Pagkarating ni Rose sa hospital, pinuntahan niya agad si Mike sa opisina nito. Ngunit pagdating niya ay wala ito roon. Naghintay siya ng dalawang oras subalit hindi dumating si Mike. Sinubukan niya itong tawagan, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Nagsimula bahain ng hindi magandang senaryo ang kanyang isip. “S-stop thinking those negative thoughts, Rose. P-Para sa anak niyo, ingatan mo ang sarili mo.” Kausap ni Rose sa kanyang sarili. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, agad siyang tumayo at yumakap sa asawa. Nabigla si Mike ng yumakap sa kanya si Rose. Napakatamis ng ngiti nito sa labi habang nakatingala sa kanya. Inalis nito ang nakapulupot na braso ng asawa sa kanyang katawan. “Ano ang ginagawa mo dito, Rose? Hindi ba nagbilin ako na huwag kang pupunta dito? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!” “Mike—“ “Damn it, Rose! Stop calling my name! It’s disgusting when it comes from your mouth! Kung hindi dahil sa divorce ang pinunta mo dito, makakaalis ka na.” Sa na
LUMAPIT ang isang nurse kay Mike upang sabihin na kailangan na ito Operating Room. "Doc. Grayson, magsisimula na ang operation kay Mr. Ong in ten minutes. Kailangan na kayo sa OR." "Susunod ako." Ilang saglit pang tinitigan ni Mike ang hawak na cellphone bago ito ibinulsa. Kung ano man ang drama ni Rose, wala siyang panahon dito. Hindi siya madadala sa pagpapaawa nito. Simula ng maging CEO si Mike, madalang na siyang magsagawa ng operasyon. Ngunit dahil kilala at mayamang pamilya si Mr. Ong, hindi matanggihan ni Mike ang gusto ng pamilya na siya ang magsagawa ng operasyon dito. Isa ito sa maaari na maging Potential Investors ng kanilang hospital. Isang karangalan ang mapagkatiwalaan ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Asia. Pagdating sa Operation Room, agad na nagsimula ang operasyon, na sa palagay ni Mike ay tatagal lamang ng dalawang oras. "Success!" Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng matagumpay na operasyon sa matanda. "Congratulations, Doc. Grayson. Napakahusay mo ta
Lumuluhang yumakap kay Mike ang kanyang ina. "W-wala na tayong magagawa, anak. Ipagdasal nalang natin na magising si Rose at matanggap niya ang nangyari sa inyong anak. Ngayong palang ay nasasaktan na ako, Mike. Bilang ina, alam kong mahirap tanggapin 'to... alam kong napakahirap at masakit itong tanggapin dahil matagal ng gusto ni Rose na magkaroon kayong dalawa ng ng anak. N-nakakaawa ang asawa mo anak... h-hindi man lang niya nakasama at nakita ang anak ninyong dalawa." Parehong nagulantang ang mag ina ng may humahangos na dumating na nurse. "D-Doc. ang asawa niyo, nagse-seizure!" "Diyos ko!" Natarantang usal ng ginang. Agad nilang tinungo ang kinaroroonan ni Rose. Napakabigat man ng kalooban ni Mike, at puno ng pagsisisi, kinaikailangan niyang maging matatag para sa kanyang asawa. Nawala na ang kanilang anak, hindi na siya papayag na pati ito ay mawala. Kahit retired na doktor si Raven, tumulong siya sa anak na si Mike upang isalba ang buhay ni Rose. Habang nire-revive nila ito
HINDI mapakali si Mike habang sakay ng kotse pabalik sa bahay. Umuwi siya para personal na kumuha ng gamit ni Rose. Ngunit ng paakyat na siya ng kwarto, bigla siyang may naalala. Akmang pababa na siya ng masalubong si Sofia.“Kuya! I missed you!” Malambing na yumakap si Sofia sa kapatid, habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa kanyang labi. “Kuya Mike, bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Namiss mo ba ako? Ikaw kasi, bakit kailangan mong bantayan si Rose sa hospital. Di’ba hihiwalayan mo na siya? Bakit kailangan mo pang bantayan siya? Hindi mo na siya dapat alalahanin dahil hindi niya deserve ang pag aalala mo.”Natigilan si Mike sa sinabi ni Sofia. Nang mapansin ito ng babae ay pinalungkot nito ang mukha at mahinang umiyak. “Sorry, Kuya Mike ha. Hanggang ngayon kasi ay naaalala ko ang ginawa niya sa akin, pati ang panloloko niya sayo. Naaawa ako sa sinapit niya pero mas nangingibabaw ang galit ko dahil iniputan ka niya sa ulo. N-napakasama ni Rose, Kuya Mike. U-umaarte lang pala siy
