LIKE 👍
BUMUGA ng hangin si Freya bago lumabas ng fitting room. Narito sila ngayon sa isang kilalang Wedding Gown Boutique. Ngayon araw kasi ang dating ng wedding gown na pinagawa niya. At ngayong araw din ang pagsusukat niya. Napatulala ang lahat ng makita siya, lalo na ang mga staff na lalaking naroon. Maging ang kaibigan niyang si Raven ay napanganga pa. Napangiwi siya. Pakiramdam niya tuloy ay hindi bagay sa kanya ang suot niya dahil walang nagsasalita. “A-ang ganda mo, ma’am!” Puri ng babaeng staff ng makabawi sa pagkabigla. “Yes, mommy! You looked so pretty po!” Papuri din ng kanyang anak. “Oh my god! Bagay na bagay sayo, Freya!” Tili ni Raven. Napatakip pa siya ng tenga dahil sa boses nito. Lumapit ito sa kanya at pinaikot siya. “Perfect! Sigurado ako na ikaw ang magiging pinakamagandang bride sa kasaysayan!” Napangiwi siya. Minsan talaga may pagka-OA ang kaibigan niya. She chose a Long Sleeve Fishtail Wedding Dress Mori Style. Lalong lumabas ang hubog ng katawan niya
TUWANG-tuwa si Rose habang sakay sila ng sasakyan pabalik sa bahay-bakasyunan ni Alexander. Ito kasi ang hiling ng anak nila kaya pinagbigyan nilang dalawa. Dalawang buwan nalang ay ikakasal na silang dalawa. Ang gusto ni Alexander ay madaliin nila ang kasal nila. Hindi niya kung bakit ito nagmamadali. Simula ng makulong ang mag inang sina Vina at Olivia ay napansin niya na minsan ay tahimik ito at parang malalim ang iniisip. Kaya naisip niya na baka may problema ito. Ayaw naman niyang madaliin ang kasal dahil para sa kanya ay napakahalaga nito. Gusto niyang paghandaan ang kasal nilang dalawa. Matagal na niyang pangarap ang makasal kay Alexander kaya gusto niya sana na paghandaan ito at hindi madaliin. “I don’t know, Bruce. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya. Yes, I know. Alam ko naman na hindi ko malilihin ito habang buhay.” Kausap ni Alexander sa kaibigan niyang si Bruce sa cellphone. Narito sila ngayon sa bayan kaya may signal ang phone nito. At hindi sinasadyang narin
HININTAY ni Freya na sabihin ni Alexander na mali ang narinig niya, na hindi totoo ang sinasabi ng daddy nito pero nanatiling tikom ang bibig ni Alexander. “S-sabihin mo nga sa akin, Alexander. A-ano bang kalokohan ang sinasabi ng daddy mo?” Nagsimulang mabasag ang kanyang tinig. Hindi! Nabibingi lang siya! Hindi totoo ang sinasabi ng matandang kaharap nila. Gusto lang nito na magkahiwalay sila ni Alexander—pero bakit gano’n. Bakit imbis na itanggi nito ang sinasabi ng daddy nito ay nanatiling tikom ang bibig nito? S-saka bakit namumula ang mga mata nito at nakatingin sa kanya na parang humihingi ng tawad? “You heard it right, Miss Davis. Ang anak kong si Alexander ang may kasalanan kaya namatay ang magulang mo. Nahuli ng magulang mo na nagcheat itong anak ko kaya umalis sila ng masama ang loob. At nabangga sila dahil hinabol sila ni Alexander. Gano’n kadesparado ang anak ko na makuha ang posisyon sa Evans Industry kaya sinubukan niyang habulin ang magulang mo. Ngayon sabihin mo sa
Dalawang linggo na simula ng huli silang magkausap—o mas tamang sabihin na hindi niya ito kinakausap. Wala itong ginawa kundi pumunta sa office at maghintay sa kanya. Pero hindi pa siya handang harapin ito. Hanggang ngayon ay napakasama ng loob niya sa ginawa nito sa kanila. Alas dose na. Nagugutom na siya pero hindi naman siya makalabas dahil nasa lobby si Alexander at naghihintay sa kanya. Nang mapatingin siya sa singsing na nasa daliri ay napabuntong-hininga siya. Tumingala siya para labanan ang pag iinit ng sulok ng kanyang mata. Aaminin niya na miss na miss na niya ito. Hindi siya sanay na hindi ito ang una niyang nakikita sa tuwing gigising siya. Hindi siya sanay na hindi ito kasabay kumain. Hindi siya sanay na walang Alexander na nakangiti at babati sa kanya ng ‘good morning’ at ‘good evening.’ She missed him. Pero gusto niya munang alisin sa puso niya ang sama ng loob niya bago sila mag usap. Naniniwala siya na hindi pwedeng magsama ang dalawang tao na may sama pa ng loob
