"Ma’am Davis, siya ba ang ama ni Rose?" Usisa ni Rina ng makaalis na si Alexander. Pekeng ngumiti si Freya. "Hindi siya ang daddy ni Rose." Pagsisinungaling niya. Para sa kanya, wala nang ama ang anak niya. Ayoko nang masaktan si Rose balang araw. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari. "Siya nga pala. Kapag pumunta siya dito uli sabihin mo na nasa meeting ako. Kung mapilit siyang maghintay sa akin, bahala ka nang magdahilan para maitaboy siya." Ang isang Alexander Evans ay gustong itaboy ng kanyang boss? Nagtataka man ay sumagot ng magalang ang secretary ni Freya. "Yes, ma'am." Bumuga si Freya ng hangin para gumaan ang kanyang dibdib. Hindi niya gustong humarap sa anak niya na mainit ang ulo. "I'll go ahead, Rina. Naghihintay na sa akin si Rose." Pagkatapos magpaalam ay umalis na agad siya. Pero bago makaalis ay nakasalubong niya si David. Nang makita ng binata ang mukha niya ay agad na nahalata nito na hindi maganda ang mood niya. "Nakita ko si Alexander sa labas ng building ngay
"Damn!" Napasabunot si Alexander sa buhok. Kaya dali-daling lumabas ang secretary nitong si Linda dahil sa takot na baka madamay sa init ng ulo ng amo niya. Ang mga papeles na nasa mesa at nagkalat, ang mga dapat na trabaho ay nakatambak. Alexander was depressed. Hindi siya makapag-focus sa kanyang trabaho. Tatlong araw na siyang ganito simula ng manggaling siya sa office ni Freya. Ilang beses na rin siyang tumawag sa babae, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Nagpa-set na rin siya ng appointment pero bigo siyang makakuha dahil fully book ang schedule nito. Alexander knew that she is avoiding him, at hindi niya iyon matanggap. "What should I do?" He never asked himself what should he do next. Pero ngayon parang masisiraan na siya ng ulo. Hanggang ngayon ay tumatakbo sina Freya at Rose sa isip kanyang isip. Sinubukan niya itong alisin sa sistema niya subalit hindi niya ito magawa. Gusto niyang makita at makasama ang dalawa. Bumuga si Alexander ng hangin bago niluwagan ang su
Natandaan ni Alexander ang address ng bahay ni Freya mula sa report na binigay ni Linda sa kanya, kaya madali para sa kanya na hanapin ito. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng malaking bahay. Kumpara sa buhay nila noong magkasama sila, masasabi niyang malaki na ang pag-unlad ng buhay ni Freya ngayon. Nang mamatay kasi ang mga magulang ni Freya, naghirap siya dahil nawala ang lahat. Hindi maiwasan ni Alexander na mamangha kay Freya. Narating niya ang lahat ng meron siya ngayon dahil sa sariling talino at kakayahan. Tumiim ang bagang ni Alexander nang maalala ang mga magulang ni Freya. Ayaw man niyang aminin, ngunit isa siya sa mga dahilan kung bakit naranasan iyon ni Freya. Binigay ng mga magulang nito ang lahat ng shares sa kumpanya nila sa kanya, kapalit ng pagpapakasal nilang dalawa. Subalit ano ang ginawa niya? Sinaktan niya ang anak ng mga ito at hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Naging duwag siya at naging gago. Pinili niyang saktan ito at hinayaang umiyak. Pumikit si Al
"Yes, Uncle!" Hindi napigilan ni Alexander ang mapangiti dahil sa nakakahawang sigla ni Rose. Pero agad din siyang kumunot ang noo nang marinig ang nakikiusap na boses nito. "Uncle, pwede po bang paki-gawa ng pabor? Please po?" Agad siyang napatayo at tinanong ang bata. Nag-aalala siya dahil sa boses ni Rose. Bumaba ito at parang problemado. "Bakit? May problema ba, Rose?" "Please, Uncle, pumunta ka sa school ko... please? Busy si Mommy kaya hindi siya makakapunta. Mahalaga po ito, Uncle. Sana po makapunta ka." Kahit hindi niya nakikita si Rose, nahuhulaan niyang nakanguso ito habang nagsasalita. At iyon ang nagpa-cute sa kanya sa kanyang imahinasyon. Napahawak si Linda sa dibdib sa gulat nang malakas na buksan ni Alexander ang pinto. "Kanselahin mo lahat ng appointment ko, Linda. May mahalaga akong pupuntahan." "Pero, Sir, ang Mommy mo gusto kang makausap— anong nangyari do'n kay Sir? Parang nag-iba ang kilos niya nitong nakaraan ah." Naibulalas ni Linda, nakalimutan na hawak ang
