Share

62. Ang may hawak ng lahat ng assets

“Ibang klase na talaga ang mga kabet ngayon. Mukhang sila pa ang matapang.” Pinahid ni Olivia ang luha at nang uuyam na tiningnan si Freya. Gaano kakapal ang balat mo para astahan ako na parang balewala lang ang ginawa mo? Para kang reptiles. Kasing kapal ng balat mo ang pagkatao mo!”

Kumuyom ang kamao ni Freya. Sa kabila ng sobrang pagkainis kay Olivia ay kalmado niya itong hinarap. Hindi siya tanga para hindi mahalata na sinasadya ng babae na ubusin ang pasensya niya at pagmukhain na masama siya sa harapan ng lahat.

“Gusto mong malaman kung gaano kakapal ang balat ko?” Pinakatitigan niya ang babae ng matagal ng may pagbabanta. “Kaya nitong bumasag ng mukha, Olivia.” Napaatras ng bahagya ang babae kasama ang mga kaibigan nito. Dumaan ang takot sa mukha ng mga ito. Ngumiti si Freya sa paraang friendly. “Pero hindi ako basta mananapak lang ng tao. Hindi ako katulad ng iba di’yan na ang lakas mang provoke sa publikong lugar.” Tinuro ni Freya ang ulo. “Ginagamit ko kasi ang utak ko…
SEENMORE

LIKE 👍

| 4
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status