Kirot at sakit….
"Ahhh! Tangina talaga... ang sakit!" Daing ni Oliver habang hawak ang kanyang balikat na may tama ng bala. Kinuha niya agad ang susi ng motor at pinatakbo iyon para makalayo sa lugar. "P*ta ang malas! May checkpoint sa buong lugar!" Nang may makitang tindahan ay nagtago siya sa gilid kasama ang kanyang motor. Nagsuot siya ng jacket para itago ang duguan na balikat. Kailangan niyang magtiis sa sakit, daplis lang naman ang tama niya kaya magagawa niyang magtiis ng hanggang limang oras. "Ahhh... hayop ka, Domeng, kasalanan mo 'to. Hindi ka nag-iingat kaya natunton tayo... dahil sa katangahan mo kaya kayo namatay ng mga kasama mo... inutil ka!" "Boy!" Tawag ni Oliver sa batang dumaan, mukhang bibili ito sa tindahan. "May alam ka bang paupahan sa lugar na ito? Yung malapit lang... hindi lalabas sa barangay na 'to." "Meron po, sa bandang likuran po!" "Samahan mo ako... bibigyan kita ng isang libo!" Alok niya sa bata. Alam niya na kapag may suhol mas madaling kikilos ang mga tao, mapabata
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakabaril ng tao si Alexander. Pero ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng matinding galit. Nang makita ni Alexander na hawak ng lalaki si Freya bilang hostage, nagdilim ang paningin niya sa sobrang galit. Nanginginig ang kalamnan niya, gusto niyang durugin ang lalaki sa mismong kamay niya at pagbayarin siya sa ginawa niya. Pero nang makita niya ang luhaang mukha ni Freya... ang takot sa kanyang mata... narealize niya na hindi lang siya galit. Ang mga kamay niya ay nanginginig dahil sa takot na baka mawala si Freya sa kanya. Natatakot siya na baka sa isang maling galaw niya ay malagay sa panganib ang buhay ni Freya. Nanginginig si Freya habang karga niya, damang-dama niya ang umaapaw na takot ni Freya... napakaputla ng mukha ni Freya, pati ang kanyang labi ay nanginginig pa... naririnig niya ang paulit-ulit na pasasalamat ni Freya kasabay ng pagbigkas niya sa pangalan ng kanyang anak. Napamura siya sa isip niya. Bigla niyang naalala ang na
"Salamat, prinsesa ko," sabi ni Freya at hinalikan ang noo ng anak niyang si Rose. "Sige na, manood ka muna, mag-uusap lang kami nila Tita at Tito." Utos niya sa bata. "Tsk. Mukhang nag-aalala pa rin sayo ang lalaking iyon, Freya," wika ni David nang makaalis ang anak ni Freya. "Sino?" tanong ni Freya. "Sino pa nga ba, eh si Alexander," sagot ni David. Pabagsak na umupo ito sa sofa, may ngisi ito sa labi habang umiiling-iling. "Nakita ko siya sa bar noong nakaraan." Lumaki ang ngisi nito bigla. "Gusto ko lang naman malaman kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya na may kalandian ako. Aba ang gag0, balak yatang basagin ang buong mukha ko." "Teka, ang ibig mo bang sabihin ay nagseselos si Alexander, gano'n ba?" Tanong ni Raven kay David, pero sa akin ito nakatingin, tinitingnan ang reaksiyon ni Freya. Nagseselos? Naalala ni Freya bigla ang nangyari. Kahit kailan ay hindi pa niya nakitang magalit ng ganoon si Alexander. Oo, malamig ito at laging walang ekspresyon. Pero
Freya POV: Di ko mapigilan ang makadama ng awa sa anak ko habang yakap-yakap siya. Pagkarating ko galing sa Police Station ay tulog na ang anak ko. Dito muna kami sa bahay ni Raven ngayong gabi. Pagod na pagod ako… hindi lamang ang katawan ko, maging ang puso ko. “Hindi mo matatago habang buhay na si Alexander ang ama niya, Freya. Hangga’t nagkakalapit silang dalawa, malaki ang posibilidad na malaman iyon ni Alexander.” Naalala ko ang sinabi ni David pagkahatid niya sa akin kanina. Tama siya, may posibilidad nga na malaman niyang anak niya si Rose. Bago ako lumabas ng kwarto ay binalot ko siya ng blanket at hinalikan sa noo. Napatalon ako sa gulat ng pagkalabas ko ng kwarto ay nakatayo si Raven sa labas, may puting fask mask sa buong mukha. “Ano ba, balak mo ba akong patayin sa gulat?” Hating-gabi na pero naisipan pang maglagay ng kung ano-ano sa mukha. Hindi ko alam kung nagkataon lang ‘to, o nananadya itong manakot. “Ughh… kailangan ko ‘to, noh. Masyado nang natutuyp ang
