LIKE 👍
"Alam mo naman na hindi ako kumakain ng gulay, di'ba? Kaya bakit hindi ka nagluto ng gulay?" Mababa ang tono na tanong ni Sofia, na gustong ikaikot ng mata ni Rose. Habang kumakain ay walang ginawa si Sofia kundi ibida ang pamamasyal kasama si Mike, ngunit ang lalaki ay tahimik lang at patuloy sa maganang pagkain. Hindi maiwasan ni Rose na alalahanin noong mga bata pa sila. Kinakausap pa siya ni Mike, kinukwentuhan, at kinakamusta. Napakalayo ng tagpong 'to sa meron silang dalawa noon. "Rose, para nga pala sayo." May kinuha na paper bag si Sofia. "Ako ang bumili ng regalo para sayo. Pinilit ko pa nga si Kuya Mike dahil ayaw ka niyang bilhan ng regalo. Si kuya talaga, walang ka-sweetan sa katawan." Hindi si Rose nagsalita at hindi hinawakan ang nilapag ni Sofia na paper bag sa gilid niya, ni ang suklian ang ngiti nito ay hindi niya magawa. Kailangan pa bang ipagdiinan ng babaeng 'to na hindi gusto ng asawa niyang bilhan siya ng regalo? "Kuya Mike, nasaan na nga pala 'yung binil
“SIGURADO ka bang effective ‘to, Ninang Raven?” Tanong ni Rose habang hawak ang botelya ng gamot na hinihingi niya dito. “Oo naman, Rose. Sigurado na magdamag na bakbakan sa ibabaw ng kama ang magagawa ng sinumang uminom ni’yan.” Sagot nito. “Sandali, kilala ko ba sa mga kaibigan mo ang nagpaparesetea nito?” “Ah opo, Ninang… m-malapit na kasi silang ikasal, kailangan nila ng pampatagal.” Pagsisinungaling ni Rose sa ninang niya, kahit ang totoo ay gagamitin niya ito kay Mike. Alam niyang hindi kailangan nito ni Mike, pero kung ito ang paraan para may mangyari sa kanila, gagamitin niya ito. Bahala na. Habang sakay si Rose ng kotse pauwi, dumaan muna siya sa isang restaurant para magtake out ng pagkain na dadalhin niya sa hospital. Hindi na siya naglunch sa bahay ng ninang niya dahil baka mamaya ay mabuko nito na hindi para sa kaibigan niya ang pinareseta niyang pampagana sa pakikipagtalik. Pagkatapos bumili ng pagkain ay muli siyang bumalik sa kotse niya. Kumunot ang noo ni Rose
Hindi maalis ni Rose ang tingin niya kay Mike habang kumakain silang silang dalawa. Hindi siya makapaniwala na mas pinili nitong samahan siyang kumain kesa sa mga katrabaho nito. Nang mapansin ni Mike ang tingin ng asawa ay binaba nito ang utensils at kunot ang noo na tumingin rito. "Why? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" "Gusto ko, Mike... gustong-gusto ko. Lalo na't kasabay kita ngayong kumain." "Palagi naman tayong sabay kumain, Rose. Ano ang bago dito?" Lumabi si Rose bago sumagot sa asawa. "Pero hindi na tayo kumain sa labas simula ng ikasal tayong dalawa." Natigilan ito sa sinabi niya ngunit hindi na nagsalita. Buong durasyon ng kanilang pagkain ay hindi maalis ang mata niya kay Mike. Natatakot siya na baka kapag kumurap siya, ay magising siya at malaman na panaginip lang ito. Alam niyang para sa asawa niya ay isang simpleng pagkain lang ito sa labas, subalit para sa kanya ay hindi ito simpleng pagkain lang—pakiramdam niya ay nasa isang date silang dalawa. "Tapos ka na?" Taka
Nanlisik ang mata ni Sofia habang hawak ang pisngi. Napahiyaw si Rose sa pagkabigla ng sabunutan siya nito sa buhok. Gusto nito ng sakitan? Pwes pagbibigyan niya ito! Napahiyaw ito ng sabunutan din ito niya ito sa buhok. Sobra ang panggigil niya kay Sofoa, gusto niyang alisin ang lahat ng buhok nito! "Let me go! Isusumbong kita kay Kuya Mike!" Pagak siyang natawa. "Isusumbong? Go, ahead bitch! Hindi ako natatakot! Marunong kang umarte? Pwes, marunong din ako, Sofia! Sumusobra ka na!" "A-ahhh!" Hiyaw ni Sofia ng bumaon ang kuko ni Rose sa anit niya. Sabay silang natigilan ng makarinig ng tunog ng yabag papalapit. Napaisip si Rose. Sino ang dumating? Imposible naman na si Mike ito. "Bitiwan mo na ako, Rose. Gusto mo bang makita nila tayo sa ganitong ayos? Paano kung sila mommy 'yan? Mahiya ka naman—ahhh..." daíng nito ng ibaon lalo ni Rose ang kuko sa anit nito. "Ako pa ang dapat mahiya? Ikaw ang unang nanakit sa ating dalawa at hindi ako. Kaya ikaw ang mahiya! Nakikitira ka