NAPAIYAK si Freya ng maramdaman ang mahigpit na yakap ni Alexander sa kanya kasabay ng pangako nito. “Hindi na, Freya. Nangangako ako sayo na hindi na ako ulit maglilihim. Salamat kasi bumalik ka. A-akala ko hindi mo na ako babalikan.” Inilingan niya si Alexander. “Ako hindi babalik? Hindi mangyayari ‘yon, no. Mahal na mahal kaya kita, kaya bakit kita iiwan? Umalis lang naman ako kasi masama ang loob ko. Pero hindi ibig sabihin no’n ay aalis na ako at hindi babalik.” Nahihiyang iniwas niya ang tingin. “Pangarap ko kayang makasal sayo… kaya bakit ako lalayo.” Napangiti si Alexander sa sinabi ni Freya. Kinabig niya itong muli at niyakap. Inaamin niya na sobra siyang natakot na baka hindi siya mapatawad ni Freya. Maisip palang niya na magkakalayo silang muli ay nasasaktan na siya. Mahal na mahal niya ang mag ina at alam niyang hindi siya magiging masaya kapag nawala ang mga ito sa kanya. Lumayo si Freya sa kanya at pinakita ang daliri. “Nakita mo itong singsing? Hindi ko inalis s
KUMUNOT ang noo ni Mike ng maramdaman na mayro’ng kamay na humahaplos sa kanyang dibdib. Hindi nito mapigilan ang mapaung0l, mainit ang kamay na humahagod sa kanyang dibdib pababa sa kanyang matigas na tiyan— “What the fvck, Rose!” Bulalas ni Mike ng matauhan. Nang magising siya ay nakapatong na sa kanya si Rose na tanging manipis na nighties lamang ang suot. Mukhang bago itong paligo dahil mamasa-masa pa ang buhok nito. Tinabig niya ito paalis sa ibabaw niya. “Ano bang ginagawa mo? Nahihibang ka na ba?!” Bukas na ang butones ng polo ni Mike, maging ang kanyang sinturon ay nakatanggal na. Marahil dahil sa pagod kaya hindi siya nagising habang ginagawa ito sa kanya ni Rose. “Mike naman. Mag asawa naman tayo, ah. Walang mali sa ginagawa ko.” Hinabol ni Rose ang asawa ng tumayo ito at umalis ng kama. Nang hawakan niya ito sa braso ay malakas nitong tinabig ang kamay niya. Nasaktan man siya ay hindi niya ito pinahalata. Ayaw niyang bigyan si Mike ng dahilan para sabihin na nag iinart
HABANG abala ang lahat sa paghahanda at pagluluto sa malaki at malawak na kusina sa tahanan ng mag asawang Grayson.m, hindi nakaligtas sa mata ni Freya ang pananahimik ng kanyang anak na si Rose. Nilapitan ito ng ginang at hinawakan sa balikat at nag aalalang tinanong. “May problema ba, anak? Napansin ko kasi kanina ka pa tulala at parang may malalim na iniisip.” Bumuntong-hininga ang ginang. “Kung iniisip mo ang sinabi ng daddy mo tungkol do’n. Wag mo nalang siyang pansinin. Alam mo naman ang daddy mo. Mukhang impatient, pero hindi naman.” Parehong natawa ang dalawa. Ang tinutukoy nito ay ang pagbibiro ng daddy niya na gusto na nito magkaro’n ng apo. Alam ni Rose na nagbibiro lang ang kanyang ama, subalit hindi niya maiwasang isipin ang tungkol sa bagay na ‘yon. Tumingin si Ross sa kanyang ina ng hawakan nito ang kamay niya. “Don’t pressure yourself, anak.” Ngumiti si Rose sa mommy niya at pilit na tinago ang lungkot niya. “I understand po, mommy. Wag kayong mag alala dahil hin
TINAKIP ni Rose ang dalawang kamay sa bibig para itago ang tunog ng kanyang paghikbi. Nagmamadali siyang pumunta ng restroom dito saglit na umiyak. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin. Puno ng kalungkutan ang mga mata niya. Ngumiti siya—subalit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Parang niloloko lang niya ang sarili niya na maging masaya. Pagkatapos niyang ayusin ang mukha ay nakangiting lumabas siya ng restroom. Napahawak siya sa dibdib sa gulat ng makita ang kapatid niyang prenteng nakaupo sa kama. “Frank…” napaatras si Freya ng nakapamulsang tumayo ang kanyang kapatid. Puno ng kalamigan ang awra nito, walang emosyon o anumang ekspresyon ang mukha nito ng lumapit sa kanya. Kung si Rose ay kamukhang-kamukha ng kanilang ina, si Frank naman ay kamukhang-kamukha ng kanilang ama. Ang lahat ay napapalunok at napapaatras sa nakaka-intimidate nitong awra. Hindi ito kayang tingnan ng sinuman sa kaniyang mga mata. Nang sandaling iniwas ni Rose ang mata sa kapatid, ay aga