siya ni Mike, kinukwentuhan, at kinakamusta. Napakalayo ng tagpong 'to sa meron silang dalawa noon. "Rose, para nga pala sayo." May kinuha na paper bag si Sofia. "Ako ang bumili ng regalo para sayo. Pinilit ko pa nga si Kuya Mike dahil ayaw ka niyang bilhan ng regalo. Si kuya talaga, walang ka-sweetan sa katawan." Hindi si Rose nagsalita at hindi hinawakan ang nilapag ni Sofia na paper bag sa gilid niya, ni ang suklian ang ngiti nito ay hindi niya magawa. Kailangan pa bang ipagdiinan ng babaeng 'to na hindi gusto ng asawa niyang bilhan siya ng regalo? "Kuya Mike, nasaan na nga pala 'yung binil

    Huling Na-update : 2024-08-23
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   100. Ngiti

    “SIGURADO ka bang effective ‘to, Ninang Raven?” Tanong ni Rose habang hawak ang botelya ng gamot na hinihingi niya dito. “Oo naman, Rose. Sigurado na magdamag na bakbakan sa ibabaw ng kama ang magagawa ng sinumang uminom ni’yan.” Sagot nito. “Sandali, kilala ko ba sa mga kaibigan mo ang nagpaparesetea nito?” “Ah opo, Ninang… m-malapit na kasi silang ikasal, kailangan nila ng pampatagal.” Pagsisinungaling ni Rose sa ninang niya, kahit ang totoo ay gagamitin niya ito kay Mike. Alam niyang hindi kailangan nito ni Mike, pero kung ito ang paraan para may mangyari sa kanila, gagamitin niya ito. Bahala na. Habang sakay si Rose ng kotse pauwi, dumaan muna siya sa isang restaurant para magtake out ng pagkain na dadalhin niya sa hospital. Hindi na siya naglunch sa bahay ng ninang niya dahil baka mamaya ay mabuko nito na hindi para sa kaibigan niya ang pinareseta niyang pampagana sa pakikipagtalik. Pagkatapos bumili ng pagkain ay muli siyang bumalik sa kotse niya. Kumunot ang noo ni Rose

    Huling Na-update : 2024-08-23

Pinakabagong kabanata

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   397. WAKAS ♥️

    “Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   396.

    Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   395.

    [Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   394.

    Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   393.

    Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   392.

    “Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   391.

    Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   390.

    “Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   389.

    Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k

DMCA.com Protection Status