LIKE 👍
KUMUYOM ang kamao ni Rose. Napakagaling nitong magpanggap na wala itong alam. Naglabas ng pera si Sofia sa wallet na dala. “Hindi ako nagpunta dito para makipag-away, Rose. Gusto ko lang naman itong ihatid dahil sabi ni Kuya Mike ay asawa ka parin niya kaya kailangan niyang bigyan ka kahit maliit na halaga.” Tiningnan lang ni Rose ang perang inabot ni Sofia sa kanya. “Wag mo sanang masamain ang pagbigay sayo nito ni kuya. Alam naman niya na hindi mo kailangan ng pera dahil napakayaman mo na—“ tinabig ni Rose ang kamay nito dahilan para kumalat ang pera. “Tinatanong kita kung bakit ginagawa mo ‘to? Bakit umaarte ka sa harap ng asawa ko na wala kang alam sa ginawa ko? Bakit pinagmumukha mong pati ikaw ay nabilog ko? Sumagot ka, Sofia.” Nanginginig ang kamay ni Rose sa panggigigil rito. Gusto niyang paliparin ang kamay sa mukha nito. Tumingin si Sofia sa nagkalat na pera. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi nito. Nabigla si Rose ng lumuhod ito at nagsimulang umiyak habang dina
“ROSE, nagagalit ka ba dahil mas gusto akong kasama ni Kuya Mike sayo?” Ngumiti si Sofia, subalit hindi si Rose maloloko ng mga ito. Mga bata palang sila ay kilala na niya ang ugali ng babaeng ito. “Kasalanan mo naman kung bakit ganito ang buhay mo ngayon, Rose. Wag kang magalit sa ibang tao o manisi ng iba dahil ginusto mo ‘to. Ikaw ang pumili nito.” Akmang sasampalin ito ni Rose ng makarinig ng malakas na katok sa pinto. Pumasok si Mike. Nang makita nito si Rose ay sumenyas itong sumunod ang asawa. Nang makarating sila ng study room ay umupo ito sa kamyang swivel chair. “Mag usap tayo.” Ani Mike. Hindi sumagot si Rose. Hanggang ngayon ay sumusulak parin ang dugo niya kay Sofia. “Simula ngayon ay gusto kong bigyan ng karapatan si Sofia sa loob ng pamamahay na ito. Hindi siya ibang tao sa akin dahil kapatid ko siya. Gusto kong igalang mo rin ang kagustuhan niya dito.“ Malakas na binagsak ni Rose ang kamao sa ibabaw ng mesa ng kanyang asawa. “Karapatan? Are you out of your mind, Mi
TUNOG lamang ng utensils ang maririnig sa buong hapagkainan. Kanina lang naririnig ni Rose ang kwentuhan at tawanan nina Mike at Sofia. Subalit ng dumating siya ay parang naging madilim ang lahat. Siya pa ang parang outsider sa kanilang tahanan. Pinahid niya ang gilid ng labi, bago tumingin kay Mike. "Sinabi mo na ba sa kanya na hindi ko siya binibigyan ng karapatan sa bahay na 'to katulad ng sinabi ko sayo kagabi?" "Pinag-usapan na natin ito, Rose." "At hindi ako sumang ayon sa gusto." May diin na wika ni Rose. Binalingan niya si Sofia. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang sugat nito sa noo. Ito ba ang dahilan kaya galit si Mike sa kanya kagabi? "Saan mo nakuha ang sugat na 'yan?" Tanong niya. Subalit imbes na sagutin siya ay yumuko ito, na parang natatakot. Sa kanya ba? "I'm asking you, Sofia. Saan mo nakuha ang sugat na 'yan?" Gustong itago ni Rose ang emosyon, subalit nagsisimula na siyang magalit dahil sa inaakto ng babae sa harapan nilang mag asawa. Nagpapakita ng takot ang
PAGKAPASOK ni Rose sa kwarto ay parang wala siya sa sarili na pumasok sa bathroom upang maligo. Lahat ng inis kay Sofia at sama ng loob kay Mike ay parang bulang nabura ng marinig ang sinabi nito kanina. 'Asawa ko' Ang sarap pakinggang, ang sarap sa pakiramdam. Ito ang kauna-unahang narinig niya 'yon sa labi ni Mike. Sa kabila ng galit nito sa kanya ay asawa parin pala ang turing nito sa kanya. Mabilis lang siyang naligo dahil may plano siya ngayong araw. Gano'n nalang ang pagsinghap ni Rose sa gulat ng paglabas niya ng banyo ay nadatnan niyang prenteng nakaupo si Mike sa gilid ng kama. Nang dumating si Rose ay agad na tumayo si Mike. Handa na siyang lapitan ang asawa, subalit natigilan ng makita ang ayos nito. Tumalikod siya at binaling sa iba ang tingin. "Humingi ka ng sorry kay Sofia, Rose. Kung ayaw mong gawin 'yon sa harapan ko, gawin mo kahit na wala ako." "Ibabalik mp na naman ang bagay na 'yan, Mike? Sa tingin mo pinapairal ko lang ang pride ko?" Humigpit ang pagkakahawak