Hindi alam ni Rose kung paano siya nakauwi sa kanilang bahay. Tulala siya at hanggang ngayon ay wala siya sa sarili. Hindi niya akalain na magsisinungaling si Sofia at sasabihin na siya ang may kasalanan sa pagkahulog nito sa hagdan. Ang masakit, hindi naniwala sa kanya ang asawa niya at ang Ninang Raven niya na wala siyang kasalanan."Ma'am Rose, nasa kabilang linya po ang mommy niyo. Gusto daw po kayong makausap." Imporma ng kasambahay."H-hello, mommy." "My god, princess! Nag aalala na kami ng daddy mo sayo. Hindi ka namin makausap simula kahapon. Where are you? Is everything alright? Hindi sinasagot ng Ninang Raven mo at ng asawa mo ang tawag ko."Tinakpak ni Rose ang bibig upang walang umalpas sa boses mula dito. Hindi niya gustong marinig ng kanyang ina ang impit niyang pag iyak. "E-everything is fine, mommy. Maraming salamat po sa pag aalala niyo ni daddy. Parang gusto ko tuloy bumalik sa inyo at magpa-baby." Nakakamiss noong bata pa siya... walang problema, masaya at hindi p
Mike kissed her lips aggressively. Hindi inaasahan ni Rose ang paghalik ng asawa sa kanya ng tuluyang napatid ang pagtitimpi nito sa kanya. Kung ito lang pala ang sagot para makulong sa bisig ni Mike ay matagal na niya itong ginawa.Nalasahan niya ang dugo sa kanyang labi dahil sa marahas na paraan nito ng paghalik. Nang bumitaw si Mike ng halik, nakita ni Rose na pareho ng mapungay ang kanilang mga mata sa pagnanasa... and they both craving for more. "You will regret this, Rose... big time." Marahas na hinawakan ni Mike ang batok ng asawa at muling sinibasib ito ng marahas na halik sa labi, habang ang kanyang malaking kamay ay pumipiga sa hubad nitong dibdib. Tumulo ang luha ni Rose ng tuluyang mapunit ang pagkabirhen niya ng makapasok ang sandaťa ni Mike sa pagkabábáe niya. Naghahalo ang sakit at saya na nararamdamn niya dahil tuluyan ng nag isa ang katawan nilang dalawa. Matagal na niyang hinihintay na maganap ito sa pagitan nilang dalawa ng asawa niya. Pakiramdam niya ay ganap n
DAIG pa niya ang estranghero sa sarili nilang bahay. Simula ng lumabas si Sofia ng hospital at may nangyari sa kanila ni Mike, naging parang hangin na siya sa dalawa. Lalong tumaas ang pader sa pagitan nilang dalawang mag asawa. Matulin na lumipas ang dalawang buwan. Malungkot na hinawakan ni Rose ang wedding picture nilang dalawa ni Mike. Siya lang ang nakangiti sa litrato nilang dalawa. Siya lang ang masaya... "Ang Sir Mike niyo nasa'an?" Tanong niya ng makababa ng hagdan. Akmang sasagot na ang kasambahay ng unahan ito ni Sofia sa pagsagot. "Gusto mo talagang malaman? Bakit hindi siya sundan, Rose?" Hindi ito pinansin ni Rose subalit muli itong nagsalita. "Ang ungrateful mo naman, Rose. Magpasalamat ka nga sa akin dahil nakiusap ako kay Kuya Mike na huwag sabihin sa pamilya mo ang ginawa mo sa akin." Hindi makapaniwalang tumingin si Rose dito. "Gusto mo na maging grateful pa ako sa ginawang kasinungalingan? We know the truth, Sofia. Hindi kita tinulak!" "Pero hindi alam nil
HINDI siya makikipaghiwalay kay Mike. Kahit na ano ang mangyari. Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Rose sa isip. Yakap niya ang katawan sa bathtub habang patuloy sa pagluha. Hindi niya matanggap na kaya siyang hiwalayan ng gano’n kadali pagkatapos ng may mangyari sa kanila. Hubo’t hubàd siya ng lumabas ng kwarto. Umupo siya sa harapan ng vanity mirror, tinitigan ang sarili. Nanlalalim ang kanyang mga mata. Dalawang araw na siyang umiiyak at hindi makakain ng maayos. Hindi niya magawang lumabas sa kwarto dahil sa takot na bigyan na namam siya ng asawa ng divorce paper. Narinig ni Rose ang pagbukas ng pinto. Dali-dali siyang tumakbo at pumasok ng banyo, nilock niya ang pinto at hinayaan ang katok. Batid niyang ang asawa ang dumating. Dahil walang ibang tao ang pumapasok sa kanyang ng hindi kumakatok maliban sa kanyang asawa. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa pagitan ng tuhod, hindi niya matandaan kung gaano siya katagal sa gano’ng posisyon, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatu
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k