Share

4. Muling pagkikita

Five years later...

"Kailangan mong ayusin ang problemang 'to, Alexander! Huwag mong kalimutan na may obligasyon ka!"

Pinilig ni Alexander ang ulo saka nilagok ang lamang alak ng hawak na baso. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses na ‘yon sa kanyang isip. Ang boses ng kanyang madrasta, paulit-ulit itong nag-uutos at nagdidikta sa mga bagay na kailangan niyang gawin, na para bang isa pa rin siyang bata na kailangan pasunurin. Hindi maipinta ang mukha na nilibot niya ang tingin sa paligid. Nakakabingi ang ingay sa paligid, isa ito sa dahilan kaya hindi siya mahilig dumalo sa ganitong klase ng events. Maingay, nakakairita.

Bilang CEO at tagapagmana ng Evans Industry, ang nangungunang kumpanya sa larangan ng Artificial Intelligence. May mabigat na obligasyon si Alexander na kailangan patunayan. Hindi lamang sa pamilya niya, kundi sa buong mundo. Kilala man bilang maraming napatunayan at narating, para sa kanya, kulang pa ang lahat ng natamo niya, gusto pa niyang umunlad.

Lumapit ang secretary ni Alexander na si Linda, upang magbigay ng balita sa kanya. "Sir, narito na ang CEO ng Wilson Company, nakita ko siya kanina lang na dumating.”

Tumango si Alexander sa babae. "Sige, Linda. Salamat sa impormasyon." Pagkatapos magbigay ng balita ay magalang na nagpaalam ang babae sa kanya.

Hinanap ng kanyang mata sa paligid ang CEO ng Wilson Company, si Mr Wilson, isang kilalang negosyante na may malaking potensyal sa Artificial Intelligence. Mahirap itong makausap at mahanap. Kaya kung totoong narito ang lalaki sa party na ‘to ay hindi niya dapat palagpasin ang pagkakataon na makausap ito.

Pumilig ang ulo ni Alexander ng may mahagip ng tingin ang kanyang mata. Pumihit siyang muli pagawi sa pwesto ng pamilyar na babae na kanyang nakita. “Freya?” Nang bahagyang humarap sa kanyang gawi ang babae, nanigas ang kanyang katawan sa pagkabigla.

Tama siya. Si Freya ito, ang kanyang ex-fiance.

Habang lumalakad si Freya, hindi mapigilan ni Alexander ang sundan ang bawat galaw nito. Sobra ang pagpipigil niya na huwag hawiin ang mga taong humaharang sa daanan niya para makitang mabuti ang sinusundan niyang dalaga.

Sa bawat galaw ni Freya, siya namang kislap ng makinis at maputi nitong balat. Ang V-neck dress na suot niya ay humahapit sa balingkinitan at perpekto niyang katawan. Sa bawat kanyang pananalita na may kasabay na mahinang pagtawa, ngiti, ay naghatid ng kakaibang pakiramdam sa dibdib ni Alexander.

She looked more mature and even more beautiful than she had five years ago. Her features became sharpened, her eyes held a depth they hadn't possessed before. The familiar warmth of her smile was gone, ang tawa nito ay wala ng bahid ng kainosentehan... wala nang tamis.

Nang may dumaan na waiter ay kumuha si Alexander ng malamig na champagne mula dala nito. Malaki ang hakbang na nilapitan nito si Freya.

"Freya."

Lumingon si Freya nang marinig ang malamig at pamilyar na boses. "Oh, Mr. Evans, nice to see you again." Her tone sounds flat and no emotion, katulad ng kanyang mata na walang emosyon.

Hindi inaasahan ni Alexander ang malamig na pagbati ni Freya. Ang inaasahan niya ay makakakita siya ng kaunting emosyon sa babae, kahit galit, inis—but looking at her now, parang wala itong pakialam sa muli nilang pagkikita.

Inabot ni Alexander sa rito ang champagne na hawak. May parte sa lalaki na gusto pang makausap si Freya ng matagal. "Want to have a drink?"

Saglit lang na tinapunan ni Freya ang hawak ni Alexander. "No, thank you."

Tumiim ang bagang ni Alexander. Ang kislap ng mga mata ni Freya sa tuwing kausap niya noon ay wala na. Ang magandang ngiti na para bang laging nakahanda para sa kanya noon ay hindi na niya nakita. Wala siyang makitang kasiyahan sa maliit at magandang mukha ng babae, wala maski katiting pa.

'No thank you?'

