LIKE 👍
Parehong nabigla sina Vina at Olivia sa sinabi ni Freya. “F-Fiance? A-ano ang ibig mong sabihin?” No, hindi ito totoo! Nabibingi lang ako!’ Isip-isip ni Olivia. Nang marinig ang sagot ni Freya ay daig pa ng babae ang sinampal. “Tama ang narinig niyo.” Tinaas ni Freya ang kamay para ipakita ang singsing. “Me and Alexander are getting married. Kaya tigilan mo na ang paghahabol sa fiance ko, Olivia. Dahil kahit anong habol mo sa kanya ay alam naman natin na hindi ka na niya babalikan. Dahil pareho nating alam na hindi ka naman niya mahal—“ Pumaling ang mukha ni Freya sa lakas ng sampal ni Vina. “At sa tingin mo ay papayag ako na pakasalan ka ng anak ko? Hindi ako makakapayag na pakasalan ka niya! Hindi kayo ang nababagay sa isa’t isa. Hindi ka namin matatanggap sa pamilya namin tandaan mo ‘yan! Kung may nararapat man sa anak ko, si Olivia lamang ‘yon at hindi ikaw!” Hinawakan ni Freya ang pisngi na hanggang ngayon ay namamanhid. She doesn’t want to shut her back dahil ito pa r
Ramdam ni Freya ang pangiginig ng kamay ni Alexander habang hawak nito ang kamay niya. Galit na galit ito at nakikita niya iyon sa gwapo nitong mukha. “Alexander.” Hinila niya ang kamay rito bago sila sumakay ng kotse. “I-I’m sorry.” Mahinang sambit niya habang nakayuko. Sobra siyang nakokonsensya sa nangyari. Dahil sa kanya ay nagkaroon pa ng alitan at ang mommy nito. Kasalanan niya ito. Kung sana ay hinabaan pa niya ang pasensya at hindi nalang sumagot. Hindi sana nangyari ito—naramdaman nalang niya ang pagyakap nito sa kanya. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Bakit gano’n? Mahal naman nila ni Alexander ang isa’t isa pero bakit ang daming tutol? Bakit hindi sila pwede na maging masaya? Bakit napakahirap na maabot no’n para sa kanilang dalawa? “You don’t have to apologize when you haven’t done anything. Wala kang kasalanan, Freya. You’re really brave when it comes to me. Kaya lalo kitang minamahal. Hindi tulad ko, ikaw ay malakas at matapang… kaya mong sabihin at
“ANO?! Ginawa nila sayo ‘yon?!” Halos umusok ang ilong ni Raven sa inis kina Olivia at Vina ng ikwento sa kanya ng kaibigang si Freya ang ginawa ng dalawa. “Alam mo, Freya. Nagtataka ako di’yan kay Mrs. Evans. Napansin mo ba? Mas anak pa ang turing niya kay Olivia. Eh sa tuwing may awards o may evenst ang bruhang si Olivia ay palagi siyang kasama. Daig pa nila ang magnanay. Sabagay. Hindi na ako magtataka kung bakit close silang dalawa. Sabi nga nila. Kapag magkapareho ng ugali… magkakasundo.” Sumilip muna si Raven para tiyakin na hindi sila maririnig ni Alexander. “In fairness ha. Nagawa ka nang ipaglaban ni Alexander. Hindi ka nag iisang humarap sa matandang bruhang ‘yon ngayon. My god! Kapag naaalala ko kung paano ka tingnan at tratuhin ng matandang ‘yon naiisip ko siyang ipakulam.” Pinaningkitan ni Freya ng mata si Raven ng maalala ang sinabi ni Alexander sa kanya. “Kailan ka pa natuto sa mga kulam-kulam na ‘yan.” Biro niya na nakataas ang kilay. “A-ah… n-nagpractice ako fi
Sinipat ng maayos ni Freya ang sarili sa salamin. Tama nga siya. Bagay na bagay sa kanya ang Red Evening Gown na ito. Pinadeliver nalang nila ito dahil sa nangyari sa shop. Good thing ay hindi pa ito nabibili ng iba. “Mommy, you look so beautiful.” Marahan niyang pinisil ang ilong ng anak. “Just like you, my princess.” Aniya. Isang red gown din ang suot ni Rose at may pagkakatulad da suot niya. Kaya naman kahit sinong makakita sa kanila ay agad na malalaman na mag ina sila. Tumitig siya sa kanyang anak. Tama nga si Alexander, kamukha-kamukha niya ang anak nila, maliban sa mga mata nito na namana nito sa daddy niya. Nang mapansin nito na nakatitig siya sa mukha nito ay ngumuso ito. “Do I really look beautiful, mommy?” Hindi niya maiwasan na matawa. “Why, princess? Mukha ba akong nagsisinungaling?” Lalong humaba ang nguso nito. “Si Mike kasi, eh. He said I’m not beautiful enough for him to like me.” “Sinabi ni Mike ‘yon?” Pinigilan niya ang mapangiti dahil baka magtampo