Sobra ang kaba na nararamdaman ni Freya nang bumaba siya ng kotse. Sino nga ba naman ang hindi kakabahan? Tumawag sa kanya ang prinsipal at sinabi na sinundo na daw ni Rose ang kanyang daddy. Wala si yaya dahil day off nito ngayong araw, at imposible rin naman na si David ang sumundo sa kanyang anak dahil nasa Hongkong ito ngayon. Wala siyang ibang kakilala na maaaring sumundo sa kanyang anak dahil nang mawala ang kanyang mga magulang at maghirap sila, parang bula na nawala ang lahat ng kanilang kamag-anak. Kumunot ang noo ni Freya nang makita ang pamilyar na pigura sa swing malapit sa homeroom ni Rose. Nagmadali siyang lumapit at mahigpit na niyakap ang bata. "Rose, ano ang ginagawa mo rito? Ang sabi sa akin ng prinsipal ay sinundo ka daw ng kung sino—" natigil siya sa ere nang makita si Alexander na prenteng nakaupo sa swing habang kumakain din ng ice cream. "Ikaw?! Ano ang ginagawa mo rito... at saka bakit kasama mo ang anak ko?" Kung ganoon, siya nga ba ang sumundo sa kanyang anak
"Freya, magsalita ka, ayos ka lang ba? Ano 'yong narinig ko? N-nadigrasya ka ba? My god, please sagutin mo naman ako, nag-aalala na ako," Hindi kayang sagutin ni Freya si Raven. Takot na takot siya habang nakatingin sa mga lalaking nakapalibot sa kotse niya. Lahat sila ay nakasuot ng kulay itim, nakatago ang kanilang mukha dahil nakasuot sila ng itim na Bonnet Mask. "Freya!" Nag-aalalang tawag sa kanya ni Raven. Hindi niya magawang alisin ang cellphone sa tapat ng tenga niya... nanginginig siya sa takot. Napapitlag ang katawan niya ng katukin ng isang lalaki ang salamin ng kanyang sasakyan. Ayaw man niyang buksan ito, wala siyang nagawa dahil may lalaking nakaupo sa hood ng kotse niya, may hawak siyang baril at nakatutok sa kanya. "Ang tagal mo naman magbukas ng bintana, miss. Wala naman kaming balak na masama sayo 'gusto ka lang namin kausapin." Sumenyas ito sa cellphone na hawak niya. "Tapusin mo na ang pakikipag-usap di'yan, dalian mo dahil sasama ka sa amin. Sabihin mo sa kausa
Dinala nila si Freya sa isang villa. Habang hila siya, panay ang palag niya. Ayaw niyang sumama sa kanila dahil natatakot siya na may masamang balak ang mga ito sa kanya. Gusto niyang tumakbo, ngunit nakatali na ang kanyang mga kamay at binusalan ang kanyang bibig para hindi siya makasigaw at makahingi ng tulong. Mukhang abandonadong gusali ang pinagdalhan sa kanya dahil napapalibutan ito ng mga nagtataasang talahib. "Wag ka nang pumalag, puta ka!" sigaw ng isang lalaki. "Uhmmp!" Nasaktan si Freya ng diinan ng lalaki ang hawak sa kanyang braso. Kinaladkad siya ng lalaki na parang isang bagay. Naiiyak siya sa sakit, pakiramdam niya ay mababali ang kanyang buto. Bakit ba nangyayari ito sa kanya? Wala naman siyang natandaan na may ginawan siyang masama sa kahit na sino. Hindi siya gumanti sa kahit na sino, hindi siya nanakit... bakit sinasapit niya 'to? Kapag nawala siya, paano na ang kanyang anak? Pagkatapos nilang itali si Freya sa upuan, nagawa pa nilang magtawanan habang nagkukwent
“BANG!” Malakas na putok ng baril ang narinig ni Freya kasabay ng tilamsik ng likido sa kanyang balat. Nakarinig siya ng magkakahalong boses... may nagsasabi na "ligtas na siya" at may nagsasabi din na "nakawala ang isa, habulin ninyo." Nanginginig si Freya sa takot... hindi niya magawang imulat ang kanyang mga mata dahil natatakot siya sa maari niyang makita. "Freya!" Narinig niya ang boses ni Alexander na tumatawag sa kanya. "A-Alexander..." Iyon lamang ang namutawi sa labi niya. Nanghihina siya, nanlalambot ang katawan niya, hindi na niya kayang tumayo pa... nang makita ni Alexander na pabagsak na siya ay mabilis siyang tumakbo para saluhin siya. "A...akala ko mapapahamak na ako... akala ko w-wala nang magliligtas sa akin, ahhh!!!!" Lahat ng takot, sakit ng kanyang dibdib ay pinakawalan niya lahat... humahagulgol siya sa dibdib ni Alexander habang yapos siya nito. "T-takot na takot ako... a-akala ko hindi ko na makikita ang anak ko!" Ayaw niyang makita ng ibang tao kung gaano s