Share

77. Kiss

‘Ang anak ko!’

Nang magmulat si Freya ng mata ang anak niya agad ang unang pumasok sa isip niya. Agad na nag alala siya na baka may nangyari na ditong masama. Kaya kahit masakit ang katawan niya ay pinilit niyang bumangon. Pero agad ding bumagsak si Freya sa higaan dahil wala siyang lakas. Sobrang sakit ng tagiliran niya. Kumalat ang kirot no’n sa buong katawan niya.

‘Nasaan si Rose? Bakit si Alexander lang ang nandito?’ Maliban kay Alexander ay wala ng ibang tao sa silid. Kaya naman hindi niya maiwasan ang mag alala na baka napano na ang anak nila.

“Freya.” Hinawakan ni Alexander ang kamay niya.

“Alexander, ang anak natin? N-nasaan siya?” Naalala niya ang mga nangyari. Ang pagharang sa kanila, ang mga kalalakihan, ang pgtangay ng mga ito sa anak niya.

‘Diyos ko hindi!’ Kahit nanghihina ay nagawa niyang kumapit sa laylayan ng suot ni Alexander at nanginginig ang mga kamay sa takot na hinanap ang anak nila. “A-ang anak natin, Alexander, nasaan siya? L-Ligtas siya, di’ba? Sabi
SEENMORE

LIKE 👍

| 8
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Sarah Diaz
napakagandang storya 🫰🫰🫰
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status