LIKE 👍
“Masaya ako para sayo, Freya. Akalain mo after five years ay magkakabalikan kayo ulit. Iba talaga ang nagagawa ng tadhana. Kahit ilang taon nang nagkalayo ay sa bandang huli ay magtatagpo pa rin ang mga puso.” Tudyo ni Raven ng marinig ang kinuwento sa kanya ni Freya. Nakikita ng dalaga na talagang masaya na ang kaibigan niya. Mukhang napalambot na talaga ito ni Alexander. “Grabe pala ang nangyari kay Alexander, noh? May rason pala siya kaya ka niya piniling sinaktan. Walanghiyang doktor ‘yon kung sino man siya. Anong karapatan niya na paglaruan ang buhay ng pasyente niya. Ang sama niya!” Bumuntong-hining si Freya. Tama ang kaibigan niya. Ang sama ng taong ‘yon. Nagawa nitong manloko ng ibang tao at dumihan ang sariling propesyon. Sinayang nito ang halos sampong taonna pinag aralan. Nabanggit sa kanya ni Alexander na patatanggalan ito ng lisensya kapag nahuli. Kahit siya ay gano’n din ang gagawin sa oras na mahuli ang taong ‘yon. Namilog ang mata ni Raven nang makita ang singsing n
“Alexander, baby!” Kumunot ang noo nang lahat nang makarinig ng malakas na alingawngaw ng boses babae. May babaeng dumating. Morena at maganda. Nang makita nito si Alexander ay nagmamadali itong tumakbo para lumapit kay Alexander. May dala pa itong basket na puno ng prutas. Napa-ohh naman sina Raven at David. ‘Nangangamoy away!’ Isip-isip pa ni Raven na nakangiwing nakatingin kay Freya na tahimik lang subalit halos mag isang linya na ang kilay at umusok ang ilong sa galit. “Baby, hindi mo naman sinabi na bumalik ka na pala. Eh di sana ay nabisita kita at nadalhan ng mga prutas.“ parang walang pakialam ang babae sa paligid. Hindi man lang nito napansin na bukod kay Alexander ay may iba pang tao sa paligid. “Hi, baka hindi mo kami napansin.” Ani Raven para kunin ang atensyon ng babae. “Oh my god. May kasama ka pala, baby.” Lumapit ito kay Raven. “Hi! Ako nga pala si Celine! Kayo sino kayo? Kaibigan ba kayo ni baby?” “Baby?” Lahat ay napatingin kay Freya—kabilang si Alexander
Napabalikwas nang bangon si Freya. Pawis na pawis siya at naghahabol ng hininga ng magising siya. Naihilamos niya ang nanginginig na kamay sa mukha. “Hey, what’s wrong?” Nag aalalang tanong ni Alexander ng magising ito. “N-nanaginip lang ako ng masama.” Aniya na nanginginig pa rin ang kamay. Napatingin siya kay Alexander ng hawakan nito ang kamay niya. Nasa mukha nito ang pagtatanong at pag aalala. Ayaw niya sanang sabihin. Pero wala naman masama kung sabihin niya rito. Hindi rin naman ito magkakatotoo. “N-napaniginipan ko na… na nawala daw kayo ni Rose sa akin. S-someone shot the two of you.” Niyakap ni Freya ang sarili nang maalala ang duguang katawan ng mga ito. Kahit panaginip lang ‘yon ay hindi niya maiwasan na makadama ng takot dahil para ‘yong totoo. Kinulong siya ni Alexander sa matipuno nitong bisig. “Shhh, it was just a dream, Freya. Hindi kami mawawala ng anak natin.” “A-alam ko, Alexander. P-Pero kasi kahit panaginip lang ay parang totoo. Saka ang sabi nila kapag
Hinawakan ni Freya ang kamay ni Alexander. “Ang hirap maging single mother, no. Pero dahil nari’yan ka na hindi na mahirap… mas magiging makulay na ang buhay namin. Mas magiging magaan na at masaya kasi kasama ka na namin ni Rose.” Lumamlam ang mukha ni Alexander. Nasa mukha nito ang kasiyahan katulad ng nakalawaran sa mukha niya ngayon. Habang nagsisibak ito ay hindi niya maiwasan ang mangalumbaba habang pinapanood ito. Bawat galaw ni Alexander ay naggagalawan din ang mga muscles nito sa katawan. Dahil n*******d ito ay busog na busog ang mga mata niya habang nakatingin sa matigas nitong katawan at walong abs. Kahit pawis na pawis ay mukha itong hot— Napangiwi si Freya bigla. Nahihiya na iniwas niya ang mga mata. My go! She’s twenty-eight pero kung umasta siya ay para siyang bumalik sa pagka-teenager. Ganitong-ganito siya noon kay Alexander—palaging nakatingin mula sa malayo. Natampal ni Freya ang noo. Daig pa pala niya ang stalker noon. Wala siyang ginawa kundi ang sundan ito n