Two years ago. “Rose, saan ka pupunta?” Pinakita ni Rose ang dalang mga lunch boxes sa kamyang ina at nakangiting sumagot. “Sa hospital po, mommy. Baka kasi hindi pa kumakain si Mike. Saka baka kasi namiss niya ang luto ko.” Sabik na sabik siyang makita ang binata. Halos dalawang buwan din siyang nawala at nanatili sa America para alagaan ang Lolo Alexis niyang nagkasakit. Nagkatinginan sina Alexander at Freya. Hindi naman nakaligtas sa mata ni Rose ang pag-aalala sa mukha ng dalawa. Pinahid ng kanyang ama ang gilid ng labi bago nagsalita. “Tapusin mo muna ang pagkain mo, Rose. May sasabihin kami ng mommy mo sayo.” “Pero, dad, busog na po ako.” Bumuntong-hininga ito, katulad ni Freya ay hindi nito alam kung paano sasabihin sa anak ang totoo. “Princess, I think that’s a bad idea.” Naguluhan si Rose sa sinabi ng ama. “Mike is getting married, Rose. Ikakasal na siya sa iba kaya tigilan mo na ang paghahabol sa kanya.” “N-no.” Parang bombang sumabog ito sa pandinig ni Rose. H
“Alam ko.“ matipid na sagot ni Rose. Noon pa man ay hindi na nila gusto ang isa’t isa. Kaya ano ang ginagawa ng babaeng ito dito? Narito ba ‘to para pagtawanan siya? Kumuyom ang kamay niya. “Kung nandito ka para pagtawanan ako ay makakaalis ka na.” “Hindi ako nandito para pagtawanan ka, Rose. Nandito ako para tulungan kang makuha si Kuya Mike. Alam ko naman na hindi ako naging mabuti sayo. Alam mo din na hindi kita gusto para sa kuya ko. Pero mas hindi ko gusto ang babaeng ‘yon, Rose. Hindi naman talaga niya mahal ang Kuya Mike ko. Kaya kahit ayaw ko sayo ay tutulungan kita.” “Ano ang ibig mong sabihin?” Malungkot na tumango si Sofia. “Oo, Rose. Noong nakaraang araw lang, nakita ko siyang may kahalikan na ibang lalaki sa harapan mismo ng hospital kung saan nagtatrabaho si kuya. Hindi ako papayag na magpakasal si kuya sa katulad niya. Kaya kung mahal mo ang kuya ko, papayag ka sa lahat ng plano ko.“ Kumuyom ang kamay ni Rose. Ang kapal ng mukha ng babaeng ‘yon na lokohin si Mike. K
SAKA lamang natauhan sa pagbabaliktanaw si Rose ng marinig ang malamig na boses ni Mike. “Hindi mababago ng pagmamahal mo ang lahat ng ginawa mo sa akin, Rose.” Para itong patalim na bumaon sa kanyang puso. Naiwan siyang mag isa habang lumuluha. ‘S-sabihin mo ang totoo sa kanila, Rose! N-nagmamakaawa ako!’ Tinakpan ni Rose ang bibig ng kanyang kamay at saka humagulgol ng iyak. Tandang-tanda niya kung paano lumuhod sa harapan niya si Mike at magmakaawa na sabihin niya sa kanilang pamilya ang totoo, subalit maging bingi siya sa kagustuhang mapasakanya ito. “M-mike, sorry… sorry talaga…” NAGKATINGINAN sina Freya at Raven ng mapansin na kanina pa hindi nagsasalita sa Rose. Narito sila ngayon sa isang Medical Mission para magvolunteer. Nagpasya silang isama dito si Rose dahil nasa US pa si Mike para umattend ng General Assembly at kinatawan ng ospital nito. Sinama nila si Rose dito upang malibang. Napapansin nila na bukod sa pagsisilbi kay Mike ay hindi na ito masyadong umaalis n
"Alam mo naman na hindi ako kumakain ng gulay, di'ba? Kaya bakit hindi ka nagluto ng gulay?" Mababa ang tono na tanong ni Sofia, na gustong ikaikot ng mata ni Rose. Habang kumakain ay walang ginawa si Sofia kundi ibida ang pamamasyal kasama si Mike, ngunit ang lalaki ay tahimik lang at patuloy sa maganang pagkain. Hindi maiwasan ni Rose na alalahanin noong mga bata pa sila. Kinakausap pa siya ni Mike, kinukwentuhan, at kinakamusta. Napakalayo ng tagpong 'to sa meron silang dalawa noon. "Rose, para nga pala sayo." May kinuha na paper bag si Sofia. "Ako ang bumili ng regalo para sayo. Pinilit ko pa nga si Kuya Mike dahil ayaw ka niyang bilhan ng regalo. Si kuya talaga, walang ka-sweetan sa katawan." Hindi si Rose nagsalita at hindi hinawakan ang nilapag ni Sofia na paper bag sa gilid niya, ni ang suklian ang ngiti nito ay hindi niya magawa. Kailangan pa bang ipagdiinan ng babaeng 'to na hindi gusto ng asawa niyang bilhan siya ng regalo? "Kuya Mike, nasaan na nga pala 'yung binil