NAKADAMA ng takot ang lahat ng mga staff at pasyente ng hospital, halos mapuno ang hospital ng mga armadong kalalakihan. Sa pasilyo, kung nasaan ang kinaroronan ng kwarto ni Rose, maririnig ang malakas na iyak ni Freya, galit na galit ito kay Mike sa sinapit ng kanyang prinsesa. Itinuring nila itong prinsesa sa pamilya, minahal nila ito ng sobra, ngunit sasaktan lamang ito ng iba? Ang mas ikinagagalit ng mag asawa, nalaman nilang mas inuna nito ang ibang tao kesa sa sariling asawa at anak.“Sir, nasa labas ang asawa ni Ma’am Rose—“ hindi naituloy ng tauhan ang sasabihin ng magsimulang maghisterikal ang among babae.“Alexander, ayokong makita ang asawa ni Rose! Dahil sa kanya ay nawala ang ating apo! H-hindi ko siya mapapatawad!”Tumiim ang bagang ni Alexander, niyakap nito ang asawa at pinatahan. “Calm down, wife.”“A-ang sakit, Alexander. N-nakita mo ba ang kalagayan ng ating anal? P-Parang wala na siyang buhay… narinig mo naman ang sinabi ng doktor na nakausap natin kanina, di’ba? M
TULUYAN ng napigtas ang pagtitimpi ni Alexander. Lumapit ito kay Mike, at saka ito sinuntok ng malakas sa mukha, kaya ito ay napasalampak ng upo sa lapag. "Hindi kailangan ng anak ko ang isang tulad mo, Mike. Simula ng saktan mo ang anak ko at ilagay ang buhay niya sa alanganin, nawalan ka na nang karapatan na manatili sa tabi niya. Sa oras na ipilit mo ang gusto mo ay hindi lamang ang lahat ng meron kayo ang kukunin ko sa inyo... papatayin kita!" Alam ni Raven na hindi nagbibiro ang asawa ng kaibigan, halos magmakaawa ito sa anak na sumama sa kanila ni Sofia. Hinila niya ito palayo sa ama ni Rose, na matindi ang galit ngayon sa kanyang anak, natatakot ito na baka hindi lang suntok ang matanggap ni Mike mula dito. "Narinig mo ang sinabi ni dad? Umalis ka na, Mike. Hindi ka na kailangan ng kapatid ko!" Taboy ni Frank kay Mike. Pinahid ni Mike ang labi, tumayo siya at matatag na nagsalita. "Hindi ako aalis dito. Hindi ako papayag na ilipat niyo ng ibang hospital ang asawa ko—ughh!
“Kuya Mike, tama na! Wala ka ng magagawa dahil nangyari na ang dapat mangyari. Pwede ka na maging masaya dahil malaya ka na ngayon.” Hindi pinakinggan ni Mike ng kapatid. Napatili sa gulat si Sofia ng malakas na suntukin ni Mike si Frank sa mukha. “Ilabas niyo ang asawa ko! Hindi ako naniniwala na makakapirma siya na ganyan ang kalagayan! Doktor ako, alam kong imposible ang sinasabi mo! Umalis ka sa harapan ko! Gusto kong makita ang asawa ko!” Nakakuha na nang atensyon ang pagsigaw ni Mike sa pangalan nito, subalit wala siyang pakialam, ang tanging mahalaga lamang sa kanya ngayon ay makita ang asawa. Sa galit ni Frank ay inundayan niya nang suntok si Mike sa mukha, agad naman itong gumanti sa kanya. Hinayaan ni Mike na saktan siya dahil malaki ang kasalanan niya. Ngunit kung ang pagganti ngayon ang paraan para makapasok sa kwarto ng asawa, hindi siya magdadalawang isip na makipagbuan kay Frank. Humahangos na dumating si Raven, na galing sa pagbili ng pagkain. Nakita ng ginang ang
KANINA pa nakatingin si Mike sa mga pulang rosas na nakalagay sa flower vase na nasa kanyang mga mesa habang hinihintay ang private investigator na inutusan niyang hanapin si Rose. Nang makarinig ng katok sa pinto ay tumayo si Mike, siya mismo ang nagbukas dito. Kalmado siya ang kung titingnan, ngunit ang totoo ay nanabahala siya sa matatanggap na report. Ito ang pang-limang private investigator na inupahan niya upang upang hanapin ang kanyang asawa. Nang makaupo ang private investigator, hindi nagsayang ng oras si Mike, agad nitong tinanong ang lalaki tungkol kay Rose. “Natagpuan mo ba kung nasaan ang asawa ko? Nasa anong bansa siya? Anong hospital? Magaling na ba siya?” Magkakasunod na tanong ni Mike, umaasa na kahit isa sa kanyang mga tanong ay may maisasagot ang private investigator. Ngunit ang pag asam nito ay dagling nabura ng marinig ang sagot nito. “Pasensya ka na, Mr. Grayson, subalit hindi ko nahanap anh kinaroroonan ng asawa mo. Wala siya sa mga bansang sinabi mo.” Sagli