Share

54. Init part-1

Walang pagsidlan ang saya nila Freya at Alexander habang magkahawak ang kamay na naglalakad papasok ng bahay. Basang-basa na silang dalawa.

“Dito ka lang, ikukuha kita ng tuwalya—“ hindi pinatapos ni Alexander si Freya na magsalita. Agad niya itong niyakap ng mahigpit. “Alexander, basang-basa na tayo… baka magsakit tayo nito. Pwede mo naman ako yakapin mamaya.”

“Hayaan mo muna akong yakapin ka. I missed hugging you like this.”

Napangiti Freya at saka gumanti ng yakap. Maski din naman siya ay namiss ang mga yakap at halik ni Alexander. Natakot lang siya aminin dahil kumplikado pa ang sitwasyon. Pero ngayon na nalaman na niya ang totoo… wala ng bawal at pagpipigil pa.

Pagkatapos magbihis ay nagtimpla si Freya ng kape para sa kanilang dalawa. Habang sumisimsim siya ng kape ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Hindi niya inaakala na darating ang sandali na magiging masaya pa silang muli ni Alexander kasama ang kanilang anak.

“You’re smiling.” Puna nito.

“Ikaw din naman, ah.”
SEENMORE

LIKE 👍

| 8
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status