“Alexander, ano ang ibig mong sabihin?” Nagugulumihan niyang tanong. “Narito na tayo, Sir, Ma’am!” Imporma ng driver ni Alexander na si Ted. Nang lumingon si Freya kay Alexander ay nakababa na ito kasama si Rose. Gusto niya sanang marinig ang sagot nito pero ayaw naman niyang tanungin ito dahil may kausap na ito ngayon sa cellphone. Ano ba ang tatapusin ni Alexander ngayon gabi? Nang makakita si Rose ng maliit na aso ay bumitaw ito sa kamay ng ama. “Rose!” Tawag ni Freya ng makitang hinabol ng anak niya ang nakitang aso nito. Lumapit siya kay Alexander, pero napahinto din siya ng mapansin na napadilim ng mukha nito. Galit—iyon ang nakikita niya sa gwapo nitong mukha. Mukhang may problema sa Evan Industry kaya nagkakaganito ito. Bago habulin si Rose ay kay Ted nalang siya nagbilin na sabihin kay Alexander na hahanapin niya si Rose. “You freak! What have you done to my dress?!” Wala sana siyang balak pansinin ang ingay na ‘yon, pero ng makita niya pulang laylayan ng gow
Isa pang sampal ang pinatama ni Freya sa mukha ng matanda na lalong ikinalaki ng mata ni Olivia. “M-mommy.. huhuhu…” iyak ni Rose. Tumakbo ito palayo. Nanlaki ang mata ni Vina sa pagkabigla habang hawak ang pisnging nasaktan na namanhid sa sampal ni Freya. Nagawa siyang saktan ng babaeng ‘to? Hindi niya ito matatanggap! “You bitch—“ “Subukan mong saktan ako… hindi ako mangingiming sapakin ka sa oras na lumapat ang kamay mo sa balat ko!” Napaatras sa sindak sina Vina at Olivia. Base sa kanilang nakikita sa mukha ni Freya ay alam nilang hindi ito nagbibiro. Nang makita ng dalawa ang ama ni Alexander ay nagkaro’n sila ng lakas ng loob. Nakahanap sila ng kakampe. Lumuluhang tumakbo si Vina sa asawa at yumakap dito. “A-Alexis, mabuti at dumating ka. A-ang babaeng ‘yan! S-sinaktan niya kami ni Olivia.” Nilibot ng ginang ang mata sa paligid. Marami na ang mga bisita na nakapaligid sa kanila at narito na rin ang mga reporters na inupahan niyang ikalat ang balitang magaganap sa banq
WALANG nagawa ang pagpalag nina Vina at Olivia habang hatak sila ng mga alagad ng batas. “B-bitiwan niyo ako! Alexis, tulungan mo ako! Wag mo hayaan na makulong ako! Tandaan mo asawa mo pa rin ako! Alexis!” Hingi ng tulong ni Vina. “Alexander, utusan mo silang pakawalan kami ni Olivia! Alexander! Isa itong kahihiyan sa ating pamilya!” Luhaang tumingin si Olivia kay Vina. “Tita, ayokong makulong! A-alexander, narinig mo naman ang sinabi ni tita, di’ba? Tell them to let us go! Ahhh! No! Stay away from me! Let me go, Alexander!” Nagtagis ang bagang ni Alexander sa narinig. Instead of begging, they command him to tell the officers to let them go? The nerve of this two! Nabigla si Olivia ng lapitan siya ni Alexander at sakalin. Lahat ng naroon ay napasinghap sa ginawa ng lalaki. “Achhkk… b-bitiwan mo ako…” hindi makahinga si Olivia, halos mangitim na ang maputi nitong balat, subalit tila walang naririnig si Alexander, bingi siya sa matinding galit. Nang mapanood niya sa CCTV an
Malakas na natawa si Freya ng makita kung paano naningkit ang mata ni Alexander sa sinabi ng kanilang anak. “Hey,” bumulong ito sa kanya. “Ano ba ang meron sa Mike na ‘yon at nakit patay na patay ang anak natin sa kanya? Eh iyakin ‘yon, diba?” Tumatawang nginuso ni Freya ang anak nilang nakataas pa ang kilay na nakatingin sa kanilang dalawa na parang sinasabi na ‘naririnig ko kayong dalawa’ look. Mukhang paglaki ni Rose ay magiging overprotective si Alexander sa anak nila. Pagkatapos mag almusal ay hinatid sila ni Alexander sa bahay ni Raven. Tamang-tama dahil off ngayon ni Raven mula sa trabaho. Simula ng ampunin nito si Mike ay naglalaan na nang mas maraming oras si Raven sa bahay para makasama ang anak. Hindi katulad noon na kung hindi niya ibibilin ni Rose ay pipiliin nito ang magtrabaho. “Bye, Alexander. I love you. Tatawagan nalang kita mamaya. Hmm.” Narito na sila ngayon sa tapat ng bahay ni Raven. Hinila ni Alexander si Freya ng tumalikod agad ito ng hindi hinihintay an