Freya POV: Pagkarating ko sa bar ay agad kong binigay ang susi ng kotse ko sa parking boy na naroon. Napansin ko ang mga reporters na nakaabang sa labas ng naturang lugar. Mabuti nalang at nakasuot ako ng sumbrero kaya hindi ako nakilala ng mga ito. Saka mabuti nalang din ay hinaharang ito ng mga bantay kaya hindi nakapasok ang mga ito sa loob. Sumalubong sa ilong ko ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Patay-sindi man ang ilaw ay sapat na iyon para makita ang kapaligiran. Pero kataka-taka na walang ingay sa loob. Nasaan na ang mga tao? Nang makapasok ako, napansin ko ang nagkalat na basag na bote sa paligid. May napansin din akong nagkalat na dugo. Hindi ito dapat pero bigla akong kinabahan at nag-alala para kay Alexander. Paano kung sa kanya galing ang dugong narito? Kailangan niyang magamot agad. Gano’n na lamang ang panlalamig at paninigas ng aking katawan ng makita ko Olivia na nakatayo sa tabi ni Alexander—naglalaro ang kakaibang ngiti sa labi ng babae, na parang tin
Freya POV; Agad akong inalalayan ni David ng muntik na akong matumba. “Mabuti pa ay ihahatid na kita. Look at you… nanginginig ka. Talagang may epekto pa rin sayo ang gag0ng ‘yon. Mabuti nalang at nandito ako. Paano kung wala ako? Eh di napahiya ka?“ Hindi ako nakasagot. Hanggang sa makabalik ako sa bahay ni Raven ay wala akong kibo. Nag-aalala man ay hindi nalang muna nag-usisa si Raven. Umiling-iling nalang ito habang sinusundan ako ng tingin. Pagdating sa kwarto kung nasaan si Rose ay tahimik an sumandal ako sa pinto. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang aking katawan. Kanina lang ang tapang-tapang ko, pero ngayon ay parang wala akong lakas. Ang tanga ko! Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi ako magpapa-apekto kay Alexander kung sakali man na magkrus muli ang landas ang aming landas. Pero ano itong nangyayari sa akin ngayon? Bakit ko hinayaan ang sarili ko na madala ng damdamin ko? Bakit hinahayaan ko ang aking sarili na ma-attached sa lalaking may asawa na? Niloko niya
Alexander POV: Limang araw ng mainit ang ulo ko at hindi makapagtrabaho ng maayos. Wala ako sa tamang huwisyo. Maski ang trabaho ko ay hindi ko na natatapos. Hindi mawala sa isip ko si Freya. May alaalang lumilitaw sa isip ko na niyakap ko siya. Damn! Mukhang panaginip lang ‘yon. Sa kagustuhan kong makasama siya kung ano-ano na ang lumilitaw sa isip ko. “Damn… what?!” Halos maglabasan ang ugat ko sa leeg sa sobrang galit ng marinig ang sumbong ng driver kong si Ted. “P-Pasensya na, Sir. H-hindi ko ginusto na papuntahin doon si ma’am Freya. Pero mapilit si Ma’am Olivia. B-binantaan niya ako na tatanggalin sa trabaho kung hindi ako susunod sa kanya.” Napakadilim ng mukha ko nang lumabas ako ng kotse. Sa loob ng limang taon namin na pagiging mag-asawa ay ngayon lamang ako pumunta sa working place ni Olivia. Lahat ng madaanan ko ay takot na napaiwas sa dilim ng aura ko. Galit na galit ako kay Olivia ngayon. Gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niyang pagpapahiya kay Freya. “Al
Alexander POV: “Mommy!” “R-Rose! A-anak!” Umiiyak na tumakbo agad si Freya para salubingin si Rose ng makita ito. Agad na nag-unahan sa pagtulo ang luha sa maganda nitong mukha. Banaag ang labis na pag-aalala nito para sa anak. “D-Diyos ko akala ko ay may nangyari na sayo. Pinag-alala mo si mommy.” Naphikbi si Rose ng makita ang luhaang mukha ng kanyang ina. “S-Sorry po, mommy… sorry po pinag-alala po kita… h-hindi ko na po uulitin…. Huhuhu… sorry po, mommy, dahil naging bad girl po ako. N-nagsisisi na po ako, dahil po sa akin kaya umiiyak ka! Sorry po, mommy…” Habang nakayakap si Freya kay Rose ay hindi ko maiwasan na tingnan ang kalagayan niya. Wala pang ilang oras na nawawala ang anak nito pero para na nitong napabayaan ang sarili ng ilang araw. Namamaga ang mata ni Freya at magulo ang buhok. Kapansin-pansin din ang paos na boses nito. Mukhang kanina pa ito umiiyak. Mukha itong miserable. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang tagalan ang paninitig sa nakakaawa