Bumuntong-hininga sina Freya at Alexander habang nakatingin sa anak nilang si Rose na ngayon ay malungkot na nakaupo sa driver seat. Hindi nito gusto na umalis sila. Sa maikling panahon na pananatili nila dito ay nagustuhan na nito ang lugar. “Rose, wag ka nang malungkot, babalik naman tayo dito, okay?” Ngumuso ito. “Kailan naman po, mommy?” Tumingin si Freya kay Alexander. Ito na ang sumagot sa kanilang anak. “As soon as possible. So don’t worry because you would see this place again.” “Talaga po? Thank you, daddy, mommy!” Napangiti na lamang si Freya. Noong una ay natatakot pa ang kanilang anak sa lugar na ‘to dahil liblib at baka maraming wild animals—subalit ngayon ay gustong-gusto na ni Rose ang lugar. Hindi na rin ito takot sa anumang hay0p na nakikita. Pati ang mga tao sa bayan ay kilala na nang kanilang anak. “She really likes here. How about you?” Kapagkuway tanong ni Alexander kay Freya. Ngumiti si Freya. “Kahit saan basta kasama ko kayo ni Rose.” Ngumiti
“Ibang klase na talaga ang mga kabet ngayon. Mukhang sila pa ang matapang.” Pinahid ni Olivia ang luha at nang uuyam na tiningnan si Freya. Gaano kakapal ang balat mo para astahan ako na parang balewala lang ang ginawa mo? Para kang reptiles. Kasing kapal ng balat mo ang pagkatao mo!” Kumuyom ang kamao ni Freya. Sa kabila ng sobrang pagkainis kay Olivia ay kalmado niya itong hinarap. Hindi siya tanga para hindi mahalata na sinasadya ng babae na ubusin ang pasensya niya at pagmukhain na masama siya sa harapan ng lahat. “Gusto mong malaman kung gaano kakapal ang balat ko?” Pinakatitigan niya ang babae ng matagal ng may pagbabanta. “Kaya nitong bumasag ng mukha, Olivia.” Napaatras ng bahagya ang babae kasama ang mga kaibigan nito. Dumaan ang takot sa mukha ng mga ito. Ngumiti si Freya sa paraang friendly. “Pero hindi ako basta mananapak lang ng tao. Hindi ako katulad ng iba di’yan na ang lakas mang provoke sa publikong lugar.” Tinuro ni Freya ang ulo. “Ginagamit ko kasi ang utak ko…
“Ibang klase talaga ang babaeng ‘yon. Walang pinipiling lugar sa pagkakalat! Ayos ka lang ba? Wag mo nalang pansinin ang Olivia na ‘yon. Alam naman natin ang totoo. Kung umasta ang babaeng ‘yon parang wala silang marriage contract ni Alexander. Palalabasin ka pang masama eh siya nga itong atat na pumirma ng divorce paper dahil sa isang bilyon!” Inis na komento ni Raven. Napailing si Freya. Wag daw pansinin si Olivia. Samantalang kanina pa nito gustong saktan ang babae. Mabilis talaga maputol ang pasensya ng kaibigan niya. “Alam mo, may hindi ako magandang kutob sa banquet na gaganapin sa sabado. Paano kung hindi lang pagpapahiya ang balak gawin ng ina ni Alexander? Mukhang magkakampi pa naman ang dalawang impaktang ‘yon. Kaya kung ako sayo ‘ihanda mo ng bonggang-bongga ang sarili mo. Sa ugali palang ng dalawang babaeng ‘yon ay mukhang may pasabog sila.” Bumuntong-hininga si Freya sa sinabi ng kaibigan niya. Kung totoo nga ang hinala nito at ni Alexander ay kailangan niya talaga
“Daddy, can you fix this?” Saka lamang napukaw si Alexander sa malalim na pag iisip ng magsalita ang kanyang anak na si Ross. Ngumiti siya at kinuha sa kamay ng anak ang Rubik cube. Habang inaayos ito ng mabilis ng ama ay nakatingin si Rose dito ng namamangha. Mahinang natawa si Alexander ng napa-ohh na naman ang anak. Ilang beses na niya itong nagawa subalit hanggang ngayon ay namamangha pa rin ito. Ang makita ang ganitong ekspresyon ng anak ay nagbibigay ng tuwa sa dibdib ni Alexander. Nawala ang bigat at mga gumugulo sa isip niya. Samantala, hindi mapigilan ni Linda ang matuwa habang nakatingin kay Rose. Nagulat hindi lamang ang babae nang dumating ang kanilang CEO na may kasamang bata, lahat ng empleyado ay nagulat at nagtaka. Bukod pa ro’n, marami ang saksi kung paano ito kausapin ng kanilang boss; may lambing at pagmamahal. Kaya kanina ng ipatawag sila ng lalaki upang ianunsyo na anak nito si Rose ay hindi na si Linda nagulat. Bilang matagal ng nagta-trabaho sa lalaki ay ala