Lihim na umigting ang kanyang panga. Ang paraan ng pagsagot ni Freya ay paraan nito upang tapusin ang usapan nilang dalawa. Sa kanilang dalawa mukhang siya lang ang may gustong tumagal ang usapan nilang dalawa.

Bumuntong-hininga si Alexander at lumapit kay Freya, ngunit umurong ang babae. "Freya," nakadama na ang lalaki ng inis ngunit hindi niya ito ipinahalata.

"Bakit, Mr, Evans? May kailangan ka pang sabihin? Nay kailangan ba tayong pag-usapan?" Tanong ni Freya, pinagdiinan ang pagtawag ng 'Mr. Evans' sa kaharap.

"Nothing." Alexander said firmly. Tama ang babae, wala na silang dapat pag usapan. Awtomatikong kumunot ang noo niya nang may isang matangkad na lalaking lumapit kay Freya.

"Baby!" Masayang niyakap si Freya ng lalaki, hinalikan pa nito ang babae sa pisngi. "Kanina ka pa ba? Akala ko ba ay hindi ka makakarating? Eh di sana ay sinundo kita." malambing na kausap ng lalaki.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Freya, ngiting hindi ni Alexander sa babae kanina. Nakadama siya ng inis. Kumikinang pa ang mga mata nito habang nakatingala at nakatitig sa lalaking kayakap, parang nag uusap pa ang kanilang mga mata.

Pinilit ni Alexander na panatilihin ang composure, ngunit ang totoo ay nakadarama na ang lalaki ng pagkairita. 'Sino ang lalaking ito at bakit mukha siyang masaya?'

Mahinang pinisil ni Freya ang pisngi ng kayakap. "How sweet of you, baby. Alam mo naman na hindi ko pwedeng iwan si Rose ng basta-basta, hindi ba?" may kasiyahan at mahinang tawa pang sambit ng babae.

Alexander tilted his head, trying to maintain a calm demeanor despite the inexplicable pang in his chest. Seeing her talking while smiling with another man is giving me a sore sight. Dapat kanina pa siya umalis, pero hindi magawang ihakbang ng lalaki ang paa palayo sa dalawa. Kahit hindi niya gusto ang nakikita, hinintay niyang matapos ang pag uusap ng dalawa.

"Sino siya? At ano ang relasyon ninyong dalawa?" Malamig na tanong ni Alexander ng nakatingin lamang kay Freya ang mga mata. Hindi na siya nakatiis, nagawa niyang magtanong ng kalmado sa kabila ng kanyang inis. Kahit na halatang may relasyon ang dalawa, gusto pa rin niyang marinig ang sagot kay Freya

Nag isang linya ang kilay ni Freya sa inis. Napansin naman agad ni Alexander ang ginawa ni Freya, mukhang hindi nito nagustuhan ang tanong niya. Nahalata naman ng lalaking kasama ni Freya ang tensyon na namamagitan sa dalawa kaya siya na mismo ang nagpakilala.

Nakangiting nilahad ng lalaki ang kamay. "I'm David Wilson, CEO of Wilson Company. Nice meeting you, Mr. Alexander Evans." Matagal ng kilala ni David si Alexander. Sinong hindi nakakakilala sa isa sa sikat na bilyonaryo sa bansa?

Kumunot ang noo ni Alexander. Kung gano'n ang taong ito pala ang Potential Investor na kailangan niyang makausap. Saglit lamang na tinapunan ni Alexander ng tingin ang kamay ng lalaki, bumaling muli siya Freya, na ngayon ay halatang inis na.

Taas-noong at may katatagan na hinarap ni Freya si Alexander at walang emosyon itong sinagot. "Hindi mo na kailangang malaman kung sino at kaano-ano ko ang kasama ko, Mr. Evans. Kung sino man ang kasama ko, wala kang pakialam. Nang makuha mo ang shares ng magulang ko, at niloko mo ako, wala na tayong kinalaman sa isa't isa. Sa susunod na magkita tayo at magkasalubong, magpanggap nalang tayo na hindi magkakilala."

Nagtagis ang bagang ni Alexander. Umahon ang samo't saring emosyon na ngayon lamang ulit niya naramdaman sa nakalipas na limang taon. Seeing his ex-fiance brought back those emotions he thought were gone for good.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
yan oh diba na feel mo din kong ano ang naramdaman n freya nong sinaktan mo cia
goodnovel comment avatar
Mariel Lumbal
it's really good I like it. maunawaan mo talaga ang nraramdaman ni Freya dahil nasaktan siya ni alexander. miss a, i hope you update this story everyday. please no revenge.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status